"Honey! Pumunta na kayo dito ni Alexa sa dining area kakain na tayo." Masiglang sigaw ni Ella. "Andiyan na honey!" Nakangiting kinarga ni Alex si Alexa, at naglakad ito pa punta sa kusina. "Ding dong!" Napatigil si Alex sa paghakbang nang marinig nito ang pagtunog ng doorbell. "Lalabas muna ako honey, titingnan ko kung sino ang tao sa labas." Ma-ingat na ibinaba nito si Alexa sa sahig at naglakad ito palabas ng bahay. Kunot noong binuksan nito ang gate nang matanaw nito ang itim na kotse na pamilyar sa kanya. Nakangiting mukha nang magandang babae ang bumungad sa harapan ni Alex ng mabuksan nito ang gate. "Hi! Good evening Miss? Merry Christmas! May kailangan ka ba?" Seryusong tanong nito sa babae. "Hello! Good evening! Merry-Merry Christmas... I'm Allyssa Fortuna Saavedra. I'm Ella

