CHAPTER 15

2294 Words
Na-iiritang dinampot ni Alex ang cellphone sa ibabaw ng center table. Inaantok pa ito pero may makulit na tumatawag. "Hello!?" Galit nitong tanong. "Hello boss," kinakabahang sagot ni Anton sa kabilang linya. "Bakit napaka-aga mong tumawag Anton! Binulabog mo ang tulog ko! Siguraduhin mo lang na importante ang iyong sasabihin! Dahil kung hindi... isa-salvage kita!" Nanginig ang dalawang tuhod ni Anton alam kasi nito na hindi nagbibiro si Alex. "Ipapaalam ko lang sayo boss na si Ma'am, Ella at ang inyong anak ay nag-sleep over sa bahay ng kanyang ex-fiancee na si Nico Savedra." "What!?" Halos mabingi si Alex sa ibinalita ni Anton. Lahat ng dugo nito sa katawan ay umaakyat sa mainitin nitong ulo. Galit na sinipa nito ang center table tumalsik iyon sa fully furnished na ding-ding. Lahat ng gamit na nakapatong sa ibabaw ng mesa ay nabasag. "Meron na bang alam si Nico?" "Ewan ko po Sir." "Gong-gong! Anong silbi mo kung napakasimpleng trabaho lang hindi mo pa magawa ng tama!" Galit na galit na sigaw ni Alex. "Pasensya na Sir, hindi ko nagawa ang iniutos mo dahil ang asawa ni Nico ay matalik na kaibigan ni Ma'am, Ella." "What? What do you mean? Na merong asawa si Nico? Nagsalubong ang makapal na kilay ni Alex. "Sigurado ka bang si Nico'y mayroon ng asawa? Eh, takot na takot iyon sa salitang kasal." "Yes, po sir dalawang buwan pa lang ang nakakalipas ng ikasal si Nico kay Allyssa." Napangiti si Alex ng malapad dahil sa wakas nagkaroon na rin ng sulosyon ang matagal nitong problema. "Alamin mo Anton kung legal ang kasal ni Nico at Allyssa." "Masusunod boss." Magalang na sagot ni Anton at pinindot nito ang end call. Napangisi si Alex sa kaalamang may asawa na si Nico at matalik na kaibigan pa ni Ella. May magagamit na itong pang-blackmail sa malandi nitong asawa. "Asawa mo ba talaga Alex?" Nakakairitang tanong ng isip nito. Nagising si Ally sa mabining haplos na dumadampi sa kaniyang pisngi. "Good morning wife, How are you feeling? Okay, ka na ba?" Nakangiti tanong ni Nico sa kan'ya. "Yes babe, I'm fine. Ang aga mo namang magising? Aalis ka na agad hindi ka pa nga kumakain ng almusal." "It's already 8:00 A.m in the morning wife. Medyo late na nga ako nagising eh, but don't worry kakain ako sa shop. Wife kailangan ko na talagang umalis." Dinampian nito ng halik ang mapula niyang labi. Kalmadong lumabas si Nico ng master bedroom. Tumigil ito sa pintuan ng guestroom. "Gising na kaya si Ella?" Nakangiting bulong nito. Hinaplos nito ang pintuan ng guestroom bago ito bumaba ng hagdan Masaya siyang bumangon dumiretso siya ng banyo. Naghilamos siya at nag-tooth brush. Napansin niya ang boxer ni Nico na nakasampay sa loob ng banyo. Kumunot ang noo niya. 'Kailan pa si Nico nagkusang maglaba ng boxer? Imposible namang naligo ang asawa ko na may suot na boxer? Eh, hubo't-hubad iyon tuwing naliligo." Baka naman nahulog sa tiles kaya nabasa. Umiiling na lumabas siya ng banyo. Lumabas siya ng master bedroom naglakad siya papunta sa kusina. Lumapit siya sa refrigerator. "Awww!" Napasigaw siya ng matisod ang daliri niya sa pitcher na nakapatong sa sahig. "Bakit may pitcher dito sa lapag? Alangan namang nalaglag edi dapat nabasag ito." Nagugulohang dinampot niya ang picther ipinatong niya iyon sa ibabaw ng lamesa. Nakita niya ang maliliit na langgam nagkukumpulan ang mga iyon sa malagkit na nakadikit sa bobog na mesa. "Hindi siguro napunasan ng maayos ni Nico kagabi itong mesa may natira pang sauce ng macaroni salad." Pinunasan niya ng maayos ang mesa. Binuksan niya ang ref nilabas niya ang mga tirang pagkain. Ininit niya sa microwave ang roasted chicken at Lengua Estupado. Sinangag niya ang bahaw na kanin at nagluto siya ng pancakes para kay Alexa. Inayos niya ang mesa at----- "Good morning! Bunso." "Good morning! Tita Ally." Sabay na wika ng mag-ina. "Good morning! Mabuti gising na kayo nakapagluto na ako. Kumusta naman ang tulog ninyong mag-ina? Nakatulog ba kayo ng mahimbing?" "Yes, po tita Ally ang himbing ng tulog ko." Bibong sagot ni Alexa habang umuupo ito sa silya. "Mabuti naman baby. Next week dito ulit kayo matulog." Nakangiting wika niya. Napalis ang ngiti niya ng makita niya ang nagkukulay violet na leeg ni Ella. "Ate Ella napaano ang leeg mo? Namumula? Parang sinipsip?" Kinabahan si Ella. "Diyos ko! Ang hickeys na gawa ni Nico nakita ni Ally." Natatakot nitong bulong. "A-aa e-ee.... Ito ba kinamot ko ito kagabi kaya namula hindi kasi ako hiyang sa beauty product na ginagamit ko." "Itigil mo na ang paggamit ng beauty product na iyon Ate, baka lalong dumami ang rashes mo sa leeg." Pero kung pagma-masdan niyang mabuti ang mga pulang marka sa leeg ni Ella. Para iyong kinagat ng ngipin ng tao love bites katulad ng ginagawa ni Nico pag nanggigigil ito kapag nagtatalik sila "Hindi kaya nakipag s*x si ate Ella kagabi? Imposible pero kanino? Alangan namang kay Nico? Noo! Imposibleng makipag-s*x si Nico sa matalik kong kaibigan. Hindi iyon kayang gawin ng aking asawa," pangu-ngumbinsi niya sa kaniyang sarili. "Maupo na kayo ate kakain na tayo. Anong gusto ninyong inumin? Milk or coffee?" "Hindi ako kumakain ng breakfast bunso, sapat na sa akin ang green tea sa umaga." "Ganun ba? Nag-da-diet ka Ate?" "Yes bunso gusto ko kasing ma-maintain itong kaseksihan ko. Alam mo bunso plano kong magpa-derma at magpa-brazzillian wax mamaya. Baka gusto mong sumama?" "Ayy! Ang social mo naman Ate. Narinig ko sa iba Ate masakit daw magpalinis ng kepay?" "Hindi naman masakit bunso kapag-sanay na. Gusto mo ba Ally sumama? Nang ma-experience mo naman mabunutan ng balahibo." "No! Next time na lang Ate." Tinatamad niyang sagot. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit biglang sumama ang kaniyang pakiramdam. Feeling niya, siya'y antok na antok. "Alam mo bunso dapat nagpapaganda ka araw-araw nang lalong mahumaling sa kagandahan mo si Nico ng hindi siya maghanap nang iba." Makahulugan na saad ni Ella. "Maganda man oh, pangit ang babae kapag-gustong palitan ng partner nila wala tayong magagawa. Ewan ko ba sa mga babaeng pumapatol sa lalaking may asawa kung ano ang nahihita nila sa pakikipagrelasyon sa lalaking may asawa na." "Inangkin ako ni Nico kagabi dahil mahal niya ako at ikaw Ally, sa susunod na araw iiwanan ka na niya." Mayabang na bulong ni Ella. "Baka naman nawawala na ang pagmamahal ni lalaki kay babae kaya naghanap siya ng iba. Alam mo naman sa panahon ngayon bunso uso ang agawan ng asawa." "Uso lang iyon sa mga lalaking makakati ang bayag at walang respito sa babae. Pero alam mo ate feeling ko may kabit si Nico eh.." Naibuga ni Ella ang iniinom nitong green tea. "Diyos ko! Alam ni Ally na may kabit si Nico!" Natatakot na hiyaw ng isip nito. "Ano ka ba bunso! Huwag ka nga magbiro ng ganyan. Two months pa lang kayong nagsasama tapos may kerida na agad. Napaka-imposible ng iniisip mo bunso. Anyway, bakit mo nasabing may kabit si Nico?" "Kasi ate, lately napapansin ko malamig si Nico sa kama. Tapos one time umuwi si Nico na amoy pabango ng babae ang kanyang damit. Then yesterday bumili siya ng chocolate and flowers pero wala naman s'yang binibigay na chocolate sa akin." "Baka naman iniregalo ni Nico ang chocolate sa kaibigan o katrabaho niyang may ka-arawan. Kung ako sayo Ally hindi ako mag-iisip ng mga negatibong bagay kasi baka iyon pa ang maging dahilan ng pag-aaway ninyong mag-asawa." Payo ni Ella kay Ally pero ang totoo nagdiriwang ang puso nito sa tuwa. "Ganyan nga Ally, maghinala ka na may kabit si Nico nang hindi na kami mahirapan na ipagtapat sayo ang katotohanan." Nakangising bulong nito. "Sabagay Ate may punto ka. Pero sa tingin mo ate? Mahal kaya ako ni Nico? Palagay mo ba wala s'yang kabit?" "O-oo." Nakagat ni Ella ang kaniyang dila. "Yes! naman bunso nakikita ko sa bawat kilos ni Nico na mahal ka niya and I think hindi ka niya lulukohin dahil maganda ka, successful at sobrang mapagmahal." Nakokonsensyang wika ni Ella. "Ganito na ba ako kalandi!? Pumatol ako sa asawa ng matalik kong kaibigan?" Na-iiyak na bulong nito. "Don't worry Ella may karapatan ka naman na angkinin si Nico kaya hindi mo kailangan ma-guilty. Dahi tinikman mo lang ang pag-aari mo," bulong ng isip nito. "Maybe you are right ate, Ella pero gusto ko parin na makasigurado na wala talagang kabit si Nico. Ate, Ella can you help me? To find out if my husband's has a mistress?" "Yes of course bunso tutulongan kitang alamin kung sinong haliparot ang kabit ng iyong asawa." Gusto ni Ella na hilahin palabas ang kaniyang sinungaling na dila. "Napakasinungaling ko paano kapag-nalaman ni Ally na ako, ang kabit ng kanyang asawa? Handa ba ako na tanggapin ang galit at panghuhusga na ibabato niya sa akin?" Kabadong bulong nito. "Thank you ate! Sa thursday simulan na natin ang pagma-manman kay Nico. Pero ate, Ella umaasa parin ako na sana wala siyang babae." Ngumiti si Ella ng pilit habang tumatakbo sa isipan nito na bukas kailangan nitong kausapin si Nico nang masinsinan. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa isiping kahit papaano meron siyang kakampi. Naisip niya na kung sakaling may kabit nga si Nico nasa tabi naman niya si Ella handa itong damayan siya sa kaniyang kabiguan. "Paano bunso uuwi na kami ni Alexa tanghali na eh, sa susunod na araw na lang ulit tayo maghuntahan." Pukaw ni Ella sa pananahimik ni Ally. "Okay, Ate." Inihatid niya ang mag-ina sa labas ng gate. "Bye! Tita, Ally sana kayo naman ni uncle Nico ang mag-sleep over sa aming bahay." Masayang wika ni Alexa. "Titingnan ko baby kapag hindi busy si Nico pupunta kami sa inyo." Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Yehey! Talaga tita Ally? Gusto ko iyan ng ma-meet mo si Daddy, Alex ." Tumatalon na wika ni Alexa. Nanigas ang panga ni Ella sa ideyang matutulog si Ally at Nico sa bahay nito. "Diyos ko! Anong sasabihin ni Alex? baka isipin niyang iniuwi ko na ang aking kabit sa loob ng aming tahanan." "Yes, Alexa kakausapin ko si uncle Nico mo na matutulog kami sa inyo next week" "Hindi ito maari hindi pwede! Oo hihiwalayan ko si Alex pero hindi pa ngayon. Hindi pwedeng malaman ng aking asawa na nagkabalikan na kami ni Nico dahil baka ibaon ni Alex ng buhay si Nico sa ilalim ng lupa." Parang sasabog ang dibdib ni Ella dahil sa sobrang nerbyos. Pinilit nitong ngumiti nang hindi makahalata si Ally na tensyonado siya. "Ahmm.. bunso aalis na kami." "Okay, ate Ella bye!" Niyakap niya si Ella at hinalikan niya ito sa pisngi. Nang lumapat ang ilong niya sa pisngi nito naamoy niya ang pabango nito. Amoy cherry blossoms kasing amoy ng pabango na dumikit sa polo shirt ni Nico. "May problema ba bunso?" Tinapik ni Ella ang pisngi ni Ally. Naka-kunot kasi ang noo nito. "A-aa... Wala ate nababanguhan lang ako sa pabango mo amoy sariwang bulalak." "Yes, Gawa sa sariwang katas ng cherry blossom ang perfume ko Ally. Alam mo ba bunso favorite perfume ito ni Alex sa Singapore pa niya ito binili wala kasing cherry blossoms perfume dito sa Pilipinas." "What do you mean ate Ella? Made in Singapore ang pabango mo?" "Yes Ally imported from abroad ang perfume ko. Hayaan mo bibigyan kita. Sige bunso aalis na kami see you!" Kumaway si Ella bago nito pinatakbo ang sasakyan. "Imported from abroad? Hindi kaya foreigner ang kabit ni Nico? Costumer niya sa auto shop? Kailangan ko na talagang kumilos para malaman ko ang totoo." Mahinang wika niya. Hindi si Ella mapakali habang nag-da-drive ito. Iniisip kasi nito kung ano ang mangyayari sa kanila ni Nico kapag nagkabukingan na. Napadiin ang tapak nito sa silenyador ng tumunog ang cellphone nito. Inilagay ni Ella ang Bluetooth ear piece sa tenga. "Hello honey? Bakit ngayon ka lang tumawag? Kumusta ang business trip mo diyan sa Singapore?" Sunod-sunod na tanong nito kay Alex. "Busy kasi ako kagabi nagkaroon kami ng dinner date ng mga katrabaho ko, Kumusta kayo diyan ni Alexa?" Malambing na wika ni Alex sa kabilang linya. "Okay, lang kami honey huwag mo kami intindihin mag-fucos ka diyan sa trabaho mo." "Anong ginagawa ni Alexa? Gusto ko siyang kausapin." "Tulog si Alexa sa back seat honey mamaya paggising niya tatawagan kita." "Why? She's sleeping in the back seat? Wala kayo sa bahay?" "Nag-jogging kasi kami sa park nag-da-drive ako ngayon pauwi sa bahay." Pikit matang sagot ni Ella kay Alex. "Galing sa park? Oh, galing sa bahay ng kaluguyo mo?" Gusto ni Alex na itanong kay Ella pero hindi nito itinuloy. "Okay, honey na-extend ng one month ang trabaho namin dito sa Singapore kaya matatagalan ako bago umuwi diyan sa Pilipinas." Yes! Napasuntok si Ella sa hangin dahil sa sobrang tuwa. "Pinapanigan kami ng pagkakataon ni Nico may sapat na oras na kami para magplano kung paano namin iiwan ang aming asawa." Nakangiti nitong bulong. "Nakakalungkot na balita iyan honey, hindi ka namin makakasama sa Christmas at New year." Pinalungkot ni Ella ang kaniyang boses. "Hayaan mo honey pagkatapos ng trabaho ko dito magbabakasyon tayo sa HongKong nang makapamasyal si Alexa sa Disney Land." "Promised iyan honey ha? Baka naman next year busy ka na naman." Kunwari nagtatampo si Ella. "Pangako Ella mamasyal tayo around the world. Ihalik mo ako kay Alexa and sabihin mo sa kan'ya miss na miss ko na s'ya." "She also missed you too much honey lagi kang bukang bibig ng anak mo. Sige, na Alex ibaba ko na itong phone baka mabangga ako eh." "Okay, honey ingat sa pagmamaneho." Sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi ni Alex nang putulin ni Ella ang tawag. "Sige gusto ninyong dalawa maglaro ng tagu-taguan pagbibigyan ko kayo. Tingnan natin kung sino sa inyong dalawang higad ang magaling magtago!" Nakakaluko nitong bulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD