Nakadapa ngayon si Ally sa kama tahimik siyang umiiyak. Magang-maga na ang pisngi niya at kaniyang mga mata dahil sa buong magdamag niyang pag-iyak. Pinunasan niya ng cotton towel ang pisngi niya na basang-basa ng luha. "Baby, I'm so sorry hindi ko kasi alam na masamang tao ang lalaking minahal ko. Pero alam mo baby kahit sinaktan ako ng daddy mo sigurado ako na mahal ka niya at sigurado ako na hindi ka niya sasaktan tulad ng pananakit na ginawa niya sa akin. Pasensya ka na anak ha, kung itatago muna kita sa daddy mo. Gusto ko lang kasi na lumayo muna sa mga tao na nanakit sa akin upang tumigil sa pagdurugo itong puso ko. Pero anak pangako pagdating ng tamang panahon ipaki-kilala kita sa daddy mo." Umiiyak na wika niya habang hinihimas niya ang impis n'yang tiyan. Umiiyak na lumuhod siy

