DAHIL sa pakikipag-usap ko kay Lemuel Castro kahapon ay nabuo ang konklusyon ni Angelo na ang lider ng Cartel ay siya pa ring nasa likod ng lahat ng kaguluhan, pananakot at magiging kapahamakan sa buhay naming dalawa ni Kaijin. Lalo na kay Kai dahil siya mismo ang pinaka target nito. Si Honey Collins at ang codename nitong tinawag na Boss H. Tipid na napaismid ako. Walang kahirap-hirap hulaan ang pangalan sa codename na ginawa. Kaya maaga pa lamang ay pinuntahan ko na ang headquarters ng pulisya sa lugar namin kung saan ko nalamang nagtatrabaho si Kaijin at 'yong kaibigan ni Angelo na si Detective Ramos, dito rin ang opisina ni Police Major General Baruelo na kumausap sa 'kin noong huli naming pagkikita. Ito yata ang main branch kung saan nag-oopisina ang lahat ng may matataas na ranggo

