Avajell Marasigan POV “Anak, nariyan na sila!” Malakas na sigaw ni Mama kasabay ng malakas na katok sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon sabay hawak sa dibdib dahil biglang lakas ng kabog no’n. “Sh*t! They’re here.” Mahinang mura ko. “Hihintayin ka namin sa sala. Mag-ayos ka na, ha?” Muling sabi ni Mama mula sa labas. “Yes, Ma. Mag-aayos lang po ako at bababa na rin.” Pinilit kong isigaw. Napatingin ako sa orasan. 30 minutes na maaga sina Sir Tristan. It’s just 5:30 pm at ang alam kong usapan ay 6 pm pa sila dapat narito sa bahay para kausapin ang mga magulang ko sa darating na kasal namin. Kasal. Ang bigat ng salita na ‘yon para sa akin. Never in my wildest dream na isipin na mag-aasawa ako sa edad na 22 years old. Para sa akin ay masyado pa itong maaga para itali ang sarili k

