BOOK 2: CHAPTER 11 “HINDI KO siya niyakap, siya ‘yung biglang yumakap sa ‘kin. Nag-uusap lang kami ro’n, actually siya nga lang ‘tong kumakausap sa ‘kin pagkatapos akong hilahin bigla-bigla mula ro’n sa harap ng room kung nasaan ka!” Napaurong ako ng leeg at natatawang nagsalubong ang mga kilay na tinignan si Kaijin. “Ang defensive mo, nagtatanong lang naman ako kung anong nangyari. Bakit kayo magkayakap. ‘Yun lang!” Napahimas siya sa kaniyang batok at nameywang ang isang kamay. “I swear we’re not hugging each other. She hugged me but I didn’t hug back!” Natatawang inilingan ko siya. “Okay, okay, okay. Chill!” Kanina pa iyan kung maka-explain wagas. Narito na kami ngayon sa isang malapit na restaurant mula roon sa Martial Arts Hub, pagkatapos ko silang makita ro’n sa corner ng second

