CHAPTER 76 NAKANGITING binaba ko ang tawag matapos naming saglit na mag-usap ni Kai, nagpaalam na rin siya agad dahil sinabi niyang pagod siya sa araw na ‘to at kailangan na kailangan ng pahinga. Narinig ko pa nga ang boses ni Kendrick, may sinasabi sa kaniyang kung ano bago tuluyang inend ang tawag. “Tao po!” Pagtawag ko sa dati kong pamilya habang paulit-ulit na kinakatok ang gate na yari sa yero. Gabing-gabi na pero sigurado naman akong gising na gising pa rin ang mga tao sa bahay na ‘to. Gaya ng dati. Mas buhay yata ang lahat sa pamilyang ‘to kapag gabi. “Tao po... Kuya! Erros!” Pagtawag ko sa kanila na alam kong palaging nakatambay rito sa maliit na bakuran namin noon pa kapag ganitong oras. Mga ilang segundo pa ako ro’n at pasilip-silip sa bahay naming nakabukas naman ang ilaw sa

