CHAPTER 85 PART I HINDI ko mabuksan ang pinaka pinto ng abandonadong gusali kaya naman nang malingunan ang malaking bintana na may basag ay doon ako lumusot. Halos mapatili pa ako sa gulat nang paglapag sa loob ng gusali ay tumambad sa 'kin ang mga nakahandusay na mga lalaki, katabi ang mga lumamg gamit na nagkagulo na sa paligid. Sa tingin ko ay nakaharap sila ni Kaijin kanina rito kaya wala na ngayong bantay rito sa bungad. Kahit ganoon ay ikinasa ko pa rin ang mga baril na hawak ko bilang paninigurado bago maingat na naglakad habang mabilis na nagtatago sa bawat pader na madaanan. Umakyat ako ng hagdan at halos paghulugan ng puso sa kaba na baka may makasalubong na mga kalaban. Gumaan lang ang dibdib ko nang ma-realized na lahat ng mga nadaraanan ko na tauhan ni Angelo ay tumba na

