Chapter 8 Closer “He’s Cross Falcon. He’s gone now but his memories still haunt me.” Hindi na mapigilan pa ni Savannah ang luhang patuloy na tumutulo sa kanyang mga mata. Wala na siyang pakealam kung makita pa ito ni Law pero sobrang bigat na ng kanyang pakiramdam. Nagulat na lamang siya ng hawakan ni Law ang kanyang kamay at hinila siya papalapit dito. Niyakap na siya ni Law ng mahigpit at mas lalong bumuhos ang kanyang luha. Ilang taon na ang lumipas nang mamatay si Cross at ngayon lamang siya ulit umiyak ng ganito ng dahil doon. Noong una ay madalas siyang umiyak ng mag-isa pero ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na muli siya iiyak dahil para sa kanya, ang pag-iyak ay tanda ng kahinaan. Pero parang nalunok niya lahat ng sinabi niya noon sa kanyang sarili dahil ngayon ay w

