Chapter 3

3630 Words
Chapter 3 Perfect Match “Hoy, gawin mo ‘yung project natin, ikaw naman pala ang top student dito, eh.” Sinipa-sipa ni Law ang upuan ni Savannah hanggang sa tumunghay na ito sa pagkakaubob sa kanyang lamesa. Pagkatunghay ng dalaga ay mapula na ang kanyang mata at kitang-kita ang pagkairita sa kanyang mukha. Tumayo siya at sinipa ng malakas ang lamesa nito sanhi ng pagkatumba nito. Nagtinginan naman lahat ng kaklase nila sa kanila at ang malalapit ay agad na lumayo dahil ayaw nilang madamay. “I don’t give a damn about the f*****g project. Leave me alone and let me sleep, you freaking asshole!” she screamed enough for her classmates to piss in their pants because of fear. Kinuha ni Savannah ang kanyang bag at lumabas na ng room. Ang aga-aga ay nakakunot na ang kanyang noo dahil sa inis. Nag-assign kasi ang teacher nila ng isang project na by pair at dahil magkatabi sila ni Law ay sila ang naging mag-partner. Nagpresinta siyang siya na lamang gagawa ng mag-isa at ayaw niya ng kapartner pero hindi pumayag ang teacher nila. Hindi daw sila bibigyan ng grade kapag hindi nila ito ginawa ng by pair. “Kung hindi lang dahil sa grade hindi ako papartner sa kanya. Bwisit!” Hindi naman porket natutulog at nagcucutting si Savannah ay wala na siyang pakealam sa grade niya. Kahit na hindi na siya nagrereview ay nagiging top student pa rin siya sa buong eskwelahan, hindi niya pwedeng ialis sa kanya ang title na ‘yun dahil lamang sa isang grade na nawala dahil sa isang project. Ayaw naman niyang madisappoint sina Kisha at Van kapag nalaman nila na-incomplete siya. Dahil ongoing pa ang klase sa lahat ng room ay wala pang gaanong estudyante ang nakakalat sa hallway. Dumiretso na lamang siya sa may library upang maghanap ng mga librong pwedeng gawing sources sa project na gagawin nila. Nagpunta siya sa may dulong bahagi ng library at tinitigan niya lamang ang mga shelf. “ ‘Wag na nga. Tutulog na lang ako.” Umupo siya sa may sulok at inilagay ang kanyang earphone sa kanyang tenga. Ipinikit niya ang kanyang mata at maiging pinakinggan ang kantang tumutugtog ngayon sa kanyang telepono hanggang sa dalawin na siya ng antok at tuluyan ng makatulog. *** “Where did she go?” tanong ni Law sa kanyang sarili. Dinismiss kasi sila ng maaga ng kanilang teacher para daw masimulan na nila ‘yung project dahil sa isang Linggo na ang pasahan nito. Wala naman talagang interes si Law doon sa project, mas gusto pa niyang matulog kesa pag-aksayahan ang oras ‘yun pero wala siyang magagawa dahil grade rin niya ang nakasalalay. Sayang naman kung babagsak siya ng dahil lang sa isang project. Nilapitan niya ang isang grupo ng mga estudyante para magtanong kung sakaling nakita nila si Savannah. “Nakita niyo ba si Savannah Walker?” para namang nakakita ng multo ang mga estudyante ng makita siya. Nagsimula silang pagpawisan ng malamig at kita ang mga takot sa mukha nila. “Sasagot ba kayo o---“ hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng magsalita na ang isa sa kanila. “N-Nasa l-library siya!” nagkakanda-utal siya sa pagsagot at sabay-sabay na silang tumakbo paalis. Ipinamulsa naman niya ang kanyang kamay at nagsimula ng maglakad. Hindi niya alam kung bakit big deal ang pagpunta sa detention pero nalaman niyang siya pa lang ang pangalawang nakapunta sa detention na iyon. Kilala kasi ang school na ito sa pagkakaroon ng respitado at disiplinadong estudyante pero nung dumating daw si Savannah, naging suki na ito sa detention dahil sa mga ginagawa niyang paglabag sa rules. Nang dahil sa napapunta siya sa detention, natakot na ang mga estudyante sa kanya dahil ibig sabihin lang non, kagaya rin siya ni Savannah na mahilig sa gulo. Hindi naman niya itatanggi ‘yon, minsan nga napapasok siya sa gulo ng hindi niya namamalayan. Nagpunta na siya sa library at agad na hinanap si Savannah. Ang laki ng library tapos punong-puno pa ng mga bookshelf kaya hindi niya alam kung saang parte niya hahanapin ito pero pagdating niya sa dulo ay nakita niya si Savannah na mahimbing na natutulog habang nakasandal sa pader. Nilapitan niya ito at pinagmasdan ito habang natutulog. Umupo siya sa tapat nito at pinitik niya ang noo nito pero dahil malakas ang pitik niya ay kumirot saglit ang daliri niya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang earphones nito at muli siyang tiningnan. “Vannah.” inalog-alog niya ang balikat ni Savannah pero hindi pa rin ito nagigising. “Tulog mantika.” bulong niya pero maya-maya ay may naisip siyang paraan kung paano ito gigisingin. Napangisi siya at pinisil niya ang ilong ni Savannah para hindi ito makahinga, sa ganitong paraan ay magigising na ang dalaga. Gaya ng naisip niya, mabilis na inimulat ni Savannah ang kanyang mata at nanlalaking nakatingin sa kanya. Hinawakan ni Savannah ng mahigpit ang kanyang kamay at gamit ang isa pa nitong kamay ay isinabunot nito sa kanyang buhok. “A-Aray! H-Hoy S-Savannah! Bitawan mo nga ang buhok ko!” Hindi pa rin binibitawan ni Savannah ang buhok ni Law at pinanggigigilan niya pa ito sa inis dahil sa paggising niya dito. “Who told you to wake me up in my wonderful sleep?! Who and I will kill him/her right now!!” she growled and gripped his hair tightly. Law held Savannah’s hands firmly and tore it away from his hair. “Ano bang problema mo at nanggigising ka?!” galit na galit si Savannah na pumula na ang kanyang mata at nakalabas na ang kanyang pangil. “You’re so short-tempered you know that? I’m here because of our project. Kung ayaw mong mawalan ng grade dapat sinisimulan na natin ‘yun.” binitawan na niya ang kamay ni Savannah at umupo sa tabi nito. “I can do it by myself though, kundi lang dahil sa kaartehan ng teacher na ‘yun.” “Kaya ko rin naman ‘yun mag-isa, ‘no! Tss” nabalot ng awkward na katahimikan ang paligid nilang dalawa, nakadagdag pa na walang halos tao ngayon sa library. Hindi rin nagtagal ay binasag ni Savannah ang katahimikan dahil hindi siya sanay na hindi maingay, madalas kasi na kapag magkasama sila ni Warren ay palagi silang nagkekwentuhan. Kinikwento nito ang mga karanasan niya bilang tao dahil gustong malaman ni Savannah kung anong pagkakaiba ng pamumuhay ng mga tao sa katulad niyang bampira… “Hindi ba sabi mo tao ka? Ano bang…pakiramdam ng maging isang tao? ‘Yung hindi katulad ko na kailangang uminom ng dugo at hindi tinitingnan na iba ako” Inantay niya ang magiging sagot ni Law pero nakatingin lamang ito sa kawalan. Nag-antay pa si Savannah ng ilang minuto para sa sagot nito pero nanatili pa rin itong tahimik. Dahil nga ayaw ni Savannah na pinag-aantay siya, tinampal niya ang noo ni Law gamit ang kanyang palad. Gulat naman itong napatingin sa kanya. “Bakit mo ginawa ‘yon!?” tanong nito at hindi naman mapigilang matawa ni Savannah dahil sa pula ng noo nito ngayon. “Tss. Napakabayolente mo. Tama ba namang tampalin ako sa noo?” masamang tumingin si Law kay Savannah pero nginisian lamang siya nito. “Hindi mo kasi sinasagot ang tanong ko. Ano bang pakiramdam na maging tao? Nakuha ko na kasi ‘yung point of view ni Warren kaya ‘yung point of view mo naman.” Savannah hugged her knees in her chest and buried her face in her knees while waiting for Law’s answer. “To be honest, I lied to you about me being a human.” napatunghay si Savannah at nakakunot ang noong tumingin kay Law na nakatingin na rin pala siya sa kanya. “I’m a vampire.” “Eh?! Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin ‘agad? Akala ko talaga tao ka.” itinago na lamang ni Savannah ang kanyang pagtataka. Kung bampira si Law, dapat naramdaman na niya ito noong una pa lang silang magkita sa detention pero bakit hindi niya naramdaman?  “Ayokong malaman dito sa school na bampira ako dahil gusto kong maranasang mamuhay na hindi iba ang tingin sakin. Pero kahit gano’n, gusto ko pa ring malaman kung saan ako nagmula dahil hanggang ngayon, hindi ko alam kung sino ang tunay na ako.” tiningnan ni Savannah ang mga mata ni Law na sa sobrang itim ay para bang napakalalim nito at madaming tinatago pero kahit ganoon, nakikita naman niyang nagsasabi ito ng totoo. Ang sabi nila, hindi daw nagsisinungaling ang mata at napatunayan niyang tama iyon dahil sa mga mata ni Law na para bang nangungusap sa kanya. “Paanong hindi mo alam kung saan ka nagmula? Hindi mo alam kung anong klaseng bampira ka? Hindi mo alam kung saang clan ka nabibilang?” “Hindi ko alam kung saan ako galing, hindi ko alam kung saan ako nagmula, hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko at hindi ko alam lahat. Tanging naalala ko lang ay isang malaking pagsabog at paggising ko ay para bang may nabura sa akin. Sa paggising ko, ako na si Law Ephraim Phytos.” Gusto pang magtanong ni Savannah tungkol sa buhay ni Law pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Baka kasi sabihin naman nito na masyado na siyang nanghihimasok. Gustong-gusto pang malaman ni Savannah lahat at nagtataka siya sa kanyang sarili dahil ito ang unang beses na nagkaroon siya ng interes sa isang bampira na kagaya niya. Tumayo na si Law at inilahad ang kanyang kamay. “Tara na. Kailangan na nating gawin ‘yung project para matapos na.” Tinaasan naman niya ito ng kilay at mas piniling hindi tanggapin ang kamay nito… “Okay then.  At hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya kong tumayo.” Nilagpasan niya lamang si Law at naiwan naman siyang nakalahad pa rin ang kamay. Napairap na lamang si Law sa kawalan at wala ng nagawa kundi ang sundan si Savannah. *** “Utang na loob Jinnah, sinabi ng tinatamad ako, eh!” ginulo-gulo ni Blade ang kanyang buhok dahil sa inis kay Jinnah. Kanina pa kasi siya nito niyayang lumabas para magshopping pero tinatamad siyang samahan ito. Mga bata pa lamang sila ay hindi na talaga magkasundo sina Jinnah at Blade, si Jinnah Williams, ang anak nina Jick at Farrah ay sobrang kulit at ingay na alam na nilang lahat kung kanino nagmana at si Blade naman ay tahimik, mas gusto niyang nagkukulong lang sa kwarto at naglalaro ng video games. “Dali na kasi! Madali lang naman, eh! Ayaw naman akong samahan ni Irrah!” nakangusong sabi niya dito. Sumalampak si Jinnah sa kama ni Blade at humiga dito. Si Blade naman ay abala pa rin sa paglalaro ng video games. Si Irrah Falcon naman, anak nina Israel at Jullia ay hindi mahilig sa mga pagshoshopping at kung anong kakikayan hindi katulad ni Jinnah. Ang hilig kasi ni Irrah ay ang mag-aral ay magbasa ng libro, simple lang si Irrah manamit, hindi rin katulad ni Jinnah na akala mo lagi magmomodel dahil sa porma niya. Falcon ang apelyido ni Irrah dahil ginusto ito ni Jullia. Siya na lamang ang natitirang Falcon kaya minabuti niyang ang gamiting apelyido ni Irrah ay ang apelyido niya… “Sinabi na kasing madali lang, eh!” binatukan ni Jinnah ng malakas si Blade sanhi ng pagkabitaw nito sa joy stick. Sinamaan siya ng tingin nito at hinawakan ni Blade ang pisngi ni Savannah. Pinisil niya ito ng sobrang higpit na halos mangiyak-ngiyak na ang dalaga. “Ang kulit kulit mong babae ka! Kapag sinabi kong ayaw ko ayaw ko!” Pinisil din ni Jinnah ng mahigpit ang pisngi ni Blade. “Ang kulit kulit mo rin! Kapag sinabi kong gusto ko gusto ko!” ilang minuto rin silang nagpisilan ng pisngi hanggang sa pareho ng pumula ang mga pisngi nila. Binitawan lamang nila ang isa’t-isa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Irrah na walang expression sa mukha. May suot siyang salamin at may hawak pang libro. “Bumaba na kayo roon para kumain tsaka may importane daw silang sasabihin satin.” muling lumabas si Irrah na para bang wala lang at naiwan naman silang dalawa na nakatanga sa pintuan. Hindi na nila itinuloy ang pagbabangayan at bumaba na sila para kumain at para malaman ang importanteng bagay na sasabihin sa kanila. Pagdating nila sa may dinning hall ay nandoon na lahat ang kanilang mga magulang pati na din sina Zick, Jack, Lolo G at Jiji. Si Zick Claw sa ngayon ay may nobya na isang bampira din samantalang si Jack naman ay meron na ding nobya na tao naman. Lahat sila ay may masaya ng buhay ngayon sa Europa pero sa nakikitang expression nila ngayon ay para bang may hindi magandang nangyayari. Pumwesto na sila sa kanilang upuan at bago nila sinimulan ang pagkain ay kinuha ni Van ang kanilang atensyon. “Makinig muna kayo sa sasabihin ko, lalong-lalo na kayo Jinnah, Irrah at Blade.” lahat sila ay nag-aantay sa sasabihin ni Van. “Sa inyong tatlo ko iaatas ang pagbabantay kay Savannah. Alam kong alam niyong pupunta na kayo sa Pilipinas sa isang Linggo at sana mabantayan niyo siya pero ituring niyo siya ng parang isang kapatid at kaibigan, alam kong kailangan niya ‘yun ngayon. Hindi na ligtas sa kanya kung mag-isa lang siya dun at wala man lang kasamang isa sa atin.” “Nabalitaan kasi namin na may isang organisasyon na nabubuo at hindi pa namin nakukumpirma kung may mga hindi sila magandang hakbang na ginagawa pero maayos na rin ‘yung nakakasigurado tayo. Hanggat walang kasama si Savannah doon, mas delikado para sa kanya.” pagpapaliwanag naman ni Israel. Nagkaroon na kasi sila ng sapat na training kaya may kapabilidad na silang protektahan si Savannah, kumbaga, sila ang magpapatuloy ng naging katayuan ng mga magulang nila noon. Ngayon, ang poprotektahan naman nila ay si Savannah. Hindi pa kasi nakonkontrol ni Savannah ang kapangyarihan niya kaya natatakot silang baka kung anong masamang mangyari kapag nalaman ng organisasyon ang tunay niyang abilidad… “Kami na po ang bahala kay Savannah tsaka excited na din kaming makilala siya!” bakas sa mukha ni Jinnah ang pagkatuwa. Hindi kasi sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala si Savannah sa personal kaya nasasabik na silang makilala ito. “Nakahanda na ba ang lahat para sa flight namin?” tanong naman ni Blade. “Maayos na ang lahat. Wala na kayong dapat na ipag-alala” tumango na lamang sila sa sinabi ni Van at sinimulan na nilang kumain. *** Inilatag ni Savannah ang isang buong illustration board sa lamesa. Nandito pa rin sila ni Law sa may library at sinisimulan na nila ang project nila para wala na silang ibang alalahanin pa. Project nila ito sa Arts kung saan pinagdadrawing sila ng isang bahay. “Ako na ang bahala sa drawing!” pagpepresinta ni Savannah. Tiningnan naman siya ni Law na parang hindi naniniwala sa sinasabi niya. “Bakit ka ganyan makatingin? Hindi ka ba naniniwala na magaling ako mag-drawing?” dahan-dahang iniiling ni Law ang kanyang ulo na mas lalong ikinaasar ni Savannah. “Sinusubukan mo talaga akong damuho ka ha! Tingnan mo kung paano ako magdrawing! Artist yata ‘to!” kumuha si Savannah ng papel at lapis sa kanyang bag at nagsimulang magdrawing ng tao. Pinanood lamang ni Law ang ginagawa ng dalaga at pagkatapos nitong magdrawing ay itinaas niya ang kanyang papel na para bang proud na proud sa kanyang ginawa. “Ganda di ba?” taas-baba ang kilay ni Savannah habang nakangiti ng malapad. “Pfft.” kinagat ni Law ang ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa niya. “What’s that? Is that a...lollipop?” Itinapal naman ni Savannah ang papel sa mukha ni Law at hindi na napigilan pa ng binata ang matawa ng tuluyan. “Maganda naman ah!” nagcross arms si Savannah at ngumuso na parang bata. Kinuha ni Law ang papel at muli itong tiningnan. Muli na naman siyang napatawa dahil sa drawing ni Savannah. Taong stick lang kasi ito na may mga puno pa sa paligid, may araw sa itaas at mga ulap. Kumbaga, parang drawing ng elementary ang drawing ni Savannah. “I’ll be honest with you, your drawing sucks. Please don’t do this again” seryosong sabi ni Law at sinamaan lamang siya ng tingin ni Savannah. Kalaunan ay natawa na naman siya pero hindi na siya pinansin ng dalaga. “Ako na lang ang magdadrawing. Sabi mo kanina kaya mong gawin ng mag-isa ang project, paano mo magagawa ng mag-isa eh hindi ka nga maalam mag-drawing?” nakangising sabi ni Law. “Manahimik ka kung ayaw mong sikmuraan kita hanggang magkahiwa-hiwalay ang bituka mo!” hindi man lang natakot si Law sa banta ni Savannah kahit kayang gawin iyon ng dalaga. Nanatili lamang siyang nakangisi habang sinisimulan ang pagdadrawing. Tahimik namang nanonood si Savannah sa kanya na pabor naman sa kanya kasi mas nakakapagfocus siya sa isang bagay kung tahimik at walang maingay. “Anong klaseng bahay ang idadrawing mo?” tanong ni Savannah habang nakahalumbaba sa lamesa… “Hindi ko alam. Bahala na” sagot naman ni Law. Tumahimik na muli si Savannah at itinuon na lamang ang atensyon niya sa kanyang cellphone. Hindi niya napansin na may ilang text at missed calls na galing kay Warren. Nakalimutan niyang sabihin dito na hindi siya makakasabay sa lunch at sa pag-uwi dahil nga sa project na ‘to… Tinext na lamang niya si Warren tutal busy din naman ito sa ibang bagay. Tiningnan niyang muli ang ginagawa ni Law at nagulat siya ng halos nangangalahati na ang project nila at ang ganda ng drawing niya. ‘Yung mga bawat linya sa drawing ay pantay-pantay at wala man lang siyang mali na nakikita. Napatingin naman siya kay Law na seryoso sa kanyang ginagawa, wala siyang ginagayanan na model ng bahay pero nagawa niya ng ganitong kadali ang project nila. On the second thought, mas maganda nga palang may kapartner ka lalo na at katulad ni Law ang magiging kapartner. Pagkatapos pa ng tatlumpung minuto ay natapos na ni Law ang drawing, may kulay na din ito at mas lalong naging realistic ‘yung bahay. Sobrang ganda ng nagawa ni Law. Nag-inat si Law at ibinaba ang lapis na hawak niya. Mukha naman siyang satisfied sa nagawa niya. Tumingin siya kay Savannah at ngumiti. “Ayos ba? Galing ko, ‘no?” Tinaasan naman siya ng kilay ng dalaga. “Not bad” Ngumisi naman si Law at inayos na ang mga gamit na ginamit niya. “Dahil ako lang naman ang gumawa ng project, ilibre mo ako” “Ano namang ililibre ko sa ‘yo?” buong akala ni Savannah ay aabutin sila ng hapon sa project nila pero kakalagpas pa lang ng lunch break ay natapos na nila agad, or should I say, natapos na ni Law feat Savannah na nanonood lang. “Ilibre mo ako ng pagkain. Ayoko ng pagkain sa cafeteria kaya lumabas na tayo ng campus” dinala ni Law ang illustration board at hinawakan naman niya ang kamay ni Savannah. “Dalian mo, nagugutom na ako” wala ng nagawa si Savannah kundi ang magpahila kay Law tsaka bayad na din niya ‘to kasi wala naman talaga siyang ginawa, si Law na talaga ang gumawa ng project nila. Nang makalabas sila sa library ay humarap sa kanya si Law. “Bago pala tayo kumain, ipasa na natin ‘to” Pumunta muna sila sa faculty para ipasa ang project nila. Sila lang ‘yata ‘yung kaka-assign lang kahapon nung project ay ipapasa na nila agad ngayon. Pagdating nila sa faculty ay agad silang dumiretso sa table ng teacher nila. “T-Tapos na agad kayo?!” gulat na tanong ng teacher nila at tiningnan ang project na ginawa nila. “P-Paanong agad-agad---“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng sumingit si Savannah. “Bakit ba hindi mo na lang tanggapin? Ang dami mo pang tanong.” Ipinatong ni Savannah ang illustration board sa lamesa at nauna ng umalis. Sumunod naman sa kanya si Law na napapailing na lang dahil sa ugali ng dalaga. Kahit na napakasungit ay gustong-gusto naman ni Law ang ganitong ugali niya.. “Saan mo ba gustong kumain? Dalian mo, mahal ang oras ko.” Nakahalukipkip ito at nakataas ang kilay. Ngumisi si Law at walang sabi-sabing hinawakan ang kamay ni Savannah. Nagpahila na lamang siya hanggang sa makarating sila sa may parking lot. Isinakay siya ni Law sa kanyang sasakyan at walang imik na pinaandar ito. Tahimik lamang silang bumyahe hanggang sa makarating sila sa isang kalye na puno ng street foods at karinderya. Itinigil ni Law ang kanyang sasakyan sa isa sa mga karinderyang nakahilera at humarap kay Savannah. Hindi naman maipinta ang mukha ni Savannah dahil sa nakikita niya, ang dami kasing tao tapos ang kalat pa. Hindi siya sanay kumain sa ganito dahil kahit kelan hindi siya nagpunta sa ganitong lugar. “Why did you bring me here?” “We’re going to eat” “No I don’t like” “Yes you like” “I said no!” “I said yes!” “I said---“ Hindi na natapos pa ni Savannah ang kanyang sasabihin ng bigla siyang layasan ni Law. Lumabas ito ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa tabi niya. Hinila niya palabas si Savannah at wala na naman siyang choice kundi ang sumama rito. “Kapag nalason ako ikaw ang may kasalanan!” “Don’t worry, you’re safe with me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD