BOOK 2: CHAPTER 12 PINAGMASDAN NAMING mabuti ni Kaijin kung saan tumigil ang sinusundan na Hiace na sasakyan, sa ngayon ay inihinto muna ni Kai ang kotse sa tabi habang pinanonood naming kaladkarin pababa ng sasakyan si Katie Trinidad noong mga lalaking malalaki ang mga katawan at ngayon ay armado na ng mga baril na nakaipit sa kanilang beywang. Nanghihina pa rin si Katie, marahil dahil doon sa pagpukpok ng baril sa ulo niya kanina, at nagdudugo pa ang noo. Nakakabahala ang kalagayan niya, hindi ako sigurado kung safe ba siya o magiging safe ba kami kapag nakialam kami. “Akala ko ba hindi tayo makikialam?” Kaswal na pagtatanong ko, sinusubok lang si Kai kung bakit nandito na kami ngayon at sinundan kung saan dinala si Katie Trinidad. Mabilis na sinulyapan niya lang ako at inirapan saka

