The 9th CHAPTER

2820 Words
Laszlo's POV. Akala ko ay sanay akong ganito ka pero hindi pala. Ibang iba ang pakiramdam ko kapag nasa ganito tayong sitwasyon tapos nasa likod mo lang ako. Ang hirap hirap mong i-approach. Nakakatakot ang dating mo. Iyang mga mata mo parang pumapatay dahil sa talim mong tumingin. Kung pagmamasdan mo talaga siya ng mabuti masasabi mong kahinahinala yung mga ngiti niya. Pero kung may pinag-aabalahan kang iba.. hindi mo mahahalata. Para siyang pagibig. Kung titingin ka sa iba hindi mo mamamalayang nakakasakit ka. Kase yung atensyon mong hinihingi niya, binibigay mo sa iba. Hahahahaha. "Tayo din?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Kusa na akong lumapit sa kanya. Alam kong hindi na naman ang magiging sagot niya. Tch. "Smile ka ha? Yung hindi pilit." Nanatili akong nakatingin doon sa camera ng cellphone ko. Tumingin siya sa akin. Hindi gulat yung mukha niya pero gulat yung dating niya. Aigoo. Ang hirap mo talagang basahin. Dapat ikaw lang yung tinitignan at pinagmamasdan. Tch. Kailangan talaga sobrang faithful. Tsk. Pero 'di bale.... Faithful naman ako. Hahahhaa. Sa tunog ng camera ay napatingin siya. Pinindot ko na naman iyon. Ngumiti siya. Pinindot ko na naman. Mas lamang ako pagdating sa picture, gorilla. BWAHAHAHA! Sa hindi inaasahan ay humakbang siya paatras. Napatingin naman ako sa kanya. "Tama na 'yon, sobra na." Walang reaksyong sabi niya. Napangiti ako. "Ge, mamaya ulit." Tatlo 'yon. Masaya na ako do'n. Iba't ibang itsura ang ginawa niya. Samantalang yung kanila ni callis pilit na ngiti. Hahaha. "Una na ako sa barko." Seryosong aniya. Sumunod naman ako sa kanya. Hindi pwedeng alisin ko sa kanya ang paningin ko. Lalo na't nasasarapan akong pagmasdan siya. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na parang nasaktan siya sa ginawa ni callis. Pero hindi sapat na paghinalaan ko siya gamit ang mga salita niya. Kung nasasaktan siya bakit hindi namumuo ang mga luha sa mga mata niya? Hindi ba't gano'n yung mga babae? Kahit anong pilit nilang itago yung nararamdaman nila hindi nila kay---Pero hindi siya gano'n!! Aish! Sa hindi inaasahan ay muntik na siyang matumba sa kalagitnaan ng paglalakad namin patungo sa barko. Sa gulat ko ay hindi ko napaghandaan kung saan ko siya hahawakan at sa hindi inaasahang pangayayari ay nahawakan ko siya sa baywang. Bahagyang nakunot ako ng noo bago lumaki ang aking mga mata nang maramdamang iba ang temperature niya. Mainit siya!!! Agad akong nakaramdam ng kaba. Bakit hindi niya sinabing masama yung pakiramdam niya??!! "Z-zhaf m-medyo m-mainit ka.." Kinakabahang sabi ko. "I'm fine." naglakad na siya papalayo. Sumunod naman ako. Naguguluhan ako, na parang hindi. Kinakabahan ako sa mga ginagawa niya. Masama na ang pakiramdam niya't hindi siya nagsalita. Nag-aala din ako, makiramdam ka naman. Nang makarating kami sa barko ay agad niyang hinablot yung bag niyang bitbit ko. Pinagmasdan ko lang siya. Kinuha niya yung cellphone at headset niya. Sumandal siya do'n sa upuan na parang normal lang sa kanya yung init na nararamdaman niya. Kasabay no'n ay ang pagpikit niya. Bakit hindi mo sinabing masama ang pakiramdam mo? Sana'y nagpahinga ka na lang. Sasamahan naman kita dito. Hindi ka mag-isa, kasama mo ako. Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala siya. Naka white short and black t-shirt na maluwag lang siya pero ang lakas ng dating niya. Kadalasan talaga yung mga simpleng babae ang mas maganda. Natural beauty huh. Napangisi na lang ako at pumunta sa isang maliit na clinic dito sa loob ng barko. Humingi ako ng gamot sa lagnat at agad na bumalik sa kanya. Sa hindi inaasahan ay napatitig na naman ako sa kanya. Ano nga ba ang dahilan mo at nanatili kang sumama kahit masama ang pakiramdam mo? Nasasaktan ako ngunit wala na akong karapatang iba kun di ang pagmasdan siya sa malayo't kundi naman ay ang pagbantay sa kanyang likoran. Wala na akong karapatang iba kun di ang tignan lang siya. Bawal ko siyang suwayin sa mga bagay na ikakasama ng tingin ng ibang tao sa kanya dahil nga wala akong karapatan at saka wala naman siyang pake kahit ang dumi na ng pangalan niya sa ibang tao. I softly touched her using my finger. Agad siyang nagmulat at tinignan ako pagkatapos ag agad siyang bumangon sa pagkakahiga at tinanggal ang headset. "Oh." Abot ko sa kanya ng gamot. "Ano yan?" Tanong niya. "Poison." Hahahaha. Trip ko mangasar. Maasar ka sana. Nang hihiga siya ay hinawakan ko siya sa likod. "Biro lang. Gamot 'to ng lagnat. Napakaseryoso mo, kanina pa." Halatang masama ang pakiramdam niya dahil wala siya sa modo makipag-biruan. Hindi tulad kaninang umaga. Bwiset kaseng babae yun e. Nakakainis. Ang sarap balibagin, HMP! Hinablot niya iyon at kinuha ang hawak kong tubig. "Gomowo." Parinig ko sa kanya. Kanina pa siya ganyan. Nang sumandal siya ay sumandal na rin ako. Tumagid ako't bumaling sa kanya. Ako'y nakaharap sa kanya mula sa aking pagkakahiga at siya'y nakahiga lang ng deretso. Para sa akin ay masama ang ginagawa niyang ganyan pero naiintindihan ko namang masama ang pakiramdam niya. Kaya hinahayaan ko na lang. At saka yan yung bad side niya. Hindi ko naman yun tinitignan at inaalala. Ang tinitignan ko ay yung good side niya. Ang sa 'kin ay kung ginagawa niya ang mga ayaw ko ay iniisip ko kung ano pa kaya yung mga good side niya. Mas nakakaexcite yung gano'n. Ang gago naman kung lalayuan ko siya dahil lang sa nakita ko yung bad side niya. Mas thankful pa nga ako kung pinapakita niya yung bad side niya dahil nagpapakatotoo siya. Kaysa naman yung ang angel ng ugali niya pero sa kabila non napakasama pala ng totoong ugali niya. Tsk. Alam kong masama ang pakiramdam niya pero parang mas nangingibabaw parin ang kalungkutan niya. Nakakasakit din na malungkot siya ngayon dito sa piling ko. "Hindi ko alam kung naririnig mo ako ngayon o hinde.. Kanina ka pa wala sa sarili. Ni isang salita wala lumalabas sa bibig mo. Ano ba ang bumabagabag sa 'yo? May side akong hindi mapakali. May side din namang masaya." Sinat lang naman ang meron ka. Pero parang wala lang yun sa 'yo. "Kung mananatili tayo sa ganitong sitwasyon solo kita. Pero pilit naman ang mga ngiti mo. Anong silbi no'n? Malungkot ka pa din sa katotohanan. Nahalata ko. Oo. Pero hindi ko alam yung dahilan mo. Hindi pa nga ako sigurado dahil ang hirap mong basahin." Kahit sa kanya ka lang nakatingin mahirap parin. "Kung nasa dating sitwasyon tayo. Mukhang totoo naman ang mga ngiti at tawa mo. Kahit wala ako sa tabi mo, nasa likod mo naman ako. Siguro mas okay na ako sa gano'ng sitwasyon kaysa ngayon na nararamdaman kong malungkot ka." Ibang iba ang mood niya kahapon. Sana nanatili na lang siyang gano'n. Nakakapanghinayang. "Ilang minuto kitang pinagmasdan Zhafee Lith Fabiane. Pero hindi iyon sapat para sabihin kong malungkot ka. Kung totoong malungkot ka, ang galing mong umarte. Kaninang umaga ang saya mo, yung ngiti mo abot hanggang langit. Ang galing mo pang mang-asar. Tapos kaninang tanghali naglaho bigla, simula nang dumating yung babaeng maldita. Biglang wala kang naging reaksyon. Tapos no'ng naglakad tayo patungo sa cr nang-asar ka bigla. Yung sumunod na pangyayari ay normal lang yun. Ako man ay naging seryoso bigla nang makita yung malditang babae kanina sa table natin. Ang seryoso mo sa minutong 'yon. Pero bigla ay ngumiti ka kay callis no'ng nasa harap na tayo ng ocean park." Naiinis ako sa una ngunit no'ng tumagal ay hindi na. "Nagiging interesado na ako sa nararamdaman mo zhafee. Sa kabila ng pagiging tahimik mo ay madami ka din palang tinatago. Mamisteryoso ka din palang tao. Kung totoong malungkot ka ngayon. Bibilib siguro ako sa 'yo. I might say you're strong and brave. Hindi ko alam ang dahilan mo pero mukhang ang bigat bigat ng dinadala mo---" Gumalaw siya!!!! Tumaligid siyang nakapikit! At saka dahandahang iminulat ang magkabilang makikislap niyang mata! Sa pagkakataong ito...masasabi kong deretso ang tingin namin sa isa't isa Maldo andwae. Sa kabila ng matalim mong mata, para palang anghel 'pag ang lapit na. Ang ganda niya talaga. Inenjoy ko na yung moment na 'yon. Once in a blue moon lang 'yon. Hahaha. Hindi nagtagal ay umupo siya. Gano'n din ako ngunit labis ang saya kong bumangon. "Aigo." Tinig ko kasabay ang pagliit ng aking mga mata.. "Tinitigan mo ako diba?! Diba?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Aniyo." Sagot nito. "You're dreaming," Dagdag niya pa. Nangunot noo ako. Minsan na nga lang mangyari, itatanggi mo pa. Hmp! Nanatili akong nakatingin sa kanya nang biglang mawala ang ngiti sa labi niya. Sa ginawa niyang iyon ay nawala rin ang ngiti ko. Agad naman na tinignan ko kung saan siya nakatingin. Kay kalis. Kasama niya yung barkada niya at saka sila voan. Magkakatabi lang sila habang papalapit dito sa barko pero kung titiignan mong mabuti ang mga mata niya, nangingibabaw ang tingin niya kay kalis. Bumaling ako kay zhaf. "Tsk" singhal ko. Mas lalong nadagdagan ang hinala ko. Nagiging halata ka na...kanina pa. Pero pilit parin na binubulong ng utak ko na hindi 'yon sapat para paghinalaan kita. "Ano ba ang meron sa mukha ko at hindi mo maalis-alis yang paningin mo?" Tanong niya nang nakatingin pa rin sa kanila. Nanatili naman akong walang reaksyong nakatingin sa kanya. Walang epekto sa akin yung tanong niya. "Ano rin ba ang meron at bigla na lang nawala ang ngiti sa iyong labi?" As usual tumingin lang siya nang walang mababasang reaksyon sa mukha niya. Ganyan siya sa pinas. Pero hindi ako sana'y na ganyan siya dito. Nakasayanan ko na yung modo niyang masaya kahapon. Can you just stay like that, my babylady. Hmm? Nawala agad ang titigan namin nang magsalita si kalis sa kanyang kabilang tabi.Tch, Kontrabida. Bumaling na ako sa iba at hinayaan sila. ~~baaagggg~~ Sa gulat ay agad akong napatingin kung saan nanggaling ang tunog na iyon, mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang pamilyar na bag sa sahig, agad na tinignan ko ang katabi kong nakahulog niyon. Tulala siya sa malayo! Agad at gulat kong hinawakan siya sa balikat "Okay ka lang?!" Nanghihina ang mga mata niya. Hinawakan niya ako sa braso. "I-i'm f-fine." Pilit na sabi niya at ngumiti!! Hindi 'yon normal na ngiti, hindi din naman pilit. Damn! Pinapakaba ako ng ngiti mong yan! Nanatili kami sa gano'ng sitwasyon ng magsalita siya. "I-i'm fine. Maari mo na akong bitawan." Tinig niya. Dahan-dahan kong tinanggal ang magkabilang kamay kong nakahawak sa braso niya at pinagmasdan siyang sumandal. Mukhang pagod na pagod na siya. Just rest. I'll make sure that no one will disturb you. Kailangan ko munang palampasin ang mga pinaggagawa nilang masama sa 'yo dahil wala ka pang alam sa mga pinaggagawa ko. Ayoko din namang mag-overthink ka sa mga galaw ko. Just wait, baby. Hindi nagtagal ay bumalik si kalis galing cr. Ngiti-ngiti pa ang loko. Nakakasakit ka, hoy. Makiramdam ka naman. Kikimkimin ko muna ang galit ko sa 'yo dahil 'yon lang muna ang magagawa ko, sa ngayon. Kung wala akong plano, sana ngayon ay namumuo na ang mga dugo sa mukha mo. Pero wala parin ako sa posisyon para gawin iyon dahil hindi ko alam ang ugnayan niyo. Wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan lang si zhaf hanggang sa makarating kami sa second destination. Tumayo na silang lahat nang aksidente namang napatingin ako kay kalis na kagigising lang. Hahawakan niya na sana si zhaf ngunit agad na tinapik ko yun. "Maiiwan daw KAMI. Sinabi niya kaninang nag-cr ka." Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin na masama ang pakiramdam niya dahil baka magalit siya. Kahinahinala naman na ayaw niyang ipaalam sa kanila dahil sinasabi niyang 'i'm fine, i'm fine' eh halata namang nanghihina siya. At saka ayaw ko din namang istorbohin siya sa pagtulog dahil siguradong kailangan niya ng pahinga. Masama yung pakiramdam niya tapos pipilitin niya yung sarili niya para hindi lang nila mahalata. Tch. Don't worry, ahm here beybe. Tsk. "Ge, tignan mo na lang siya." Naglakad na siya papalayo. Parang wala siyang pakeng magkasama kami ha. Nays. "Why did you lie?" Anang tining ng sobrang pamilyar na boses!! Natigil ako sa gulat. Nawala ang paningin ko sa kanila at dahan-dahang bumaling kay zhaf.. Napapikit na lang ako nang makita kong nakapikit siya.Pagmulat ko naman ay naka tingin na siya ng deretso sa akin!!! "Nagtatanong ako." Mahinhing sabi niya ngunit ang lakas ng dating niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Ang lapit lang ng mukha namin. "A-akala ko t-tulog ka?" "Hindi ko 'yon narinig kung tulog ako." Walang reaksyong sabi niya at umupo na. "Masama ang pakiramdam mo kaya hindi ko hinayaang gisingin ka ni kal---" hinawakan niya ako sa braso. "Ang lamig ko na oh. Masama pa ba 'yon?" Walang reaksyong sabi niya. Hindi naman sa gusto mo akong makasama, hehe. Huminga ako ng malalim. "Kung gusto mong pumunta sana'y bumangon ka. Gising ka naman pala e.. nagpapanggap ka lang." Sabi ko. Sa loob loob ko ay gusto ko siyang makapagpahinga. Pero kailangan ko munang sabihin ang mga salitang hindi tugma sa nararamdaman ko, sa ngayon. Tumingin naman siya sa akin. "You have a point though." Tumayo na siya at naglakad patungo sa cr. Nakangiti akong pinagmasdan siya. Solo na naman kita. Nays.. Zhafee's POV. "Bakit ba kase hinayaan kong ipagawa sa kanya ang mga bagay na 'yon?!" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. "Pa'no kung gagawin niya na naman ang mga iyon tapos wala na kami sa ganitong sitwasyon? Ngayon lang ako ganito. Baka sinasanay na niya." Dag dag ko pa. Bigla ay nangunot noo akong nakatingin sa salamin habang ang aking mga kamay ay nakapatong sa lababo. "Pero diba ngayon lang kami nagkikita? Oo, wala na siya sa pinas. Balik na ulit ako sa dati pag-uwi ko." Singhal ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot. Nakakalimutan kong ibang iba ako ngayon kaysa sa pinas. Nakakalimutan ko ang pagkatao kong iyon kapag kasama ko siya. Pero agad na bumabalik iyon kapag si callis na ang kaharap ko. Pilit na saya at tago'ng lungkot ang nararamdaman ko 'pag kaharap ko siya. Bumalik ako kay laszlo nang walang reaksyon. Ayokong maging masaya sa harapan niya. Ayoko din namang maging malungkot. Sinusubukan kong magpanggap sa harapan ng lahat pero kakaiba 'tong isang 'to. Kahit isang sulyap man lang sa isang bagay 'pag kasama niya ako ay parang hindi niya magawa. Nasa akin lang yung tingin niya pero hindi ako naiirita. Ngayon lang na may nakatitig sa akin ng gano'n katagal pero hindi big deal. Naiilang lang naman ako 'pag tinitigan ko na siya. Tsk. "Mabuti't hindi pizza at ice cream ang nakahanda ngayon sa harapan mo?" Bungad ko nang makita ang dalawang pisaro ng coffee sa table ng upuan. "It's getting colder." Ngumiti siya. Umupo naman ako. Hindi ko alam munit parang may epekto ang naging dating sa akin ng sinabi niya. "This is my favorite flavor. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya ito na lang yung kinuha ko. Tutal parang same naman tayo ng taste haha." Usal niya habang inaabot ang kape. Tinanggap ko naman iyon. Nang tikman ko iyon ay agad ko itong nalasahan. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin parin pala siya sa akin. Humihigop siya ng kape habang nakangiting nakatingin sa akin. Sobrang pamilyar ang kape na 'to sa akin dahil ito rin ang pinaka ayaw ko!!! Napaubo ako ng pumasok na iyon sa lalamunan ko. "You okay!?" Alalang sabi niya. Tuloy pa rin ako sa pag-ubo. "B-bakit ito y-yung inorder m-mo?!!" Sigaw ko sakanya. Tumingin ako sa kanya. Mukhang hindi naman niya sinasadya. Okay. I will let this one slide. "As I said yan yung paborito ko. Hindi mo ba nagustuhan?" "H-hindi." Deretsong tugon ko habang tinatapik niya pa rin ang likod ko. Aish. Ang panget ng lasa! "Sorry, hinintay na lang sana kita. Pasensya na." Paumanhin niya. Tinignan ko naman siya. Kung hindi lang sincere ang mukha mo ngayon nasapak na kita. Ito ang pinaka ayokong lasa! Aish!! "Oh." Tinig niya nang mapansin niyang may inaabot ako. Kinuha niya ang tubig na inaabot ko. Binuksan iyon at pinainom sa akin. Kung kanina pa niya ibinigay iyan ay hindi na sana ako natagalan sa pag-ubo. Ang dami ko pa namang nainom dahil akala ko ay parehas talaga kami ng taste. Sa pizza lang pala. eysh. "Ano bang gusto mo? Kukuha nalang kita ng bago." "Huwag na." Sersoyong angil ko at kinuha ang headset ko. Bumalik sa dating postura ko kanina. "Let me rest." Sabi ko. Plinay ko ang music. "K-katutulog mo lang kanina." Bulong niya pero narinig ko. Just want to relax. Not sleep. "Leave me alone for an hour. Okey?" "Tsk." Singhal niya. Just for an half hour. I'll spend my 30 with you. Don'worry. - End of this Chapter - Preview? I'm not jealous. I'm just in pain. It hurts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD