Chapter 2

1134 Words
Luisa Nang sumunod na araw, dala dala ko lang sa bag ko ang mineral water na pinaginuman ni Dexter. Kada mahahawakan ko ito, napapangiti ako na ikinapagtataka naman ng kaibigan kong si Charice. Hindi ko naman ito pinapansin. Nakita ko si Stephanie saka ko tinanong kung pupunta ba ulit ito sa criminology building. Tumango ito saka ako nagpresintang sasama. Nang mag tanghalian, pumunta kami sa criminology building. Nagpaalam ulit ako kay Charice na hindi ako sasama sa kanya mag lunch ngunit nang araw na yun, wala daw si Dexter sabi ng ka grupo niya. Hindi daw ito pumasok. Kaya naman bumalik ako agad sa canteen upang puntahan si Charice. “Oh, kanina lang ang saya saya mo bakit ngayon parang biyernes santo ang mukha mo?” Tanong nito. Hindi ko ito pinansin saka ako sumubo ng pagkain. Sa halip na magmukmok, dumiretso na lang kami ni Charice sa library upang masimulan ang ginagawa naming thesis. Nasa ikaapat na taon na kami sa kurso naming BS Tourism kaya naman puspusan ang pagaaral namin upang makatapos at makuha ang trabahong pinapangarap namin, ang maging Flight Attendant. Natapos ang araw at nagkanya kanya kami ng uwian. Dumiretso ako sa palengke kung saan nagtitinda si Nanay ng isda habang si tatay naman ay namamasada ng jeep, kasama ng tatay ni Charice. Agad akong nagmano sa nanay saka ito tinulungan sa pagtitinda. “Anak ako na diyan, madudumihan ang uniporme mo” saway sa akin ni Nanay. Kinuha nito ang hawak kong isda saka ako pinaupo sa gilid. “May apron naman nay” sagot ko dito. “Hindi na, mabuti pa ikaw na ang bumili ng ulam na iluluto para mamayang hapunan. Ikaw na rin ang magluto” utos ni nanay saka ako inabutan ng pera pangbili ng ulam. Habang namimili ako ng pansahog kong baboy, nakita ko si Stephanie na bumibili naman ng karneng manok sa katabing pwesto. Nakita ako nito saka ako nilapitan ng makuha niya ang biniling manok. “Luisa, gusto mo sumama mamaya?” Tanong nito. “Saan?” Sagot ko naman. “May laro sila Louie ng basketball mamaya sa may plaza, practice game nila kasama din ng mga classmate nila. Sama ka, nood tayo” aya nito. “Anong oras ba yun?” Alanganin ko namang sagot. “Mga 8pm start ng laro” tila ba ako nagisip ng dahilan upang hindi makasama nang bigla itong magsalita. “Kasama si Dexter” natigilan ako saka biglang tumango. “Ok” walang kaangal angal na napa oo ako nang malamang kasali si Dexter sa laro. “Sabi ko na nga ba sasama ka eh. Kanina pa sana kita aayain kaya lang hindi kita nakausap agad” sabi pa ni Stephanie na bahagya ko lang kinatawa. “Hindi naman, wala rin naman kasi akong gagawin mamaya kaya pumayag na rin ako” pagdadahilan ko. “Hmm kunwari kapa, obvious naman na bet mo si Dexter girl. Ramdam kita hmp” kinalabit pa ako nito sa braso na pangiti ngiti. Sinagot ko lang din ito nang ngiti. “O siya, mamaya ah. Tawagan tayo” paalam nito. Nagpaalam na rin ako at saka binilisan ang pamimili para maaga makaluto. Nang makarating sa bahay, hinanda ko agad ang mga sangkap sa pagluluto ng sinigang na baboy. Agad kong hinugasan ang karne at saka sinalinan ng tubig sa kaserola saka isinalang sa kalan. Habang naghihiwa ako ng mga ingredients,pakanta kanta rin ako ng “I think I’m in love” ni Kuh Ledesma. “Wow, mukhang masarap ang ulam natin mamayang hapunan ah” bati sa akin ng nakababata kong kapatid na si Leonel habang pinanonood ako sa kusina. “Siyempre, kailan ba ako nagluto ng hindi masarap huh?” Sagot ko naman dito. “Hindi ate, mukhang masarap kasi mukhang inspired ka ngayon. In-love ka noh,uuuiiii” biro naman nito na sinamahan pa ng pangiti ngiti. Binatukan ko ito sa ulo na agad naman din nitong ikinatawa. “Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong pati ikaw maluto” bulyaw ko dito. “Si ate inlove, uiii” patuloy pa nitong pangaasar habang papalayo. Inismiran ko lang ito at nagpatuloy sa pagluluto. Nang makapag luto ay agad akong umakyat sa kwarto upang makapaligo at makapaghanda sa pagalis. Tumunog ang cellphone ko, nang makita ko kung sino ang tumatawag, nakita ko ang naka rehistrong pangalan ni Stephanie, agad ko itong sinagot. “Yes Steph?” Sagot ko “Nagbihihis na ako, daanan na lang kita diyan sa inyo. Nagdala ako ng sasakyan” balita nito. “Ah sige sige, nagbibihis na rin ako. Thank you ah. Ingat ka” sagot ko naman saka ko pinatay ang tawag. Nagumpisa akong maligo at magbihis. Hirap pa nga ako mag desisyon kung ano ba ang isusuot ko. “Shorts ba o palda? Hmm.. Pantalon kaya?” Paulit ulit kong tinitignan sa salamin kung ano ba ang bagay na isuot hanggang sa makayamutan ko ang paulit ulit na pagbibihis at pagpalit ng damit. Nang muling tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text. “Otw na ako” text message galing kay Stephanie. “Aarrgghhh Luisa ano ba, mag decide kana ano isusuot mo” nagdadabog pa ako nang matarantang papunta na si Stephanie ngunit hindi pa rin ako bihis. Sa huli, napagdesisyunan kong mag palda na lang. tinernuhan ko ito ng sleeveless top at nagsuot din ako ng denim jacket at puting sneakers. Ang buhok ay inilugay ko na lang dahil sa tingin ko hindi na ako aabot kung magaayos pa ako ng buhok. Naglagay rin ako ng konting face powder, pang kilay at kaunting lipstick. Tumawag ako sa nanay upang ipaalam ang pagalis ko. Sinabi ko na ring nakaluto na ako kaya naman hindi na rin ako nito pinigilan. Saktong pagka labas ko ng bahay upang abangan si Stephanie sa gate, natanaw kong paparating na ang sasakyan nito. Huminto ito sa tapat ko saka ako sumakay. “Ikaw lang?” Tanong ko dito. “May lakad sila Crisel at family niya eh kaya tayong dalawa lang” sagot naman nito. “Ahh kaya ka pala nagaya, wala ka pala kasama eh” biro ko naman dito. “Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga” natawa din ito na sinangayunan ko rin naman. “Tsaka isa pa iba tingin mo kay Dexter, naisip ko baka interesado ka rin” dugtong pa nito. “Shocks, obvious ba ako?” Tanong ko dito na may pagaalala “Hindi naman pero since babae ako, babae ka, woman’s instinct lang yung sa akin” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Steph. “Tsaka sabi ng boyfriend ko, single pa daw yun eh” dugtong pa nito. Napaisip akong bigla na tila ba may halong kilig. ‘s**t’ “Ahhh” sagot ko dito na tila patay malisya lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD