BOOK 2: CHAPTER 1 HABANG panay ang paroo’t-parito ng payapang mga alon sa dalampasigan at ang pagduyan ng malamig na hangin sa bawat dahon ng matataas na puno sa paligid, pinagmasdan ni Kai si Eicine mula sa balkonahe ng villa na kinalalagyan niya, masayang nakikipag-usap at nakikipagtawanan ang babaeng pinakamamahal niya sa mga magulang na matagal nawalay sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay totoong mga magulang na at hindi na peke o nagpapanggap lamang ang mga taong iyon dahil noong isang linggo lang ay lumabas ang DNA result. Matched ang kanilang DNA sa isa’t-isa, tunay silang magkadugo. Napalingon si Kai sa taong tumabi sa kaniyang gilid at natagpuan ang kakambal na nakapameywang habang tinatanaw rin ang babaeng kanina pa niya pinagmamasdan. “Parang mapupunit na ang mga pisngi ni Eic

