Chapter 2

3141 Words
Chapter 2 Wanna Get Killed? Nagising si Savannah dahil sa pag-ring ng kanyang cellphone at dahil tamad siya, hindi niya ito sinagot kahit alam niyang ang ama niya ito. Itinaklob niya ang kanyang unan sa kanyang tenga at mariing ipinikit ang kanyang mata. Sa lahat ng ayaw niya ay ‘yung magigising siya dahil sa tunog ng telepono pero dahil may lahing makulit ang tatay niya, palagi itong tumatawag sa kanya ng sobrang aga para kamustahin siya at para na rin kulitin siya. Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang sagutin ang kanyang telepono. “Problema mo?” pabalang niyang sagot sa caller na si Van. "Hoy, Savannah! Daddy mo ‘to! Kung makasigaw ka riyan, eh! Kakatusan kita!" sigaw ni Van sa kabilang linya. Mas lalo namang napakunot ang noo ni Savannah. “Sige, kutasan mo kung kaya mo. Ano bang kailangan mo, Dad?” Humiga siyang muli at ipinikit ang kanyang mata habang nakalagay pa rin sa kanyang tenga ang kanyang telepono at hinintay ang sagot ni Van. "Kamusta ang school? Maayos ba ang grade mo? Wala bang nambubully sa 'yo? Sabihin mong wala ka pang boyfriend!"  Napangiti naman si Savannah dahil kay Van. Kahit na palagi silang nagtatalo nito sa telepono ay natutuwa pa rin siya na kahit malayo sila sa isa’t-isa ay hindi nito nakakalimutang kamustahin siya at tanungin ang mga ginagawa niya. Ganoon din si Kisha, kahit na ilang milya ang layo nila, nagagampanan pa rin nito ang pagiging isang ina “Dad, sa tingin mo ba hahayaan kong may mambully sa 'kin? Bago pa nila magawa ‘yon mabubura na sila sa mundo.” Dahil sa isang supportive na ama si Van ay napangisi siya sa sagot ng anak. “At isa pa, wala akong boyfriend. Happy?” "Manang-mana ka talaga sa 'kin! Basta kapag may umaway sa 'yo ipapadala ko riyan ang mga representatives para sa resbak!" Napailing naman siya dahil sa sinabi ng ama. "Nga pala, napatawag ako para sabihing pupunta d'yan sina Blade, Jinnah at Irrah."  Her mouth formed into an ‘o’ when she heard the good news. She’s been waiting for this to happen. Magkakaroon na rin siya ng kasama sa mansyon at ‘yon ay sina Blade Lockhart, ang anak nina Wade at Victoria, si Jinnah Williams na anak naman nina Jick at Farrah pati na rin si Irrah Falcon na anak naman nina Israel at Jullia. Kahit na mas naunang ipinanganak si Savannah, ngayon ay parang magkakaedad lang sila. Dahil nga mabilis ang development nila ay pagdating nila rito sa Pilipinas ay maari silang mag-enroll sa klase ni Savannah. “Then that’s great! When?” she asked excitedly. "Next week pupunta na sila riyan para mag-aral at mag-stay diyan. Hindi ka pa namin madadalaw sa ngayon dahil abala kami sa paglibot sa iba’t-ibang parte ng mundo upang makilala pa ang ibang kasama sa Vampire Clan." “It’s okay. I can wait. How’s Mom? Is she with you?” "No. She’s with Victoria. Nagshoshopping sila. Sabi naman niya sa 'kin tatawagan ka niya pagkauwi na pagkauwi nila." “Well then you can hang up now, Dad. Wala na naman akong sasabihin sa 'yo at mukhang wala ka na rin namang sasabihin.” "Wait!" Nailayo naman niya ang telepono sa kanyang tenga sa biglang pagsigaw ni Van. " 'Wag ka muna magbo-boyfriend! Bye!"  Hindi na niya nagawang sumagot sa sinabi ng ama dahil bigla na lamang nitong ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo na para makapaghanda sa pagpasok sa eskwela. Masaya siya ngayon at dadating na sina Jinnah, Blade at Irrah. Kahit na may ibang bampira na napasok sa eskwelahang pinapasukan niya, hindi pa rin niya magawang makipagkaibigan sa mga ito dahil natatakot sila sa kanya at hindi naman gaanong madaming bampira ang napasok doon, karamihan pa rin ay mga tao. Matapos niyang makaligo at makapagbihis ay 'agad na siyang dumiretso sa labas ng bahay kung saan nakalagay ang kanyang bisikleta. Hindi niya tinanggap ang regalong mamahaling kotse galing kay Van dahil mas gusto niyang gumamit ng bike. Hanggang ngayon ay nakatambak lang sa garahe ang kotseng iniregalo sa kanya. Habang nagbabike siya patungo sa school ay nakita niya si Warren na nakabike rin na paliko sa kantong papunta sa eskwelahan. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng bike hanggang sa maabutan ito. “Nakabike ka na naman? 'Di ba sabi ko sa 'yo 'wag ka ng gagamit niyan kung naka-palda ka?” bakas sa mukha ni Warren ang pagkainis dahil sa dalaga. “Eh, ano naman ngayon? Naka-cycling naman ako sa loob.” Bumelat si Savannah sa kanya at napailing na lamang ang binata dahil dito. Itinigil niya ang kanyang bike kaya napatigil na rin si Savannah. Binuksan ni Warren ang kanyang bag at inilabas ang kanyang jogging pants. Ibinato niya ito kay Savannah at agad naman nitong nasalo. “Aanhin ko ‘to?” nakakunot noong tanong ng dalaga. “Kainin mo.” sarkastiko niyang sabi. Sinamaan naman siya ng tingin ni Savannah dahil sa pamimilosopo niya. “Isuot mo bago pa pagpyestahan ng mga manyak ang kung ano mang masisilip sa 'yo.” Sumakay na si Warren sa kanyang bike at nauna ng umalis. Naiwan naman si Savannah na nakatayo habang hawak ang jogging pants at nakatingin sa papaalis na si Warren. Wala na siyang nagawa kundi ang isuot ang jogging pants. Naka-palda pa siya habang isiunot ‘yon at nagpatuloy na rin siya sa pagbabike. Binilisan niyang muli ang pagpapatakbo upang maabutan si Warren. Minsan natatawa na lang si Savannah sa pagtrato sa kanya ni Warren, mas overprotective pa ito kesa sa kanyang ama. Nang makarating sila sa school ay 'agad namang pinagtinginan si Savannah. Hindi na niya ito pinapansin dahil sanay na siya, wala yatang hindi nakakakilala sa kanya rito sa school...well, bukod kay Law. Bigla niya itong naalala pero iniiling na lamang ang kanyang ulo para mawala ito sa isip niya. “May problema ba? Masakit ba ang ulo mo?” nag-aalalang tanong ni Warren. Natawa naman si Savannah dahil dito. “Alam mo Warren, kung hindi lang kita bestfriend mapapagkamalan ko ng may gusto ka sa 'kin. Ilang balde ang isusuka ko kapag nangyari yon” pabiro niya itong hinampas at ngumiti lamang sa kanya ito. Ginulo-gulo ni Warren ang buhok ni Savannah tsaka ito inakbayan. Sabay silang lumakad sa hallway patungo sa room. “ 'Wag kang mag-alala, hindi mangyayari ‘yun, ayokong mamatay ka sa sobrang pagsuka” nagtawanan lamang sila hanggang sa makarating si Savannah sa kanyang room. Hindi sila magkaklase ni Warren sa lahat ng subject kaya magkahiwalay sila ng room. Palagi siyang inihahatid ni Warren sa room niya bago ito pumunta sa sarili nitong room. “Magkita na lang tayo mamayang lunch break” muling ginulo-gulo ni Warren ang buhok ni Savannah at lumakad na palayo. Pumasok naman si Savannah sa loob at dumiretso sa dulong bahagi ng room kung nasaan ang kanyang table at upuan na nasa may tabi ng bintana. “Narinig mo ba? ‘Yun daw si Law ng Class B, lilipat na rito sa subject na ‘to?” “Eh? Bakit daw?” “Sinukuan na siya ni Mrs. Valdez. Sakit daw sa ulo! To think na bago pa lang siya rito!” “Oh my God, I think Math will be my worst subject now!” “Sinabi mo pa! Gwapo nga pero nakakatakot ang itsura! Laging masama kung makatingin!” Hindi naman napigilan ni Savannah na makinig sa usapan ng dalawang chismosa niyang kaklase na kalapit lang ng upuan niya. Nakuha kasi ng mga ito ang atensyon niya ng mabanggit nila ang pangalang Law. Itinuon na lamang ni Savannah ang kanyang tingin sa nakabukas na bintana. Pumikit siya at dinama ang ihip ng hangin na tumama sa kanyang mukha pero pagmulat ng kanyang mata ay nagulat na lamang siya ng may isang pigura na lumitaw mula sa ere at pumasok sa pamamagitan ng bintana. Napasigaw ang iba dahil sa biglang pagsulpot nito sa may bintana. Bumaba siya at lumakad patungo sa upuan na para bang wala siyang ginawa. Sinundan ni Savannah ang tingin nito habang sa makaupo ito sa upuan sa tabi niya. “What...are you, Law Ephraim?” hindi makapaniwalang tanong ni Savannah. Bored siyang tiningnan ni Law at humikab pa bago siya sagutin. “What do you mean ‘what are you’? Did you miss me so much that you’re bringing up something to make a conversation with me?” wala pa ring expression ang kanyang mukha habang nagsasalita. Agad namang nag-init ang mukha ni Savannah at sinipa niya ang upuan ni Law sanhi ng pagkatumba nito sa upuan. Lahat ng kaklase nila ay nahugot ang kanilang hininga at walang sinoman ang may gustong lumapit sa kanila. “Who are you to say that s**t face? Don’t you just barge into someone’s room with the use of that freaking window!” “This is also my room for your information and what’s the big deal about it? It’s too burdensome to climb up the stairs.” Tumayo na siya at pinagpagan ang kanyang sarili. Muli siyang umupo sa kanyang upuan at humalumbaba. Hindi na nagawa pang magsalita ni Savannah dahil sa dalawang rason. Una, ayaw na niyang sayangin ang laway niya sa pakikipag-usap kay Law at pangalawa, iniisip pa rin niya kung paano nakaakyat si Law sa bintana upang makapasok dito sa room eh nasa 4th floor itong room nila. As far as I remember, he said that he is a human. Savannah thought. Hindi kalaunan ay dumating na ang Math teacher nila at wala namang ginawa si Savannah kundi ang matulog, gano'n din si Law. Hindi na sila pinigilan ng kanilang teacher dahil kahit na ilang beses silang pumunta sa detention, hindi pa rin ito natututo. Paggising ni Savannah ay tapos na ang klase at pagtingin niya sa kanyang tabi ay nakaupo pa rin doon si Law na nakatingin naman sa kanya. Wala na ang mga kaklase nila sa paligid, ibig sabihin ay oras na para sa sunod na subject. “Why are you still here?” tanong niya rito. “This will be my room for the next subject.” Inayos na ni Savannah ang kanyang gamit at iniwan na niya si Law sa room. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung paano nagawa ni Law na umakyat sa bintana ng 4th floor. Wala siyang maisip na paraan kung paano nagawa iyon ni Law. Imposibleng umakyat siya ng puno para makatalon papunta sa bintana dahil wala namang puno sa paligid ng building nila, kung meron man ay napakalayo pa rin nito. Dumating na ang Lunch Break at agad na pumunta si Savannah sa may cafeteria. Nakita naman niya si Warren na nakaupo na at hawak ang cellphone nya. “Kanina ka pa?” “Hindi. Katatapos lang din ng klase namin. Anong gusto mong kainin? Ililibre kita.” “Aba! Anong nakain mo? May lagnat ka ba?” hinawakan naman ni Savannah ang noo ni Warren upang tingnan kung nilalagnat nga ito. Tinapik naman ni Warren ang kamay ng dalaga. Buti na lang kapag kaunting tapik o pitik hindi nabalik sa kanya kaya nagagawa niya pa iyon. “Ayaw mo? Ikaw na nga ‘tong ililibre eh”  “Ito naman hindi mabiro! Dali ilibre mo na ako!” nagpunta na silang dalawa sa may counter. Kulang na lang maglaway si Savannah dahil sa mga pagkain na ipinagtitinda. Halos lahat kasi ngayon ng nasa menu ay paborito niya at dahil ililibre naman siya ni Warren ay gagawin na niya itong pagkakataon para mabili ang lahat ng gusto niya ng hindi nagagastos ang pera niya. Napangisi na lang siya dahil sa naisip niya. “Pumili ka na. Ano bang gusto mo?” “Gusto ko ng pizza, pasta, burger, fried chicken, French fries tsaka last, ice cream.” Napaawang naman ang bibig ni Warren dahil sa gustong bilhin ni Savannah pero dahil nagpresinta siyang manlibre ay wala na siyang nagawa kundi ang bilhin ang lahat ng gusto ni Savannah. Hindi man halata sa katawan ni Savannah ay napakalakas niya talagang kumain, kahit gano'n ay namemaintain niya pa rin ang pagkakaroon ng magandang katawan. Nang maka-order na sila ay agad na silang bumalik sa kanilang table. Maya-maya ay naagaw ng kanilang atensyon ang isang grupo ng kababaihan na pumasok sa loob ng cafeteria. Lima sila sa grupo at tingin pa lang ni Savannah ay mga bampira ang mga ito. Ngayon lamang niya nakita ang mga estudyanteng iyon kaya itinuon niya ang kanyang tingin kay Warren na nakatingin pa rin sa limang babae na nakaupo na ngayon. “Sino sila?” “Mga bago sila. Galing sila sa iba’t-ibang bansa at siguro alam mo na namang mga bampira sila?” tumango lang si Savannah dito at nagpatuloy si Warren. “Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila. Tindig pa lang nila ay alam mo ng gagawa sila ng gulo.” Muling tumingin si Savannah sa mga ito. “Tss. They’re just bitches that seek attention. They’re not trouble, trust me.” Napangiti naman si Warren. “Yeah. Because you’re the only trouble here.” Iniba naman agad ni Warren ang topic. “Para sa atin naman ‘tong dalawa di ba?” patungkol sa mga pagkain sa harapan niya. Pumula ang mata ni Savannah at hinila papalapit sa kanya ang mga tray ng pagkain. “No, buy for yourself.” Napalunok naman si Warren at mabilis na tumayo papunta sa may counter. Nakalimutan niyang masama ring agawan ng pagkain si Savannah. Napabuntong hininga na lamang siya at pumila na para bumili ng sarili niyang pagkain. Naabutan pa tuloy siya ng mahabang pila, oras na kasi ng Lunch Break ng lahat ng estudyante kaya dumami na ang tao sa cafeteria. Sinimulan naman ni Savannah ang pagkain pero napatigil siya sa pagsubo ng biglang may humampas sa kanyang lamesa. Pagtingala niya ay nakita niya ang limang babae na pinag-uusapan lamang nila kanina. Inilapag niya ang kanyang tinidor at kalmadong tiningnan ang mga ito. “Ikaw ba si Savannah?” tanong ng babaeng mukhang tumatayong leader nila. “Why do you care?” Itinuloy niya ang pagkain pero hinablot nito ang tinidor mula sa kanyang kamay. “Kinakausap kita, wag kang bastos!” Hinawakan ng babae ang kwelyo ni Savannah at itinayo siya nito mula sa kanyang upuan. Lahat na ngayon ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa kanila. Kahit na may mga teacher na kumakain din sa ngayon ay nangangatog sa takot. Wala rin naman silang magagawa kung pipigilan nila ang mga ito. Tao lang sila at bampira ang mga ito. Ipinikit ni Savannah ng mariin ang kanyang mata at sa pagmulat niya ay pula na ang kanyang mata. Hindi pa rin binibitawan ng babae ang kanyang kwelyo. “Ano bang kailangan niyo sa 'kin?” Parang yelong bumalot sa buong cafeteria ang boses ni Savannah dahil sa sobrang lamig nito. Tirik na tirik ang araw pero ramdam nila ang lamig na bumabalot sa boses ni Savannah. “Nabalitaan kasi naming ikaw ‘yung pinakakilala rito. Alam mo ba? Natawa lang ako ng makita kita. Itsura mo pa lang wala ka ng ibubuga,” nakangising sabi sa kanya ng babae. “Sigurado naman akong low class ka lang na bampira kaya wag ka ng masyadong nagpapasikat dito dahil kami ang mas bagay na sumikat sa school na ‘to.” Hinigpitan pa nito lalo ang hawak sa kwelyo ni Savannah na halos sinasakal na niya ito. Hindi na nagawa pa ni Savannah na magtimpi. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ng babae at ibinaon ang kanyang mga kuko sa balat nito. Dumugo ang braso ng babae dahil sa pagbaon ng kanyang kuko at agad siya nitong binitawan. Pumula ang mata ng limang babae at inilabas na ang kanilang mga pangil. “Oh, did I get you mad?” nagcross arms siya at itinaas ang kanyang kilay. “You want to be famous in this school huh? Just forget about your shitty dream because it won’t happen.” Mas lalong nagalit ang limang babaeng bampira at sabay-sabay na sumugod sa kanya. Napangisi na lamang si Savannah at nagulat ang mga ito ng idipa pa ni Savannah ang kanyang mga kamay na para bang ini-wewelcome pa sila nito. Pero nang ilang pulgada na lamang ang pagitan nila sa dalaga ay parang may kung anong bumalot sa katawan ni Savannah. Bago pa nila mailapat ang kanilang mga kamay ay tumalsik na sila, tumama sila sa mga lamesa at upuan hanggang sa makarating na sila sa dulo ng cafeteria. Humampas ang kanilang mga likod sa pader at naggawa ito ng crack. Bumagsak sila sa sahig na puro sugat at pasa sa katawan. Lumapit si Savannah sa limang babae at nang makita siya ng mga ito ay para silang maaamong tupa na lumuhod sa kanyang harapan. “You learned your lessons, bitches?” nakangising sabi ni Savannah. “O-Opo!” nauutal na sabi ng lima. Nanginginig sila sa takot at sising-sisi sila na basta na lang naghamon ng away sa taong hindi pa nila kilala. “By the looks of it, you don’t know who I am.” Sabay-sabay na tumango ang lima at nagpatuloy naman siya. “I’m Savannah Kier Walker and if you don’t want to get killed, stay away from me and don’t show your filthy face at me again.” Nanlaki ang kanilang mga mata at mas lalong nadagdagan ang takot sa kanila ng malaman nilang ang babaeng binangga nila ay anak ng pinakamalakas na bampira sa buong mundo. Hindi kasi nila alam ang itsura ng naging anak nina Van at Kisha na si Savannah pala, ang alam lamang nila ay Savannah ang pangalan nito, hindi naman nila inaakalang ang babaeng inaway nila ay ang isa sa mga pinakanirerespeto sa buong Vampire Clan. “Patawarin niyo po kami! Hindi po namin sinasadya!” paghingi nila ng patawad. Hindi na sila pinansin ni Savannah at bumalik sa kanyang table. Pinagpatuloy niya ang pagkain na para bang walang nangyari. Nanatiling nakatayo ang mga esudyante at nakatingin sa kanya, hindi sila makagalaw dahil sa takot. Mas lalo nilang napatunayan na nakakatakot maging kaaway ang isang Walker. “Sa tingin ko kailangan mong magbayad dahil sa damage na ginawa mo,” sabi ni Warren pagdating niya na may dala ng tray ng kanyang pagkain. “Why me? Pagbayadin mo ‘yung limang babae kanina.” Napatawa na lamang si Warren at sabay na silang kumain. Sa kabilang banda naman. May isang taong tahimik na nanood sa pangyayari kanina. Hindi naman niya mapigilang mapahanga dahil sa ipinakita ng dalaga. “She’s a prodigy. How interesting.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD