Laszlo's POV
"Weyt lang. TUTULONGAN KO SI ZHAF." Parinig ko kay kalis. At tumalikod na.
Parang mas nagugustohan niya si kalis kaysa sa akin pero si kalis yung dahilan kung bakit mas napapalapit ako kay zhaf. Dahil sa mga pang-aasar nila sa akin pero okay na din 'yon napapangiti ko naman siya. Once in a blue moon lang yun. This past few days nga nagugulat ako sa kasayahan niya. Ibang iba sa zhaf na kilala ko. Inaasar niya ako at gusto ko iyon. Napapangiti ko siya kapag nakikita niyang asar na asar ako kahit minsan hindi. Pagpapanggap lang ang mga ilan. Kahit nakanguso lang ako buong araw para makita yung ngiti niya okay na sa akin. Mas mabuti na yung may napapala. Nakakainis nga lang kapag dumating yung asungot na yun. Sinisira niya yung moment naming dalawa. Pero okay na din. At least paminsan minsan nasa akin yung atensyon niya kaysa sa hindi niya man lang ako masulyapan kahit ang daming babae na ang nakakapalibot sa akin.
Eksaktong paglingon ko ay eksakto ding may nakatapon sa damit ni zhaf! At hindi ko alam kung kape o juice ba yon! Malamig ba o Mainit!!
Agad akong nakaramdam ng kaba. Bahagya akong nagulat. Mabilis ang pangyayari. "Zhaf!!!" Sigaw ko. Agad akong tumakbo at pumagitna sa kanila. Agad kong hinawakan ang dalawang braso niya.
Nakahinga ako ng kaonti nang makitang juice 'yon. Ibig sabihin malamig!!! At ang masama mukhang hindi lang yung damit niya ang nabuhusan! Pati yung loob ng katawan niya! Parang sinadya!
Agad na tumingin ako sa mukha niya. Nakatingin lang siya doon sa babae. Wala kang mababasang reaksyon sa mukha niya. "O-okay ka lang?" Kinakabahang tanong ko. Mukhang sasabog 'to.
Dahan-dahan siyang tumingin sa 'kin. "M-malamig?" Kinakabahan paring tanong ko. "Hmm."
Mukhang tinapunan ako ng napakainit na kape, kumulo bigla ang dugo ko dahil sa galit.
Humarap ako do'n sa babae. "Sinadya mo?" Kalmado ngunit galit na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam ngunit hindi ko maipaliwanag kung gaano ako naiinis ngayon! Bahagyang napalikom pa ang kamao ko.
"Hindi."
Huminga ako ng malamim. "Bella!!" Boses ni kalis. Agad na pumunta siya sa likod ni bella.
Nanatili akong nakatingin do'n sa babae. Nakikita ko lang ang paggalaw ni kalis sa gilid ng mga mata ko.
"Kung gano'n, bakit gano'n na lang ang karami at kakalat sa kanya?" Pinipigilan ang galit na tanong ko.
"Dahil masyadong malapit?" Nakakairita 'to dahil nandito akong galit tapos siya nakangiti lang.
Lumapit ako sa mukha niya ngunit bigla ay agad na pumagitna si kalis at hinawakan naman ni zhaf yung braso ko. Napatigil ako sa pangyayaring iyon.
Ano bang inaasahan nilang gagawin ko?!!!
Kunot-noo kong tinignan ang mata ni kalis.
Huwag mong sabihing may relasyon kayo?!!
"Ako na ang kakausap sa kanya.."
Gago ba 'to?!!!
"Zhafee!" Tinignan niya si zhaf at tumango bilang pagpapaalam.
Tch! Walang kwenta! Mas inuuna mo pa ang babaeng yan kaysa dito sa reyna!? Alam mo-- Hmppp!! Mas pinipilipi ka 'tong babaeng gusto ko kaysa sa akin tapos ganyan lang?! Sasama ka sa babaeng walang kwenta?! Alam mo talaga?!--- Hmppp!!!!
Nanggigil ako!!!!!!
