Chapter 9 The Chosen One “Ang gwapo gwapo talaga ni Sir. Caleb!” tili ni Jinnah habang nakahalumbaba sa lamesa. Kasalukuyan silang nasa cafeteria at kumakain. Simula no’ng dumating ang bagong professor na si Caleb Lewis ay bukang bibig na siya ng lahat ng estudyante sa campus. Bukod kasi sa galing nitong magturo ay makisig din ito. “Hindi ka ba nagsasawa Jinnah? Siya na lang ang lumalabas sa bibig mo, eh,” sabi ni Irrah na hindi inaalis ang tingin sa kanyang libro. Si Blade naman ay isinalpak na lang sa kanyang tenga ang kanyang earphone para hindi marinig ang boses ni Jinnah. “Gwapo talaga siya, eh!” Hindi na nila pinansin si Jinnah at pinagpatuloy lamang nila ang pagkain. Sa kabilang banda naman, tahimik lamang na kumakain si Savannah. Hinihintay niya rin kasi si Warren at wala nama

