4.665K
Reads
Hiraya found himself sad and alone after their youngest sibling got married. Nang malaman ng bunsong kapatid na si Yumi ang kanyang pinagdaraanan. She set him up on a blind date. And to his surprise, ang dumating nang gabing iyon ay walang iba kung hindi si Samantha, ang kanyang ex-girlfriend noong College na huli niyang nakita fifteen years ago. Ang unang date ay nasundan pa ng isa hanggang umabot sa apat na beses. Hanggang isang araw ay isang katotohanan ang nalaman ni Hiraya, he had no idea that months after they broke up, Sam found out that she's pregnant and he is the father of her child.
Updated at
4.55K
Reads
Sa pitong magkakapatid, si Yumi ang pinaka-masayahin. She loves to make her loved ones happy. She’s everyone’s darling. Pero sa likod ng magandang mukha at ngiti na iyon ay isang mabigat na sakit ang dinadala niya sa loob ng pitong taon. Seven years ago, Yumi was diagnosed with coronary artery disease, where a plaque builds up can narrow the arteries and decreasing the flow of blood to her heart. Sa loob ng mga taon mula nang malaman ang kanyang kondisyon. Sinubukan na niya ang lahat ng klase ng paraan para gumaling siya, she even undergone open heart surgery, but the surgery ended up failing. So, they came up to their last option, a heart transplant. Yumi is dating Mikee Reyes, anak ng isa sa pinakamalaking Chinese-Filipino businesswoman na kilala sa tawag na Mrs. Chen. Dahil nag-iisang anak at walang asawa, lumaking mama’s boy si Mikee. Isang rason kung bakit patago ang kanilang relasyon. Malaki ang takot nito sa ina na wala itong ginawa kung hindi umoo lang ng umoo sa sinasabi ng ina. Ngunit kahit na ganoon, palibhasa’y mahal niya ang nobyo kaya tinanggap iyon ni Yumi. Ngunit dumating ang araw na nalaman niya ang totoo, may ibang girlfriend pala si Mikee at nakatakda na ang kasal ng dalawa. Sa panahon broken hearted siya naging close sa kanyang doctor na si Carlo De Luna. Dahil magkalapit lang halos ang edad nila, madali silang nagkasundo at nagkapalagayan ng loob ni Carlo. Yumi also find herself confiding to him about her love problems, and always willing to listen to her. He helped her heal her broken heart. She found herself comfortable around Carlo. From friends they leveled up and went on dates. Yumi decided to open up her heart again and give love another chance, this time with Carlo. Ang buong akala ni Yumi ay magiging maayos na ang lahat. Pero dumating ang araw na natuklasan niya ang pagsisinungaling ni Carlo.
Updated at
36.979K
Reads
A supermodel like Lia Santillan lives a perfect life. Iyon ang akala ng karamihan. Dahil sa likod ng mga ngiti, magandang larawan at marangyang lifestyle. Sa likod ng runway stage at flash ng camera, isang katotohanan ang hindi niya kayang dayain. Lia is living a life full pain and sadness. Five years ago when her five-year-old daughter, Avery, died from an inoperable tumor called DIPG. Matapos iyon ay unti-unting nasira ang relasyon nilang mag-asawa dahil sa isang larawan na sumira sa imahe niya kay Michael. Hanggang sa tuluyan iyon nauwi sa hiwalayan. Bilang ganti sa kanya ng asawa sa inakala nitong panloloko niya, mariin nitong pinagkait na ibigay sa kanya ang annulment. Lumipas ang limang taon, tuluyan nawalan ng komunikasyon si Lia sa asawa. They both lived their own lives. Siya bilang sikat na modelo, at ito bilang pribadong businessman. Ngunit nag-krus muli ang kanilang landas nang isang araw ay pumunta ito sa bahay nila, dala ang hindi magandang balita. Ang lola nito, si Lola Martha na naging malapit sa kanya noong nagsasama pa sila ay naospital at hinahanap siya. Hindi nagdalawang isip si Lia na puntahan ang matanda, at bago pa matapos ang araw. She found herself in the bed with him. Seven weeks later, a shocking news came to her that change her life. Lia is pregnant.
Updated at
8.241K
Reads
Nightmares. Sleepless Nights. Post Traumatic Stress Disorder. Anxiety. Malaya Santillan had to deal with the aftermath of her attempted murder. Kaya naman para tuluyan makalimot sa nangyari, umalis siya ng Pilipinas at namalagi sa Grindelwald, Switzerland. The initial plan was just a vacation with Musika, but later on, she chooses to stay. She shut down all the people around her including her family. Hanggang sa lumipas ang dalawang taon, hindi na umuwi pa si Laya. Inakala ni Laya na magiging maayos na ang kanyang lagay kapag nakalayo, ang ganda ng lugar na tinitirahan niya ay tila nakakatulong sa kanya para tuluyan makalimot sa nangyari. Pero lahat nang iyon ay sa una lamang, sa tuwina ay dinadalaw siya nang gabing nangyari ang muntikan pagpatay sa kanya. Everytime, she closes her eyes, she can still the image of Jim Dela Torre. Kinakailangan pa niyang uminom ng gamot sa gabi para lang makatulog siya. Dahil doon, sinubsob ni Laya ang sarili sa trabaho. But everything changes when Chad Alejandro came. Her closest guy friend since college. Sa unang pagkakataon, matapos ang dalawang taon, naramdaman niya ang saya na may muling makausap na kaibigan. For the first time, after the attempted murder, Laya opened to him about what happened that night. She broke down and cried in his arms. Pero kinabukasan, pakiramdam niya ay gumaan ang kanyang kalooban. Bilang pasasalamat, niyaya ni Laya si Chad na kumain sa labas. They had dinner and wine after. And when they got home, he suddenly kissed her. And that simple kiss leads them to bed. Then, that one-night changes everything between them.
Updated at
1.891K
Reads
When Isla first step her foot in Aberdeen, Scotland. Hindi kayang ipaliwanag ng ano man salita ang saya na nararamdaman niya. She’s like living her dream. A successful career as a famous international Romance Novelist. Isang mabait at napaka-supportive na asawa na mahal na mahal siya, Si Clyde Aikman. What else could she asked for? Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang dumating siya doon. Clyde surprised her. Sa isang birthday party ng kaibigan nitong Scottish, dumating ang taong dati ay sa TV at sinehan lang niya napapanood. Si Spencer Morales, ang miyembro ng isa sa pinakasikat na dance group noong kabataan niya. Her number one idol. Until a tragic accident suddenly changed their lives. Nadamay sa isang karambola ng aksidente si Clyde at ang mag-ina ni Spencer. Dead on the spot ang mga ito at hindi na nagawang iligtas pa ng mga doktor. Sa biglaan pagkawala ng pamilya nilang dalawa ni Spencer. Magkasama silang tumayong muli at pilit na pinagpatuloy ang buhay. They grieved together. Cry on each other’s arms. Comfort and be there with each other. Lumipas ang isang taon, unti-unti silang nakabangon. Natutunan nilang muli kung paano mabuhay, kung paano magkaroon muli ng pag-asa. Isla and Spencer became much closer after what happened.
Updated at
140.715K
Reads
At the age of forty-four, Javier Antonio De Vera was elected as the second youngest President of Republic of the Philippines. Ngunit sa kabila ng magandang pamumuno niya sa bansa, tila hindi niya magawang pamunuan ang sariling pamilya. He felt that everything is falling apart. His wife suddenly died five years ago because of Food Poisoning. Simula noon ay napabayaan niya ang kanyang nag-iisang anak na si Marcela dahilan para lumayo ang loob nito at magrebelde. All these years, Javier didn’t know that Marcela is dealing with Depression at her young age of fifteen. At parang isang anghel na pinadala ng langit ang dalagang si Regina sa kanilang mag-ama nang minsan magtangkang magpakamatay ang kanyang anak. Sa pagdating nito sa buhay nila. Nagmistula itong tulay na nagdugtong muli sa kanilang mag-ama. She takes care of them as if they are her family. Sa laki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ni Javier, bilang Leader ng bansa. Nagagawa ni Regina na pawiin ang lahat ng alalahanin at pagod niya. They find themselves one day falling so fast and deeply with each other. Tinanggal ni Regina ang lungkot niya sa buhay. Kapag kasama niya ang dalaga, pinaparamdam nito na hindi siya ang Presidente ng Pilipinas kung hindi isang ordinaryong lalaking nakakapagpaligaya dito. Binuhay nito ang puso niyang nakalimutan na yata umibig. Pero hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Kinailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon dahil na rin sa estado niya sa bansa. Hanggang sa dumating ang isang tao mula sa nakaraan niya. Nabuhay ang lihim niyang tinatago sa pagkamatay ng asawa at hindi niya nagawang protektahan si Regina nang madamay ito sa gulo ng buhay niya.
Updated at
1.37K
Reads
"I fell in love with you yesterday, I fell for you more today. And I promise to fall in love with you for the rest of my life." Teaser: Walang habas na pumasok si Laiza sa loob ng Shop na pag-aari ng sikat na basketball player na si Wayne Castillo. Aalukin sana niya ito ng Insurance, ngunit, nabato siya ng bola ng isang customer doon. Sa pangalawang pagkakataon na nagkita sila, nagulantang ang buong mundo niya nang bigla siya nitong halikan sa labi sa harap ng ayon dito ay Mommy nito, at ng isa pang babae. At ang mas kinaiinis pa niya, sinabi pa nitong girlfriend siya nito at nagli-live in na sila. Nang itatanggi niya ang mga sinabi nito, muli siyang hinalikan nito. Nang tila ma-korner siya ng pagkakataon, napilitan siyang sakyan ang palabas nito. Sa pagdaan ng mga araw ng pagpapanggap niya, hindi niya namalayan na nahuhulog na ang loob niya dito. Unti-unti ay mas nakikilala niya ito. Ngunit dumating ang pagkakataon na kailangan na nilang tapusin ang palabas. Kasunod ng isang katotohanan na kailan man ay hindi siya minahal nito. Kung kailan hindi na alam ni Laiza, kung paano gigising sa umaga ng wala na ito sa buhay niya.
Updated at
11.509K
Reads
Gumuho ang mundo ni Amihan matapos sumabog sa kanyang harapan na tila bomba ang katotohanan tungkol sa asawa. He is gay. Handa siyang tanggapin ang buong pagkatao nito, ngunit dumating ang araw na kinatatakutan niya, ang tuluyan siyang iwan nito. Two years later, after their divorce, Amihan came face to face with her ex-husband again. Ngunit sa pagkakataon na iyon, kaylaki na ng pinagbago nito, literal. He’s already a Transgender. Amihan became more devastated. Dumagdag pa sa bigat ng nararamdaman ang problema sa negosyo. Matapos pumanaw ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang tauhan ng Bloom Breeze International, nalaman ni Amihan na matagal na pala siyang ninanakawan nito at nabaon sa utang ang buong kompanya. At kailangan niyang mabayaran ang utang na iyon kung ayaw niyang makuha ng mahigpit na kalaban niya sa negosyo ang buong BBI. Sa gitna ng tambak na problema. Her younger twin brothers and quadruplets sisters came up with a solution, kapalit ng perang ipapahiram ng kaibigan ng isa sa kambal sa BBI, kailangan niyang magpakasal kay Alvin Sebastian. A man who is ten years younger than her. No way!
Updated at
1.453K
Reads
Loner. Nerd. Iyon ang nakasanayan na tawag ng ilang schoolmates ni Krisha sa kanya. She’s doing really great on her academics. In fact, she always made it on top. Then love suddenly knocks at her door when she met the easy-go lucky and campus famous Jaden Palmero. Professor sa Unibersidad na pinapasukan nila ang Ate nito at kinuha siya nitong tutor nito sa Math. Noong una ay sumasakit ang ulo niya dito dahil ayaw nitong makinig at wala itong ginawa kung hindi ang mangulit. Hindi niya akalain na sa pagdating nito sa buhay niya, ito ang magpaparamdam na may halaga siya. Jaden saw an invisible girl like her. Dahil doon, hindi niya napigilan ang sarili na mahalin ito. But love came to them at the wrong time. Nang mabalitaan ng Daddy niya ang tungkol kay Jaden, agad siyang nilayo nito sa binata. Ipinaglaban siya ni Jaden, ngunit nagising na lang siya isang araw na wala na ito at tuluyan na siyang iniwan.
Updated at
1.936K
Reads
Mari is a mother of a six-year-old girl named Della at the age of twenty-four, sa kasamaang palad, wala siyang maipakilalang tatay ng anak niya. Dahil kahit siya, hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Yes. She got pregnant through a one-night stand. Ang masakit doon, hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya sa sobrang kalasingan. Nagising na lang siya kinabukasan mag-isa sa hotel, naked at may bahid na sinurrender niya ang bandila ng pagkababae niya sa bedsheet. Pero gaya ng blueberry cheesecake cupcakes. Nagkakaroon ng mas masarap na flavor ang blueberry when you combine it with cream cheese. Like Mari, she didn't realize that after having Della, she finally became a better person. Someone who knows what she wants, a woman with a dream for her daughter. Pero parang may kulang pa rin… isang tao na kukumpleto sa buhay niya. Pero may magmamahal pa ba ng tapat sa kanya? Kung isa siyang single mom. Dumating si Nathan sa buhay ni Mari na parang anghel na pinadala ng langit. Tumawag isang araw ang school na pinapasukan ni Della at sinabing nagta-tantrums ito ng husto. Pagdating ni Mari sa school, naabutan niya ang isang lalaki, matangkad, guwapo at matipuno na may karga sa anak niya. Malayo sa sinabi sa kanya ng tumawag, Della is peacefully sleeping on his arms. Simula noon, palagi ng hinahanap ni Della ang presensiya ni Nathan. Hindi inasahan ni Mari ang malaking papel na gagampanan ng binata sa buhay nilang mag-ina.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.