Alas-tress na nang madaling araw pero nag-iinuman pa rin si Ella, Alex at Ally sa gilid ng swimming pool masayang nagtatawanan ang mga ito. Si Nico naman ay bwisit na bwisit tuwing maririnig nito ang malakas na halakhak ni Alex. "Punyeta ka Alex! Bakit umuwi ka pa dito sa Pilipinas! Nabulilyaso tuloy ang plano ko na angkinin si Ella ngayong gabi!" Galit na bulong nito at tinitigan nito si Alex ng masama. Kitang-kita ni Alex ang galit at panibugho sa nagbabagang mata ni Nico. Pero imbis na matakot natuwa pa ito. "Ganyan nga Nico mamatay ka sa inggit!" Mariin na bulong ng isip nito. Hinapit ni Alex sa bewang si Ella at iniupo niya ito sa kaniyang kandungan. Sinamyo niya ang malambot at mabango nitong buhok at hinalikan niya ito sa bunbunan. "I love you so much honey..." "I love you t

