Avajell Marasigan Lumipas ang maghapon na iyon na puno na badtrip na ako dahil sa sinabi ni Sir Tristan sa akin tungkol sa connivance, office relationships at kung ano-ano pa. Idagdag pa na isasama pa ako sa isang out-of-town. Sana lang ay maging maayos naman ang lagay ko sa susunod na linggo. Pinilit ko pa rin na maging productive. Napansin ko rin ang panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Parang nanadya na pagurin ako sa kakabalik balik sa office niya at nagpapakuha ng mga files na sa tingin ko naman ay hindi kailangan. Pagkauwi ko sa bahay ay halos sabog na ako sa pagod. Nagpahinga ako sa kwarto ko bago tawagin ni Mama para kumain na. Matapos kumain ay konting usapan muna kami ng family ko sa sala. Kagaya ng madalas naming ginagawa. Doon na rin ako nagpaalam kay Mama at Papa tungkol

