Akari's "Asaan na si Donovan beks? Bakit di na yon nagpupunta dito? Break na kayo?", intriga sa akin ni Julito. Naglilinis kami ngayo n ng pub para ihanfa na sa pagsasara. Hinihintay nalang namin iyon tatling magkakaibigan na nag-iinoman matapos. "Hindi ko nga kasi iyon syota. At malay ko ba kung asaan na siya" "Tsk! Talaga, di mo nami-miss? Napansin kaya kita kanina pasulyap-sulyap ka lage sa mesa kung saan siya palagi naghihintay sayo" "Ikaw lang nakapansin" "Ay hala, indenial ang ate mo! Akala mo ba ngayon lang? Ilang araw ka na kayang ganyan. Ilang bote na nabasag mo kaya", tinalikuran ko na ito at inayos ang mga bangko sa mesa ng lumapit ito sa akin. "Aminin mo nalang kasi may something kayo nang lalaking iyon. Alam mo ayoko manghimasok pero nagugulo ang trabaho mo ateng sa sobr

