Akari's Andito siya. Andito talaga siya, hindi guni guni ang mga nangyari ng nakaraan. He's really here. Sa harap ng pintuan ko ng napaka-aga at may bibit ng supot habang naka shorts at sando. "Good Morning, Love. May pandesal ako dito. Bumili na ako para less hassle na sayo. Gusto mo--" "Gusto kong tumahimik ka, Don. Hindi mo ako love at ang aga aga!", inis kung usal. Akala ko pa naman kung sino ang kumakatok, siya lang pala. Hindi ko alam if he's really trying to win me back dahil puro inis lang naman ang nararamdaman ko rito. Mula ng sinabi nito sa akin ang pakay niya ay hindi na ito nawala sa paningin ko. Kahit kasi na days off work ko at nagpupunta ako ng palengke o grocery ay nakasunod siya. Ito pa nga ang nagdadala ng mga pinamili ko. I can't with this guy! He's a Maderazo, if

