Avajell Marasigan Tahimik na naman kami pagkatapos ng sinabi niya about sa hotel suite kung saan kami mag-stay. Pero hindi mapigilan ng utak ko na mag-imagine ng kung ano ano. Isang suite lang? Kahit may dalawang bedroom, paano kung magkasalubong kami sa loob? Paano kung… “Miss Marasigan, stop fidgeting!” biglang sabi ni Sir Tristan habang nakatutok pa rin sa kalsada nang nilingon ko. “Sir?” Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin. “You’ve been tapping your fingers on your lap for the past five minutes. Nakaka-distract!” Masungit niyang sabi. Napahiya ako. Agad kong inipit ang dalawang kamay ko sa bag ko. Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang. Hindi pa kami nakakalabas ng city ay nag-stop over kami sa isang restaurant at nag-breakfast. Halos hindi ko naman manguya ang kinaka

