CHAPTER 75 “HUWAG mong sabihin sa ‘kin na paniniwalaan mo ang mga sinabi sa ‘yo ng matandang ‘yon, Eicine?” Hindi ko binigyan ng kahit anong tugon o reaksyon ang sinabi ni Angelo kaya ilang segundo lamang ay natawa na ito, palakas nang palakas na parang isang malaking biro ang bagay na ‘yon para sa kaniya. “Lalaki, maputi ang kutis, medyo payat ang pangangatawan at parang ako? Nakakatawa, hindi ba? Halatang wala talaga sa katinuan ang matandang ‘yon. Ako agad ang tinuro marahil dahil papalapit ako sa ‘yo.” Nanatili akong nakatitig kay Angelo habang sinasabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin, kanina ko pa ikinuwento ang lahat ng napag-usapan namin noong matanda at kanina niya pa ito nilalait... isa raw baliw, wala sa katinuan at nasiraan ng bait kaya naging pulubi at palaboy-laboy

