Ganado si Nico magtrabaho hindi mawala-wala ang matamis na ngiti sa reddish niyang labi.
"Sir, Nico lunch time na po ready na ang inorder kong pagkain sa ibabaw ng mesa." Magalang na wika ni Anna ang kaniyang secretary.
"Thank you Anna mamaya pa ako kakain. Tatapusin ko pa kasing pirmahan itong mga papeles."
"Halatang inspired na inspired ka magtrabaho ngayon Sir, ah, siguro makaka-anak na kayo ni Ma'am,Ally ano? Kasi doble kayod ka ngayon."
"Kailangan ko talagang magsipag Anna dahil dalawang babae ang ma-a-anakan ko." Gusto niyang sabihin sa kaniyang secretary pero hindi niya itinuloy.
"Mauna ka ng kumain Anna."
"Okay, po Sir." Naglakad si Anna palabas ng opisina.
Nang masigurado niyang wala nang tao sa paligid dinukot niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. Tinawagan niya si Ella.
Ibinaba ni Ella ang paint brush. Dinampot nito ang cellphone na tumutunog.
"Hello Daddy, bear? napatawag ka? Don't tell me na miss mo ako agad?" Kinikilig na tanong nito kay Nico.
"Yes! I missed you already! Oras-oras minu-minuto kitang na mimiss baby, bear kung maari nga lang na itali kita dito sa bewang ko ginawa ko na." Pabebeng wika niya.
"Ganun!? Anong tingin mo sa akin sinturon?" Tumatawang sagot ni Ella.
"Ha ha ha! Why not! Pwede rin nang lagi kang nakakabit sa katawan ko. Naka-uwi ka na ba baby?"
"Yes Daddy, bear kanina pa ako nakauwi. May importante nga pala akong sasabihin sayo."
"Ano iyon?" Excited na tanong niya kay Ella.
"Dalawang buwan mamalagi sa Singapore si Alex siguro naman sapat na ang dalawang buwan para maipagtapat mo kay Ally ang tungkol sa relasyon nating dalawa."
"Yes baby sapat na ang dalawang buwan para maiayos ko ang divorced paper namin ni Ally. Saka hindi ako uuwi sa bahay mamayang gabi hanggang bukas ng hapon. Maari bang pumunta ka dito sa opisina bukas ng tanghali? Sabay tayong mag-lunch?"
"Sure pupunta ako diyan bukas. Pero bakit hindi ka uuwi? Siguradong hahanapin ka ni Ally?"
"Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay kasi makikita ni Ally itong kiss mark ko sa katawan at sugat sa likod na ginawa mo kagabi."
"Eh, diba mas maganda nga iyon ng isipin niyang may ginawa kang milagro, hindi ka na mahihirapan na ipagtapat sa kanya ang totoo."
"Hindi pa pwedeng malaman ni Ally ang tungkol sa relasyon nating dalawa. Dahil kapag nalaman agad ni Ally ang totoo mapupunta sa kanya lahat ng perang naipon ko. Kailangan ko munang i-transfer pa unti-unti sa sarili kong bank account lahat ng pera naming mag-asawa."
"Nice plan Daddy bear ang talino mo talaga, pati kinabukasan natin pina-plano mo na."
"Oo naman baby ayaw ko kasing mahirapan ka. Kumain ka na ba? Baka naman nagpalipas ka ng gutom? Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagkakasakit ka." Malambing na wika niya.
"Kanina pa ako tapos kumain daddy bear. Dapat ikaw ang huwag magpagutom diyan para bukas may lakas ka sa churbahan natin." Malanding wika ni Ella.
Natawa siya sa sinabi ni Ella. "Grabi napaka-libog talaga ng babaeng ito kaya hindi ko maiwan-iwan eh." Kinikilig na bulong niya.
"Plano ko baby na pumunta sa Tagaytay bukas ng gabi gusto mo bang sumama? Mananatili ako doon habang pinagagaling ko itong mga chikinini ko sa katawan."
"Ayy! Gustong-gusto ko iyan mag-road trip tayo tapos explore natin buong Tagaytay City," excited na wika ni Ella
"Okay, baby bear bye! I love you! See you tomorrow."
"Bye! Daddy bear, I love you too much!" Kinikilig na ibinaba ni Ella ang cellphone nito sa center table. Dinampot nito ang paint brush at ipinagpatuloy nito ang pagpipinta.
Napatakbo si Ally sa banyo nanga-ngasim ang sikmura niya.
"Bwacck!" Pilit niyang sumuka pero walang lumalabas.
Kaninang umaga pa masama ang kaniyang pakiramdam. Nahihilo siya at inaantok tinatamad rin siyang tumayo.
"Hindi kaya meron akong malalang sakit? Kailangan ko ng magpatingin sa Doctor." Natatakot na wika niya.
Lumalabas siya ng banyo. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng center table. Tinawagan niya si Nico kakausapin niya ito upang masamahan siya nito pumunta ng hospital.
Ilang beses niyang tinawagan ang cellphone number ni Nico pero laging busy ang linya.
"Baka may importante siyang kausap kaya hindi ko makontak."
Dinampot niya ang telephone sa land line phone ng Montero Auto shop siya tumawag.
"Hello good afternoon? Speaking of the line please?" Tanong sa kabilang linya.
"Hello Anna si Ally ito anong ginagawa ni Sir, Nico mo?"
"Nasa garage po ngayon si Sir, busy siyang magpintura ng kotse."
"Sigurado ka? Kung busy sa trabaho si Nico bakit busy ang linya ng cellphone niya?" Nagtatakang tanong niya.
"Sigurado po ako Ma'am, hindi pa nga po kumakain ng lunch si Sir, kasi po tinatapos niyang pinturahan ang sasakyan ni Mr. Cruz."
"Okay, Anna huwag mo ng sabihin kay Nico na tumawag ako nang hindi siya maabala sa trabaho."
"Okay, po Ma'am, bye!"
Ibinaba niya ang telepono dinampot niya ang kaniyang cellphone. Tinawagan niya si Ella.
Nakatitig lang si Ella sa screen monitor ng cellphone. Nagdalawang isip ito kung sasagutin ba nito ang tawag ni Ally.
Gusto sana nitong iwasan si Ally pero paano? Matalik niyang kaibigan ang babae.
Ayaw na nitong makipag-plastican kay Ally pero kailangan muna nitong magtiis upang magtagumpay sila ni Nico sa kanilang plano.
Naiinis na pinindot ni Ella ang answer button. "Hello bunso?"
"Hello ate nag-aano? ka?" Masiglang tanong niya.
"Nothing just lying in bed, why did you asked?"
"May pupuntahan kasi ako bukas pwede mo ba akong samahan?"
"Ayy! Sorry bunso busy ako bukas makikipagkita kasi ako sa buyer ko ng painting."
"Ganun ba Ate okay, lang good luck sa lakad mo."
"Ahmm.. Bunso pwede ba akong humingi ng pabor sayo? Kung okay, lang?" Kunwari nahihiya si Ella.
"Oo naman ate kahit anong pabor basta kaya ko.''
"Iiwan ko muna sayo si Alexa may seminar kasi kami sa Baguio limang araw ako mawawala. Mas panatag ang loob ko kung ikaw ang mag-aalaga sa anak ko, kasi close kayong dalawa tapos mahilig ka pa sa bata."
"Sure anytime pwede mong iwan dito sa bahay si Alexa mas mabuti nga iyon meron akong kasama. Kailan mo siya dadalahin dito?"
"Bukas ng hapon kasi gabi ang alis ko."
"Okay, Ate ako ng bahalang mag-alaga kay Alexa."
"Thank you so much bunso! Maa-asahan ka talaga!" Pa puri nito kay Ally.
"Ha ha ha! Hindi naman ate medyo lang." Gumaan ang pakiramdam niya ng maka-usap niya si Ella.
Nawala ang kaniyang pagka-inip at pagkabalisa.
"Bunso may itatanong ako sayo baka kasi matulungan mo ako sa problema ko."
"You can ask anything ate Ella."
"How did you know? That someone will love you truly?"
"Importante ka sa kanya, pipiliin at pipiliin ka niya kahit mali na. Love is blind sometimes ate Ella, kahit alam mo ng mali gagawin mo pa rin para sa taong mahal mo. Kung may kilala ka ateng tao na lubos ang pagmamahal sayo huwag mo na siyang pakawalan."
Pumatak ang luha ni Ella. Dahil si Nico lang ang taong kilala nito na totoong nagmamahal sa kan'ya ng lubos. Nagsakripisyo si Nico noon upang mabigyan siya ng marangyang buhay.
"Ate! are you still there?"
"Y-yeah nabitawan ko kasi ang cellphone ko Ally kaya hindi ako nakasagot agad.
Rinig na rinig niya ang paghikbi ni Ella sa kabilang linya. "Why are you crying Ate? May problema ka ba? Andito lang ako handang makinig."
"Ha ha ha!" Tumawa si Ella ng peke.. "I'm fine bunso.... Ito kasing Kdrama na pinapanuod ko nakaka-iyak pati tuloy ako na luha na."
"Ahh.... akala ko naman kung napa-ano ka na."
"Don't worry about me bunso, I'm totally fine, puputulin ko na itong tawag meron pa kasi akong gagawin."
"Okay, ate bye!'' Nang mapindot niya ang end button, nakita niya ang message ni Nico.
"Sorry wife hindi ko na sagot ang mga tawag mo tambak kasi ang trabaho dito sa auto shop, and mamayang gabi huwag mo na akong hintayin. Hindi ako makakauwi kasi mag-o-over time ako." Mensahi galing kay Nico.
Nahiga siya sa kama magdamag na naman siyang gising dahil hindi siya sanay na wala si Nico sa bahay.
"Kailan kaya ako masasanay? Na minsan hindi ko siya katabi sa pagtulog. Siguro lahat ng house wife, ganito ang nararamdaman hindi mapakali pagmalayo ang kanilang asawa." Malungkot na wika niya.
Kaya tinapos agad ni Ella ang pakikipag-usap nito kay Ally dahil excited itong mag-impaki nang mga seksing damit na dadalahin nito sa Tagaytay bukas.
Kinuha nito sa loob ng tukador ang, nighties, two piece, at lace panty mga sexy sleep wear na paborito ni Nico.
Iniisip pa lang ni Ella na limang araw nitong magkakasama si Nico, naki-kiliti na agad ang mani nito.
"Napaka-cheap mo inday! Pwede ba magpakipot ka naman kahit kaunti? Hindi iyong buka ka ng buka. Mamaya magkabistuhan ng maaga kawawa ka sa kulongan ang bagsak mo! Sigaw ng isip ni Ella.