Humarap ako kay zhaf. Hinawakan ko yung braso niya pang-alalay at tumalikod na. "May extra t-shirt ako. 'Yon na lang yung gamitin mo."
"Huwag mo akong hawakan."
Nahihiyang tinanggal ko ang pagkakahawak sa kanya. Bumalik kami sa table. Agad na pumunta ako sa upuan at kinuha yung bag ko. Inilabas ko yung t-shirt na paborito ko.
Nakangiting lumapit ako sa kanya. Nakikipagkwentohan siya kay zhas na malake ang mata. Gulat na gulat. Hahaha.
"Oh." Masayang bigay ko sa kanya ng damit ngunit.....tinignan niya lang iyon! Nang tignan ko ang hawak niya. 'Yong bag niya!!
Pero?!!!
Nanguso na naman ang bibig ko. Inis na ibinalik ko iyon sa bag.
"Halika ka na!" Inis na sabi ko sa kanya. "Sasama ka?" Tanong niya.
"Tch. Malamang halika na nga e dba." Bulong ko saka nag-iwas
Naglakad na siya. Hinabol ko naman siya, siyempre. "Ba't wala kang sinabi kanina?" Tinig ko.
Inis siyang tumingin sa akin. "Pa'no ako makakapagsalita?! Alam mo ba kung gaano kalamig yun ha?! Hindi ako makagalaw kanina! Mas inuna mo pa ang pakikipagtalo dun kaysa ang alalayan ako."
La.
"Woi! Inalaayan kita kanina pero ang sabi mo 'heweg me ekeng heweken se breso.'!!" Arteng sabi ko.
Lumake naman yung mata niya. "Hoy!!! Alam mo ba kung gaano ka katagal nakipag-usap dun kanina ha?! Yung bawat segundo na nakipag-usap ka tumutulo sa katawan ko yung lameeg!!"
"Eh bakit hindi ka nagmadaling magpalit?" Asar na tanong ko.
"Eh kasi nga malamig!!"
"Ayon nga malamig, pero nakatayo ka lang dun at walang ginawa. Tapos hindi ka pa gumanti. Tch! Wala ka pala e! Hahaha!" Asar na sabi ko.
Kunot-noo niya akong tinignan. "Eh ikaw?!! Daig mo pa ang nabuhusan ng napakainit na kape! Sabi sabi ka pang 'bekit geno'n ne leng eng keremi et ekekelet se kenye?' hahahaha! Yung galit mo kanina parang bulkan! Tapos y-yung ilong mo ang daming lumalabas na usok! ta--hahahhaha!t-tapos ang e-ending.. hahahahaha!! b-balak m-m-mo palang halikan si bella!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Tawang-tawa talaga siya. Iniwan niya ako sa ere. Ako naman ay nakatulalang tinitignan siya papalayo.
Napangiti ako ng bumalik ako sa huwisyo.
Ibang iba talaga siya... Grabe!.... Mas lalo akong nahuhulog!! Arghhhh! ZHAFEE LITH!!!!! kinikilig ako.
Nakangiti akong sumandal sa gilid ng pinto sa cr at hinintay siya.
"Tapos kana?" Tanong ko nang lumabas siya.
"Mukhang hindi ba?"
"Mukhang oo."
"Tch." Sabay kaming natawa.
Bumalik na kami sa table. Nandoon na si kalis. Ngunit kataka-taka na nandon din yung babae.
Bilis akong lumapit don. Sa gilid ko pa talaga siya umupo. Tch!
"Anong ginagawa mo dito?!" Inis na tanong ko sa kanya dahilan para magtinginan sila voan sa 'kin.
"Kakain." Nakangiting sagot niya.
"Tch." Inis na singhal ko. Wala akong magawa dahil hindi naman ako ang bumili ng pagkain.
Kinuha ko yung bag ko at tumabi kay zhaf. "Hoy, dito yung upuan mo." Reklamo niya.
"Dito niya gusto umupo. Hindi sa tabi mo." Singit ni zhaf. Nagulat ako sa sinabi niya.
Gusto niya ba akong katabi?!!!!
Nakangiti akong tumabi sa kanya. Ang kaharap ko ngayon ay si Hale. Tapos magkaharap si zhas at zhafee. Pagkatapos ay yung dalawang asungot. Sa gilid ni zhas ay si voan.
"Zhafee ang pangalan mo diba?" Tanong ni bella.
Tumango lang siya at kumain. Bumalik yung kilala kong siya. Fierce na naman yung mga mata niya. Yang mukha niya ngayon ay parang walang pag-asang ngumiti. Ganyan siya parati sa pilipinas. Parang walang pake sa paligid. Ngayon ko nga lang siya nakitang gano'n e yung pagigingmasayahin. Kaya nga once in blue moon. Ang swerte ko kase, nakita ko yung side niya na ayaw niyang ipakita sa iba. Pero nandoon parin yung side na 'bakit kaya ayaw niyang ipakita kung ano yung totoong siya?'
Pero.. ano nga ba talaga yung totoong siya?
"Sorry kanina, hindi ko sinasadya." Pekeng sincere na sabi niya. Kunot-noo akong tumingin sa kanya.
Hindi daw sinadya e kalat na kalat sa damit ni zhafee. "Tumingin ka kase sa dinadaan mo!" Sigaw ko. Napatingin naman sila sa akin.
Kumain na lang ako. Tahimik lang si zhaf. Walang kibo. Sanay akong ganyan siya kaya hindi na bago sa akin. Tahimik lang ang lahat hanggang sa matapos kaming kumain pero si kalis sinusubukang gumawa ng topic pero walang sumasagot. Halata ding hindi komportable si zhas. Gano'n din kay voan at kay hale. Si zhaf lang 'tong walang pake.
"Zhafee, ihahatid ko lang siya. Kita kita na lang tayo sa harap ng ocean park. Hintayin ko kayo." Sabi ni kalis ngunit tumingin lang si zhaf sa kanya. Hindi tumango o sumagot man lang.
Tch! Napala mo. Pero damay na naman ako hays.
"Ako na magbubuhat ng gamit mo." Nakangiting baling ko sa kanya. Nagulat ako nang iaabot niya iyon. Tulala akong tumingin sa kanya.
Seryoso ka? Gusto mo ipahawak?
"Bubuhatin mo ba o ano?" Walang alinlangang sabi niya. Bumalik naman ako sa huwisyo, at agad na kinuha iyon.
"Okay la lang?" Tanong ko. Kahit alam kong normal lang yung galaw niya ngayon. Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng ocean park.
"Tayo na?" Nakangiting tanong ni kalis kay zhaf.
Ngumiti siya!!!!! Anong palabas 'to?! Ba't ka ngumiti?! Anong?! Arghhh! Ginugulat mo talaga ako sa mga galaw mo.
Zhafee's POV
"Bella!" Paglingon ko ay si callis. Ang inaasahan ko ay papunta siya sa akin para tanongin kung okay lang ako o hindi. Ngunit umasa na naman ako sa wala. Why did I assume? Tsk.
Nang pumunta siya sa likod ni bella ay parang may tumusok sa puso ko. Ba't ang bigat? Ni isang pigil ko kay laszlo hindi ko magawa.
Anong nangyayari? Bakit mas inuuna mo ang may kasalanan kaysa sa nasaktan?
Naguguluhan ako ngunit nanatili akong nakatingin kay bella. Kanino ka ba nagpapansin?
Ikaw ang may kasalanan ngunit bakit mas inaalala ka pa niya?
'Huwag mo namang iparamdam na nawala yung ugali mong naging dahilan kung bakit binigyan kita ng tiwala, kung bakit umiyak ako sa harapan mo, kung bakit naging komportable ako sa 'yo.'
"Kung gano'n, bakit gano'n na lang ang karami at kakalat sa kanya?" Kanina pa galit si laszlo. Isa pa 'to. Hindi ko malaman kung bakit ganyan na lang ang nararamdaman niyang galit.
Kanina pa ako nilalaming ngunit gusto kong pagmasdan kung gaano ipagtanggol ni callis si bella. Dahil
"Dahil masyadong malapit?" Nanatili siyang nakangiti. That smile... Is a flirty b***h.
Nang napansin kong gumalaw si laszlo sa kinatatayuan niya at sinubukang lalapit ay agad kong hinawakan ang kamay niya.
Ang paggalaw kong 'yon ay mas lalong tumulo ang malamig na juice sa katawan ko. Ang lamig talaga. Kanina ko pa gustong magpalit ng damit ngunit kailangan kong alamin kung gaano ba ang maibibigay ko pang TUNAY na saya, tawa at mga ngiti kay callis.
Kataka-taka ay pumagitna si callis. Halata din sa mata niyang ayaw niyang pagdikitin ang dalawa.
Pansin kong kanina pa nanggigil si laszlo ngunit pinipigilan niya. Muntik na niyang pagsabihan si bella ngunit napigilan namin siya.
"Ako na ang kakausap sa kanya.." Mas lalong nadagdagan ang pagkakataka ko.
"Zhafee!" Baling niya sa akin. Hindi ako kumibo. Nasasaktan ako nang hindi ko malaman ang dahilan.
You used to ask me first before facing other people. But w-what just happened?
Umasa ako pero napaasa ako.. at masakit 'yon, nakakawalang gana.
Hinawakan ako ni laszlo sa braso na tila parang alaang alala. Buti pa 'to. Kahit may topak inuuna ako. "May extra t-shirt ako. 'Yon na lang yung gamitin mo."
"Huwag mo akong hawakan." Tulad ng sabi ko pangungusuin ko yang bibig mo buong araw. Nahihiyang tinanggal niya iyon.
Bumalik ako sa pag-iisip. Bakit gano'n na lang ang inasta niya? Nagbago ba siya? O nagbago talaga siya? Damn!
Ang hindi mo lang ba pinagbago ay ang manatili sa tabi ko at dinggin kung ano ang dinadamdam ko? Kung gano'n bakit mas inuna mo siya sa panahong kailangan kita? Yung akala kong walang kwenta pa talaga ang nagtanong kung malamig ba yung tumutulo sa katawan ko. This is driving me crazy. Ang akala ko pang hindi matino ay ang mas matino.
Naiintindihan kong kailangan mo siyang kausapin at pagsabihan pero?! Hindi ba't mas kailangan mo munang kausapin ang nasasaktan? Ang nasa masamang kalagayan?
Hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ang pagiging masayahin ko sa piling mo dahil ngayon na may kataka-taka, parang sinisira mo ang tiwala ko.
Totoo ngang parang maliit na bagay lang iyon pero malaki ang epekto sa akin. Ang daming katanongan sa isip ko. Kung tatanongin kita kung bakit mas inuna mo siya kaysa sa akin magtataka ka ba na parang iniisip kong nagbago ka? Parang ako naman ang mali kapag gano'n. Pero hindi namang pwedeng ialis ko na naman ang kasayahan ko dahil lang sa una mo siyang nilapitan kaysa ako. Pero hindi ba't malungkot din na nagpapanggap akong masaya kahit ang totoo ay may pinagtataka ako? At saka kasiyahan ba ang tawag do'n kung may kahati naman ako? Ayoko ng gano'n. Ano? Makikihati siya? Ayoko! Humanap din siya ng sa kanya.
Ayoko ang nakikihati. Ibibigay ko na lang. Ibibigay ko lahat. Huwag lang yung taong hindi sumuko sa akin. Huwag lang yung taong nakasanayan kong sandalan. Huwag yung taong nagturo sa akin kung paano maging masaya sa maliit na bagay. Huwag yung taong pumunas ng mga luha ko. Huwag yung taong nagtiyaga sa akin. Huwag si callis.
Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si zhas. Nakabalik na pala kami sa table.
"Ate anong nangyari?!" Pasigaw na tanong niya.
"Sinong gumawa niyan sa iyo ate zhaf!?" Dagdag ni voan. Kinuha ko yung bag ko.
Nang bumaling ako kay zhas ay agad na hinawakan niya yung damit ko.
"Ughhhhh--- ang lamig!"
"Sinong gumawa niyan sa 'yo?! Ang kapal naman ng mukha! Por que simple ka lang?! Mag-ayos ayos ka kase!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni zhaint. "Woi, maayos naman ako tignan ah!"
"Ah gano'n ba? Hindi ko kase nakikita hehe." Asar na tugon niya.
"Kunin niyo yung pagkain sa cashier. Maliit na lang iyon. Ikaw na lang ang kukuha zhaint. Maiwan si zhas at voan." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
Bigla ay may nakapukaw ng mata ko. "Oh!" Nakangiting abot ni laszlo sa isang pirasong damit. Takang tinignan ko siya.
Ginagawa mo?
Nang bumaling siya sa hawak ko ay nanguso siya hahahahaha! Ayon na! Nagsimula na!
Ewan, pero gustong gusto ko kapag nakanguso siya. Napapangiti na lang ako bigla.
"Halika ka na!" Inis na sigaw niya. "Sasama ka?" Asar ang dating sa akin pero siguradong seryoso ang dating sa kanya.
"Tch. Malamang halika na nga e dba." Bulong niya. Iniwan ko siya.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang magsalita siya. "Ba't wala kang sinabi kanina?" Tinig niya.
Inis akong tumingin sa kanya. "Pano ako makakapagsalita?! Alam mo ba kung gaano kalamig yun ha?! Hindi ako makagalaw kanina! Mas inuna mo pa ang pakikipagtalo dun kaysa ang alalayan ako."
Kahit ang totoo ginusto ko yun. Ang sarap sa pakiramdam na chill ka lang tapos yung isang unggoy diyan galit galit na parang siya pa yung natapunan. Wala lang ang sarap lang sa pakiramdam knowing na may care siya. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gano'n simula noon kay ken. Pero peke lang yun kay ken, biruan lang. Mas masarap ang pakiramdam ko sa isang unggoy na 'to. Pero sa kabila ng side na yan ay mas lamang pa rin yung sakit.
"Woi! Inalaayan kita kanina pero ang sabi mo 'heweg me ekeng heweken se breso.'!!" Arteng sabi niya.
Alalay pala ang gusto niyang iparating. Akala ko panglandi o the moves niya lang. "Hoy!!!alam mo ba kung gaano ka katagal nakipagusap dun kanina ha?! Yung bawat segundo na nakipag-usap ka tumutulo sa katawan ko yung lamig!!"
"Eh bakit hindi ka nagmadaling magpalit?" Asar na sabi niya.
"Eh kasi malamig."
"Ayon nga malamig, pero nakatayo ka lang dun at walang ginawa. Tapos hindi ka pa gumanti. Tch! Wala ka pala e! Hahaha!" Asar na sabi niya pa.
Ha! Yan pala ang gusto mo a.
Kunot-noo ko siyang tinignan. "Eh ikaw?!! Daig mo pa ang nabuhusan ng napakainit na kape! Sabi sabi ka pang 'bekit geno'n ne leng eng keremi et kekelet se kenye?' hahahaha! Yung galit mo kanina parang bulkan! Tapos y-yung ilong mo ang daming lumalabas na usok! ta--hahahhaha!t-tapos ang e-ending.. hahahahaha!! b-balak m-m-mo palang halikan si bella!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Tawang-tawa ako habang lumalayo.
Nakangiti akong pumasok sa cr. Nakakaginhawa pala ng loob yung unggoy na yun. Bilis akong nagpalit ng damit at lumabas na. "Tapos kana?" Bungad niya.
"Mukhang hindi ba?" Pabalik na tanong ko.
"Mukhang oo."
"Tch." Pasinghal kong tawa.
Agad na nawala ako sa modo nang makita ko si callis at bella sa table namin. Ano naman ba 'to?
Bilis na sumugod si laszlo. "Anong ginagawa mo dito?!" Inis na tanong niya.
"Kakain." Nakangiting sagot niya. Psh. Flirty b***h.
"Tch." Inis na singhal niya.
Agad na tumabi siya sa akin. "Hoy, dito yung upuan mo." Reklamo ni bella.
"Dito niya gusto umupo. Hindi sa tabi mo." Seryosong saad ko.
Nakakainis talaga siya. Sobra. Masayang tumabi si laszlo.
"Zhafee ang pangalan mo hindi ba?" Baling niya sa akin. Tumango lang ako. "Sorry kanina hindi ko sinasadya."
"Tumingin ka kase sa dinadaanan mo!" Bigla ay sigaw ni laszlo para mapatingin kami sa kanya. Binalewala niya kaming tumingin sa kanya at kumain na lang. Inis na inis talaga siya.
Hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon. Lalo na't may pinagtataka ako. Binilisan ko ang pagkain dahil hindi talaga ako komportable.
Eksaktong patapos na ako sa pagkain ay nagsalita si callis. "Zhafee, ihahatid ko lang siya. Kita kita na lang tayo sa harap ng ocean park. Hintayin ko kayo."
Hindi ako sumagot. Hindi naman sa immature ako pero kailangan niya ba talagang ihatid yan? Bakit? Wala ba siyang paa?
Wrong move, step backward. Callis.
"Ako na magbubuhat gamit mo." Tinig ni laszlo. Iniabot ko 'yon. Ilang segundo na lumipas pero hindi niya pa rin kinukuha.
"Bubuhatin mo ba o ano?" Singhal ko. Kinuha na niya iyon at nagsimula na kaming maglakad.
'Una. Nabawasan ba ang pagiging importante ko sa kanya? Bakit gano'n na lang siya kung umasta? Hindi talaga siya gano'n e. Alam kong matagal na no'ng naghiwalay kami. Y-yung inasta niya kagabi at kaninang umaga ay siyang siya yung kilala ko pero n-nang d-dumating si bella.. b-bakit biglang naglaho? Ni hindi ko malaman kung kilala ko ba siya.'
Noon, daig niya pa ang tatay ko dahil sa sobrang protective niya. Ni ayaw niyang kahit putik dumikit sa akin. Pero yung pinakita niyang ginawa niya kanina, binigyan niya ako ng dahilan para pagdudahan siya. Y-yung ginawa niyang paghatid kay bella, nakakasakit talaga 'yon dahil noon ayaw na ayaw niyang nagpapahatid ako sa kanya kahit ang lapit lang ng pupuntahan ko. P-pero bakit nagawa niya iyon sa ibang tao? Pero sabagay. Magkaiba naman talaga ang noon at ngayon. Ang sakit lang talaga. Lalo na't siya dati yung kasiyahan ko tapos ngayon siya ang magiging dahilan ng kalungkutan ko. Magpaparaya na ba ako?
Nawala na ba ang dating kasiyahan ko?
Na simula no'ng nawala siya ay sakit na lang ang nararamdaman ko?
Ito'y ayoko, pero anong magagawa ko?
Hindi kita kontrolado.
Ang sakit isipin
Na wala na ang dating gawain natin
Bakit kailangang pang b-baliktarin
K-kung pwede namang p-panatilihin?
Magpapanggap na ba ako? Sisimulan ko na naman ba? Hindi ko na pwedeng hilingin na bumalik siya sa dati.
Dahil mukhang masaya naman siya ngayon.
Susubukan kong tanggapin kung ano ka ngayon.
At sana.....sana...s-sana matanggap k-kita.
"Tayo na?" Boses ni callis. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami.
'Nawawalan na ako ng gana sa 'yo, dahil lang sa isang maling galaw mo.'
Napilitan akong ngumiti sa kanya.
Napakaliit na bagay lang yung ginawa mo pero ang laking sakit ang naidulot sa 'kin. Bakit mo binago yung pinaka gusto kong ugali mo? B-bakit?
Hindi lang 'yon masakit. Kung 'di PINAKAmasakit.
Akala ko pa naman nandito ka para ibalik yung dating ako. Pero mukhang ikaw pa yung magiging dahilan ng tuluyang pagwasak ko.
- End of this Chapter -
Preview ?
'Kahit wala ako sa tabi mo...nasa likod mo naman ako. Siguro mas okay na ako sa gano'ng sitwasyon kesa ngayon na ako ang nasa harap mo, ngunit nararamdaman ko naman ang lungkot mo.'