Akari's
"Spinach pizza, oo, bibili ako, iyon lang ang gusto niyo?", kausap ko ngayon si Dahlia. Nasa mall kasi ako ngayon at may bibilhin lang at babalik na sa cafe'. Nag-iikot lang din ako, bagong mall kasi ito sa amin.
Bago pa man ako makapasok sa isang pizza place ay natigil ako ng mahagip ng aking mga mata ang isang botique ng baby clothing. Hindi mapigilang isipin na dapat ay namimili na kami ngayon ng mga damit ni baby. Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig lang sa botique ng lapitan ako nga isang sales person doon pero hinindian ko lang ito.
Hahakbang na sana ako palayo ng may kung ano akong nasagi sa akin aking paa.
"Oh?", isang maliit na puting aso. Kung hindi ako nagkakamali ay samoyed iyon. Labas ang dila nito at tila nakangiti sa akin. Pinuko ko ang paa at pinatay ang aso. Hinihimas ko ang mayabong nitong buhok, sa ganda nito ay masasabing kong pure breed ito.
"Asaan ang amo mo?", Itinataas nito ang mga paa sa unahan na para bang nais nitong kargahin ko siya. Napatingin-tingin ako sa paligid at baka may naghahanap ng aso niya pero wala, kaya kinuha ko ito at kinarga. Dadalhin ko nalang ito sa security at magpapatulong hanapin ang may-ari ng aso ng siyang pagtalikod ko ay ang pagharang ng isang lalaki.
"I don't think that's your dog, Miss Akari", ang tingin nito ay nagpapalipat sa akin at sa aso.
Napakatangkad nito, mas matangkad pa yata ito kay Kerin, at medyo brusko ang pangagatawan na hindi masyadong bagay sa suot nitong suit kung hapit lang iyon ay puputok na sa kanya, pero I can't deny, the man has looks.
"Oh! Kilala kita", turo ko pa rito. Ang alam ko ay nakita ko na ang mukha niya, pero nakalimutan ko ang pangalan.
"Uzman Deguangco, I was at your wedding. I'm Donovan's friend"
"Tama, doon kita una nakita"
"I see, but I don't have much time with the small talks, see, that dog right there is owned by a VVIP of my mall, she's here to shop today and lost her dog here", paliwanag niya.
"Your mall?", turo ko pa sa kinatatayuan namin, he eye smiled.
"Yes, I am this mall's CEO. So you would do me a favor kung ibibigay mo sa akin ang asong iyan", kukunin na sana nito ang aso ng biglang itong tumahol at kamuntikan pa itong kagatin kung di ako lumayo rito.
Ang mukha ni Uzman ay puno ng gulat, na para bang tinakasan ng kaluluwa at napatingin lang sa kamay nito, ng makitang kompleto ay nakahinga ng maluwag bago kinolektang muli ang sarili at inayos ang tie saka bumaling sa akin. Gusto kong matawa rito pero pinipigil ko out of respect; ang lalaking ito ay di gaya ng ibang CEO.
"Siguro sasama nalang ako, ako nalang ang magbibigay sa may-ari ng aso niya. Asaan ba?"
"Yes, let's do that. Don't want to lose my fingers to a half witted dog", pabulong na nitong sinabi ang huli kaya di ko na masyadong narinig.
Sinamahan na ako nito kung asaan ang sinasabi niyang may-ari. Nasa office daw nito iyon which is at the top of this mall. At nang makapasok na nga kami ay agad kong nakita ang isang may edad nang babae. Head to toe ang suot nitong chanel pati ang dala nitong bag. Inaalo ito ng kasamang babae na kasing mamahalin rin ang suit sa kanya ng mapansin kami ng mga ito.
"Oh my, Oh God Chanel!", dagling kinuha nito ang aso sa mga bisig ko medyo pahablot pa nga.
"Oh my, thank you, Mr. Deguangco, finally my beloved is back akala ko tuluyan nang nawala si Chanel"
"Actually it wasn't just me, Miss Edith, Akari here found your dog. The cute little one wanted her to take him to you kaya siya ang may dala sa kanya dito"
Muntikan ko nang ma side eye ito, 'cute little one' daw kung nakita lang ng mga ito ang reaksyon niya. Ibinigay ng Ginang ang aso nya sa kasama bago lumapit sa akin.
"Thank you, Akari right?", taas baba ako nitong tiningnan.
"Nakita siguro niya sayo iyong paborito niyang stuffed toy kaya nilapitan ka niya", narinig kong bahagyang nasamid ang mga taong anduon, na tila nagpipigil ng tawa.
"Wala hong anuman"
"No, if there's any ways I can show my gratitude?", hinawakan nito ang kamay ko. "Ayos lang ho talaga ma'am"
"If that's what you want but if we ever get to meet again and you want my help. I would certainly grant you it"
Sinamahan na ng sekretarya ni Uzman ang mga Ginang paalis ng mall. At nang kami nalang dalawa ni Uzman ay nagpaalam na ako rito at siguradong hinihintay na ng dalawa ang Spinach Pizza na pangako ko sa mga ito.
"Do you even knew the opportunity you blew?", biglang wika nito sa akin habang naupo sa CEO's chair nito, may kung anong hangin akong naramdaman sa kung paano ako nitong tingnan.
"Ano?"
"That's an Ongpauco they are..."
"I care less..."
"What?", puno ng pagkamangha ang itsura.
"Ibinalik ko lang naman iyong aso, di ko kailangan ng pabuya para lang sa maliit na bagay na iyon", his brows raised.
"It was nice meeting you again, Mr. Deguangco pero kailangan ko na ring umalis"
Magkaibigan nga talaga silang tunay; iyong tahimik lang yata ang matino sa kanilang magkakaibigan.
Palabas na ako ng mall ng biglang tumunog ang phone ko, si Donovan may text ito sa akin.
"Be home before two, we will be attending an event, dress casual"
Event? Para saan at kailangan anduon ako?
Bumili na ako ng pizza at agad na nagtungo sa cafe' ko. Nasa counter si Dahlia habang si Sean naman ay may dalang box na nilalagay nito sa plastic na tingin ko ay for delivery.
"Ito na!", may hila sa huling salita ko pang wika dahil excited na rin ako sa pizza pero pansin kung di man lang ako pinapansin ng dalawa at nakatingin lang sa kung saan.
"Bakit? Anong meron?", pumagitna ako sa dalawa at napatingin rin ako sa direksyon.
"Sa talambuhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganyan kaganda", opinyon pa ni Sean.
"Hindi lang maganda, kanina ko pa napapansin na mahinhin kumilos. Aesthetic pa manamit, mukhang old money eh", sabi pa ni Dahlia.
"Oo nga, maganda siya"
Tatlo na kami ngayong nakatingin sa babae, napakapormal nito sa business attire niya at ninanamnam lang ang kanyang kape, parang greek godess ang mukha pati ang itim at maalon nitong buhok, di rin gaanong naka make-up at simply lang pero litaw ang ganda kahit ibang customers namin ay nakatingin na rin rito, napansin yata nito ang atensyon na iyon kaya bigla rin siyang tumayo at umalis na.
"Ayan, umalis na tuloy, privacy naman kasi kung makatitig kayo eh",
"Magtigil ka, Dahlia kahit ikaw na lesbian agad sa ganda non eh"
"Kayong dalawa ang magsitigil at andito na ang spinach pizza niyo. Aalis rin pala ako mamaya may event kami ni Don"
Nilantakan na namin ang spinach pizza, habang wala pa masyadong mga customers at naguusap sa plano naming gawan g Youtube channel at t****k account ang Aeva's Cup dahil iyon naman kasi ang nauuso ngayon.
Pagtingin ko ng aking relo ay half past ten na, nagpaalam na ako sa dalawa. Kailangan ko na talaga ng manager dahil hindi ko na natutukan ang cafe' dahil na rin sa mga sitwasyong kagaya nito, at nangangapa pa ako sa setting namin ni Donovan.
Nang makarating ako sa bahay ay madali akong nagtungo sa kwarto ko. Casual event lang naman iyon, sabi ni Donovan siguro ay may desente naman akong damit na misusuot doon. Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko ng bumungad sa akin ang iklang mga rack na puno ng damit.ay note pa sa isa doon na nagsasabing: "I don't trust your wardrobe so I would have you pick from these racks and be presentable beside me"
Naalala ko pa tuloy ang nangyari kanina kung saan napagkamalan pa akong stuffed toy ng laruan ng asong iyon. Ganuon na ba kalala ang pagdadamit ko? Para sa akin kasi ay hindi at dito ako komportable, pero gaya nga ng sabi ni Donovan, I have to look decent beside him, how I present myself now, to his people reflect on him. Siguro nga ay kailangan kung dahan dahan na ibahin ang wardrobe ko pero sa ngayon pipili muna ako ng susuotin.
Ang napili ko ay isang pastel pink na long dress iyong natatkpan ag aking paa, U neckline iyon at sleeveless na binagayan ko lang ng fine jewelries, white purse at beige heels. Ang buhok ko ay naka low bun na may iilang piraso ng buhok sa gilid ng aking mukha at light make up na natatabunan ang freckles ko, at lipstick na pink to nude ang tone. As I look at the vanity I think I am good enough to at least stood beside him, as his wife.
Bumaba na ako dahil malapit na ang oras at paniguradong nasa baba na si Donovan dahil kanina ko pa narinig ang sasakyan nito. At nasa salas na nga itong naghihintay, pormal na rin ang kasuotan nito, a gray one. Nang di pa rin nito mapansin ang presenya ko ay tinawag ko na siya na agad na tumayo at hinarap ako, he looked surprise na agad naman nitong inayos at stared at me blank.
"You look decent enough", I smiled at him at naglakad na kami papunta sa sasakyan. Pinagbuksan pa ako nitl ng pinto bago pumasok sa driverst seat. Habang nasa byahe ay di ko napigilang magtanong.
"Anong event ang dadaluhan natin?"
"It's the Ongpauco's, they are having their Hotel launches agter these event, sa ngayon wla pa silang kinukuhang security company. I want them to pic 'The Hive', kung magagawa ko iyon madali na lang ang iba. They would trust me"
"Ganuon ba..."
"That's why I need you beside me, so that I will look trust worthy to them. Marami ang competitors mamaya, I need to be smart with this event so I can assure a yes, a call, an Email whatever it si from them", pagpapaliwanag nito.
Ongpauco's? Iyon kaya iyong mga Ginang na nakilala ko kanina at VVIP nga bagong mall ni Uzman? Kahit ito ay espesyala ng turing sa mga Ginang na iyon at ngayon nalaman ko pang kailangan mapasagot sila ni donovan for a partnership. Dapat ba na tinggap ko ang offer nito kanina? Di ko naman kasi alam.
"Alam mo Don, kanina kasi habang nasa mall ako at--"
"Andito na tayo, mag-usap nalang tayo mamaya. We're kinda late"
Nasa isang Hotel kami ngayon. Nagtungo na kami sa hall kung saan nagaganap ang event. Nas entrance pa lang kami ay kinuha na ni Donovan ang aking nga kamay at idinantay ito sa kanyang mga braso.
"Let's do this...", at pumasok na nga kami.
Nahagip ko ang aking hininga, ang sabi juto ay casual event lang iyon pero bakit pakiramdam ay nasa laylayan ako ng lipunan? They aren't over dress pero makikita mo talaga rito ang pagiging mga sopistikado ng mga ito.
Naglakad na kami sa harap at kumuha pa ng wine. Nang makita ng aking mga mata ang dalawang Ginang kanina. Napalunok ko, so sila nga, sila ang kailangan mapasagot ni Donovan.
Hindi agad ito nilapitan ni Donovan at nakihalubulo muna sa iba. They were talking about business as usual at natutuwa naman ako sa mga naririnig sa mga ito pero di ko pa rin mapigilan ang anxiety ko kaya nag-excuse muna ako at kumuha ng maiinom.
Nasa buffet table na ako ngayon at napakapit sa mesa sabay inisang lagok ang champagne nang biglang may mga kamay na himawak sa mga balikat ko.
"You should've told, Donovan", bulong pa nito, si Uzman iyon.
"Andito ka"
"Of course, I'm from high status of course I'm here", kayabangan na naman nito.
"Oo nga naman", pamimilosopo ko.
"You should've told Donovan or at keast approach Edith and Odessa, they're sisters at kung malaman nilang asawa mo si Don they will immediately say yes to him"
"Kaya iyan ni Don, and besides ano namang magagawa ko para mapa-Oo sila. Natulungan ko lang sila sa aso, wala silang utang na loob sa akin"
"If you say so, but hey, do you know that guy? He's approaching here, eyes fixed only to you", turo nito sa aking likod, at nang aking tingnan ay gulat akong makita si Kerin, lasama nito si Wesley ngayon, I smiled at the bith of them.
"Hello, Ate Kari", nakangiting bati sa akin ni Wes.
"Hello, Akari. It's nice to see you here"
"Oh, Wesley and Kerin, Jorge's adopted younger brothers", sapaw ni Uzman.
Kerin step closer to me, napaatras sa likod si Wes.
"Asaan si Donovan? 'bat mag-isa kalang dito?"
"Mr, she's not alone, nag-uusap kami", sapaw na naman ni Uzman.
"Kasama ko si Don--", napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko si Donovan. He's staring at someone, pero hindi basta basta ang mga tinging ibinibigay nito sa kung sino. Puno iyon ng pangungulila, hindi ko pa nakitang ganuon si Donovan. Nang tingnna ko kung sino ay nakita ko ang isang babae, na kung hindi ako nagkakamali ay ang baabeng minsan hinangaan namin ng magpunta ito sa cafe'.
"Oh, Eloise is here too?", nakatingin rin ito sa babae. Eloise? I stepped back in surprise ng maalala ang pangalan na iyon. Iyon ang pangalang binanggit ni Donovan nang...
Siya ang Eloise na iyon?
"Kilala mo siya Uzman?", tanong ko rito. He nodded.
"That's Eloise Esguera, Donovan's childhood friend, kapatid siya ni Celyn"
"Childhood friend na kapatid ni Celyn?", ulit ko.
"Hm, nasa England siya nakatira, she married there pero ang alam ko hindi rin nagtagal. Nasa gitna sila ng divorce ngayon."
"Childhood friend? Bat iba kung makatingin yang si Donovan?"
"Wesley...", may pagbabanta sa boses ni Kerin.
"Ang alam ko ay nag-eexpand ng hotel niya si Eloise that's why she's here. Of course, people in high society are here, it would be of her benefit. There's nothing malicious to it"
Di pa rin matanggal kay Don ang mga mata ko ganun din ito sa babae na hindi man lang siya napansin at busy lang sa mga taong nakakusap nito. He looks like he wants to approach her at ginawa niya. It was a few stride hanggang sa naging confident iyon until it finally reach her side and she smiles wide, pinalambot nitong lalo ang ekspresyon ni Donovan.
Di ko man rinig ang pinag-uusapan ng mga ito ay sa bawat buka pa lang ng bibig ni Donovan ay masasabi kong may ingat sa bawat salita niya. Posible ba iyon? That I can sense that? or I'm just this delusional gaya na rin ng sabi nito.
Was she, the love of his life? His first love?
Hindi ko yata ito kakayanin.
"I need a break", paalam ko kina Uzman, Wes at Kerin para lumabas ng function hall pero di pa man ako nakarami ng hakbang ay may kung sinong tumawag sa aking pangalan.