Donovan's
I am bombarded with work dahil na rin sa Ongpauco deal, na nakuha ko, well, Akari help but I am the owner and does do the work so still; a win is a win. Hindi ko akalaing magiging useful siya sa akin. Dinala ko lang naman siya dun for viewing purposes at baka may makarating pang balita sa Dad na hindi ko isinasama si Akari sa mga functions ko.
Nag-beep pang muli ang phone ko dahil sa upcoming partnership na inaasahan ko with Eloise, iyon ang nagapag-usapan namin sa event ng biglang mawala si Akari at nakita ko u***g kasama ang lalaking iyon, which ruin my mood that night. Magdadahilan na lang ako kay Eloise sa susunod na magkita kami sa meeting.
I can't describe how I'm feeling right now, napaka-overwhelming. Lahat ngayon ay nakaayon sa gusto. Iyon din ang dahilan why I messaged them out of the blue dahil one of these days sasabihin ko rin naman, so why not do it now that I have the confidence na gawin iyon. Bukod kay Akari, ang lihim namin na iyon na lang ang tinik ko. Ngayon nasabi na namin iyon.
I'm just too estatic! Doing what I do best with Eloise; I need to catch up with her, for all of these years; I miss her.
"Donovan, pakiabot nang tubig", suyo ni Akari, nilagyan ko ang baso nito. Hindi man lang nito ako tiningnan. Hindi sa gusto ko pero nasa harap kami ng pamilya. Dapat umakto rin siya ng naaayon.
Oo, at di niya nagustuhan ang ginawa ko pero andito na kami, dapat ay makisama siya at baka dahil pa sa kanya ay magapaghalataan kami.
We found ourselves having dinner at our favorite japanese restaurant with the whole family's eyes on us, kahit ang Dad ni Akari ay nandito rin, they all demanded an explanation from us. Mula ng out of nowhere kong ipinaalam rito na nakunan si Akari.
"Paano nangyari iyon?", tanong ng Ate. Hinawakan ko ang hita ni Akari; ako ang sumagot.
"Mababa ang matress niya, she got stressed and sadly we lost the baby. We are devastated too. Itinago muna namin dahil na rin kailangan muna maka-recover ni Akari. When I texted, napagdesisyonan na naming sabihin sa inyo ang totoo"
"How are you coping, Kari?", tanong ng Mom rito.
"Ayos lang ho pero nakakalungkot lang; It was supposed to be your grandchild"
"Wag kang mag-alala Kari, you're now married. You can have as many as you want, we can wait", ani ni Ate Adriana.
"Ang gusto namin ay maayos ka para sa inyong dalawa ni Donovan. Dadating din ang tamang panahon para masundan ang batang iyon. May his soul rest in peace", puno ng Mom.
"So, will this interfere with Ate Adriana's gender reveal trip?", patay malisyang tanong ni Mindy. Tinaasan ko ito ng kilay, ginalaw lang nito pataas ang kanyang balikat.
"Mindy!", pinagalitan ito ng Ate.
"Anong sinasabi ni Mindy, Adriana?", tanong ng Mommy.
"Ah kasi hindi ko pa sana sasabihin. Alam ko kung anong ipinunta natin ngayon..."
"But the news about their baby's death is heartbreaking, dapat naman sigurong palitan iyon ng magandang balita, right Ate Kari?", sapaw na naman ni Mindy.
"Hm, it's okay. We are here as a family, so all matters are important", ningitian lang nito si Mindy
"Well, we will be having a baby shower, later this month in our private island. It would make me and my hubby really happy if everyone could come?"
"Oh I'm so happy for you, anak!", niyakap ng Mom si Ate Adriana. Her tummy is getting bigger now, siguradong magiging maganda at mabuti ang batang ito.
"Kari...", tinawag ito ng Dad niya. Hinawakan ng palihim ang kamay ni Kari na palang inaalo nito siya. She, typical of her, simply smiled and nodded at him.
Sadyang may mga bagay talagang hindi pa tama. Siguro iyon din ang rason kung bakit kinuha ang bata sa amin because he was made out of that situation, kahit ako ay hindi proud doon.
Nang malapit na matapos ang pagkain at sinisimsim na namin ang tsaa ay biglang nagpaalam si Akari na magbabanyo, ilang minuto din ang lumipas at naisipan kung mag yosi ng madatnan ko ito sa labas, may kausap sa telepono at narinig ang sinabi nito.
"Ang iwanan siya?...", natigil ang aking yosi sa ere, nalaglag pa iyon. Patuloy ito sa pakikipag-usap sa kung sino ng humakbang ako papalapit rito.
"Akari", lumingon naman siya, nagulat ng makita ako. Kumuha ako ulit ng yosi at sinindihan iyon sa harap nito, walang sinasabi at pinapasadahan lang ako tingin. Nasa puwesto pa rin nito kahit ayaw na ayaw nito sa naninigarilyo.
"Kanina mo pa ako tinitingnan ng ganyan"
"Ganun lang ba kadali sa iyo ang nangyari? Anak mo ang nawala", siwalat nito sa kanina pa gustong sabihin.
"He was barely a baby, Akari. At wag mo akong ma kompronta ng ganyan na para bang ginusto ko ang nangyari"
"Nakita kitang kasama ang babaeng iyon. May kinalaman ang reaksyon ko sa nangyari"
"Sinasabi mo bang ako ang may kasalanan?"
"Hindi; pero kunting empathy lang naman sana sa anak ko. Hindi siya isang bagay na kapag nawala ay ayos lang, at least not to me"
Tuluyan na itong pumasok sa loob
Days went by at nagpatuloy pa rin kami sa set-up namin ni Akari, nakapag-adjust na rin kami sa isa't-isa so there is less shouting. But often, aside from her cafe', ay she spends her time with Lila and Zeke. Ngayong nga ay nakatunghay lang ako sa mga ito habang tinuturuan ni Akari ang dalawa na mag-bake.
Naglalakad lang naman ako sa halls ng bahay ng marinig ko ang malalakas nilang mga boses, like they are laughing to their hearts content. Ganun ang mga ito palagi kapag kasama nila si Akari. Lalo na ang batang si Zeke, na panay irap sa akin. Hindi ko alam kung aware ba ito na amo ako at na di niya iyon dapat ginagawa sa akin but I don't think he even cares. Kung hindi lang talaga bata iyon ay tinuklap ko na ang mga mata nito sa sama nitong makatingin; he can't speak but his eyes certainly does.
Puno na ngayon ng icing ang mga mukha ng tatlong, magulo na rin ang island counter. I just hope they won't burn the place down. Lihim akong natawa sa itsura ni Akari, her cheeks and forehead are covered, ang mga daliri nito kahit ang kulot nitong buhok ay walang takas.
She seems so... sunny.
Napakurap ako sa naisip. What in the low vocabulary is that? Di ko nalang pinansin at lalagpasan na sana ang mga ito ng tawagin ako ni Lila.
"Mr. Maderazo, may kailangan ho kayo?", natigil ang mga ito. Si Akari naman ay pinupunasan ang mukha, she didn't even dared to look at me, at pinupunasan lang ang kalat na anduon. Naglapat ang aking mga labi, what the hell?
Hindi ko agad sinagot si Lila at hinintay lang na tingnan ako ni Akari pero hindi nito iyon ginawa at imbes ay tinalikuran pa ako.
Huh!
"Wala", bilis ko nalang na sabi at nilagpasan na ang mga ito at madaling umakyat sa kwarto upang mag-empake na at aalis na kami bukas.
Habang nag eempake ay nalala ko ang ginawa nito, na tapon ko tuloy ang hawak na deodorant sa kama imbes na ilagay sa maleta. Kinuha ko rin naman iyon at pilit na isinuksok sa bag ng tumunog ang phone ko; si Benille, nagpalitan kami ng mga text.
Ben: "Ayokong mag-drive kaya sa inyo nalang ako makikisakay, see you",
Don: "You're so lazy Ben, kahit mag drive di mo magawa"
Ben: "Yeah right, I'm so lazy, I'm sleeping in my Lambo, tonight. See you"
Isa pa itong ugok na to. Minsan di talaga ako pakapaniwalang he makes Billions, when he's so lazy, kay Wesley lang yata ito masipag.
Ibinaba ko na ang phone at nagpatuloy sa pag-eempake ng maalala ko na naman ang kanina. Sinubsob ko ang ulo sa galit at napasigaw na lang. Matatapos pa kaya akong mag-empake nito. Kasalanan mo ito, Akari!
~~~
"Four days, ang tagal..."
"Sa tamad mo, sa binyag mo nalang siguro gusto magpunta imbes sa reveal, ano?"
"Ayos din iyon; but your sister is a Tormentorilla", paglalarawan nito kay Mindy.
Dumating na kami matapos ang ilang oras na byahe sakay ang pribado naming yate. Sinalubong kami ni Ate na kahapon pa nauna sa lugar kasama ng asawa nito. Na agad nilapitan si Benille at niyakap ito ng mahigpit, kinurot ang mukha at ginulo ang buhok.
Pinaglilihian yata ito ng Ate kaya pinilit nila itong magpunta. Tahimik lang na nasa gilid si Akari, hindi na nakasama ang Dad nito dahil nagpapagaling pa sa ginawang surgery last week. Ang parents ko naman ay sa gender reveal na dadalo dahil baka may mga emergencies kay Mommy.
Ibinigay na namin sa mga room boy ang gamit namin at inalok na kami ng Ate para magtanghalian. Naglakad na kami papasok sa loob ng resort.
"This way, I'm so happy at nakapunta kayo. Wala pa ang friends ko, sa reveal pa sila makakapunta pero may nakasamang isa, I hope you don't mind and enjoy hanging out with them"
"Sino, Ate Adriana?", tanong ni Benille.
"Actually we have a familiar face, Donovan. Matagal rin siyang di naka-uwi ah, Mindy invited her at pumayag naman ako. I missed her too kasi"
Nang nasa dulo na kami nito ay agad namin ay naglakad pa kami muli ng ilang hakbang hanggang sa marinig na namin ang dalampasigan ng malayo man ay kita na ng mga mata ko si Mindy, mukhang galing ito sa dagat dahil naka one piece na may sarong ang ibaba, basa ang buhok at ngiting-giti kumakain ng pakwan kausap si Eloise.
Tila lutang akong nakatingin rito ng may malambot na kamay ang humawak sa aking braso, si Akari.
"May mga bato, baka mapatid ka, tingnan mo ang dinadaanan mo", bumitaw rin ito at nauna nang maglakad at naupo sa mesa na inilaan sa amin ni Ate.
Kari sat beside Benille and I sar beside Kari, nasa harap nito si Eloise at sa harap ko naman ang Ate na natabi kay Eloise.
"Hello Don, nice seeing you again", we exchange smiles.
"Eloise, this is Akari, Don's wife at si Ben kaibigan ni Don", nakipag-kamay ang mga ito.
"Ate Eloise, I'm so happy that you're her. May kasama na rin akong makaka-bond ko dito"
"Na miss ko rin ito, ang liit mo pa nang huli tayong magkita. It's good to be back, kasama ang mga kaibigan after that; difficult divorce",
"How was it?", tanong ko patungkol sa divorce niya.
"We are almost done. That's why umuwi ako, to start anew kaya masaya ako at pumayag kang tulungan ako"
"Of course, I will help you"
"Akari, kamusta ang Dad mo?", tnaong ng Ate sa kanina pang tahimik na si Akari.
"Maayos ang operation niya, nagpapagaling siya ngayon"
"Mabuti naman"
Dumating na ang iba pang mga pagkain at nagsimula na rin kaminh kumain habang nag-uusap, sa buong usapang iyon ay tahimik lang si Akari, hindi ko na rin naman siya pinipilit.
"Kuya Don, Ate Eloise pwede ba tayo mag picture doon sa may magandang malaki g bato. Gusto ko lang i-post sa insta ko, my five hundred thousand followers would love to see you", ngiting sabi nito na ang tinutukoy ay si Eloise.
"Bakit kailangan andun si Donovan?", usisa ni Benille na ngayon lang din nagsalita.
"Duh, ngayon lang kaya ulit sila nagkita. Tsaka they were oh so best friend kaya dati, when they were younger. I love looking at them kaya sigurado pati mga followers ko"
"Yeah, I remember di kayo mapaghiwalay non, that you two even lead a role play wayback.", pag-ala-ala ng Ate sa nakaraan.
"Alam mo Ate, iyong costume nasa bahay ngayon parin ng Lola, ayaw itapon ng kuya haha so cute!", puno ni Mindy.
Napatingin na lang ako ngayon kay Akari na wala pa ring imik. Siguradong alam na nito kung anong costume ang tinutukoy ni Mindy.
"No, matagal ko nang natapon iyon. Come on, Mindy, let's take a picture"
Nakita kong wala na doon si Akari, yamot ang mukha ni Benille, di ko alam sa init o naiinis ito sa akin. Tinanong ko si Ate kung saan, ang sabi nito ay nagpaalam siyang pupuntahan ang villa kung saan kami magsi-stay. Tinanong ko kung saan at susunod ako doon.
Medyo may kalakihana ng resort at natagalan ako bago makapunta kung asaan ang villa namin. Nang mahagip ng aking mga mata si Akari, may kausap itong lalaki na kinakausap nito ng nakangiti.
Really? He smiles like that to strangers pero sa akin di man lang nito magawa? Not even for the sake of it. Hindi naman sa gusto ko, it's just she's acting odd lately and I dont like it.
Nagulat nalang ako ng maglabas ng isang bulaklak ng gumamela ang lalaki, sabay ang ngiting masasabi mong natitipuhan nito si Akari. Leave him alone, asswipe, that's my wife!
Gusto kong lakasan pero di ko ginawa at imbes ay takbong lakad ang pagitan namin at di oa man nito kinub ang bulaklak ay tinampal ko na ang kamay ng lalaki, nagkandalasog-lasog nag petals non.
"Anak ng--", kamuntik na itong mapamura, at hinarap ako.
"What do you think you're doing?"
"Ikaw, sino ka ba at nagingialam ka?"
"Me? I'm this woman's hus-- Akari?", nawala na ito doon. Di ko man lang napansin.
"Tingnan mo? Umalis na tuloy", napakamot nito sa ulo niya ang lalaki. Sa galit ko ay naitulak ko ito sabay na nagsalita.
"She's my wife, you asswipe!", napaupo na lang ito sa sahig at tila di makapaniwala. Wala akong pakialam, wag mong pakialaman ang hindi sayo.
Pumasok na siguro ito sa villa namin kaya sumunod na ako at anduon nga siya. Inaayos nito ang iklan niyang mga gamit. Hindi ko ito iniisturbo at naupo lang sa tabi at binabantayan ito. Kumuha ako ng sigarilyo at sinindihan iyon
"Anong ginagawa mo dito, hahanapin ka nila"
"Then you should be there with me, ano na lang ang iisipin nila", natigil ito.
"Tama, kailangan nating magpanggap, pero hindi dito. Tayo lang dalawa, di mo kailangan akong bantayan. Iyong lalaki kanina, he was just asking directions"
"I care less, di siya dapat lumapit sayo lalo na ngayong kasama natin ang oamilya ko. Ano na lang iisipin nila"
"Talaga? Paano naman iyong iisipin ko"
"Ha?"
"Kung ganyan lang kayo kakaswal at natural parang, para bang--", di nito tinapos ang sasabihin at malalim lang na napabuntong-hininga.
"Wala lang ito, napagod lang ako sa byahe. Iisa lang ang kama. Sa coach na lang ako, siguradong di ka sanay. Kaya pwede ba iwan mo na muna ako rito at gusto ko lang magpahinga... please?", matamlay nitong pakiusap. Ni hindi man lang ako nito maharap kaya hindi ko pa rin siya tinigilan.
"Are you still mad about what I did? If I say my sorry will you stop being this pathetic?",
Tinigil nito ang ginagawa at sa wakas ay binigyan din ako ng atensyon. Looking at her, her face looked... blank.
"Hindi; pagod lang ako"
Naikuyom ko ang aking mga palad, hindi ko alam kung bakit. I have been bombarded with questions within me, all about her that I somehow don't have no answer to. Tumayo na ako at umalis. Magalit siya hanggang sa gusto niya, hindi na naman maibabalik nun ang anak namin; hindi na.