Kalmado na pumasok si Ally sa private room na okupado ni Nico. Naabutan niya ito na nahihirapang bumangon kaya inalalayan niya ito. Napa-iyak si Nico ng masilayan nito ang maganda niyang mukha. "Nico dahan-dahan sa paggalaw ng hindi mapwersa ang tuhod mo. Huwag ka muna maglikot nang hindi ma-inpeksyon ang tahi mo sa itlog. Kapag pinilit mong igalaw ang dalawa mong tuhod baka tuloyan ka ng malumpo." Yayakapin sana siya ni Nico pero bigla siyang lumayo sa tabi nito. "Binisita kita ngayon dahil gusto ko na mag-usap tayo ng maayos. Gusto kong maghiwalay tayo ng walang samaan ng loob. Gusto kong lumayo na meron akong peace of mind. Gusto kong magsimula ng bagong buhay na walang kinikimkim na galit. Siguro ngayon hindi ko pa kayang magpatawad pero ngayon tanggap ko na ang masakit na katotohan

