bc

Night Cuddles

book_age18+
225
FOLLOW
3.0K
READ
HE
neighbor
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
loser
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

Kian and Kira are best of friends. Their moms are best are also best friends. Parang tinahi ng mga ito ang buhay nilang dalawa. Mga sanggol pa lamang yata sila ay magkasama na silang dalawa. Sa kanilang paglaki hindi naiwasan ni Kian at Kira na tumibok ang puso para sa isa't isa. Kian has been very vocal and showy about his true feelings for her. While Kira has full of fear and doubts to take their friendship in a new level. Isang pangyayari ang nagbukas sa pagkakataon para sa wakas ay harapin nilang dalawa ang tunay na damdamin. Ngunit nag-iba ang lahat pagdating nila ng Kolehiyo.

Kian started dating and playing with different girls. Nasaktan ng labis si Kira. Nang manligaw kay Kira malapit nilang kaibigan at kababata na si Uno. Binigyan niya ito ng pagkakataon hanggang sa sagutin niya si Uno. Ngunit kahit nasa piling na sila ng iba. Hindi magawang takasan ni Kian at Kira ang sigaw ng tunay na damdamin. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang sigaw ng kanilang puso para sa isa't isa. Kapag hinarap ni Kian at Kira ang tunay na damdamin, tiyak na may masasaktan, walang iba kung hindi ang kaibigan nila, si Uno.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"KIRA! Anak 'yong baon mo!" habol ni Karina sa anak. "Ay, oo nga pala!" natatarantang sabi niya saka tumakbo pabalik sa bahay saka kinuha ang paper bag. Napalingon si Kira nang marinig na bumukas ang gate ng katapat nilang bahay at doon lumabas ang kababata at best friend na si Kian. "Kian, anak! Pinagdala rin kita ng baon, nandito kay Kira," tawag ng kanyang ina sa binata. "Uy, thank you Mame!" masayang sagot nito pagkatapos ay lumapit at humalik sa pisngi ng kanyang ina. "Akin na, ako na magdadala n'yan," baling ni Kian sa kanya saka kinuha ang bag niya. "Bye Mom! Bye Mommy Amy!" paalam ni Kira sa ina at ina ni Kian. Matapos iyon ay nagsuot na sila ng helmet at sumakay sa motor ng binata. "Anak, ingat sa pagmamaneho ah!" bilin pa ni Amelia sa anak. "Yes, Mom!" sagot ni Kian. Yumapos si Kira sa beywang ng kaibigan pagkatapos ay pinaandar na nito iyon. "Hoy baka ma-late tayo! Bakit ang bagal mo magpatakbo?!" puna ni Kira. "Maaga pa, sira! Gusto mo maaksidente tayo? Baka ibitin ako patiwarik ni Dade kapag may nangyaring masama sa'yo!" "Ayoko lang ma-late ano? Baka mamaya paglinisin na naman tayo ng CR si Sir," sabi niya. "Hindi 'yan, wala ka bang tiwala sa akin?" tatawa-tawang sagot nito. "Buti naman alam mo, ilang beses na akong nadadamay dahil napakatagal mo kumilos," pagsusungit niya. "Kaya pala naghihintay ka pa rin. Eh bakit hindi ka na nauna?" "Eh magagalit si Mommy kapag iniwan kita." "Eksakto! Hindi ka puwedeng umalis nang wala ako. Kaya huwag ka na magreklamo dahil magkadugtong ang buhay natin!" Bilang sagot ay pabiro niya itong binatukan. "Hoy gagi, nagda-drive ako!" saway nito sa kanya. Natawa na lang si Kira at napailing. Nang makarating sa school ay nagmamadali silang bumaba ng motor at hinubad ang helmet. Nagulat si Kira nang hawakan siya ni Kian sa kamay sabay hila at takbo palapit sa gate. Nanlaki ang mata niya nang marinig na nagbibilang na ang Teacher nila habang nakabantay sa gate. "Ten... nine... eight... seven..." "Hoy Sir, sandali lang!" sigaw ni Kian sabay lingon sa kanya. "Bilis Kira!" Binilisan nila ang takbo kaya bago pa matapos ang bilang ay nakapasok na sila sa gate. Kapwa humihingal na huminto sila at lumingon. Natawa silang magkaibigan nang makita ang mga kaklase nila na hindi na umabot. Kung saan mamarkahan ng late para sa araw iyon. Gaya ng nabanggit kanina, ang parusa sa mga late ay maglilinis sa ia-assign na lugar doon sa school. "Bye!" pang-aasar pa ni Kian sa kaibigan nito na si Uno. Habang naglalakad papunta sa room nila nang marinig ni Kira ang usapan ng mga babae na mula sa ibang section na naglalakad sa likod nila. "Ang guwapo talaga ni Kian!" "Oo nga eh!" "Naku talaga, ligawan lang ako n'yan wala pang isang minuto sasagutin ko na!" Palihim niyang siniko si Kian saka natatawa na nginuso ang mga babae. Nag-make face ito at kunwari ay nasusuka habang nakatirik pa ang mata. Natawa ng malakas si Kira. "Pero girl, iyang babaeng kasama niya? Girlfriend n'ya?" "Hindi mo kilala 'yan? Si Kira, best friend niya 'yan. Ewan sabi magkababata kaya hindi mapaghiwalay. Balita ko sa mga kakilala ko may gusto kay Kian. Hindi daw ibang babae ang palagi nilang karibal kay Kian kung hindi ang best friend niya." "Ay wow, binabakuran si Kian?" "Sira hindi, wala naman ginagawa si Kira in fairness sa kanya. It's just that, palaging priority ni Kian si Kira. Kahit anong oras, kahit saan, kahit sino kasama ni Kian basta nangailangan si Kira. Iiwan niya lahat para sa best friend niya." Nagkatinginan sila ni Kian at natawa na lang matapos marinig ang mga iyon saka nag-high five. "Oh, maniwala akong walang relasyon 'yan dalawa na 'yan!" Doon sila sabay na lumingon. Biglang natigilan ang tatlong babae at nagulat na parang nakakita ng multo. "Masyadong malakas ang boses n'yo habang pinagtsi-tsismisan n'yo mga buhay namin ah, baka gusto n'yo hinaan," masungit na kompronta ni Kian sa mga ito. Biglang tinikom ng tatlo ang mga bibig nito pagkatapos ay tumakbo palayo. "Sungit mo talaga," natatawang sabi ni Kira. "Ang aga-aga buhay ng iba pinag-uusapan," inis na komento nito. "Hayaan mo na, halika na!" awat niya dito. Kian Anthony dela Cruz at Kira Alexandra Chavez. Ang dalawang taong tila tinahi ng tadhana ang buhay sa isa't isa. Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan ng kanilang mga magulang. Si Amelia ang ina ni Kian at si Karina ang ina ni Kira ay nagkakilala at naging matalik na magkaibigan noong high school pa ang mga ito. Dahil sa lalim ng pagkakaibigan ay hindi halos naghiwalay ang dalawa hanggang sa Unibersidad na pinasukan kung saan nakilala ng mga ito ang Daddy nilang dalawa. Matapos makagraduate at makakuha ng magandang trabaho. Tinupad ni Karina at Amelia ang pangarap kung saan ang itayo ang bahay ng dalawa sa tapat lang mismo ng isa't isa. Naunang ikasal si Amelia at George. Makalipas lang ang ilang buwan ay sunod naman kinasal si Karina at Samuel. Matapos ng kasal ay doon na nanirahan sa dream house ang magkaibigan. Nang sumunod na taon ay nabuntis si Amelia at ilang buwan lang ang nakalipas ay si Karina naman ang nagbuntis. Dahil sa sobrang lalim ng pagkakaibigan ng dalawa, they even named their babies after each other. Kian and Kira. Mula noon, lumaki ang dalawa na malapit. Naturally, later on as they grew older, naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Inseparable. Magkasama halos sa lahat ng bagay. Daig pa ni Kira ang isang prinsesa sa pag-aalaga ni Kian. But they are also each other's number one enemy. Kung gaano sila kalapit ay ganoon din naman sila kung mag-away. Parang World War III. Ngunit sa kabila niyon, sa tuwing nalalagay sa alanganin o problema, mabilis pa sila sa alas-kuwatro na damayan ang isa't isa. Kaya naman hindi maiwasan na madalas silang pagkamalan na may relasyon. Ngayon Senior Highschool, pinalad na mapunta silang dalawa sa iisang section. Matapos ilagay sa kanilang locker ang ibang gamit ay pumunta na sila sa loob ng classroom. "Kira, nakagawa ka ng assignment?" tanong ni Zuri Nishida, isang Half-Pinay at Halaf-Japanese na kanilang kaklase. Nag-iisang anak at pangarap maging ballerina. Elementary pa lang ay magkaibigan na sila nito. "Oo naman, ako pa ba?" "Huy ako hindi, pakopya!" sabad ni Sami o Samira Miranda, isa rin sa kaklase at kaibigan nila ni Kian. Eto ang kaibigan nila mahilig at kayang makipagsabayan sa mga lalaki pagdating sa online games. "Naubos na naman oras mo sa online games!" pambubuking ni Sean Bautista, una nitong naging kaibigan si Kian noong elementary at kalaunan ay naging close na rin sila. Ang kaibilang nilang sporty at pinakamadaldal. "Bunganga mo talaga pasmado," sagot ni Sami. Nagtawanan sila. "Oh, eto na," sagot niya saka binigay ang notebook. "Ay beshy, ikaw talaga ang anghel ng buhay ko, hindi gaya ng iba dyan!" pabirong pagpaparinig ni Sami kay Sean. Dahil sa asaran ng dalawa ay nagkandaubo si Kira sa kakatawa. Nang tingnan ang bag para kunin ang kanyang tumbler, doon niya lang nakita na wala doon ang hinahanap. Agad hinanap ng mata ni Kira si Kian. "Pssst, pangit!" tawag niya dito. Hindi naman kalayuan ito pero hindi siya nilingon nito. "Pangit! Kian!" tawag ulit niya pero hindi pa rin ito lumingon. Nakabuntong-hininga na lang si Kira at napailing. "Kian! Kian pogi!" Doon ito tumingin sa kanya na nakangisi. "Oh hey, best! May kailangan ka?" Sinimangutan niya ito. "Kapal talaga," bulong niya. Itatanong pa lang niya kung may dala itong tubig nang mabilis na nilabas ang isang tumbler mula sa bag pagkatapos ay tumayo at inabot sa kanya. "Thanks," sagot niya. "Always to the rescue," sabi ni Zuri. "Siyempre, Prinsesa ko 'yan eh, hindi ko puwedeng pabayaan," pagmamalaki ni Kian sabay tingin sa kanya at kindat. "Kadiri ka," sagot niya kay Kian sabay balik ng tumbler matapos niyang uminom. "Diyan na muna 'yan, malakas kang uminom ng tubig eh. Kukunin ko na lang mamaya," sabi nito. "Okay, thanks," nakangising sagot niya. Mayamaya ay napalingon sila nang may mga kaklase pa silang pumasok. Ito ang mga late at inabutan ng pagsara ng gate kanina. "Linis ka ng CR mamaya," tumatawang pang-aasar ni Kian kay Uno, ang isa pang best friend nito. Uno or One Miguel Jimenez is Kian's other best friend. Guwapo. Nakasalamin dahil sa labo ng mata. Matalino at madalas ay tahimik lang. Hindi gaya ni Kian na outgoing at maingay. Uno is the opposite. "Badtrip naman kasi 'yong nasakyan ko ang bagal," reklamo nito. Nang maupo ito sa tabi niya ay agad ngumiti ito. "Good morning, Kira." "Morning," nakangiting sagot niya. Mayamaya ay may kinuha ito sa bag. Napatingin siya nang may may ilapag ito sa ibabaw ng desk niya. Tatlong iba't ibang klase ng chocolates. "Para sa'yo, dumating kasi 'yong Tita ko galing sa US kahapon. Eh masyadong maraming chocolates, kaya kumuha ako para sa'yo," sabi nito. "Uy thank you," masayang sagot ni Kira. "Naks! Tatlong chocolates para I love you!" tudyo sa kanila ni Sean sabay tulak kay Uno. Bahagya silang napapitlag nang biglang umalingawngaw ang malakas na "Uy!" sa loob ng room nila. Nang lumingon ay saka lang nakita ni Kira na sila na pala ang tinutukso ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman ng mga kaklase nila na may gusto sa kanya si Uno. At hindi rin naman maitatanggi ni Kira na may gusto din siya dito. Nang mapalingon kay Kian. "Maka ano naman kayo, nagbigay lang ng chocolates eh!" saway niya sa mga ito. "Uy kinilig ka rin!" "Heh! Bibig nito!" saway ulit ni Kira. Nang lumingon ay saka nagtama ang paningin nila ni Kian. Salubong ang mga kilay at nakabusangot ang mukha nito habang nakatingin sa kanila ni Uno. Napakunot-noo din siya nang bumuka ang bibig nito at may sinabi. "Ano?" she mouthed. Tinuro nito ang chocolates pagkatapos ay inangat ang kamao na nakatikom. "Ewan ko sa'yo," she mouthed again. Ilang sandali pa ay napatingin sila ni Uno kay Kian nang bigla itong sumulpot sa harapan nila dala ang bag nito. Pagkatapos ay sumenyas sa katabi nila. "Urong doon," sabi nito. "Hindi naman dito ang upuan mo ah!" sagot niya. "Masakit ang mata ko! Hindi ko makikita 'yong lecture ni Sir kapag nasa likod ako," katwiran nito sabay tingin ulit kay Uno. "Urong, pre! Kapag bumaba ang grades ko dahil hindi ako nakakopya ng lessons kasalanan mo!" Marahas na bumuntong-hininga si Uno at umiling. "Parang tanga naman 'to oh, lakas mang bakod ah," sabi pa ni Uno. "Ang tawag diyan Great Wall of Kian," tumatawang sabad ni Sami. Ngunit hindi iyon pinansin ni Kian. Walang nagawa si Uno kung hindi ang umurong kaya naman naupo ito sa pagitan nila. Matapos iyon ay inagaw nito ang chocolates na nakapatong sa desk ni Kira. "Hoy, akin 'yan!" Mabilis na nilayo ni Kian ang mga iyon. "Ako na ang magtatago, baka mamaya lantakan mo eh tapos sumakit ang lalamunan mo!" "Hindi 'yan, ibalik mo nga kasi 'yan!" "Umayos ka Kira Alexandra, kukutusan kita!" banta ni Kian. Marahas na napakamot ng batok si Kira dahil sa kunsumisyon. Sa inis ay binatukan niya ito. "Aray ko!" daing nito. "Naku talaga, ewan ko sa'yo Kian!" Napalingon siya kay Zuri at Sean nang bumulong ito sa kabilang tenga niya. "Higpit ng bantay mo, girl," sabi ni Zuri. "Bantay? O baka naman nagseselos si bff?" tudyo ni Sean. "Ay, isa ka pang sulsol ano?" Tumawa lang ang dalawa. Nang magkatinginan sila ni Kian ay ngumiti lang ito sa kanya saka kumindat. "Bumalik ka na kasi doon!" pagtataboy ni Kira dito. Mayamaya ay dumating na ang teacher nila. "Sir, dito muna ako uupo! Masakit kasi mata ko hindi ko makikita ng maayos 'yong isusulat n'yo kapag nandoon ako sa likod!" paalam agad ni Kian. "Okay," sagot nito. Palihim siyang binelatan nito nang magkatinginan sila. "G*go," she mouthed sabay irap. Sa inis niya ay tumawa lang ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
71.2K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
47.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
252.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
94.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
56.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook