HALOS TUMIGIL ang dibdib ko nang makita ang lalaki sa harapan ko, si Kai, ay tinamaan ng bala ng baril sa dibdib. Hindi man lang sa braso o sa ibang bahagi ng katawan gaya noong araw na nasa bingit din kami ng kapahamakan para bigyan ako ng kahit kakaunting pag-asa. Sa dibdib at sa mismong pwesto ng puso talaga! Napaawang sa gulat ang bibig ko at nanlalaki ang mga matang nangingilid na sa mga luhang gusto nang kumawala. Takot na takot na tumili ako at nanginginig ang mga tuhod na tumayo para lapitan si Kaijin. Nahihirapang tumayo rin siya at pinatago ako sa tabi. “Dito ka lang, I want you to be safe... haharapin ko sila sa labas.” Nakita kong may baril ito sa beywang at dire-diretso kahit nanghihina, na lumabas ng restaurant. “Kai, huwag! Kaijin! Bumalik ka rito!” Sigaw ko! Nablangko

