Chapter 1

1207 Words
Luisa “Ouch” nabitiwan ko ang hawak kong hotdog sandwhich habang kagat kagat ko ito nang hindi inaasahang may bigla na lang bumunggo sa akin. “Ano ba yan, tumingin ka nga sa dinadaanan mo” bulyaw ko sa taong nakabanggaan habang pinupulot ang hotdog sandwhich kong nalalaglag, itatapon ko na lang ito sa basurahan. “Kainis, nagugutom pa naman ako” bulong ko sa sarili. “Miss I’m sorry, papalitan ko na lang” sagot namang ng lalaking nakabanggan ko. “Hindi na..” sigaw ko ng mabaling ako dito ngunit agad din akong natahimik ng tila ba namahika ako sa taglay nitong kagwapuhan. Tumayo ako saka muli itong hinarap. “Hindi na ako gutom” sagot ko sa malumanay na paraan. “Sure ka? Sorry ah, bawi ako promise. Sorry late na kasi ako” saka ito tumalikod at tumakbo papasok sa kampus. Naiwan akong natulala at tinatanaw lang itong makalayo hanggang sa naramdaman kong may pumalo ng bahagya sa ulo ko. “Hoy, bat nandyan kapa? Tara na” agaw pansin sa akin ni Charice. Si Charice ay isa sa pinaka matalik kong kaibigan dito. Halos madalas kaming magkasama. May mga ibang kaibigan din ako dito sa campus ngunit siya talaga ang pinaka sa lahat. Pinaka maganda, pinaka mabait at higit sa lahat..pinaka bayolente. “Kailangan talaga mapanakit?” Baling ko dito saka ko ito sinundan ng lakad. Tumatawa itong tumingin sa akin na agad ko ring sinimangutan. Umakbay ito sa akin saka nag sorry. Hindi naman ako nagagalit, nagkukunwari lang kaya naman sabay kaming pumasok sa loob ng classroom at sa huli, nagkakatawanan na lang. During breaktime, hindi nawawala sa isip ko ang lalaking nakabanggaan ko. Iniisip ko ang suot nito ngunit hindi ko maalala kung ano ba ang saktong itsura noon. Ang tanging alam ko lang ay nakasuot ito ng kulay blue. “Kung bakit ba naman kasi hindi ko tinignan ang name tag nito eh,kainis” bulong ko sa sarili nang biglang tapikin ni Charice ang balikat ko. “Hoy, bubulong bulong ka diyan. Ang lalim ata ng iniisip mo” sabi ni Chairce at saka ako tinabihan sa upuan. “Friend, ano nga bang course yung kulay blue yung suot. Alam ko nakita ko na yun eh hindi ko lang maalala anong course yun” tanong ko dito. “Sa criminology yun, bakit mo naitanong” napapalatak pa ako ng kamay saka napangiti. “Ayun, bakit hindi ko ba naisip agad” sabi ko na tila ba may nabubuong kapilyahan sa isip ko. “Bakit?” Tanong ni Charice. “Ah wala, pupuntahan ko kasi yung pinsan ko. Hindi muna ako sasabay sayo ng lunch ah” sabi ko dito na sinangayunan din naman nito. Habang nagka klase, hindi ko mapigilang isipin ang lalaking nakabanggan ko. Excited ako sa lunch time dahil pupunta ako sa building nila, magbabakasaling mahanap ko siya. Hanggang sa tumunog ang bell, hudyat na lunch time na. Agad akong tumayo at nagpaalam kay Charice. Naglakad ako patungo sa building ng criminology hanggang sa makita ko sila Stephanie at Crisel na mukhang patungo rin sa building ng criminology students. Tinawag ko ang mga ito. “Saan kayo pupunta?” Tanong ko dito. “Pupunta sa crim building, pupuntahan lang namin ang boyfriend ni Stephanie” sagot ni Crisel. “Sama ako” sagot ko naman. Sumangayon naman ang dalawa kaya mabuti at may kasama ako sa kabilang building. Hanggang sa narating namin ang building ngunit bago kami tumuloy, bumili muna si Stephanie ng mineral water para daw sa boyfriend niya. Nag e exercise daw ang mga ito at nagpapabili ng tubig. Naisip ko ring bumili ng tubig upang habang nagtatanaw tanaw ay may maiinom. Nakapasok kami sa loob at dumiretso kami sa quadrangle. Nandoon ang mga estudyante ng criminology para sa exercise nila. Kami namang tatlo, naupo sa may katabing waiting area ng quadrangle habang naghihintay makatapos ang mga estudyante. Mabuti na lang at may dala akong tubig kaya uminom muna ako dahil sa init. Nilapag ko ito malapit sa mineral water na pinaglagyan ni Stephanie saka muling luminga linga sa mga estudyanteng ngayon ay tila patapos na sa exercise nila. Isa isang nagalisan ang mga estudyante at ang isang grupo ay papalapit sa gawi namin. Nakita ko si Stephanie na ngumiti hanggang sa may lumapit na isang lalaki at hinalikan ito sa labi. Pinunasan naman niya ito ng pawis. “Napagod kaba babe?” Sabi ni Stephanie “Hay, grabe ang init” sagot naman nito saka muling pinunasan ni Stephanie ang ulo maging ang likod nito. Nilagyan ni Stephanie ng bimpo sa likod ang boyfriend niya saka naman nagtawanan at nangasar ang mga kasama nito. Ngunit ang isang lalaki sa grupo ay nakatayo lamang at nakatanaw sa quadrangle habang nakapameywang. Tinawag ito ng boyfriend ni Stephanie. “Dex, tubig” lumingon ito at saka lumapit. Napatingin ako dito na tila ba ako muling natigilan. Tinignan ko lang ito habang papalapit at saka ito dumiretso sa pwesto kung saan nakalagay ang mineral water ko. Agad nitong binuksan at saka ininom. Napasinghap ako ng makita ko ang labi nito ay lumapat sa mineral water na pinaglapatan din ng labi ko. Pinigilan ko ang sariling tumili ngunit huli na, may bahagyang tili ang lumabas sa bibig ko kaya naman agad ko itong tinakpan ng palad ko. Napatingin sa akin ang lalaking tinawag ng boyfriend ni Stephanie na ‘Dex’. “May problema ba miss?” Tanong sakin nito. Tinuro ko siya at ang hawak niyang mineral saka ako nagsalita. “Sakin kasi yan” sabi ko. Lumapit ito saka idinikit ang tainga sa bibig ko. “What?” Tanong nito. “I said, that’s mine” saka nito tinignan ang mineral water na halos mauubos na niya. “Oh, I’m sorry” saka nito muling iniabot sa akin ang mineral water. “I’m sorry, papalitan ko na lang..Ooppss” natigil ito nang makitang tinanggal ko ang kamay sa bibig ko. “Mukhang madami na akong utang sayo ah” sabi nito. ‘s**t, naalala ba niya ako’ bulong ko sa isip ko. “Huh? Beket nemen” sagot ko naman na tila walang maalala kunyari. “Nalaglag yung kinakain mong hotdog kanina, ngayon naman itong tubig mo halos maubos ko na. Ang dami ko nang utang. Paano ba bumawi miss?” Muling tanong nito. Ngumiti lang ako saka ako yumuko. Nagpunas ito ng pawis saka nito hinubad ang suot nitong tshirt. Tumambad sa mata ko ang hubog nang katawan nito. Tila slomo pa na nagfe flex ang abs nito sa harapan ko. “s**t” bulong ko. “What?” Binalingan ko naman ito. “Ah, eh basa na ako, i mean, yung tshirt mo basa na” sagot ko dito ‘s**t, luisa, anong sinasabi mo’ saway ko sa isip ko. “Ah, ok lang, may pamalit naman ako” sagot naman nito. Nagtuloy lang ito sa pagpunas ng pawis hanggang sa umalis ito at kinuha ang bag na nasa may waiting area din. Kinuha nito ang pamalit na tshirt saka bumalik sa pwesto ko. Ngumiti ito sa akin habang papalapit. “By the way, I’m Dexter” iniabot nito ang kanang palad sa akin. “Luisa” saka ko tinanggap ang palad nito at nakipagkamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD