CHAPTER 3

1170 Words
CHAPTER 3 Gulat pa rin na nakatitig lang ako kay Kai habang hinihila nito ngayon ang palapulsuhan ko patungo sa kung saan. Hating gabi na pero buhay na buhay pa rin ang mga ilaw sa paligid, wala ng masyadong tao kung hindi iyong mga parokyano na lang at iba pang mga turista na dumarayo sa mga nakapaligid na bar at hotel dito at iilang mga kotse sa daan. “Pakawalan mo na ang kamay ko, busy akong tao!” Kunwa’y sigaw ko. Gusto ko na talagang tumakbo palayo dahil sa matinding hiya! Kahit matagal na kaming hindi nagkikita at may mga times na gusto ko siyang makatagpo ulit, hindi ko talaga maisip na ngayon ang perfect timing para sa ganoon. Gusto kong tumakas at magtago! Naiisip ko kasi kung paano kami mainit na magtagpo kanina sa kama habang kakilala ko pala siya at kilalang-kilala niya pala ako ngayon, puro hiya lang ang nasa sistema ko... hay Lord, bakit kailangan mangyari sa ‘kin ‘to! Kailangan ko rin pala asikasuhin ang paying customer #100 ko dahil sinabi ko sa kaniya sa text message kanina na nagloloko sa kaniya ang fiance niya... tapos hindi naman pala ito ‘yung Edward na pakay kong i-test as part of my job! Si Kai ‘to at sinong mag-aakala na... gano’n siya makipag-usap sa mga babaeng lalapit sa kaniya sa night club?! “Busy kang tao? Sa mga walang kwentang trabaho na kagaya niyan?” Sarkastiko niyang sambit. “Mom needs to know about this. Ang babaeng pinagtuunan nila ng pansin para lumaki nang maayos at matino ay nagpapakalat-kalat na lang sa mga night club gaya nito for a s**t-type of job.” Napabuga ako ng hangin pagkarinig niyon, ayaw talagang tigilan ng isang ‘to kakainsulto ang trabaho ko. Mahal na mahal ko kaya ang trabaho kong ‘to! Inaahon ako nito sa araw-araw na kagipitan ko! “Hoy! Sinabi ko na sa ‘yong wala namang illegal sa ginagawa ko!” Giit ko sa kaniya. Malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib dahil siya ‘tong kasama ko ngayon at mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko pero nakakairita pa rin ang pinagsasabi, wala talagang pagbabago! “Ikaw pa nga ‘tong muntik na ‘kong tusukin ng ano mo diyan sa kipay ko, mas pwede kitang paghinalaang masamang tao, babaero ganiyan!” Singhal ko sa kaniya sa sobrang pagkainis. Huli  ko na naisip na napalakas ang mga sinasabi at tono ko dahilan para mapatingin sa ‘min ang mga nakakasalubong na tao. Nahihiyang unti-unting napayuko tuloy ako ng ulo para magtago habang si Kai ay masama ang titig na nilingon lang ako. “How could you call me masamang tao when you were moaning in pleasure earlier while I was touching you.” He gave me a lopsided smile. Naramdaman ko agad ang pamumula ng mga pisngi ko lalo. Nakita kong patungo kami ngayon sa isang mamahaling coffee shop kaya lalong pinigilan ko siya at hinila pabawi ang palapulsuhan kong ayaw niyang bitiwan kanina pa. Bukod sa mahal doon ay wala talaga akong lakas ng loob makipag-usap sa kaniya nang face to face... naiilang ako mula pa noon! Ngunit bago pa man kami tuluyang makaahon mula sa madilim na parte ng corner street dito sa lugar ay biglang may mga humarang sa ‘min na mga lalaki. Ang isa ay napansin ko kaagad na may hawak na patalim habang ang isa sa kanilang apat ay may hawak pa na dos por dos na kahoy. Napatigil kami ni Kaijin at dapat ay lalagpasan sila pero makukulit ang apat na lalaking may takip na itim na face mask sa mukha at pinalibutan kami. “Cellphone, wallet at relo lang ang hihingiin ko. Ibigay mo na agad para walang masaktan.” Ani noong isa habang maangas na patingin-tingin sa paligid. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang mabosesan ang lalaking iyon. Sandali... kapatid ko yata ‘to ah. Naalala kong matinik sa panghoholdap sa lugar na ‘to ang grupo nila at iyon ang hobby nila para kumita. Gaya ng mga bagay na nakakasanayan gawin ng buong pamilya ko, bawat isa sa kanila mula sa mga magulang ko hanggang sa mga paslit na bata ay may modus na kinabibilangan. At sa ganoong paraan kami nabubuhay araw-araw. Kaya nga ganoon na lang ang pasasalamat ko sa trabahong ‘to, na hindi maituturing na illegal at wala akong nilolokong tao. Huhulihin ko lang kung babaero ang mga iuutos sa ‘kin na tao ng mga customer kong mga elite na babae at babayaran na nila ako ng malaking halaga bilang kapalit. Ganoon lang kadali. Dahil lang sa kabaliwan nilang baka hindi sila siniseryoso ng mga partner nila. Bago pa man ako tuluyang makapagsalita patungkol sa pagpigil sa kapatid ko mula sa binabalak nitong gawin kay Kai ay sinugod na ni Kai ang isa sa mga lalaking palapit nang palapit sa ‘king likuran, kilala ko rin itong ibang mga lalaki na ‘to at alam ko namang hindi ako sasaktan ng mga ‘to na paniguradong tanging siya lang ang pakay, pero sinunggaban niya na ng isang suntok sa mukha. Naalarma tuloy ang iba sa kanila at nagkaniya-kaniyang sugod kay Kai! Napatili ako. “Tigil! Erros!” Awat ko sa kapatid kong siraulo at sa mga kaibigan nito. Kunot-noong nilingon ako ni Kai. “You know them?!” Saka niya sinalag ang mga atake sa kaniya at gumanti ng suntok sa sikmura ng isa sa mga kaibigan ng kapatid ko. “You’re with them? Kasabwat ka?” Nakahanap ng tiyempo sila Erros para suntukin ito nang ilang beses sa mukha. Napangiwi ako. Hindi ako kasabwat pero may usapan kaming kapag nakita nila akong may kasamang kung sino sa labas ng night club, iyon ang cue nila na pwede nilang holdapin ang kung sino man na iyon dahil sa pangalawang posibleng rason. Una, mayaman. Pangalawa, uto-uto at lampa. Gano’n ang naging usapan namin noon. Noon! Noon pa iyon! Well-planned ang mga modus sa pamilya namin at hindi ko naman sinasadya ang pagkakataon na ‘to?! “You’ll pay for this.” Dinig kong saad niya na alam kong sa ‘kin niya sinasabi... habang ngayon ay cinocorner kami nila Erros na nagtatawanan at nagbibiruan dahil bigla na lang pabagsak na inihulog ni Kai ang wallet at relo niyang mukhang mamahalin sa sahig bilang pagsuko. Ang cellphone nito ay hawak na ngayon ng isa sa mga kasamahan nila Erros. Nagmamadaling pinulot iyon nila Erros saka nagkaniya-kaniya ng takbo. Lumingon pa nga ito sa ‘kin at nagtatakang tinignan ako, marahil nagtataka kung bakit hindi pa ako umaalis gaya ng plano namin usually. Dapat aalis na ako at lalayo na roon sa nabiktima nila.  Nang iyon na ang gagawin ko ay mas mahigpit na hinawakan ni Kai ang palapulsuhan ko. Mas wala na yatang balak pakawalan ako ngayon. "Sa presinto ka na matulog ngayong gabi." Umismid ito na ikinalaki ng mga mata ko.  "T-Teka, bakit!" Sigaw ko habang hinihila nito patungo sa kotse niya. "'Wag mo 'kong ipakulong, ayoko!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD