CHAPTER 9

1950 Words
CHAPTER 9 NANLAMIG yata ang buong katawan ko nang marinig mula kay Kai ang mga baril. Anong mga baril. Legal ba ‘to o illegal? “Hoy, teka sandali nga!” Ipiniglas ko ang kamay kong hawak-hawak niya kanina saka bahagya itong hinampas sa braso at kulang na lang ay kwelyuhan, nagulat naman ako nang alistong nagtapon sa ‘kin ng atensyon ang lahat ng nasa paligid namin na tauhan niya at tinutukan ako ng baril! Nabato tuloy ako sa kinatatayuan ko at nakangiwing nilingon sila. Dito na yata ako mamamatay sa nerbyos. Marami naman na akong nakikitang baril, lalo na doon sa lugar namin na halos gabi-gabi yata ay may hinoholdap at binabaril, pero nakakatakot pa rin pala! Naiinis ang ekspresyon na nilingon ako ni Kaijin saka hinatak ang kwelyo niya palayo sa mahigpit na hawak ko at napatingin din sa mga tauhan niya saka bahagyang tinaasan ng kamay ang mga ito, sinesenyasan sila kaya naman ibinaba ng mga ito ang mga hawak na baril. “Ano bang problema mo, Eicine.” Matalim ang tingin na ipinukol sa ‘kin ni Kaijin saka mahigpit na kinuha ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad dito sa mahabang hallway ng palapag. “Miss, kung ayaw mong aksidenteng mabaril sa tingin ko kailangan mong huwag basta hawakan at saktan si Sir.” Pasimpleng ani noong lalaking mukhang assistant yata ni Kaijin. Hindi makapaniwalang tinignan ko ito at natatakot na sinulyapan pa ang mga tauhan nila na nasa paligid namin. “Wala akong pakialam sa inyo, okay. Hindi niyo iyan kilala, ang pangit ng ugali ng tinatawag niyong sir na iyan kaya deserve niyang suntukin pero huwag niyo naman ako tutukan ng baril. Susuntukin ko lang naman, hindi ko naman sinabing mamamatay siya sa suntok na gagawin ko.” Mahinang saad ko habang bahagyang inilalapit pa ang mukha sa kaniya. Baka marinig pa ng mga tauhan nila sa paligid at tuluyan na ‘kong paulanan ng bala sa katawan. “Naririnig kita.” Biglang singit ni Kaijin saka nilingon ako nang may seryoso at matalim na tingin. Umirap lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad kasunod niya. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak habang naglalakad... bigla akong nailang. Tinangka kong bawiin ang kamay ko ngunit humigpit lang ang hawak niya roon. Seryosong tumikhim iyong lalaking kausap ko kanina at nagsalita habang nasa dinaraanan pa rin namin ang atensyon. “But aside from helping him manage his business, our job is to protecting him at all cost, Miss Eicine.” NANG MAKARATING kami sa pinaka-dulong pinto ay dire-diretsong pumasok doon si Kaijin habang hila pa rin ako, kasunod ang assistant niyang lalaki. Isang malaking silid iyon na mukhang... oh my god. Mukha itong silid para sa mga naka-display niyang mga baril! Hindi yata ako nakagalaw ng ilang segundo habang ang mga mata lang ang naglilibot ng tingin sa iba’t-ibang uri ng maliliit at malalaking baril sa paligid. Ang lahat ay eleganteng nakapatong sa kaniya-kaniyang stand nito habang pinoproteksyonan ng glass box. May mga pangalan ng baril na nakapatong sa ibabaw ng glass box at hindi ko mabilang kung lagpas bente o trenta ba ang mga baril na ‘to sa loob ng silid. May parte sa gilid na puro bala ng baril lang ang naroon, iba’t-iba ulit ang laki na mukhang para sa iba’t-ibang uri ng baril. May malaki, may sobrang liit. Nakalagay din ang mga pangalan ng baril na nagmamay-ari sa mga balang iyon sa gilid nito. Ang dami. Show room yata ang isang ‘to at... sandali, nilalamig ako, feeling ko isang maling galaw lang at puputok sa katawan ko ang mga baril na iyon. May bala kaya iyan sa loob? “From now on,” ani Kai, nanlaki ang mga mata ko nang mapansing unti-unti itong lumalapit sa ‘kin, basta-basta ako nitong cinorner sa isinarang pinto kaya naman nakakunot ang noo na umatras-atras ako palayo. Nang maramdaman kong lumapat doon sa pinto ang aking likod at wala ng maaatrasan pa ay iniharang ko na lang ang kamay ko sa kaniyang dibdib habang nag-aangat ng tingin sa kaniya. “You will be assisting me in selling weapons and firearms. I’m no CEO of this company because you won’t be working in a normal and usual company, Eicine.” “Firearms... mga baril.” Hindi makapaniwalang saad ko. “Legal o illegal?” Nagawa kong maitanong sa pagitan ng pagpipigil ng galaw at paghinga dahil sa nakakatunaw nitong tingin sa ‘kin at malapit na malapit na distansya naming dalawa. Mahina siyang natawa at ikinagulat ko ang paglapit ng kaniyang mukha sa tabi ng aking tainga, agad na tumindig ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa ‘king balat. “Illegal.” Aniya saka inilock ang door knob na kulay gold sa tabi ko at umalis sa ‘king harapan para magtungo sa komportable at mukhang mamahaling leather brown niyang swivel chair kaharap ng malaki nitong table. Naiwan ako roong hindi makagalaw. Ayoko sanang aminin pero ayaw na ayaw ko talaga kapag ginagawa sa ‘kin iyon ni Kaijin, iyong paglapit-lapit niya! Bigla akong nabablangko at nahihigitan ng paghinga! Tumikhim ako at binawi ang pagkatameme kanina, nagmamatapang na naglakad palapit sa kaniya, nilalagpasan ang assistant nitong nakatayo lang sa tabi at pinanonood kaming dalawang mag-usap. Mukhang maghihintay lang siya riyan ng utos ng Sir niya. “Aba’y siraulo ka pala, tinatakot mo ‘kong ipapakulong mo dahil pinagbibintangan mo ‘kong sinet up ka sa holdap, tapos ikaw pala ‘tong nagbebenta ng illegal firearms.” Matapang na pagbubunganga ko sa kaniya habang lumalapit sa malaki nitong table. “Gusto mo bang isumbong din kita sa mga pulis ha?” Nakatitig lang ito sa ‘kin at hindi man lang tinablan ng kahit anong takot. “Then do it.” “Hindi ka kakabahan?!” “Bakit ako kakabahan. They’re also my loyal customers.” Ngumisi ito sa ‘kin saka kumibit-balikat, napaawang ang aking labi sa narinig. “Hindi ko lang sigurado kung huhulihin nila ako kapag itinuro mo ang business ko o baka maisipan lang nilang bumili sa ‘kin.” “Bakit naman sila bibili sa ‘yo, sinungaling ka, inuuto mo lang ako.” Mahinang singhal ko. “Bakit naman hindi? Ako lang naman ang nag-iisang firearm source ng mga iyan, nag-iisang mapagkukuhanan nilang lahat ng kumpleto at magagandang klase ng baril na kahit ang gobyerno ay hindi kayang maibigay sa kanila.” He mockingly smiled at me. “Kaya tingin ko, hindi nila gugustuhing ikulong ako sa bilibid. What do you think, Eicine?” Natahimik ako ng ilang segundo saka matapang pa rin ang tingin na humalukipkip na lang. “Okay, titiisin na lang kita. Six months lang naman.” Irap ko. “Okay.” Aniya, nakangisi. “We’ll surely have fun, don’t worry.” Nag-angat ako ng kilay. Bago pa man ako makapagsalita muli ay simpleng sinenyasan ng kamay nito ang assistant sa gilid, lumapit ang assistant niya sa kinatatayuan ko saka naglapag ng folder sa table ni Kai. Tumikhim siya bago nagsalita. “Ito ang schedule ng appointments at possible meeting kasama ang mga big time customer ni Sir sa mga susunod na araw, paki-aral na lang, Miss Eicine at ikaw ang makakaalam ng mga confidential na impormasyon sa mga lakad ng team, we’re really looking forward for your huge loyalty in this matter.” Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kaijin. “Simula ngayon, wala kang ilalabas na impormasyon patungkol sa ‘kin, sa business na ‘to at sa mga pinupuntahan natin.” “Pa’no kung ayaw ko?” Hamon ko, joke lang naman na kunwari ay matapang ako, nagbabaka sakaling manginig naman siya ng kaunti dahil alam ko na ang secret niya? Pero ang mokong hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pag-aalala. Kumibit-balikat lang ito at tumayo mula sa kinauupuan, sinundan ko ng tingin ang pinuntahan niyang stand ng magandang baril saka niya binuksan ang glass box sa bandang likuran niyon at kinuha ang baril mula sa loob. Kulay shiny silver iyon na handgun at may gold engraved na kung ano sa bandang grip o hawakan, hindi usual ang kulay at disenyo kumpara sa mga kulay itim na baril na napapanood ko lang sa mga movie kaya naalala ko kaagad ang sinabi niya kanina na pinagkukuhanan siya ng mga big time customer nila ng magagandang uri ng mga baril. “Kung ayaw mo? Hmm... alam ko naman ang bahay ninyo, kilala ko na rin ang buong pamilya mo, ang bawat business ng mga tao sa pamilya mo. Pang-apat ka sa inyong magkakapatid at walo kayong lahat.” Nagulat ako nang maglapag na naman ng folder sa mesa iyong assistant niya. Binuksan ko iyon at agad na bumungad ang 2x2 picture ko sa bandang itaas, nasa ibaba naman ang background information ko. May mga picture ko pa nga sa iba’t-ibang lugar, iyong iba ay luma na habang ang iba naman ay bago pa lang! Nagmamadaling inilipat ko ang pahina, sa mga susunod naman na pahina na iyon ay ang mga impormasyon patungkol sa buhay ng pamilya ko at iba pang sensitibong impormasyon patungkol sa kanila! Pina-imbestigahan niya kaagad kami?! Kagabi pa lang kami nagkaroon ng usapan ha! Sinipat-sipat niya ang hawak na baril na parang gandang-ganda siya roon saka ikinasa, namilog ang mga mata ko nang itutok niya iyon sa ‘kin mismo! “Kung ayaw mo, mamimili ako ng isa riyan kung kanino ibabaon ang bala nitong paborito kong baril. O pwede rin namang sa ‘yo na lang para mas mabilis.” Bahagyang nakaangat ang sulok ng kaniyang labi na saad niya. Nanlamig ang mga kamay ko. “Paul.” Tawag niya sa assistant kaya alistong naglipat sa kaniya ng tingin ang lalaki. “Yes, Sir?” “Ilang beses ko na bang nagamit ang paboritong baril na ‘to noon?” Tanong niya habang hindi nag-aalis ng tingin at ngisi sa akin. Gusto ko siyang suntukin ngayon pero next time na lang siguro. Hindi na yata umupo ang mga balahibo ko sa sobrang takot sa baril na ayaw niya pa rin ibaba! Nagmamadaling binuklat noong Paul iyong maliit niyang notebook saka nagsalita. “CZ75 9mm pistol... dalawa pa lang po, Sir. Iyong shoot out sa Tondo, Manila at ‘yung pangalawa naman ay sa katawan ng mayor ng Bulacan.” Hindi ko napigilan ang pagkabigla at naitutop ko sa aking bibig ang aking palad. Mayor ng Bulacan? Namatay iyon ilang buwan na ang lumilipas at bali-balitang dahil nga sa isang hindi kilalang mga armadong lalaki! Siya ba ang pumatay roon?! “Kaijin.” Sambit ko. Natatakot na siyempre! Kilala ko si Kai mula pa noong maliliit kami, tahimik, suplado at arogante na siya mula pa noon. Pero hindi ko naman inaasahang aabot siya sa ganito? Alam ba ‘to ni Sir Kael at Ma’am Zarina! “Ano, Eicine. I will only demand for your loyalty, is it too much? Ano sa tingin mo?” Nakangiti niyang sambit. Ilang hakbang ang ginawa nito palapit sa kinatatayuan ko at tuluyang idinikit ang baril sa ‘king noo. “O-Oo na... Oo na!” Nanginginig ang labi na tugon ko. Grabe, nangingibabaw na ngayon ang takot sa buong sistema ko. Anim o pitong taon na kaming hindi nagkikita ni Kaijin at sa tingin ko ay... maraming nagbago sa kaniya. “You’re trembling...” aniya saka kinuha ang nanginginig kong kamay at hinalikan ang ibabaw niyon. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. “Are you afraid of guns?” “Itutok mo ba naman sa noo ko?!” Pigil ang galit na singhal ko. Natatakot pa rin sa kaniya. Bahagya siyang natawa. “Paul, prepare the field. I’ll teach Eicine how to use a gun.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD