Hindi mapakali si Ella kanina pa kasi niya tinatawagan si Nico pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya at hindi rin ito nag-rereply sa kan'yang mga mensahi. "Ahh! Nico ano ba sagutin mo ang tawag ko!" Frustrated na sigaw niya. Na-iiritang umupo siya sa kama kaninang umaga pa niya gustong kausapin si Nico ng masinsinan tungkol sa plano nilang manirahan sa ibang bansa. Pero hindi niya ito naka-usap ng maayos dahil inaway siya nito tapos nag-akit pa si Ally na umuwi na sila sa Manila. "Ding-dong!" Napa-igtad siya ng tumunog ang doorbell. Malamya siyang lumabas ng kwarto at naglakad siya palabas ng bahay. Sinilip niya sa peep hole ng gate kung sino ang kan'yang bisita tanging itim na kotse ang nakita niya. Napangiti siya ng matamis iniisip niyang si Nico ang dumating kaya excited na b

