Zhafee's POV.
Nasa kalagitnaan na kami ng aquarium pero wala pa rin ako sa sarili. Tuloy lang sila sa pagtingin ng mga isda at pagbasa kung anong klase ang mga isdang 'yon. Normal lang din ang galaw ko para sa kanila.
Ramdam kong kanina pa ako pinagmamasdan ni laszlo dahil nandyan lang siya sa tabi ko. Si callis naman ay tuloy ang pakikisama kay hale.
Grabe. Parang wala lang sa kanya yung nangyari.
Walang reaksyong lumapit ako sa hawakan ng mga isda. Ramdam ko ding sumunod si laszlo. Hinawakan ko ang mga 'yon gamit ang isang kamay ko. Bigla naman ay nakiliti ako. Agad na inialis ko iyon. "Tsk." Singhal ko.
Aksidenteng nalingonan ko si laszlo na nasa likod ko pala. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. "Oh" abot niya sa isang panyo. Kinuha ko lang iyon. "Gomowo." Parinig niya nang isauli ko 'yon sa kanya. Wala parin ako sa modo para ngumiti.
*Translation: Thank you.
Nasasaktan ako ng sobra.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ngunit ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig.Busy naman silang lahat e.'Tong isang unggoy lang ang nakamasid sa akin.
"Zhafee, picture tayo!" Bigla ay sumulpot si callis sa harap ko. Dahil sa gulat ay napaatras ako. Pilit akong ngumiti sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa mukha niya.
Ni isang katiting hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata ko.
"Hale, papicture." Abot niya sa kamera. Ngumiti lang ako ng pilit. Mabuti't nakukuha ko pa ang ngumiti ng pilit kahit parang bumabagyo na ang mga luha sa puso ko.
Aksidenteng napatingin ako kay laszlo sa gilid ni hale. Nakita ko yung bag ko.
Oo nga pala. Pinabuhat ko sa kanya. Wala muna akong balak kunin yan hanggang sa makabalik kami. Mukhang kahit sa pagbuhat ng bag ko ay masaya na siya.
Nakakagaan din pala ng loob kapag may napapasaya kang tao na galing sa simpleng bagay.
Sumunod naman kami sa sea lion show. Buong palabas ay parang wala akong nakita. Lutang ang utak ko. Habang ang puso ko ay patuloy sa pag-iyak.
"Picture tayo!" Si callis na naman. Napatigil na naman ako at bahagyang napatitig sa mukha niya, habang palapit siya't tumabi sa tabi ko.
'Maniniwala ako kapag nagpanggap kang malungkot ka kahit masaya ka pero kapag nagpapanggap kang masaya kahit malungkot ka, huwag ka ng umasa na maniniwala ako dahil simula pagkabata iyon ang aking nakasanayan na itsura mo.'
'Kapag nagpapanggap kang masaya kahit malungkot ka, huwag ka ng umasa na maniniwala ako.'
'Kapag nagpapanggap kang masaya kahit malungkot ka, huwag ka ng umasa na maniniwala ako.'
'Kapag nagpapanggap kang masaya kahit malungkot ka, huwag ka ng umasa na maniniwala ako.'
K-kasinungalingan.
Mas lalong bumigat ang dinadala ng puso ko. Paano lumabas sa bibig mo ang mga salitang pinaniwalaan ko pero hindi totoo?? Hindi mo ugaling magsabi ng hindi galing sa utak mo, callis. Ugali mong magsabi nang galing sa puso mo.
"One. Two. Three!" Bilang ni hale. As sual pilit ang ngiti ko. Nasa gano'n kaming sitwasyon nang lumapit naman si laszlo. "Tayo din?" Mahinhing pagkasabi niya. Siya lang yung hindi normal ngayon. Hindi siya nangungulit simula nang sumeryoso ako kanina. Halata na ba ako? Tsk. Nevermind. Nag-iisip na naman ako ng dahilan ng pagkapaasa ko.
Tumabi ako sa kanya. Yung sapat lang para makita yung mukha ko sa kamera. Selfie yung ginagawa niya. "Smile ka ha? Yung hindi pilit."
Gulat akong tumingin sa kanya. Sakto ay may narinig akong tunog ng camera. Sa hindi inaasahan ay napatingin ako sa cellphone niya. Tumunog na naman.
