NAPANGITI si Kira nang marinig na nagtatawanan ang mga kaibigan. They are now playing cards. Kung sino ang nandadaya sa mga ito tiyak na si Han at Josh. Habang siya naman ang naghahanda ng pagkain nila sa kusina. They ordered pizza and chicken. May dala din beer and wine ang mga kaibigan. Nagluto naman si Josh ng Korean Pork Stir Fry kanina bago magsimula ang games at si Kian naman ay nag-bake ng baby back ribs. "Ano 'to? Bibitayin na ba tayo? Ba't ang daming pagkain?" tanong ni Sean. "Pagkatapos ng basketball games next week, finals na natin, bitay na talaga 'yon," sagot naman ni Hojin. "'Di bale, konting tiis, one-year na lang graduate na!" sabi pa ni Sami. "Kayo one-year pa, kami may med-school pa," sabi naman ni Han. "Kayong mga unang makakapagtrabaho, kayo manlilibre sa susunod

