CHAPTER 4

1951 Words
Note: This story contains mature and sensitive contents on the following chapters, please read at your own risk. CHAPTER 4: Give It Back BINUKSAN ni Kai ang pinto ng kotse niya saka walang kaingat-ingat na tinulak ako sa loob! Kung hindi pa ‘ko napakapit sa upuan ay talaga namang baka dumiretso pa ‘ko palabas at pa-lusot sa pintuan ng driver’s seat! Naalala ko tuloy bigla noong nakikitira pa ako sa bahay ng parents niya dati. Sobrang salbahe niyang Kai na iyan at malakas na itinulak ba naman ako sa putikan, kalaro pa naman namin noong oras na iyon iyong mga kababata nila, ‘yung isa ay crush ko pa. Bwisit talaga sa buhay ko. Hindi ko mapigilang mag-reminisce dahil mula yata noong 7 years old ako hanggang sa mag-20 years old ay magkasama na kami dahil inampon ako ng parents niya mula sa kalye. So many memories... pero kapag memories na kasama si Kai ay parang gusto ko na lang manakit. Masamang titig ang ipinukol ko rito habang pumapasok siya ng kotse at isinasara ang pinto niyon. “Oh bakit ganiyan ang tingin mo. Tandaan mo ikaw ang may atraso sa ‘kin, hinoldap niyo ‘ko, kasabwat ka. Hindi kita papatakasin.” Ani niya habang idinuro-duro pa ang daliri sa ‘kin na lalong ikinainit ng ulo ko. “Dapat sana ay kakausapin lang kita tungkol sa pinaggagawa mo sa buhay mo pero mukhang mapipilitan ako ngayon na i-surrender ka sa mga pulis at magsampa ng kaso sa ‘yo.” Kakausapin? Pinaggagawa sa buhay? Tapos i-surrender sa pulis?! Akala mo kung sinong concern! Eh kung maalala ko nga ang mga araw ko sa bahay nila, siya ‘tong halos sirain lang palagi ang araw ko kahit nga nananahimik lang na nakaupo ako sa sulok. Nakakairita rin talaga ‘tong lalaking ‘to eh.     “Hindi nga ako kasabwat! Ni wala nga akong alam na mahoholdap ka at ang agenda ko lang ngayong gabi ay ‘yung trabaho ko na ipinaliwanag ko sa ‘yo tapos ako ‘tong ihahatid mo sa presinto anong katangahan ‘yan-“ “Hindi ka kasabwat pero alam mo ang pangalan ng mga iyon at kilala mo.” Mabilis na asik niya, nagdududa pa rin kaya natulala ako. Hindi sure kung ano ang isasagot. “Uhm... parang ganoon na nga.” Hindi siguradong tugon ko. Umirap ito sa ‘kin at humawak sa manibela habang seryoso pa rin na hindi ako inaalisan ng tingin. “Papapiliin kita. Ibabalik niyo sa ‘kin ang mahahalagang mga gamit ko na hinoldap ng mga kakilala mong iyon o hihimas ka ng rehas ngayong gabi? Mamili ka. Ganoon kadali.” Nagsalubong ang mga kilay ko at saglit na napaisip. Ang kapatid kong si Erros kasi ang nangholdap sa kaniya pero siyempre hindi ko pwedeng aminin na kapatid ko iyon dahil lalo niya lang akong kukulitin! Si Erros pa ba at ang mga kaibigan niya? Kapag nakabingwit ng mga gamit na mahoholdap ang mga iyon ay diretso bentahan sa mura at madaling halaga! Gano’n na ang nakasanayan nila magmula noon, tsaka salat sa pera ang buong pamilya ko kaya kung usapang pera ay wala siyang aasahan na maibabalik sa kaniya. Napakamot ako ng noo. Sigurado akong hindi papayag si Erros. Matigas pa sa bato ang ulo no’n! Ni minsan nga ay hindi pa kami nagkasundo sa mga bagay-bagay na ipinapayo ko sa kaniya, pilitin pa kayang ibalik ang cellphone at wallet ng aroganteng Kaijin na ‘to? “I badly need my cellphone back.” Baritono ang boses na aniya sa mapanganib na ekspresyon. “Hindi ko nga iyan magagawa.” Naiinis na pilit ko. Nag-angat siya ng kilay, “I mean, hindi ko kaya. Kasi... kasi hindi kami close. Kakilala ko lang siya sa pangalan at alam ko na mahilig silang mangholdap pero... hindi ko alam ang bahay niya! Tama, hindi ko alam, wala akong alam.” Palusot ko. Ilang segundo siyang hindi umimik at tinitigan lang ako nang may seryoso ngunit halatang hindi naniniwalang tingin. Napaiwas ako ng tingin. “Nakita mo namang itinakbo na nila tapos aasa ka pang ibabalik! Tsaka dapat labas ako riyan, ikaw ‘tong hinila-hila ako mula roon sa hotel!” Nakangusong singhal ko habang minumuwestra pa ang mga kamay. “Tingin mo ba talaga mabibilog mo ang ulo ko? Mukhang kilalang-kilala ka no’ng mga iyon.” Aniya pa kaya napabuga ako ng hangin at inis na humalukipkip. “Eh hindi nga sabi! Tsaka wala nga akong magagawa! Bakit ba ako ang pinag-iinitan mo! Ikaw ‘tong nagbigay ng mga gamit mo doon, e ‘di sana ‘di mo binigay para-“ natigilan ako sa pagkuda ng kung anu-ano nang agawin nito ang hawak kong phone. “Hoy! Akin na iyan!” Ipinasa niya sa kaliwang kamay ang phone saka umpisang kinalikot habang pinipigilan ako ng kanang kamay niya, hindi pa naman ako mahilig maglagay ng password dahil makakalimutin ako kaya mabilis niyang na-access. “Ano ba, Kaijin!” Inis na halos tumayo na ako sa loob ng kotse maagaw lang ulit ang inilalayo ng mahabang braso niya na phone ko. “Ibalik mo nga iyan bwisit ka!” Nakita kong nahanap niya agad ang contacts saka itinype ang Eros, kahit mali ang spelling at kulang ng isa pang letter r ay lumabas pa rin doon ang number ng bwisit na kapatid ko. “Hindi pala kakilala masiyado huh?” Aniya pa sa baritonong boses kaya tinangka ko ulit na agawin pero sa katutulak niya sa ‘kin gamit ang isang kamay ay na-out of balance ang isa kong binti at napasubsob ako sa kaniya! Mabilis na lumapag ako sa kaniyang dibdib mismo at nag-angat ng tingin kay Kai. Wrong decision yata ang ginawa ko dahil naabutan ko rin itong nakatitig ngayon sa ‘king mga mata. Maya-maya pa ay nakita kong bumaba ang kaniyang tingin sa ‘king ilong at tumigil lang sa ‘king labi. Namilog ang mga mata ko nang makitang sobrang lapit namin sa isa’t-isa at agad na naalala kung gaano siya kahusay na hagkan at halikan ako sa kama kanina lang... pinawisan yata ako ng malapot! Bago pa man ako makaalis sa kaniyang dibdib ay agad na nitong itinapat ang palad niya sa mukha ko saka itinulak ako palayo sa kaniya! “What are you doing. Don’t do that again...” masungit niyang saad kaya nilingon ko ito ng may matalim na tingin. “Don’t come near me again, you little shit.” “Ah little s**t ako?” Pinaghahampas ko ito ng maliit na bag ko sa braso na sinasalagan niya naman habang inilalayo pa rin ang hawak na phone. “Kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nagkikita tayo mula pa noon at hanggang ngayon!” Bulyaw ko! “Kahit magbaga pa iyang dugo mo, wala akong pakialam.” Nakakabwisit na saad niya. Nakita kong tinawagan niya ang number ni Erros saka iniloud speaker. Ang tanga kong kapatid, mabilis namang sinagot ang tawag. Sayang load ko! “Hoy, Eicine! Mabuti naman naisipan mong tumawag, may pinapasabi sa ‘yo si Tatay pero ‘di ka online! Umuwi ka rito sa bahay, magre-repack na tayo sabi nila Tatay!” Dinig kong saad ni Erros sa kabilang linya kaya nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ako ni Kaijin na may nagtatakang tingin. “Repack? Tatay?” “Hoy bobo! Ba’t ‘di ka nagsasalita?! Maraming gramo ng m*******a pa ‘tong tatrabahuhin natin, tanga, uwi na!” Oh my god. Napadiretso ng linya ang labi ko saka natatakot na inabangan ang ekspresyon ni Kaijin. Totoo ang sinasabi ni Erros, iyon ang isa sa mga illegal na trabaho ng pamilya ko pero hindi ako nakikisali! Maliban na lang kung sapilitang bugbugin ako ni Tatay kapag ayaw kong tumulong sa pagre-repack ng ipinagbabawal na gamot na iyon. Mukhang natigilan din si Kaijin at hindi makapaniwalang nilingon ako habang salubong ang mga kilay. Nangingiwing ngumiti ako sa kaniya. Marami na tuloy siyang rason para patulugin talaga ako sa presinto, putangina?! Nang mapansin na natigilan siya sa narinig ay kinuha ko ang tyansa para mabilis na hablutin ang phone ko mula sa kaniya saka binuksan ang pinto ng kotse nang maabot iyon para lumabas at tumakas na... pero nakakaisang hakbang pa lang ako sa labas ng sasakyan ay nahawakan at nahila na nito ang kaliwang binti ko! Kaya tuloy nawala ako sa balanse na naman at lumagapak sa sahig! Pinagtinginan tuloy ako ng mga taong nasa Parking Lot ng night club! Kaganda ko pa naman sa outfit kong makinang-kinang na off-shoulders ngunit longsleeves fitted silver dress tapos gaganituhin lang pala ako ni Kaijin sa harap ng mga tao! “Ano ba! Bitiwan mo na ako sabi! Bwisit ka talaga sa buhay ko!” Inis na tumili ako nang hilahin niya ako pabalik ng kotse mula sa hawak nitong binti ko! “Help! Kinikidnap ako! Help, r ape!” Naglulupasay na sigaw ko pa habang pilit na kumakawala sa malalaki niyang kamay na nakahawak na ngayon sa braso ko. “Tsk! Stop shouting, Eicine!” Iritableng hinatak niya pasara ang pinto ng kotse sa side ko nang nasa loob na ako ulit ng sasakyan. “You’re not going anywhere.” “Please naman, pakawalan mo na ‘ko, huwag mo na ‘ko ipakulong! Wala naman talaga akong kinalaman, promise mabait ako! Promise, hindi ako nakikisali sa mga illegal nilang gawain!” Nagpapaawang sambit ko nang tuluy-tuloy. Hindi siya agad umimik at mariing nakatitig lang sa mga mata ko kaya bahagya akong nailang. Unti-unti itong lumapit sa ‘kin at inilapag ang magkabilang kamay sa magkabilang gilid ng binti ko, ngayon ay malapit na malapit ang mukha sa ‘kin. Pakiramdam ko nanigas ang katawan ko sa sobrang pagka-ilang! “Please...” pahabol na paawa ko pa, bahagyang inuurong paatras ang leeg dahil sa lapit namin sa isa’t-isa. Adik yata ‘to eh. Alam niyang pogi siya lalapit pa nang ganito sa ‘kin. Siraulo talaga! “Hindi kita ipapakulong but I want us to make a deal tonight.” Pagkarinig niyon ay suminghap ako. “Ayoko! Alam ko na iyang deal deal na iyan, bibigyan mo ‘ko pera tapos kapalit no’n ay ang kabirhenan ko?! Hindi! Ayoko!” OA na singhal ko saka umiling-iling. Nalukot ang kaniyang noo na pinanood ang reaksyon ko saka maya-maya ay nagpipigil ng tawa na napayuko ng ulo. “What the f**k? Bakit kita ikakama, hindi ka nga sexy.” Napakagat ako ng ibabang labi sa narinig, medyo napahiya. Alam ko namang sexy ako, makinis at maganda pero nakakainsulto lalo na’t galing sa pogi na kagaya niya?! I mean, arogante pala, hindi pogi! “Let’s make a deal, Eicine.” Panimula niya muli nang magbalik ng malapit na tingin sa ‘kin. “I won’t drop you inside the jail tonight but you have to... give my cellphone back.” Napaawang ang bibig ko. “Hindi na nga posible dahil-“ “Tell your friend that I will pay him more than the price of that phone. iPhone 13 iyon at hundred thousand ang halaga, I’ll give him hundred and fifty thousand pesos, then.” Natameme ako sa narinig. “Another deal if ever you still couldn’t give back my phone. Work for me, then. Kung hindi ay ipakukulong kita, kahit sa’n ka pa magtago.” Aniya saka ngumisi at tinapik-tapik ang pisngi ko bago lumayo. P150,000? Nagningning yata ang mga mata ko. Sige, sisikmurain kong gawin ang gusto niya kaysa naman magtrabaho para sa kaniya. “Anong klaseng trabaho?” “Hmm... assistant? Alalay? Yaya?” Binuhay nito ang makina saka ngumisi. “Pag-iisipan ko pa pero paniguradong hindi mo gugustuhin.” Nag-uumpisa na ‘kong mairita sa ngiti ni Kaijin.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD