CHAPTER 8

805 Words
CHAPTER 8 HINDI na yata matanggal ang kanina pang pagkunot ng noo ko habang dinadala ako ngayon ni Kaijin sa lugar kung saan ito nagtatrabaho. “Hindi ka sa isang kumpanya nagtatrabaho.” Patanong na hula ko sa kaniya habang pumapasok kami ngayon sa isang malaki at mataas na gusali, nasa gitna ng city pero hindi ko masiyadong matandaan kung saan banda ‘to. Sa tingin ko ay ito ‘yung itinayong building six years ago na hanggang ngayon confused pa rin ako at ang mga tinatanungan ko kung ano ‘to, condominium ba o malaking company ng isang corporation. Walang nakakaalam, bawal din namang basta-basta pumasok dahil mahigpit pa sa guard ng President of the Philippines ang entrance way. “Huwag ka ng tanong nang tanong.” Basta pagkatapos naming kumain ay dire-diretsong dinala niya ako rito mula sa halos trenta minutong byahe. Kahit nga anong tanong at pangungulit ko ay ayaw niyang sagutin, kung may isasagot man si Kaijin mula pa kanina ay puro salitang nagpapatunay lang na isa siyang piece of s**t kausap. Puro sarkastiko at pambibwisit lang sa buong katauhan ko. “Hindi mo ba talaga sasabihin, makikita ko rin naman mamaya dahil dadalhin mo rin ako ro’n. Ang dami mo pa ring arte sa buhay hanggang ngayon.” Dire-diretsong saad ko habang sinusundan ito sa paglalakad. Pagkababa namin ng sasakyan niya ay seryoso lang itong naglakad patungo sa entrance na ang malaking pinto ay halos kuminang sa pagiging malinis, gawa sa transparent glass ang automatic na pinto kaya naman nang makalapit na kami roon ay kusang bumukas iyon. Bumungad sa ‘min sa loob ang nakahilera sa rami na mga lalaking naka-pormal na suit, iisa sila ng uniporme at ang halos lahat ay may suot na earpiece. Halos mapanganga ako nang mapansin ang pagkaaliwalas ng loob noong gusali, modernong-moderno ang style at puno ng maliliwanag na ilaw at chandelier habang gold at black naman ang tema ng mga tiled walls. “Miss.” Hinarang ako ng dalawa sa mga lalaking nakauniporme nang makalagpas sa kanila ang nauuna sa ‘kin na si Kaijin. Naalarma pa ako nang hawakan ng mga ito ang magkabilaang braso ko. “You’re not allowed to enter this premise.” “H-Huh? Bakit naman...” agad na napababa ako ng tingin sa suot ko. Dahil ba sa outfit ko ngayon? “Kuya, mukha lang akong squammy ngayong araw pero paminsan naman kaya ko naman magsuot ng pang-mayaman na attire-“ “Palabasin na ‘yan.” “Ay teka sandali!” Nag-aalalang pumiglas ako para sana ipaliwanag na kasama ko ang unggoy na Kaijin na iyon nang itutok sa ‘kin ng ibang naka-unipormeng mga lalaki ang mga baril na nakatago sa mga beywang nila kanina. Agad na nabato tuloy ako sa kinatatayuan ko at daig pa ang tinakasan ng dugo sa buong katawan dulot ng takot. “Guns down.” Seryoso ang baritonong boses na saad ni Kaijin na agad ding sinunod ng mga tauhan niya. Nakita kong lumapit ito sa ‘kin saka kinuha ang kamay ko para hawakan at hilahin ako kasunod niya sa paglalakad. “She’s with me and from now on you will all allow her to freely enter this place anytime, she will be working for me.” Ani niya pa sa lahat bago tumalikod. Nilingon ko ang mga lalaking guards na naka-formal suit saka nginisihan bago nagbalik ng tingin sa likuran ni Kai. “So isa kang CEO na mayaman at may-ari ng building na ‘to?” Hula ko pa ulit habang hinihila niya papasok sa isang malaki at magarang elevator na may kulay kumikintab na gold tiled walls at malaking salamin sa loob. "No, this is different." Maiksing ani niya lang saka tumigil ang elevator sa 8th floor. Pagkabukas pa lang ng pintuan ng elevator ay bumungad sa 'min ang malawak at magarang palapag na punung-puno ng mamahaling mga kagamitan, sa totoo lang mukhang 5-star hotel lobby ang hitsura ngunit maraming malalaking pinto sa paligid. Pati na rin mga gwardya na kagaya na lang ng nasa ibaba. Hindi pa yata ako tapos mamangha sa paglibot ng tingin sa paligid nang hilahin na naman ni Kai ang kamay ko palabas ng elevator. "Sir-" Lumapit ang isang lalaking naka-formal suit kay Kaijin at agad na natigilan nang mapansin ang presensya ko, ngunit nagtuloy pa rin ng sinasabi habang sumasabay ng lakad sa seryosong si Kaijin patungo sa isang malaking pinto sa palapag. "Tumawag na po ang sekretarya ni Mr. Gomez, pwede na po silang kitain mamaya para i-deliver ang mga baril na ini-request nila sa 'tin noong nakaraan." Namilog ang mga mata ko nang maproseso ang narinig. "Baril?!" Saglit akong nilingon ni Kaijin at nginisihan lang nang nakakaloko bago humarap doon sa nagre-report sa kaniyang lalaki kanina. "She's Eicine, you may now orient her, she'll come with us tonight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD