Pero nanatili ang pagsusungit ko kay Avajell. Naiinis ako na wala akong nakikita na bakas ng attraction mula sa kanya. Isang beses ay inaya ko siyang ihatid pauwi. Tinanggihan niya ako. That was new. Wala pang babaeng tumanggi sa akin. In my thirty-five years of existence, women didn’t say no. they negotiated. They lingered. They waited for permission. But Avajell Marasigan? She looked me straight in the eye and refused. At doon ko tuluyang naintindihan na hindi ko siya pwedeng makuha sa simpleng alok. Hindi siya babae na bumabagsak sa reputasyon, yaman, o posisyon. Which only made me want her more. Hanggang sa sinama ko siya sa conference para sa darating na bidding. Isa ‘yon sa project na kailangan na mapunta sa kumpanya namin para mas patatagin pa ang mining business ng pamilya nami

