CHAPTER 88 “EH KAYA naman pala kahit isa hindi kita nakitaan ng pinakilalang girlfriend.” Bungad ni Tita Za, naglalakad ngayon mula sa kusina patungo rito sa couch na nasa harapan ng kinauupuan namin ni Kai, bitbit ang tray na may mga baso ng fresh juice. Narito na kami ngayon sa bahay nila, kauuwi lang at kaka-discharge lang namin pareho mula sa ospital, dapat ay one week talaga pero atat na lumabas doon si Kai kaya pinagbigyan na nila Tito. At sa nakalipas na dalawang araw mula no’ng nakita kami nila Tita Za, literal na nahiya na talaga ako humarap sa kanilang dalawa. Halos hindi na nga ako lumabas pa ulit ng kwarto ko sa ospital. Napangiwi ako. Kapag naman maghahatid ng pagkain sila Tito Kael sa kwarto ko ay hindi naman nila binubuksan iyong topic na iyon, huwag daw muna at magpahin