Ngumiti na ako. Alam kong ipipindot niya na naman 'yon, matapos niyon ay humakbang na ako paatras sa kanya. "Tama na 'yon, sobra na." Sabi ko.
"Ge, mamaya ulit." Ngumiti siya. Normal yung ngiti niya. Hindi nangaasar o ano. Hindi tulad kanina o kahapon. Ewan ko pero gumaan ang pakiramdam ko sa ngiti niyang 'yon. Parang dinadamayan ako. Parang kino-comfort ako.
"Ate, penge pera. Bili lang kami doon ng souvenir." Si zhas. Binigyan ko naman siya. Silang dalawa ni hale. "Una na ako sa barko." Baling ko kay callis. Tumingin ako ng deretso sa mata niya.
Pakiusap, basahin mo ang sinasabi ng aking mga mata. Pakiusap.
"Cge, bilhan na lang kita." Nakangiting tugon niya.
Nadagdagan ang bigat ng puso ko. Bakit? B-bakit parang hindi mo na ako kilala? Hindi mo na ako mabasa. Ni isang basa sa mga mata ko wala. Ni isang aksyon para mabawasan yung nararamdaman kong sakit dahil sa 'yo, wala.
Pabalik na kami sa barko nang manghina ako. Napatigil ako sa paglalakad nang makaramdam ng hilo, muntik na akong matumba ngunit sinalo naman ako ni laszlo. Hinawakan niya ako sa bewang. Ilang segundo kaming nanatili sa gano'ng sitwasyon dahil hindi ko talaga makontrol ang aking tuhod.
Pinilit kong tumayo. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "Z-zhaf m-medyo m-mainit ka.."Alalang sabi niya.
Mainit ba ako? Palihim kong hinawakan ang aking kamay sa likod.. Maiinit nga ako. Hindi ko man lang naramdaman.
Tumingin ako sa kanya ng deretso. "I'm fine." Ngumiti ako sa kanya at naglakad pabalik sa barko, wala parin ako sa sarili. Maliit lang na bagay iyon ngunit hindi niya alam kung pa'no ngayon iyon bumabagabag sa kalooban ko.
Pagdating namin do'n ay agad na kinuha ko yung bag ko sa kanya. Kinuha ko yung headset at cellphone ko.
Inadjust ko yung upuan.Ipinikit ko ang aking mata at nagpatugtug. Sa ganitong paraan lang ako nakakapagrelax.
♪ How long will I love you?
♪ As long as the stars above you.
♪ And longer if I can.
Nakakalungkot isipin na parang hindi na maibabalik yung dating ako.
♪ How long will I need you?
♪ As long as the season need to,
♪ Follow their plan.
Sana'y maghimala, sana'y may taong ako'y mapapasaya. Ako'y aasa dahil yun na lang ang aking magagawa.
♪ How long I will be with you?
♪ As long the seas bounds to,
♪ Wash upon the sand.
Bakit nga ba nagbago ang taong inaasahan ko? Na sana'y siya ang aayos sa puso ko.
♪ How long will I want you
♪ As long as you want me too---
Bigla ay may humawak sa akin gamit ang isang darili. Bahagya akong nainis.
Aish. Panira.
Iminulat ko ang aking mata at tinanggal ang headset sa aking tenga. Bumungad naman sa akin si laszlo. Umupo siya sa tabi ko. Nanati naman akong nakatingin sa gawain niya."Oh." Abot niya sa isang gamot."Ano 'yan?" Tanong ko.
"Poison." Nang-aasar na tugon niya, ngunit hindi natatawa.
Tch.
Hihiga na sana ako ulit nang hawakan niya ako sa likod. "Biro lang. Gamot 'to ng lagnat. Napakaseryoso mo, kanina pa."
Halata nga sa kanya. Ayoko na rin namang magsinungaling dahil nakakarami na ako sa kanya.
Kinuha ko iyon at linunok. Inabot niya naman yung tubig. "Gomowo." Parinig niya na naman. Humiga na ako at pinagpatuloy ang pagtugtug.
Ito ang paraan ko para makaiwas sa pagsabi ng nararamdaman. Ang pagiging tahimik.
Ramdam kong humiga din siya. "Hindi ko alam kung naririnig mo ako ngayon o hinde.. Kanina ka pa wala sa sarili. Ni isang salita walang lumalabas sa bibig mo. Ano ba ang bumabagabag sa 'yo? May side akong hindi mapakali. May side din namang masaya." Panimula niya. Ramdam kong tumingin siya sa 'kin.
Pilit kong hindi dinggin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya pero hindi ko magawa. Naririnig ko ang pinapatugtug kong musika ngunit nangingibabaw ang tinig niya. Background music na ang naging silbi nito.
"Kung mananatili tayo sa ganitong sitwasyon solo kita. Pero pilit naman ang mga ngiti mo. Anong silbi no'n? Malungkot ka pa din sa katotohanan. Nahalata ko. Oo. Pero hindi ko alam yung dahilan mo. Hindi pa nga ako sigurado dahil ang hirap mong basahin." Walang tonong sabi niya.
Hindi ko maintindihan. Sa pagkakataong ito parang nawala lahat ng nasa isip ko. Lahat ng nangyari parang nawala bigla. Lahat ng sakit napawi bigla. Sa pagkakataong ito... Masasabi kong may kasama ako.
"Kung nasa dating sitwasyon tayo.. Mukhang totoo naman ang mga ngiti at tawa mo. Kahit wala ako sa tabi mo...nasa likod mo naman ako. Siguro mas okay na ako sa gano'ng sitwasyon kesa ngayon na ako ang nasa harap mo ngunit nararamdaman ko naman ang lungkot mo." Sinserong tinig niya.
'Kahit wala ako sa tabi mo...nasa likod mo naman ako. Siguro mas okay na ako sa gano'ng sitwasyon kesa ngayon na ako ang nasa harap mo ngunit nararamdaman ko namang malungkot ka.'
'Kahit wala ako sa tabi mo...nasa likod mo naman ako. Siguro mas okay na ako sa gano'ng sitwasyon kesa ngayon na ako ang nasa harap mo ngunit nararamdaman ko namang malungkot ka.'
'Kahit wala ako sa tabi mo...nasa likod mo naman ako. Siguro mas okay na ako sa gano'ng sitwasyon kesa ngayon na ako ang nasa harap mo ngunit nararamdaman ko namang malungkot ka.'
Paulit-ulit yan sa pandinig ko. Kasabay no'n ay ang t***k ng puso ko.
B-bakit kailangang tubibok ang puso ko. B-bakit kailangang t-tugma ang sinasabi mo sa n-nararamdaman k-ko?
"Ilang minuto kitang pinagmasdan Zhafee Lith Fabiane. Pero hindi iyon sapat para sabihin kong malungkot ka. Kung totoong malungkot ka, ang galing mong umarte. Kaninang umaga ang saya mo, yung ngiti mo abot hanggang langit. Ang galing mo pang mangasar. Tapos kaninang tanghali naglaho bigla, simula nang dumating yung babaeng maldita. Biglang wala kang naging reaksyon. Tapos no'ng naglakad tayo patungo sa cr nang-asar ka bigla. Yung sumunod na pangyayari ay normal lang yun. Ako man ay naging seryoso bigla nang makita yung malditang babae kanina sa table natin. Ang seryoso mo sa minutong 'yon. Pero bigla ay ngumiti ka kay callis no'ng nasa harap na tayo ng ocean park."
Mukhang wala ka ng ibang ginawa kun 'di pagmasdan ako. Masarap naman sa pakiramdam pero may side na hindi, dahil mukhang nagiging mahina ako sa harapan niya.
"Nagiging interesado na ako sa nararamdaman mo zhafee. Sa kabila ng pagiging tahimik mo ay madami ka din palang tinatago. Mamisteryoso ka din palang tao. Kung totoong malungkot ka ngayon. Bibilib siguro ako sa 'yo. I might say you're strong and brave. Hindi ko alam ang dahilan mo pero mukhang ang bigat bigat ng dinadala mo---"
Humarap ako sa kanya. Iminulat ang aking mga mata. Pinagmasdan ko siya.
Ang daming lumabas sa bibig mo, at lahat 'yon nagpagaan ng nararamdaman ko. Halos sinabi mo lahat ng gusto kong marinig.
Pa'no mo nagawa 'yon?
Sa panahong masaya ako ay nandoon siya. Sa panahon na naaasar ako ay nandoon siya. Sa panahong gusto kong mangasar dahil malungkot ako ay nandoon siya. Sa panahon na wala akong masabi ay nandoon siya. Sa panahon na gusto kong magmasid ay nandoon siya. Sa panahon na malungkot ako ay nandoon siya. Sa panahon na wala akong pag-asang ngumiti ay nandoon siya. Nandoon siya sa panahon na kailangan ko ng magpapasaya sa akin. Nandoon siya sa panahong kailangan ko ng karamay.
N-nandito ka sa panahon na nawala yung taong inaasahan kong aayos sa akin.
At i-ikaw yung dahilan kung bakit nalaman kong hindi na siya yung taong aayos sa akin.
Hindi ko itatangi na sa sandaling ito ay ikaw ang nagpaalis sa sakit na nararamdaman ko.
Tinigilan ko na ang pagtingin sa kanya dahil naiilang na ako. "Aigo." Tinig niya. Umupo ako. Gano'n din siya.
"Tinitigan mo ako diba?! Diba?!" Masayang tanong niya.
"Aniyo." Sagot ko ko. "You're dreaming," nang-aasar na tugon ko.
*Translation: No.
Ngumuso siya. Napangiti naman ako. Sa hindi inaasahan ay nalingonan ko ang pamilyar na mukha. Nawala na naman ang ngiti sa aking labi.
Kasama niya si drake, nicole, voan, hale, zhas at bella..
Naghiwahiwalay na sila nang makarating sila sa barko. "Tsk." Singhal ni laszlo. Napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin. Bawat galaw ko talaga inaalam niya."Ano ba ang meron sa mukha ko at hindi mo maalis-alis yang paningin mo?"Walang tonong tanong ko.
"Ano rin ba ang meron at bigla na lang nawala ang ngiti sa iyong labi?"
Kunot-noo ko siyang tinignan. W-what?
"Zhafee, para sa 'yo." Anang tinig ng pamilyar na boses. Tinignan ko iyon. Keychain. "Thanks." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Cr lang ako." Paalam niya. Hindi ako kumibo. Nasaktan ako sa nakita ko kanina.
Kinuha ko yung bag ko at inilagay iyon. Itinaas ko pa at pinagmasdan. Bagay sa kulay ng bag ko.
~~baaaaaggggg~~
Sa hindi inaasahan ay nahulog 'yon. "Okay ka lang?!" Agad na hinawakan ako ni laszlo sa balikat. Nanghina bigla ang mga buto ko. Pilit kong tinignan siya. "I-i'm f-fine." Pilit na sabi ko, habang inaalala ang biglaang panghina ko.
Nanlalabo na ang aking paningin pero pinagmasdan ko parin siya. Alalang-ala ang itsura niya ngayon lumaki din ang kanyang mata na animong parang lalabas na.
Ngayon lang ako nakakita ng ganyang reaksyon sa mukha na alay para sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "I-i'm fine. Maari mo na akong bitawan." Dahan-dahan niya akong binitawan. Sumandal agad ako sa upuan. Inilagay ang headset sa aking tenga at pinikit ang aking mata, nagpanggap na parang istado ang kalagayan ko. Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
Ibang-iba siya ngayon. Ginugulat niya ako sa mga galaw niya. At sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Kung umasta siya parang matagal na kaming magkasama at magkakilala.
Ang hindi ko malilimutan sa araw na ito ay kung paano niya ako pagmasdan at paano siya sinabi ang mga salitang hinihingi kong marinig.
'Kung mananatili tayo sa ganitong sitwasyon solo kita. Pero pilit naman ang mga ngiti mo. Anong silbi no'n? Malungkot ka pa din sa katotohanan.'
'Kahit wala ako sa tabi mo...nasa likod mo naman ako. Siguro mas okay na ako sa gano'ng sitwasyon kesa ngayon na nararamdaman kong malungkot ka.'
'Sa kabila ng pagiging tahimik mo ay madami ka din palang tinatago. Mamisteryoso ka din palang tao. Kung totoong malungkot ka ngayon. Bibilib siguro ako sa 'yo . I might say you're strong and brave.'
I'll treasure it all. Gomowo.
- End of this Chapter -
Preview ?
Kung titingin ka sa iba hindi mo mamamalayang nakakasakit ka. Kase yung atensyon mong hinihingi niya, binibigay mo sa iba.