Chapter 1

2537 Words
Chapter 1 Troublemaker “Savannah Kier Walker! Detention! Now!”  Napatunghay si Savannah sa gulat dahil sa biglang pagtawag sa kanyang pangalan. Tumingin siya sa paligid at lahat ng kanyang kaklase ay nakatingin sa kanya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa klase. Inayos niya ang kanyang buhok at bahagyang pinunasan ang laway sa kanyang pisngi. Tumingin naman siya sa kanyang unahan kung saan nakatayo ang kanyang teacher na nakapamewang na ngayon at masamang nakatingin sa kanya. “I said, to the detention, now!” Savannah rolled her eyes and stood up. “Palagi mo na lang akong pinapapunta sa detention. Hindi ko naman kasalanan na boring at nakakaantok ang klase mo. Dapat nga ikaw ‘tong pumupunta sa detention, eh.” She smirked and walked towards her teacher. “Mrs. Go, to the detention, now!” She joked and laughed afterward. The whole class burst into laughter.  Mrs. Go slammed her hand in her desk and glared at Savannah. “Ms. Walker, you’ll be staying in the detention until 8! I’m serious about that so go ahead!” Savannah flipped her hair and smirked. She put her hands at the teacher’s table and leaned in. “How about until 10? That would be nice.” Bago pa maka-react ang kanyang teacher ay wala pang ilang segundo ay naglaho na siya sa loob ng room. Napuno naman ng ‘Woah’ at ‘Wow’ ang buong room dahil sa pinamalas na bilis ni Savannah. Pinigilan naman ng kanyang teacher na mahimatay dahil sa supernatural na abilidad na ipinakita ng dalaga. Ang eskwelahan kasing pinapasukan niya ay eskwelahan ng mga tao. Dahil nga tanggap na ng mga tao ang bampira, halos karamihan sa school na ito ay mga bampira rin ang napasok at isa na roon si Savannah na kilala bilang isang troublemaker sa campus. Kahit matataas ang nakukuha niyang grades, hindi biro ang mga records niya. Madami siyang kalokohang ginagawa pero dahil nga madalas siyang nangunguna sa klase at sa mga exams, nakalilimutan na ang kanyang mga ginagawa. Dahil sa taglay niyang ganda, pati na rin sa reputasyon niya bilang anak ng isang pinakamalakas na bampira, tinitingala siya sa eskwelahan at sa lugar na ito. “School is getting boring these days,” she muttered to herself. Abala siya sa pagnguya ng kanyang chewing gum ng maramdaman niya ang isang pwersang papalapit sa kanya at sa pagharap niya ay mabilis niyang nasangga ang pag-atake nito pero bago pa lumapat ang kamay ng kung sino mang umatake sa kanya ay tumilapon na ito sa sahig. Bahagyang pumula ang mata ni Savannah at nang tingnan niya kung sino ang umatake sa kanya ay napangisi na lang siya. “You will never win against me, Warren. You’ll be a forever loser.” Gumawa siya ng letter L sa pamamagitan ng kanyang daliri at inilagay sa kanyang noo... Tumayo naman ang binata at pinagpagan ang kanyang pantalon. “Eh, 'di ikaw na ang may malakas na kapangyarihan! Por que tao ako minamaliit mo na ako.” Binelatan lang ni Savannah si Warren at sabay na silang naglakad.  Si Warren Pressman, ang kauna-unahang taong naging kaibigan ni Savannah. Nakilala niya ito noong nag-e-enroll pa lang siya. Hindi niya kasi alam ang direksyon papunta sa Accounting Office at si Warren ang tumulong sa kanya. Simula noon ay naging magkaibigan na sila. “ 'Wag ka ngang sugod nang sugod! Paano kapag napalakas ‘yung atake mo sa 'kin, 'di ikaw pa ‘tong mas masasaktan? Bobo ka rin, 'no?” Itinulak ni Savannah ang noo ni Warren sa pamamagitan ng kanyang hintuturo.  Ngumuso naman ang binata at hinawakan ang noo niya. “Saan ka nga pala pupunta? 'Di ba may klase pa kayo?” tanong nito sa kanya. Humarap ito kay Savannah at patalikod na lumakad habang nakikipag-usap sa kanya. “Teka, huhulaan ko na lang. Pinapapunta ka na naman sa detention, ano?” Iniluwa naman ni Savannah ang kanyang chewing gum at ibinato kay Warren. 'Agad namang nakailag ang binata at masamang tumingin kay Savannah.  “Ang baboy talaga nito!” Binatukan nito si Savannah pero tumalsik ang kamay nito na nagpalagutok ng buto nito. “s**t!” Napahawak ito sa kamay at ngumisi lang si Savannah. Madalas nitong nakalilimutan ang abilidad ni Savannah. Hindi nga pala nito puwedeng batukan ang dalaga o ano dahil babalik lang dito lahat at ang masama pa, mas malakas at masakit ang balik nito. “Kasalanan ko bang nakakaantok siya palagi magturo? Wala naman akong magawa kundi ang matulog!” Napatawa na lang ito sa kanya. Tumigil sila sa paglalakad nang makarating sila sa tapat ng Student Council room. “Hanggang dito na lang ako. Madami pa akong aayusin, eh. Sabay na lang tayong umuwi mamaya.”  Papasok na sana si Warren ngunit pinigilan ito ni Savannah. “ 'Wag na. 8 pa ako makakalabas sa detention,” nakangusong sabi niya.  Ginulo-gulo naman nito ang buhok ni Savannah. “Eh, 'di hihintayin kita!” Ngumiti ito at wala nang nagawa si Savannah kung hindi ngumiti na lang din.  Nagsimula muling maglakad si Savannah papunta sa Detention Room. Nasa dulo pa kasi ng building nila ang Detention Room at walang may gustong mapapunta doon dahil sobrang dilim na sa bahagi ng building na iyon at ang tagapagbantay ay paalis-alis pa. Hindi naman natatakot si Savannah, in fact, tambay na nga siya sa room na iyon. Madalas namang siya lang ang laman ng room na iyon dahil sa lahat ng estudyante sa eskwelahang ito, siya lang ang may lakas ng loob na lumabag ng mga rules. Nang makarating siya sa Detention Room ay nagulat siya ng hindi siya ang naunang mapunta rito. “Ikaw na naman pala ‘yan? Talagang suking-suki ka na rito, ah.” Salubong sa kanya ng disciplinary officer na nagbabantay dito sa Detention Room. Hindi pinansin ni Savannah ang disciplinary officer at nanatili lang nakatingin sa isang lalake na nakaupo sa pinakadulong bahagi ng room. Lumakad siya palapit sa lalakeng nakatulala lang sa kawalan at para bang may malalim na iniisip. Hinila ni Savannah ang upuan paharap sa lalake at humalumbaba sa lamesa nito. Matagal niyang tinitigan ito pero nanatili lang itong nakatulala. Iwinagayway ni Savannah ang kanyang kamay sa mukha ng lalake pero hindi man lang ito kumukurap. “Fried Chicken.”  Napakunot naman ang noo ni Savannah dahil sa unang salitang lumabas sa bibig ng binata. Pinitik niya ang noo nito at dahil sa ginawa niya, para bang doon pa lang nagising ang binata. “What the f*ck?!” Hinawakan ng binata ang kanyang noo at masamang tumingin kay Savannah. Tumawa naman ng malakas si Savannah habang hinahampas-hampas ang lamesa. Masama pa ring nakatingin sa kanya ang binata at tumigil lang siya sa pagtawa nang tumayo ang binata sa kanyang kinauupuan at lumipat ng ibang upuan. Tumayo rin si Savannah at sinundan ang binata. Muli siyang humalumbaba sa lamesa nito.  “Ngayon lang kita nakita, ah?” Muling tinitigan ni Savannah ang mukha ng binata. May singkit itong mata na nakakatakot tumingin at sa ilalim ng kanyang kaliwang mata ay may nunal siya, ang kanyang mga labi ay mapupula at makinis ang kanyang balat. Ngumisi sa kanya ang binata at humalumbaba rin sa kanyang lamesa. “Really? But we met before,” sabi ng binata na para bang walang pakealam sa mundo. “Talaga?! Saan?” nakangiting sabi ng dalaga. Hindi niya maitago ang excitement dahil nararamdaman niyang magkakaroon na naman siya ng panibagong kaibigan. “I’m just kidding. We never met before.” He deadpanned and yawned. Napanguso na lang siya dahil sa binata. Inilagay ni Savannah ang kanyang hintuturo sa kanyang baba at para bang nag-isip. Maya-maya pa ay nagulat na lamang ang binata ng ihampas ni Savannah ang kanyang kamay sa lamesa. “Ah! So transferee ka pala?” Nakaturo pa siya sa binata habang nagsasalita.  Napasandal naman ang binata sa upuan niya dahil sa sobrang lapit na ng mukha sa kanya ng dalaga. “Hindi ba obvious?” Tinabig niya ang kamay ni Savannah at muling umayos ng upo. “Atsaka puwede ba, 'wag ka ngang feeling close sa 'kin. Kilala ba kita?” Nahugot ni Savannah ang kanyang hininga at madramang hinawakan ang kanyang dibdib na para bang nasaktan siya sa sinabi ng  binata. “Hindi mo ako kilala?! Sa ganda kong ‘to? Hindi mo talaga ako kilala?!” Napairap naman sa kawalan ang binata. “I already told you. I don’t know you, Miss.”  “Itong mapupungay na matang ‘to? Hindi mo ma-recognize? Itong matangos na ilong na ‘to? Itong mapupulang labi na ‘to?” Ngumuso pa siya at nagbeautiful eyes. “Itong mahaba, maitim at magandang buhok na ‘to hindi mo pa rin ako kilala? Saang planeta ka ba galing at hindi mo kilala ang pinakamagandang babae sa balat ng universe?!” Tumayo si Savannah at nagpamewang. Wala na silang pakealam sa nagbabantay na disciplinary officer. Wala rin naman itong pakealam sa kanila, eh. “Kahit pa magpagulong-gulong ka riyan, hindi pa rin kita kilala. Bakit hindi mo na lang sabihin sa 'kin ang pangalan mo ng malaman ko kung sino ka?” Inirapan siya ng binata at masama namang tumingin sa kanya si Savannah. “Fine! I’m Savannah Kier Walker.” Inilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap naman ito ng binata. “Law Ephraim Phytos.” Tinanggap niya ang kamay ni Savannah at nakipagkamay rito.  Ngumiti naman sa kanya ang dalaga at umupo na ng maayos. Kinuha naman ni Savannah ang kanyang cellphone at naging abala na.  Nabalot na ng katahimikan ang buong room at nagsimula ng antukin si Law. Unang araw niya sa school, detention na 'agad siya bumagsak. Natutulog kasi siya sa klase tapos saktong terror pa ‘yung teacher nila. Tinanong siya nito tungkol sa isang equation pero hindi niya sinagot. Alam niya ang sagot sa tanong ng teacher pero dahil ayaw niyang magsalita, hindi siya sumagot kaya pinapunta siya rito sa detention. Matutulog na sana siya ng biglang humarap na naman sa kanya si Savannah. “Law, bampira ka, 'di ba?” Nagulat naman siya sa sinambit ng dalaga. Hindi 'agad siya nakapagsalita dahil dito. Lumipas ang ilang minuto na hindi pa rin siya nagsasalita pero kalaunan ay tumawa siya na ikinapagtaka naman ng dalaga.  “Bampira? I’m not.” Napaisip naman si Savannah dahil naramdaman niya talaga na may kakaiba kay Law pero wala naman siyang pruweba na bampira nga ito. Kung bampira nga ito, dapat naamoy niya ang dugo nito at doon pa lang malalaman na niya pero no'ng maamoy niya ang dugo nito ay wala namang kakaiba. Baka nga nagkakamali lang siya. “Well, I’m a vampire.” Ngumisi si Savannah at ipinakita ang kanyang pangil... “I’m not surprised. The principal told me that there’s a lot of like you here so no biggie.” Humalumbaba si Law at ngumiti. “Eh, 'di ibig sabihin no'n puwede kitang maging kaibigan?!” Kung pwede lang kuminang ang mata, baka kumikinang na ang kay Savannah dahil sa tuwang nararamdaman niya. Wala kasi siyang gaanong karaming kaibigan dahil ‘yung mga naging kaibigan niya ay nilalayuan na siya dahil sa abilidad niya. Natatakot silang baka masaktan sila dahil sa kanya pero hindi pa rin siya sumusuko at matiyaga pa rin siyang humahanap ng makakasama. “No. I don’t need a friend.” Binelatan niya si Savannah at umiwas ng tingin. Sinamaan naman niya ng tingin si Law. “Eh, 'di 'wag! Tss.” Tumalikod na siya sa binata at lumipas ang madaming oras na hindi na sila muling nag-usap. Sobrang sama ng loob ni Savannah dahil nag-expect siya na magkakaroon siya ng panibagong kaibigan pero hindi niya inakalang masyadong choosy itong si Law. Gumabi na at umabot na ng 8, pinalabas na sila sa Detention Room. Akala ni Savannah mauunang lumabas si Law sa kanya pero pareho din palang 8 ang labas nila. Ang dilim na ng kalangitan at wala ng estudyante sa eskwelahan. Nagsimula ng maglakad si Savannah papunta sa gate dahil nakatanggap siya ng text kay Warren na nag-hihintay ito sa kanya. “Savannah, right?” Napatingin naman siya kay Law na nakasuot na ng salamin ngayon. Ang kanyang jacket ay nakapatong sa kanyang balikat at ang bag niya ay hawak niya gamit ang isa niyang kamay. Hindi naman mapigilang mapatitig ni Savannah dito dahil sa ganda talaga nitong lalake. Tumango lang siya rito. “Savannah is too long. Nakakatamad banggitin,” nakangising sabi nito,. Lalapitan na sana niya ito para sapakin pero nagsalita itong muli. “But then, I’ll call you Vannah. Hindi masyadong hassle.” Bago pa siya makapagreact sa sinabi nito ay naglakad na si Law paalis. Naiwan naman siyang nakatayo sa may hallway at pinanood lang na umalis si Law.  Nagkibit balikat lang si Savannah at lumakad na papunta sa gate. Nakita naman niya 'agad si Warren na nakasandal sa kotse nito. Tumakbo siya papalapit kay Warren at 'agad na ngumiti sa kanya ang binata ng makita siya. “Sino nga pala ‘yung lalakeng lumabas dito kanina? Kasama mo sa detention?”  Pumasok na silang dalawa sa loob at 'agad na pinaandar ni Warren ang makina. “Transferee siya, eh. Oo, kasama ko siya.” Tumingin siya sa labas ng bintana. “Mukhang hindi lang ikaw ang troublemaker sa school. May bagong sakit sa ulo na naman ang Student Council.”  Napangisi si Savannah sa sinabi ni Warren.  --- “Kamusta po ang school Young Master?” tanong ng kanyang butler habang inaabutan siya ng isang basong tubig at isang blood capsule. “My teacher is so annoying. Pinigilan ko lang ang sarili kong butasin ang leeg niya. Pinadala niya ako sa detention at pinatigil ako doon hanggang alas otso.” Umupo siya sa pulang couch at inihulog ang blood capsule sa basong may lamang tubig. 'Agad namang natunaw ang blood capsule at naging kulay dugo na ang tubig. Ininom niya ito ng isang inuman lang dahil sa gutom. “Did you met her?” Kinuha na niya ang baso mula sa kanyang Young Master at iniabot naman sa katulong upang kumuha ng panibagong tubig dahil kulang pa 'yung ininom niya. “Yes. She’s quite annoying, so loud and she talks nonstop.” Napailing na lang siya ng maalala niya ang nangyari. “Pero Master Law, ano po bang dahilan niyo kung bakit gusto niyong makilala si Savannah Walker?”  Hindi sumagot si Law at tumingin na lang sa kawalan. Madami siyang gustong malaman, madami siyang gustong matutunan. Dahil isa siyang hindi ordinaryong bampira, madami pa siyang gustong alamin tungkol sa sarili niya. Nang malaman niyang nanatili rito ang isang Walker, nalaman niyang baka makatulong ito sa kanya pero may isa siyang pagkakamali na nagawa. Nasabi niya kay Savannah na tao siya pero ang totoo, bampira naman talaga siya. Isang hindi ordinaryong bampira.  “I need to rest. I’m tired.” Tumayo na siya at umakyat patungo sa kanyang kwarto. Panibagong araw na naman ang haharapin niya bukas pero hindi pa rin niya alam kung anong purpose niya sa mundong ito bilang isang bampira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD