CHAPTER 11

2369 Words
CHAPTER 11 “ATE! Gising! Gising! Gising!” “Ay punyeta kang bata ka, lumabas ka nga!” Inaantok na saad ko saka humugot ng unan sa kung saan at hinampas iyon sa mukha ng kapatid kong 10 years old na lalaki. Natutulog ‘yung tao eh! Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ‘yong puyat ka tapos bigla-bigla kang wawagwagin ng gising sa umaga! “Lumabas ka! Sinabi ko na sa inyong pasukin niyo na ang lahat huwag lang ang kwarto ko nang walang pahintulot ‘di ba!” Bulyaw ko pa habang papikit-pikit ang mga mata at humaharap sa kabilang side ng maliit kong kama. “Eh sabi ni Tatay gisingin daw kita eh! Nandiyan kaya ‘yung manliligaw mo!” “Anong manliligaw! Single ako mula no’ng lumabas ako sa pepe ng nanay natin ha! Manahimik ka riyan.” Wala pa sa wisyong saad ko saka itinakip ang unan sa ‘king mukha. “Ate! Nandiyan nga! Hinahanap ka! Kaijin daw!” Sumimangot ako at magpapasya na sanang huwag itong pansinin para makabalik sa mahimbing na pagtulog nang mag-sink in sa utak ko ang pangalan na binanggit niya. Mabilis pa sa pinaka-mabilis na bumangon ako sa kama saka ito hinarap. “Ano kamo?” “Kaijin.” Naisampal ko sa ‘king mukha ang pareho kong palad, napangiwi rin ako pagtapos dahil ang sakit ng sarili kong sampal. “Oo nga pala, shuta!” Nagmamadaling tumakbo ako sa cabinet ko, humugot ng underwear, light blue pants at black shirt saka tuwalya. Lumabas agad ako ng kwarto at patakbong papasok sana ng banyo namin na nakapwesto pa sa kabilang bahay, wala naman kasing kaniya-kaniyang banyo ang maliliit na silid sa bahay namin dahil ‘di naman kami ganoon kayaman, nang may makabungguan akong kung sino na galing pa sa kusina. “Oh. Careful.” Dinig kong aniya na muntik pang mabitiwan at matapon ang hawak na plato na may laman na ulam! Nanlaki ang mga mata ko nang makumpirmang si Kaijin ‘yon. Si Kaijin ‘to! Nagpalipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kaniya na simpleng naka-signature white shirt at pants pati roon sa malaking bowl na bitbit. Itinakip ko ang tuwalya sa ‘king mukha at mga mata lang ang nakalabas nang maalalang hindi pa pala ako nagsisipilyo at hilamos ng mukha! “Anong ginagawa mo rito sa loob ng bahay namin?!” Bungad ko sa kaniya! Buong akala ko naman ay nasa labas lang siya ng bahay naghihintay! Nag-angat siya ng kilay. “Good morning.” Aniya lang saka ngumisi. “Hoy, Eicine! Mabuti naman at naisipan mo nang maggising ano, ilang minuto ka nang hinihintay nitong manliligaw mo!” Sigaw ni Mama mula sa kusina habang nakita ko siyang naghahalo ng kung ano sa kawali. “Ayan, sasabay na lang siya mag-tanghalian sa ‘tin tutal tanghali ka na nagising! Pinaghintay mo, ‘di ka na nahiya!” “Dapat doon ka lang sa labas! Ang kalat ng bahay namin tsaka... hindi naman kita manliligaw!” Pinandidilatan ng mga mata na saad ko sa kaniya. Hindi pinapansin si Mama na parang tinatakwil na yata ako kapag nandito si Kaijin sa lugar namin. “Pinapasok nila ako eh, isa pa may mga dala rin akong pasalubong para sa kanila.” Ani pa ni Kai habang inilalapag ang bowl na may ulam sa lamesa at nilalapitan ang ngayon ko lang napansin na kumpol ng paperbags sa kahoy na upuan namin sa salas. “Uy, dami! May laruan ba ‘ko diyan, kuya pogi!” Nilingon ko ang mga kapatid kong maliliit at nagkukumpulan din sa isang tabi habang nakangiting nagbubulungan patungkol sa mga paperbag. “Lahat kayo ay mayroon.” Nakangiting tugon ni Kaijin. Naiiling na tumakbo na lang ako sa loob ng banyo para makaligo na at makapagmaldita na mamaya sa mokong na iyon pero kasasara ko pa lang ng pinto ng CR nang marinig ko na naman si Kaijin! “Eicine.” “Ano na naman ba! Maliligo lang ako!” “Open the door.” Awtomatikong napakunot ang noo ko at maliit na binuksan ang pinto. “Manyak ka ba?” Bungad ko sa kaniya nang makitang nasa harap ito ng banyo. “Huwag mo ‘kong manyakin dito baka patayin ka ng mga kuya ko ha-“ Hindi pa natatapos ang sinasabi ko nang idikit niya sa mukha ko ang hawak na kung anong tela. “Baka iyo ‘to. Nahulog mo.” Aniya. Nakasimangot na kinuha ko iyon saka siya nakitang tumalikod na para magbalik sa kusina at nakipag-usap kay Tatay. “Bastos-“ hindi ko naituloy ang sinasabi nang makitang panty ko iyong ibinigay niya, ito pa naman iyong nag-iisang panty ko na mukhang pambata dahil sa mga maliliit na sunflower design. Nanlalaki ang mga mata sa hiya na isinara ko na lang agad ang pinto ng banyo. Hayop talaga. NANG matapos sa pagligo at pag-aayos ng sarili ay naisipan ko nang lumabas ng banyo, sa wakas, dahil ilang minuto rin akong atras-abante sa harap ng pinto kanina. Nahihiya sa maraming rason. Pinipilit ko na nga lang isipin na si Kaijin lang iyan, ang arogante at nakakainis na si Kaijin lang iyan kaya dapat huwag akong mahiya. Ano ba naman pakialam ko kung makita niya ‘kong may muta pa sa mga mata ‘di ba? Kahit din makita niya pa ang mga panty kong floral, hindi ko naman siya type eh. Anyway. Naabutan ko ang traydor kong pamilya na nakikipagtawanan kay Kaijin sa hapag habang mabait na sinasandukan pa ni Mama sa plato ng kanin at ulam. “Naku, ganoon pala kayo nagkakilala ng anak ko. Ikaw pala ang anak noong kumupkop sa kaniya, tadhana nga naman. Tignan mo at kayo pa rin sa huli, ano?” “Ano sinasabi mo riyan, ‘Ma?” Gulat na asik ko habang lumalapit sa tabi nito. “Hindi ko nga iyan manliligaw!” Narinig kong humalakhak sila Kuya na nakatambay sa salas, maraming tao at bata ngayon sa paligid ng maliit naming bahay kaya bahagya akong nahihiya na nandito si Kaijin. Makalat pa at luma ang mga gamit. “Bakit mo ba dine-deny itong manliligaw mo ha, nahihiya ka ba sa ‘min? Pasok naman sa banga itong si Kai!” Komento pa nila Kuya habang may bitbit na plato at nagkakamay na kumakain. “Hindi nga!” Giit ko. “It’s alright, Eicine, I guess we no longer need to hide our relationship. Okay naman sila sa ‘tin.” Pagsingit ni Kaijin kaya nagbibirong napahiyaw si Tatay at Mama! Hindi makapaniwalang napaawang ang bibig ko sa kaniya at inirapan ito, mukhang ineenjoy niya ang sitwasyon ha. Hindi na rin ako nakaalma dahil kaniya-kaniyang tukso na ang ginawa nila Kuya, Mama, Tatay pati noong mga maliliit kong kapatid na sobrang kukulit at iingay! Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Talagang malakas ang tama sa ulo ni Kaijin. Kinurot ako nito sa tagiliran ni Mama maya-maya. “Ang kupad-kupad mo maligo! Kanina pa kami nagugutom, ayaw lang kumain nitong manliligaw mo hanggat hindi ka kasabay. Napakabait talaga, pwede na husband material!” Napairap ako kay Mama. Sus, inuuto niya lang iyan dahil bukod sa gwapo at may hitsura, halata pang maraming pera.  “Pagtapos nito aalis na kami.” Sinadya kong malakas na sinabi, pinariringgan si Kaijin na parang nag-eenjoy pa sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng pamilya ko. Nag-umpisa kaming kumain lahat, ang iba ay sa sahig ng salas habang si Kaijin, si Mama, si Tatay at ako ay nasa hapag kumakain, maliit lang naman ang mesa at apat na tao lang ang kasya. “Mapapadalas ang alis ni Eicine kasama ako, okay lang ba ‘yon sa inyo?” Biglang sambit ni Kaijin sa mga magulang ko. Hinayaan ko sila mag-usap pero halos hindi ko naman malunok ang mga isinusubo kong pagkain dahil sa kaba na baka nakakahiya na naman ang isagot ni Tatay o nila Kuya, pati ‘to si Mama na halos ipakasal na ‘ko riyan noong nakaraang araw. “Aba’y okay lang naman! Asus! Ikaw naman ang kasama, mukha ka namang disente, hijo! Hindi mo ipapahamak ‘tong unica hija namin sure ako riyan.” Ani Mama. “Ay, nakausap ko na iyan!” Ani pa ni Kuya Eric. “Sabi ko huwag talaga dahil lagot siya sa ‘min. Okay na iyan.” Poker face na kumain na lang ako sa sulok ng mesa at hinayaan sila sa mga hula nilang may namamagitan sa ‘min ni Kaijin. “Makakaasa po kayong iingatan ko si Eicine palagi.” Magalang na tugon ni Kaijin. Napaubo-ubo ako nang marinig iyon at maalala kung paano niya ‘ko tutukan ng baril sa noo?! “Sinungaling.” Nakalabing bulong ko. “Ano?” Tanong ni Tatay. Umiling na lang ako at nginisihan lang sila, nakita kong napangisi si Kaijin sa ‘kin. Anong nakakatawa. “Kuya, subukan mo ‘to. Regalo ko rin sa ‘yo kasi niregaluhan mo ‘ko.” Biglang lumapit iyong kapatid kong lalaki na 5 years old sa tabi ni Kaijin. Hindi ko sana papansinin at iisiping sumisipsip lang din siya kay Kaijin gaya ng ginagawa nila Mama kanina pa nang mapansin ang ibinibigay nitong regalo kay Kai! Tuluyan akong nasamid pero imbis na tubig ang kinuha ko ay tumayo ako para abutin ang ngayon ay nasa kamay na ni Kai na pakete ng nire-repack nila Tatay na... ipinagbabawal na gamot! “Ano ‘yon?” Nagtatakang tanong nila Tatay nang makitang natatarantang tumayo pa ako mula sa kinauupuan. Hindi yata napansin. Umiling lang ako saka pasimpleng piningot ang tainga ng kapatid ko. Nakita kong nakatitig na ngayon sa ‘kin si Kaijin, namamangha ang uri ng tingin at bahagyang ipinilig pa ang ulo, bakas ang pang-aasar sa maliit na ngisi sa labi. “Good afternoon, world! Anong ulam op da day?!” Ang lahat sa ‘min ay nagulat na napalingon sa kakapasok lang ng pintuan mula sa labas, si Elmo na OA na nakataas pa ang mga kamay, isa ko pang kapatid na 11 years old! “Ay kuya tangina! May na-snatch ako kanina na relo, sobrang ganda! Mamahalin! Sinearch ko sa Google, alam mo magkano?!” Nagkatinginan kami nila Mama at Tatay. Habang sila Kuya naman sa salas ay hindi pa rin umiimik. Kung ang lahat ng tao sa Sitio Dos ay kayang mag usap-usap patungkol sa mga ganiyang maliliit na krimen na parang normal hobby lang, paniguradong hindi sanay na makarinig ng ganiyan si Kaijin. Nahihiyang napayuko tuloy ako at dinurog-durog na lang ang karne sa plato ko. “Magkano?” Curious na tanong ng maliit kong kapatid. “30 thousand pesos lang naman! Pwede ko iyon isanla ‘no?! Bobo no’ng lalaki sa overpass eh, nahablutan ko tuloy!” “Galing mo, Kuya!” Sagot pa noong maliit kong mga kapatid. Pekeng natawa si Mama saka kinuha ang atensyon ni Kaijin na nakikinig lang sa ‘ming lahat. “A-Ay! Huwag mong pansinin iyan, nagbibiro lang iyang mga iyan!” Kunwa’y humalakhak sila at pasimpleng pinagbabatukan nila Erros at Kuya Eric si Elmo saka itinuro ang bisita. Nakakahiya. Gusto kong lumubog sa lupa. Hindi pa man nakakaimik si Kaijin ay bumukas na naman ang pinto naming yari sa kahoy. Iniluwa ang mga tsismosang kapitbahay namin, iyong mga kalaro ni Mama sa Bingo kasama ang mga kainuman ni Tatay sa gabi, ‘yung iba ay kapustahan sa sabong! Mga walang hiya-hiya na nakipagbiruan kay Kaijin, iyong iba nga ay nagbibiro pa na mangungutang. “Ate Lourdes, Manong Ryan! Please lang. Huwag ho iyang bisita ko.” Warning ko sa kanila saka nagtataray na tinabihan na lang si Kaijin. “Ano natatrauma ka na ba? Bisita-bisita ka pa kasing nalalaman.” Bulong ko sa kaniya habang sinasalinan ito ng tubig sa baso. Pinanood niya ang ginagawa ko at naabutan ko itong namamanghang ngumiti sa ‘kin. “Bakit ako matatrauma? Hindi na rin naman bago sa ‘kin ang ganitong mga bagay. A family of criminals, interesting.” Bahagyang nangingiti na aniya. Napairap ako rito at inambaan na lang ng tinidor sa mukha saka bumalik sa pagkain. Naroon na sila Mama at Tatay sa labas, kinakausap ang mga kapitbahay naming tsismoso at tsismosa kaya nakakausap ko na si Kai nang walang kumukurot sa tagiliran ko. “Gusto ko sanang sabihing mahirap lang kami kaya nila nagagawa iyan pero alam ko namang hindi ‘yon excuse para gumawa ng krimen. Ako lang din ang naka-graduate sa ‘min ng college kaya hindi sila makapaghanap ng okay na trabaho.” Paliwanag ko pa habang dinudutdot ng tinidor ang ulam ko sa plato. Nakita kong tumango-tango si Kaijin saka naglibot na naman ng tingin sa paligid ng bahay namin. “Panigurado namang masaya ka rito. Kasama mo na ang totoo mong pamilya.” “Masaya naman.” Ani ko. “Bigla ka lang dumating sa buhay ko.” Mahinang dugtong ko, sarkastiko. “Huh?” Tanong niya na hindi yata narinig ang sinabi ko. Nagpeke ako ng ngiti at umiling na lang. “Wala naman. Kaya sa susunod huwag kang iinterrupt ng trabaho ko sa night club, doon lang ako kumikita. Naiintindihan mo ba.” Turo ko na naman sa kaniya ng tinidor na hawak ko. Bagot na hinawi nito ang kamay ko saka naging mahigpit ang hawak sa palapulsuhan ko. “Stop pointing this fork at me.” Saad niya. Napangiwi ako sa hawak nito saka siya kinunutan ng noo. “Babayaran kita kapag nakasama ka sa trabaho ko nang sobra pa sa 12 hours na usapan natin kaya kung pera ang inaalala mo, huwag mo ng isipin.” “Hindi pera ang iniisip ko. Ikaw at ‘yang pagtutok mo ng baril sa ‘kin.” Balik ko sa kaniya na ikinatawa niya. Anong nakakatawa ro’n, seryoso akong pinoproblema ko ‘yon kapag kasama ko siya! “Magdamag tayong magkasama mamaya, ipapaalam na kita sa pamilya mo.” Aniya saka tumayo na mula sa harapan ng hapag, naiwan akong nalaglag ang panga. Magdamag?! “I guess they would let us, binigyan ko sila ng mamahaling mga regalo.” Umangat ang sulok ng kaniyang labi saka hinila na ang palapulsuhan ko patungo sa kaniya at kila Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD