Ala-singko medya na nang umaga gising pa rin si Nico hindi pa siya natutulog. Nakasandal lang siya sa head rest ng kama pinagmamasdan niya ang likod ni Ally. Nasasaktan siya sa ginawang nitong pamba-balewa sa kan'yang presensya. Kagabi ilang beses niyang tinangkang yakapin at halikan ito pero tinalikuran lang siya nito at buong magdamag na hindi siya nito pinansin. "Wife naninibago ako sa ugaling pinapakita mo ngayon kasi dati napaka-sweet mo at isang kalabit ko lang sayo niyayakap mo na ako agad. Pero bakit ngayon? Parang nandidiri ka sa akin? Hindi mo na ba ako mahal? Kaya ayaw mo na akong makatabi sa kama." Emosyonal na tanong niya sa asawa niyang mahimbing na natutulog. Kanina pa niya gustong gisingin si Ally dahil gusto niyang ipaliwanag rito na walang malisya ang pagyakap ni El

