BOOK 2: CHAPTER 2 NOONG DUMATING ang mga pulis na tinawagan ni Kaijin ay agad na pinosasan at hinuli ang mga lalaking napatumba nila, sumama si Kai para magbigay ng report sa presinto patungkol sa mga nangyari habang si Eicine naman ay sumama sa hinimatay na bata noong isinakay ito sa ambulansya patungo sa pinakamalapit na ospital. “Sa’n ka pupunta?” “Um, excuse me? Sino po ba sila? May mahalagang pupuntahan pa kasi ako, gustuhin ko man sanang bantayan ‘yong bata hanggang sa dumating ‘yung pamilya pero may business meeting pa ako sa—“ “Hindi ka pwedeng umalis! Hindi ako naniniwalang hindi ka kasabwat ng mga lalaking nahuli! Dito ka lang! Mananagot ka at ang mga kasabwat mo sa lahat ng nangyari!” Umawang ang bibig ni Eicine at nakangiwing tumitig sa lalaking kadarating lang, mahigpit p

