Zhafee's POV
"Mahal kita." Mahinahong aniya. Tumingin ako sa kanya ng ilang segundo at huminga. Siya 'tong parang kinakabahan sa magiging sagot ko.
"Gago ang tawag diyan."
Lumaki yung mata niya at kumunot yung noo niya.
"Ha?!" Gulat na tanong niya.
Ngumisi ako. "Eh, ano tawag diyan? Matino?"
"Ha!" Singhal niya ng hindi makapaniwala.
"Ako gago!?? Ako ba? Si LHASZLHO ba?! Ha?! Ho---" Malanding pagkasabi. Tumingin ako sa cake at sumubo at saka uminom ng tubig.
Nanatili akong nakatingin doon sa cake.
"Laszlo, ang pag-ibig hindi iyan basta basta. Hindi iyan nakukuha at nararamdaman ng basta basta. Kung naniniwala ka sa Love At First Sight pwes ako hindi, kase para sa akin....kailangan mo munang humanga do'n sa tao bago mo siya magustohan. Kailangan mo muna siyang magustohan bago mo siya mahalin. Kaya ang pagmamahal hindi basta basta. Yung mga iba akala nila mahal na nila yung tao pero hindi. Magloloko sila tapos kapag nakita ka niyang nasasaktan dahil sa kanya, sasabihin niya i love you, mahal kita, saranghae, ich liebe dich, te amo. pero ba't niya nagawa iyon kung mahal ka?..kase hindi mahal yung tawag do'n. Gusto ang tawag do'n. Dahil ang pagmamahal malalim yan...Walang makakaagaw diyan sa atensyon mo kung malalim yung pagtingin mo do'n sa tao. Dahil ang simbolo ng puso, hindi gusto...Kaya ang pagmamahal hindi basta basta. Dahil isang maling galaw mo lang....booom. Maari ka nang masaktan. Maraming umaasam niyan pero ang natatanggap nila puro sakit dahil ang alam nila mahal nila yung isa't isa ngunit yung isa lang pala ang nagmamahal. Hmm, they're stupid because they love person easily--"
"Anong connect do'n sa sinabi ko?" Inosenteng sabi niya. Bahagya akong nagulat kaya't hindi ko magawang magsalita o gumalaw man lang.
1....
2....
3....
Nagsink in na sa akin.
"H-h-ha!" Hindi makapaniwalang singhal ko.
Gago ka a! Sa bawat salitang lumabas sa bibig ko ang nasa isip mo 'Anong connect do'n sa sinabi ko' ?? Alam mo?! hmmmpppppp!!! Gustong gusto kitang patayin ngayon dito sa harap ko!!! Kingina. Slow!
Huminga ako ng malalim at ngumisi. "Iyon yung mararamdaman mo kapag minahal mo ako... Sakit."
Bumaling ako kila callis. "Ang dami mong sinabi." Namamanghang sabi niya.
Oo nga pala. 'San nanggaling 'yon?!
Aksidenteng napalingon ako kay laszlo at sa hindi inaasahan ay parang namumuo yung luha niya. Hindi ko maintindihan pero naawa ako sa kanya.
"Gago ka kase hindi magandang biro yung sinabi mo. Ayoko ng gano'ng biro." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at kumain na naman ng cake.
"Okay." Yun lang at kumain na siya. Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot. Nag sink-in na naman sa akin yung sinabi niya kanina.
Ayokong ginagawang biro ang salitang pagmamahal. Alam ko ang pakiramdam ng isang taong nasasaktan ngunit ang ginagawa lang naman ay nagmamahal.
Dahil gano'n ako kay mama. Ipinapakita ko kung ano ang gusto niya ngunit hindi ko maintindihan na hindi parin sapat iyon para suklian niya ako ng hinihiling kong iparamdam niya. Matataas naman ang grado ko sa school pero kulang iyon sa paningin niya. Sinusunod ko naman ang mga utos niya pero wala parin talaga e.. Sa simpleng ina sapat na iyon pero sa kanya hindi. Hindi iyon sapat para ipagmalaki niya ako bilang anak niya. Ipinagpipilitan ko sa sarili ko na mahal niya ako dahil doon ako kumukuha ng lakas kahit sinasampal na sa 'kin yung katotohanan na hindi. Nandoon yung side na hindi ako belong sa kanya. Masakit nga pero kinakaya. Ang tanong hanggang asan yung salitang kaya? Matapang ako pero may hangganan iyon. Magaling akong magpanggap na kunwari sobrang tapang sa harap ng ibang tao pero, hindi ko iyon magawa sa kanya. Wala namang silbi e. Dahil ang gusto ko, sa kanya ako matapang pero hindi ko iyon magawa dahil balewala ako sa paningin niya. Iyon yung nakakainis.
"Zhafee!" Bumalik ako sa huwisyo nang sumigaw ang pamilyar na boses. Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay tumingin ako kila zhaint, zhas, voan at laszlo. Takang taka silang nakatingin sa akin. Nakatayo na sila nang lumingon ako.
Tumingin ako kay callis. "Hm?" Inosenteng tanong ko.
"Tayo na daw sa area." Sabi niya ng seryoso.
Inalalayan niya akong tumayo dahil medyo mataas yung upuan.
"May bumabagabag ba sa iyo? Nakatulala ka lang kanina. Ilang beses kitang tinawag."
Tumingin ako sa kanya ngunit nakatingin lang siya sa dinadaanan namin. "Wala. Napaisip lang." Ngumiti ako.
"Partner tayo ha?" Tanong niya.
"Hmm sig--"
"Anong?! Ulol! Kami magpartner!! 'wag kang agaw-agaw.. kapal mo!" Nakasimangot na singit ni laszlo.
Nasa likod namin siya kaya tumigil kami sa paglalakad at sabay na tinignan siya. Ayon na naman yung nguso niya.. hahaha.
"Si bella na lang kapartner mo, maganda 'yon. Tipo mo! Hahaha!" Asar ngunit seryosong sabi ni callis.
"Ayoko!" Hinila niya ako.
"Ops!" Hinila din ako ni callis dahilan para mainis ako.
Galit na tinignan ko sila.
Parehas nilang binitawan iyon. "Try mo na lang yung si bella, zac." Baling ko kay laszlo.
"S-sinong zac?"
"Ikaw."
"Hindi!! laszlo pangalan ko sa iyo."
"Dami mong arte." Kunot-noong nanguso siya.
"Basta tayo magpartner ha?" si callis.
"Hmm." Sangayon ko.
"Pa'no ako?" Singit ni laszlo.
"Si drake na lang sa'yo." si callis.
"Ayoko!" angil niya.
"Huwag ka makulet." Seryosong sagot ko.
"Ako nauna, tapos 'yan pipiliin mo?! Ang daya! Ansama ng ugali mo!" Sigaw niya.
"Wala akong choice kahapon, laszlo." Mahinahong sabi ko ngunit seryoso.
"Sige na! Ngayon lang ha?!" Napilitang sabi. Hindi na ako sumagot.
Nasa kalagitnaan kami ng daan patungo sa area nang biglang may kumanta. "Ako na lang sana♪♪ Tayo na lang dalawa ♪♪" Animo nasa tono ang boses ni laszlo.
Pfft.
"Ako na lang kung pwede lang I wish ♪♪"
"Ako na lang ako na lang ako na lang-- sige na kase!!" Inis niyang sabi.
HAHAHAHAHAHAHA.
"Maganda naman yang boses mo.. pero.... akin parin siya, hahaha." Turo sa akin ni callis. Nakasimangot naman siya.
Asar na asar talaga siya hahaha.
Nang makarating kami ay agad na humiwalay si callis. Papunta siguro kay drake.
"Oh! 'yon yung pinili mo?! hindi man lang nagpaalam na lalayo?!" Inis na sabi niya. "Alam mo, ganito kase yan... That's call AUTOMATIC" Natatawang tugon ko.
"Sus, hindi yun pwede!" Inis akong tumingin sa kanya.
"Huwag kang ano. Hindi ikaw siya."
Nakanguso na naman yung bibig niya. Nang dumating si callis ay kasama na niya yung kaibigan niya. Cute siya medyo gwapo din.
"He's drake. Ang magiging partner mo!" Sabi niya kay laszlo.
Umupo siya sa gitna namin ni laszlo at nakipagkwentohan.
"Magkaano-ano kayo ni zhaf?" Si drake.
"Magkaibigan, at saka..... Future manliligaw haha" Tinignan ko lang siya.
"Bago mo siya ligawan, Asawa ko na siya." Natatawang ani callis. Sumimangot na naman siya at nakipagkwentohan na kay drake.
Tahimik ako at tumitingin lang sa baybayin at ganon din si callis.
Ngunit sa hindi inaasahan ay may nakaagaw sa atensyon ko...si mama, na papalapit.
"Ma.." Nawala ang mga ngiti sa aking labi at kinakabahan na tumingin sa kaniya.
"Sino sila?" Seryosong tanong niya. Ayon na naman yung aura niya.
"Si Callis Bruttenholm." Turo ko kay callis. "At si drake."
"Hi tita!" Si laszlo. "Hello!" Nangiting baling niya kay laszlo ngunit seryosong tumingin kay callis at drake.
"He's callis. My childhood bestfreind." Pilit na ngiting pakilala ko. Kinakabahan ako dahil baka mapahiya ako ngayon sa harap ni drake. Alam kong inaasahan na ni callis na hindi maganda ang magiging approach niya ngayon sa kanila.
"Ah, tita kamusta po?" Si callis.
"Okay lang naman. Kayo? Kayo ng family mo?"
"Okay lang po."
Peke yung ngiti ni mama at parang alam ko na kung bakit..ayaw niyang magmukhang masama sa harap ni laszlo at ng kapatid niya.
Salamat na naman kay laszlo? Pero peke lang yun e. Tss.
"Ako po si drake, kaibigan ni callis."
"Oh, hi!" Baling ni mama.
"Oh sige una na ako ha?" Tinapik niya yung braso ni callis at ngumiti. Tinignan niya muna ako nang masama bagi tuluyang umalis. Tumingin ako kay callis. "Okay lang." Tinig niya. Alam niya na kung ano ang ibig kong sabihin.
Bumaling ako sa instructor. "Joh-eun achim! Ngayong araw na 'to ay siguradong mapapagod kayo! At syempre mag-eenjoy kayo! Alam niyo kung bakit? Pupunta tayo sa dalawang island!!" Masayang sabi niya at naglakihan naman ang mga mata nila zhas.
"Pupunta tayo sa Galeas Island kung saan may ocean park! Manonood tayo ng Sea lion Show! Ang susunod ay sa Habbakuk Island! kung saan may banana boat, mga cartoon characters, at mga lugar na pang photogenic at marami pang iba!" Sabi niya.
Habang nagsasalita siya ay may nakaagaw ng tingin ko. Yung bela...kanina pa nakatingin kay laszlo. Mukhang mabait naman siya pero malandi lang. Binalewala ko na lang siya at tumingin ulit sa instructor.
"Kukuha po muna ng mga kailangan natin para pangligo 'no? Mga swimsuit at mga camera's pang picture? Sige po! Babalik po tayo agad para po maaga tayong makarating doon at makakain na nang lunch!" Ani instructor at tumalikod na.
Ba't di niya sinabi kagabi? Tch.
Tumabi ako kay zhas habang naglalakad. "Huwag kang mag swimsuit. Mag short ka lang at saka t-shirt."
"Ate!" Angil niya.
Ano!? Lalamangan mo ako? Hindi! Hindi mangyayari yun!
Tinignan ko siya ng masama. Tumungo naman siya agad.
Goodgirl.
Nang makarating kami sa taas ay agad kaming pumasok sa sari-sariling kwarto. Hindi ako nagbihis dahil okay naman 'tong suot ko.
Kumuha lang ako nang dalawang t-shirt, short 'tsaka yung mga kailangan. Bilis akong lumabas. Bumungad naman sa 'kin si laszlo, nakatayo siya sa harap ng elevator. Dahan dahan akong lumapit.
Mukhang nakatingin naman siya sa floor.
First time kong mag effort ng madaming lumalabas sa bibig ko tapos ang sasabihin mo, anong connect sa sinabi ko?!!! Tch!
Bilis bilis akong bumunot ng mga buhok niya. "Arayyyyyyyyyy!!!!!!" Sigaw niya.
Nang tignan ko yung kamay ko. Ang dami!!! Natatawa akong tumingin sa kanya. Nakakunot yung noo niya. Hindi pikon, o seryoso. Pacute.
Bilis akong pumasok sa elevator at iniwan siya doon. Hahahaha! Napapangiti na 'ko ng unggoy na 'yon a.
Nang makarating ako sa area namin ay inihahanda na nila yung barko. Katamtaman lang iyon.
Si drake ang nandoon at yung mga adults. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Sinuklian din niya ako ng ngiti. "Paano kayo nagkakilala ni callis?" Tanong niya.
Wew, deretsohan tayo ha?!
"Best friend ko na siya dati pa." Singhal ko. "Ang pagkakaalam ko ay wala siyang bestfreind o friend man lang? Pero may ikinukwento siya palagi sa akin na babae. Siya lang yung kilala kong lalake na walang interes sa babae. Ilang taon na kaming magkakilala pero ni isa walang naging crush iyon haha." Nakangiting kwento niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ngunit napalaking saya ang naramdaman ko.
"Sabi niya cute daw yung babaeng 'yon. Hindi daw maganda. Pero hindi din siya panget. Cute lang daw. I think that woman is very important to him. She's always in his mouth. Hahahaha! Oh ayan na sila." Nilingon ko ang sinasabi niyang sila at nakita kong magkasama si callis at laszlo! Sa likod nila ay sila zhas at voan. Nakakunot-noo si laszlo hanbang si callis ay nakangiting nakatingin sa akin. Bilis silang lumapit.
"Ba't nakakunot-noo yang unggoy?" Bulong ko kay callis. Nagkibit-balikat lang siya at tumingin sa barko.
Bigla ay may nadamraman akong humawak sa akin gamit ang isang darili. Paglingon ko ay si laszlo. "Tabi tayo ha?" Nakangiting saad niya.
"Ayoko." Yun lang at tumingin sa baybayin. "Tatabi ako.. sa ayaw mo't gusto." Bulong niya sa aking tenga. Dahilan para muntik na akong makiliti. "Ayaw lang, walang gustohan." I said without reaction. He giggles.
"Pwede na po tayong pumasok!" Sigaw ng instructor.
Kukunin ko na sana yung gamit ko ngunit buhat-buhat na pala 'yon ni laszlo. Inagaw ko iyon. "Kaya ko" Angas na sabi ko.
"Wala akong sinabing hindi mo kaya. Ang sakin gusto kong buhatin yang gamit mo. Tapos magkatabi tayo." Inagaw niya 'yon. "Ano naman kung magkatabi tayo tapos hawak mo yang gamit ko? Para magmukha kang yaya ko? Hahahha!"
"Para magmukha kang girlfriend ko, hehehe."
"Kalokohan." Inagaw ko ulit yon at sumakay na. Habang pasakay ako ay may humawak sa ulo ko paglingon ko ay si callis ngunit dali daling pinalo iyon ni laszlo at tumingin ng masama kay callis.
Inilinga ko ang paningin ko sa barko. Maganda at simple. May mini bar sa likod at dito sa harap ay mga upuan na pwedeng higaan. Kada tatlo yung upuan. Kaya inaasahan kong magkakatabi kaming tatlo. Hayyyyyyyyyyyysss.
Unang umupo si callis sunod naman ako. Kataka-taka, ngunit walang tumabi na unggoy. Ipinikit ko ang mga mata ko. Nakakarelax kapag ginagawa ko ito. Sariwang hangin habang nakasandal sa pahiga na upuan. What a relaxing! Hahaha.
"Kain tayo? Ano gusto mo? Ako na oorder." Tanong ni callis. "Sige lang." Sagot ko nang hindi parin iminumulat ang mata ko. Ngunit wala akong naramdamang tumayo. Eksaktong pagmulat ko ay may nakita akong may bitbit na pizza at ice cream!! Tinignan ko yung sino 'yon. Si laszlo!
Hindi ba 'to nagsasawang kumain ng pizza at ice cream? Tch.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Pagkaen."
"Nating tatlo?"
"Nating dalawa."
Bumaling ako kay callis. "Bili ka na lang ng sati--"
"Para sa ating tatlo!!!" Sigaw niya. Tch.
Ipinatong niya iyon sa lamesa at kumain na kami.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang umandar yung barko. "Ako na magtatapon." Sabi ni callis nang matapos na kami.
"20 minutes po yung biyahe" Sabi ng instructor sa harap.
Ipikinikit ko na yung mata ko. "Tulog muna ako."
"Hmm ako den." Si callis.
~~
"Baby ko, gising na." Agad kong imunulat ang mga mata ko.
Ang lapit ng mukha niyaaaaa!!!
"Bab--!?" Dinig kong sigaw ni callis.
~pakkk~
Dahil sa gulat ko ay nasapak ko si laszlo! "Hahhahahahaha!!!" Dinig kong tawa nila zhas ngunit nangingibabaw ang tawa ni callis at sunod naman si zhaint.
"Araaaaaaaaaaaaaaay!!" Sigaw niya.
"Ansakeeeeett!" Dagdag niya pa.
"Tch! Kasalanan ko bang ang panget mo. Pagmulat ko, mukha mo bubungad sa akin. Psh! Napala mo. Tapos pa baby baby ka pa. Baby mo mukha mo unggoy."
"Woi masaket 'yon. Magsorry ka na lang." Bahagya pa siyang nagpacute.
Mataas pride ko. "Ayoko."
"Ang saket non!" Sigaw niya. "Inaasahan kong hahawakan mo ako sa mukha tapos tatanongin mo kung okay lang ako tapos magsosorry ka tapos--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at tumayo na. Ngunit dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ko yung bag ko. Bumalik ako ngunit hawak hawak na iyon ni callis. "Akin na." Walang reaksyong sabi ko sa kanya. Iniabot niya naman iyon.
Una siyang lumabas bago ako. Inalalayan niya ako. "Salamat."
Hinantay namin na makababa ang lahat. "Ito po yung unang destination natin.. dito po ay may ocean park at restaurant lamang. Maliit na isla po lamang ito. Iisa lamang po ang daan. Kung nakikita niyo ay doon lamang iyong restaurant." Turo niya sa iisang building. "Sa likod po niyan ay ang ocean park na po. Medyo maliit lang sa loob, aquarium at sea lion show lamang po ang nandoon, nakasulat naman ang pangalan ng iba't ibang uri ng isda sa gilid." Sabi niya.
"Sigurado po tayong hindi tayo maliligaw dahil tulad ng sabi ko ay iisang daan lamang po....Kita kita na lang po tayo dito makalipas nang dalawang oras. Inaasahan po namin ang pagbalik niyong eksakto dahil medyo malayo layo din ang next destination natin..Sige po. Enjoy!" Sabi niya at nagsilayuan na sila. Ngunit sa hindi kalayuan ay natanaw ko si mama na tila parang isinesenyas na lumapit ako.
"Wait lang, tinatawag ako ni mama"
Paalam ko kay callis. Tinangohan niya lang ako at bumaling kay voan na kanina pa kausap. Tahimik lang si laszlo na nakatingin sa gawain ko ngunit binabalewa ko lang siya.
"Ikaw muna bahala sa mga kapatid mo. Siguraduhin mong kahit sagasa wala akong makikita galing sa kanila, 'di bale na ikaw. Matanda kana naman. Pag-uusapan namin kung saan itatayo yung business partner na binubuo namin. Hiwahiwalay muna tayo, pasensya na. Eto!" Abot niya sa pera. Medyo malaki ang halaga niyon.
You said time is gold, but you're spending it for nothing. Walang magagawa ang pera kung memorya ang pinaguusapan.
Tinignan ko siya. "Ibudget mo na lang iyan kung may gustong bilhin ang mga kapatid mo."
'Ang mga kapatid mo.'
Tinapik niya muna ang balikat ko bago tumalikod.
Bakit gano'n? Ni isa wala akong makitang care galing sa kanya. Inuuna niya pa 'yon kesa ang makabuo ng memorya kasama kami. Nakakawalang gana. Damn that money.
"Nakasimangot ka?" Si laszlo. Tinignan ko siya ng nanunuyang tingin.
"Ano naman sayo?!" Sigaw na asar na sabi ko.
Nabuo na naman yung ngunot-noo at ngusong bibig niya. Hahahha.
Bumaling ako kila zhas. "Kain muna tayo?"
"Gusto ko yan!"
Nang makarating kami doon ay agad na umorder si callis. Libre niya.
"Psst." Bigla ay may humawak sa akin gamit ang isang darili. Walang iba kun 'di si unggoy. Taas kilay ko siyang tinignan. Naka patong yung ulo niya sa kamay niya. "Crush kita."
Halata. Bnalewala ko siya at tumingin kay zhaint. "Tulungan mo si callis magbuhat."
"Ayoko.. kita mong ingame ako e!" Angil niya.
"Matalo ka sana." Bulong ko sa tenga niya. Galit naman siyang tumingin sa akin. Nginisihan ko lang siya.
Tumayo na ako at pumunta sa cashier. Wala kaseng nagseserve dito. Konti lang ang taohan.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang may humawak na naman sa akin gamit ang isang darili. "Woi, Totoo 'yon."
"Ano naman kung totoo? Ano gusto mo?! Landiin kita para magustohan mo ako?" Walang interes na sabi ko sa kanya.
As I said, crush muna bago gusto.
"Kung pwede OO"
Asa.
Tinignan ko siya kasabay ang aking matamis na ngiti, tulad ng ginagawa niya kanina hanggang ngayon. Nang akmang ilalapit ko ang mukha ko sa tainga niya ay bilis na bilis niyang inilapit iyon sa aking bibig.
Tch.
Ano kayang inaasahan niya na sasabihin ko? Bwahahahaha!
"Kay callis lang ako." Hindi ko nakita yung reaksyon niya dahil tumalikod na ako. Pero siguradong naiinis yun hahahaha.
Paglapit ko ay nagulat ako dahil napakadami niyang inorder. "Ba't ang dami?"
"Mas mabuti na yung sobra kaysa sa kulang"
Napaisip ako. "Totoo nga naman haha."
Bigla ay sumingit si laszlo sa pagitan namin. Naiinis yung mata niya ngunit walang reaksyon yung mukha niya.
"Lahat yan?" Tanong niya at itinuro yung mga pagkain. "Hmmm" Sangayon ni callis saka kami naunang maglakad.
"Picture tayo mamaya ha? Yung tayo lang." Tinig niya.
Napatigil ako sa sinabi niya. "Ayaw mo?" Tanong niya. "Sige pero huwag mong ipost."
"Alam mong hindi ako gano'n zhafee haha."
"Malay ko bang baka nagbago ka." Napatigil siya sa saad ko. Naging uncomfortable ang sitwasyon na iyon para sa kanya, halata din sa mukha niya.
Ngunit agad siyang ngumiti. "No that will never gonna happen. This is me. I won't try to change who I am 'cause god made me. I am content with who I am. You too, right?"
"Yes, of course." Nginitian ko siya.
"Wowwwwww." hanga nila zhas. "Dito ka muna ako na lang kukuha. Siguradong nangangawit yang paa mo kanina hahaha." Sabi ko. Nginitian niya lang ako.
"Oo nga e, hahaha." Eksaktong talikod ko ay nakita ko si laszlo.
"Marami pa?" Tanong ko. "Oo. Balik ako," Tinangohan ko lang siya.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang matanggal ang sintas ng sapatos ko. Agad na binigyan ko iyon ng pansin.
Tumayo ako habang nakatingin parin sa sapatos ko nang eksaktong paglingon ko sa dinadaanan ko ay...
Nakaramdam ako ng napakalamig na juice sa katawan ko!! Galit na tinignan ko kung sino 'yon.
Oh, bella.
- End of this Chapter -
Preview?
Bakit mo binago yung pinaka gusto kong ugali mo? B-bakit?
'Nawawalan na ako ng gana sa 'yo, dahil lang sa isang maling galaw mo.'