bc

Prince Daryl Rivera

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.4K
READ
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

"Kung sa mata ng buong Pilipinas, anak ako ng Presidente. Sa mga mata mo, gusto kong makita mo ako. Bilang isang simpleng lalaki na nagmamahal sa'yo."

Teaser:

Jhanine is a simple girl living a simple life. Kuntento na siya sa kung ano man ang ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos. Kung meron siyang nirereklamo sa buhay niya, iyon ay ang pang-aasar sa kanya ni Prince Daryl Rivera. Ang kababata niya at anak ng Senador.

Ang simpleng pamumuhay niya ay biglang nagbago ng masangkot sila ni Daryl sa isang eskandalo at malathala ang mukha nila sa diyaryo ng magkalapat ang mga labi. Kaya nang magkita sila, sinalubong niya ito ng isang suntok.

Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya ng sa mismong harap niya at ng mga kasamahan niya sa trabaho, ay sinabi nito na in love daw ito sa kanya. At sa pagdaan ng mga araw na nagkakasama sila. Hindi na yata napigilan ni Jhanine ang sarili na mahalin ang lalaking dati'y mortal niyang kaaway. Isa lang ang tanging gumugulo sa isip niya, kayanin kaya niya na harapin ang klase ng mundo na ginagalawan nito? O mas nanaisin na lang niyang talikuran ito at bumalik sa simpleng buhay na nakasanayan niya?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"WHAT is happening to you, Daryl?" galit na tanong ng Daddy niya. "Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema mo?" Napatungo ng ulo si Daryl. Hindi niya alam ang isasagot niya sa Daddy niya. At naiintindihan din niya kung bakit nagagalit ito sa kanya. Siya rin naman ang may kasalanan. Nagkayayaan kasi sila ng mga kabarkada niya noong College na lumabas at uminom sa isang Bar noong nakaraang gabi. Napasarap siya sa pakikipag-inuman, kaya nalasing siya. Hindi na niya ma-control ang sarili sa sobrang kalasingan, kaya ang resulta nagsuka siya sa harap ng Bar. Ang hindi niya alam, may media pala sa paligid. Kaya nakuhanan ng mga ito ang nakakadiring eksena ng pagsusuka niya, bukod pa sa babaeng akbay niya. Hindi na nga niya naaalala ang pangalan nito, nakilala lang kasi niya ito doon sa bar. At ang mas nakakainis pa, bumalentong pa siya bago nakasakay sa SUV habang hindi magkandatuto ang dalawang bodyguard niya sa pag-alalay sa kanya. Ilan beses na ba nangyari ang ganoon eksena? Tatlo? Ang resulta ng kapalpakan niya. Headline ang pangalan niya sa lahat ng Diyaryo, at mamayang gabi sigurado nasa balita na naman siya. Napabuntong-hininga niya. Bakit ba niya kailangan kasing patunayan ang sarili sa ibang tao? "Speak up, Daryl. Anong gusto mong gawin sa buhay mo? Ang magpakasaya na lang habang buhay? Where is your sense of maturity?" sunod-sunod na tanong ng Daddy niya. "Anak, alam mo naman na sa bawat maling kilos natin, ang napuputukan. Ang Daddy mo." Dagdag pa ng Mommy niya. "Look, I'm really sorry. It won't happen again. I promise." Hinging-paumanhin niya sa mga magulang. "Palagi mo na lang sinasabi 'yan. May trabaho ka nga pero napapabayaan mo naman ang negosyo mo, palagi na lang ang pagpapasarap ang ginagawa mo. Iyong mga ibang kasabayan mo, nandoon at ay kanya kanya ng magagandang trabaho." Anang Daddy niya. "Naisip mo ba na sa bawat ginagawa mong kalokohan, sa amin ang epekto. Kami ang makikita ng mag tao. Dahil kami ang mga magulang mo. Ilan na ba ang kumuwestiyon sa amin ng Mommy mo kung paano ka namin pinalaki?" "Hindi ko alam kung nagrerebelde ka. Pero ako ng nagsasabi sa'yo na wala kang dapat ipag-rebelde. Kahit noong nagsisimula pa lang ang Daddy mo sa pulitika, hindi siya nagkukulang ng panahon sa atin. Hanggang ngayon. And you get whatever you want. Ang negosyo mo, baka napapabayaan mo na rin." Sabi naman ng Mommy niya. "Saka ba itong babaeng kasama mo? Iba na naman ito." "My business is fine, Mom. Hindi rin po ako nagre-rebelde. Nag-eenjoy lang po ako sa buhay ko paminsan-minsan. And I forgot her name," katwiran niya. "Well, let me tell you this Daryl. You're enjoying too much of your life. Grow up, Son. Isipin mo muna ang gagawin mo bago ka kumilos. Ayokong maulit uli ang nangyari na muntikan ka ng mapahamak ng dahil lang sa mga kalaban ko sa politika." Makahulugang wika ng Daddy niya, saka walang lingon-likod na lumabas ng silid niya. "Anak, lagi mong tatandaan. Mainit ang mata ng media sa'yo, hindi lang dahil anak ka ng pulitiko. Kung hindi nasa kalagitnaan ka rin ng career mo sa pagmomodelo. Bawat maling kilos mo ay napupuna. Masisira ka sa mga taong hinahangaan ka." Dagdag pa ng Mommy niya, pagkatapos ay lumabas na rin ito ng silid niya. Tila nawawalan ng lakas na napaupo siya sa gilid ng kama niya. Bakit ba mahirap maging siya? Sa bawat konting maling kilos, napapansin siya ng mga tao. Lalo na ng media. Hindi katakataka iyon dahil siya ang nag-iisang anak ni Senator Benjamin Rivera, ang Senate President ng Republika ng Pilipinas at ng socialite na si Dana Rivera. Iyon na ang panglimang taon ng Daddy niya sa posisyon. At sa loob ng limang taon niya bilang Senator's Son, ang pinakamahirap na yata na naranasan niya. And dating ginagawa niya bilang isang ordinaryong tao, ay hindi na niya magawa ngayon. Hindi na siya pwedeng umalis ng wala ang mga bodyguards niya. Palagi na lang dapat maayos ang kilos niya, dahil kung hindi ay sa Daddy niya magre-reflect ang lahat ginagawa niya. May mga pagkakataon nga na nahihirapan na siya, o nasasakal. Kaya lang ay wala naman siyang magagawa, ito ang tinadhana ng Diyos sa kanya. At dahil sablay siya. Kailangan na naman niyang umiwas sa media. At the age of twenty five, mukhang panahon na para mag-seryoso siya sa buhay. Gusto niyang patunayan na hindi siya aasa sa mga magulang niya, at magiging successful siya sa sarili niyang paraan. Bigla ay naalala niya ang negosyo niya. Ilang araw na rin pala niyang hindi nabibisita iyon. He owns a car shop. They sell brand new cars. Mula sa simpleng kotse hanggang sa mga mamahaling klase. Daryl loves car so much. Namana daw niya ang angking galing sa kotse sa Lolo Badong niya, na talaga nga naman may ilang collection ng mga Vintage cars. At dahil may edad na ito, sila-silang magpipinsan ang nag-aalaga ng mga iyon. Napangiti siya. Naalala niya ang hometown niya. He missed that place so much. Bukod doon ay isa rin siyang modelo. Dahil sa family background niya, kabi-kabila ang offer sa kanya sa pagmomodelo. Minsan pa nga ay may nag-alok sa kanya na pumasok sa showbiz ngunit tinanggihan niya iyon. Hindi niya forte ang pag-arte sa camera. Tama na siguro ang pagmomodelo niya ng iba't-ibang brands ng damit, sapatos, pabango at kung anu-ano pa. "YES!" masayang sigaw ni Jhanine. Halos mapatalon siya sa sobrang tuwa. Sa wakas nagbunga na rin ang paghihirap niya sa pag-aapply. Heto ang resulta sa harapan niya, ang building kung saan siya magta-trabaho. Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng makapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Information Technology. At matapos ang araw ng graduation niya, nag-apply siya agad kinabukasan. Halos limang buwan ang lumipas bago siya nakahanap ng trabaho. Maganda pa ang sweldo, siguradong matutuwa nito ang mga magulang niya. Agad siyang umuwi para maibalita sa mga ito ang magandang balitang hatid niya.  Pagdating niya sa Tanangco Street, agad na napuna na kaibigan niyang si Avic ang magandang ngiti niya. "Jhanine, ang ganda ng ngiti mo ah!" puna sa kanya nito. Kapitbahay niya ito at mas matanda sa kanya, lahat na yata ay tininda na nito. Simula sa mga damit, sapatos, alahas, gamit na pambata. Pati mga bag ay hindi rin nakaligtas dito. At kapag sinisipag ito, pati pagkain ay nagtitinda nito. Gaya ngayon, may dala itong isang supot na malaki. Pihadong mga paninda ang laman niyon. "May trabaho na ako Ate Avic!" patili niyang sabi dito. "Talaga? Grabe! Congrats ha? Uy, bumili ka na lang ng tinda ko. May bago akong shorts." "Ate Avic naman eh, saka na ako bibili sa'yo kapag naka-sweldo na ako." "Bahala ka," biro nito na kunwari'y nagtatampo. "O sige, uwi na muna ako." Aniya. Saka mabilis na naglakad palayo dito. Napahinto siya sa paglalakad, sabay kunot-noo. Nagkukumpulan kasi ang mga kababaihan sa harap ng malaking gate ng mga Mondejar. Mayamaya ay biglang nagtilian ang mga ito. Napapitlag pa siya. Saka niya narinig ang isa sa mga babaeng nakatanghod doon. "Grabe! Ang hot nila! Kung may kotse lang ako, magpapa-carwash na ako sa kanila araw araw!" kinikilig na sabi nito. "Ay ako, may bisikleta ako. Mamaya dadalhin ko dito!" "Ang gwapo talaga ng magpi-pinsan na iyan. My gosh! Sana mapansin naman nila ako!" anang isa pa. "Tse! Kalantung yo! Ena kayu merine!" singhal dito ni Inday, ang katulong ng mga Mondejar. Ang ibig sabihin ay "Ang haharot n'yo! Hindi na nahiya!" Kampampangan ang lenggwaheng sinabi nito. Ayon na rin mismo sa dalawang matanda, tubong Pampanga sila. At si Inday daw ay kapitbahay nila sa doon sa probinsya. "Aru! Diyos ko, ke sarap kurutin ng mga singit nireng mga batang ire. Sila pang lumalapit sa mga apo ko!" nakasimangot na wika ni Lola Dadang. "Aba Dadang ko, baka gusto mong ako na rin ang kumurot sa singit mo?" birong sabad ni Lolo Badong. "Naku eh, tumahimik ka nga diyan Badong! Ang damuhong 'to!" Napailing siya, saka ngumiti. Nakakatuwa talagang panoorin ang dalawang matandang iyon. Kahit na may edad na, hayagan pa rin ang pagmamahal ng mga ito sa isa't isa. At nakakatuwa ang sweetness ni Lolo Badong sa asawa. Dalangin niya na sana'y kagaya ng huli ang lalaking ilaan sa kanya ng Diyos. Lalaking mamahalin siya hanggang sa pagtanda niya. "Jhanine," Napalingon siya sa tumawag na iyon sa kanya. Ang bestfriend pala niya, si Kim. Ito ang nagma-may ari ng tindahan sa tapat ng carwash nila Lolo Badong. "Kim!" patili niyang sagot dito habang patakbo siyang lumapit dito. "Tanggap na ako!" "Isang wafak na aray naman 'yun! Tumili ba?" reklamo nito. Pagtapos ay ngumiti ito. "Really? Ang saya naman!" "Sa unang sweldo ko, ibo-blowout kita." Aniya. "Bongga! Like ko 'yan!" excited na sagot nito. Napalingon sila ng biglang marinig na nagtaas ng boses si Lola Dadang. "Ay hala, sige na umalis na kayo. Kayo talagang mga kabataan! Noong kapanahunan namin, hindi uso ang pagkerengkeng na ginagawa ninyo!" sabi pa nito. "Ang KJ naman ni Lola," maktol pa ng isa. Nang makaalis na ang mga usisera, saka niya nakita ang dahilan kung bakit tila nawala na naman sa katinuan ang mga kababaihan doon. Hayun naman pala ang magpi-pinsan na Mondejar. Ang magigiting at matitipunong apo ni Lolo Badong. The ever hot, handsome and desirable Carwash Boys. Abala ang mga ito sa paglilinis ng 3 sasakyan, habang nasa gilid ang dalawang matanda at si Inday. Sabagay, sino nga ba ang hindi mahuhumaling sa mga ito? Saan ka nga ba makakakita ng mga carwash boys na sobrang guwapo at malalaki ang mga katawan. Bukod doon, hindi ordinaryong carwash boys ang mga ito. Dahil ang mga ito ay Mondejar, ibig sabihin niyon. Galing ang mga ito sa prominenteng pamilya. Mga nakakataas ang pamumuhay, ngunit nananatiling nakatapak pa rin ang mga paa sa lupa. Kaya hindi na katakataka kung halos maglaway ang mga babaeng iyon sa mga ito. Kung siya ang tatanungin, sanay na siya sa mga ito. Ang mga ito ay pawang mga kababata niya. Kaya wala nang dating ang malalaking katawan ng mga ito sa kanya. "Grabe no? Nang magsabog yata ang Diyos ng kaguwapuhan at kamachohan sa sangkalalakihan, sinalo na yata ng magpipinsan na ito. Kaya hindi na nakakapagtaka kung halos maulol ang mga babae sa kanila." Narinig niyang komento ni Kim. Isa lang ang hindi niya kasundo sa magpi-pinsan, ang hambog na si Prince Daryl Rivera. Napasimangot siya ng wala sa oras ng maisip niya ang mukha nito. Kahit kailan yata ay hindi na niya ito makakasundo, ang lakas kasi ng tiwala nito sa sarili. Mayabang pa, palibahasa'y anak ng Senador. Kaya nga ba hindi sila magkasundo nito. "Hoy, bakit ka ba biglang sumimangot diyan?" untag sa kanya ni Kim. Humalukipkip siya. "Wala, may naalala lang akong mukhang tsonggo." Natawa ito. "Alam ko na, ang ka-loveteam mo. Siguro namimiss mo na siya, no? Uy!" panunudyo pa nito sa kanya. "Of course not!" mabilis niyang sagot. "Bakit ko siya mami-miss? Sinuswerte siya!" "The more you hate the more you love," ani Kim. "Mali. The more I hate, the more I want to kill him." Natawa itong muli. "Bahala ka, ayaw mo kasing maniwala eh. May gusto sa'yo yun kaya palagi kang inaasar no'n." sabi pa nito. "Ay naku Kim, huwag mo na nga lang banggitin sa akin iyan. Kinikilabutan ako eh." Nakasimangot na wika niya. Hindi pa nakakasagot si Kim nang biglang mapukaw ang atensiyon nila ng pumasok sa kalye ang dalawang itim na SUV. Nagsalubong ang kilay niya, kilala na niya kung sino iyon. Napaingos siya, sabay irap sa paparating na mga sasakyan. Pumarada sa harap ng carwash ang nasabing sasakyan. Nagsibabaan muna ang mga nasa una at huling SUV, bago binuksan ng isa sa mga nakabarong ang pinto ng nasa gitnang sasakyan. Bumaba doon ang lalaking pinag-uusapan nilang magkaibigan. Si Daryl. Lumipad ang tingin nito sa kanya, hinubad nito ang suot na shades, sabay kindat sa kanya. Nagulat siya sa inaktong iyon nito. "Hambog," nanggigigil doo na wika niya. Para hindi na siya mabuwisit lalo, walang salitang hinila niya si Kim paalis doon at dumiretso sa bahay nila. Hindi talaga niya matagalan ang Daryl na iyon. Ayaw niyang masira ang araw niya, kaya iiwas na muna siyang makipagtalo dito. MALAPAD na napangiti si Daryl, pagbaba niya ng itim na SUV. Malapit sa puso niya ang lugar na iyon, doon siya halos lumaki kasama ang mga pinsan niya. He missed his grandparents so much. Kung siya ang tatanungin, mas nanaisin niyang doon na lang tumira. Kung saan simple lang ang buhay. Simple ang lahat sa buhay niya. Kaysa sa bahay nila, na tila ba nagiging di numero ang kilos niya dahil sa posisyon ng Ama sa gobyerno. Lumipad ang tingin sa babaeng matalim ang tingin sa kanya. Napangiti siya, kinindatan niya ito. Mas lalo itong sumimangot, sabay walk out kasama ang kaibigan nito. Si Jhanine. Kababata niya ito. Ang turing sa kanya ng babae, isang mortal na kaaway. Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit galit na galit sa kanya ito. Wala naman siyang matandaan na ginawa niya para ikagalit nito ng husto. "Ay Lolo Badong! Nandito iyong sikat mong apo!" narinig niyang hiyaw ni Inday, ang nakakatuwang kasama sa bahay ng Lolo at Lola niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng malawak na garahe ng ancestral house nila. Agad niyang sinalubong ang dalawang matanda, hinagkan niya ang mga ito pagkatapos ay nagmano. "Lolo, Lola. Kumusta po?" tanong niya. Nagulat siya ng bigla na lang siyang pinalo ng tungkod ni Lolo Badong. Sasaklolo sana agad ang mga bodyguard niya, ngunit agad na pinigilan niya ang mga ito. "Aray ko po, 'lo." Reklamo niya. "Ikaw na bata ka. Ano na naman itong pinasok mong gulo? Ha?" singhal nito sa kanya. Pagkatapos ay binalingan nito ang mga bodyguards niya. "Hoy kayo! Kapag nandito si Daryl, siya ang apo ko!" Napakamot lang ng ulo ang mga bodyguards niya. Mayamaya ay napaigik na naman siya sa sakit ng maramdaman na may pumingot sa isang tenga. Pagtingin niya ay ang Lola pala niya. "Naku, ikaw na damuho ka! Kasyas mu buntok! Enaka mebiyasa!" singhal din ng Lola niya sa kanya. Ibig sabihin ng sinabi nito na, 'Ang tigas ng ulo mo! Hindi ka na nagtanda!' "Eku na gawan pasibayu apu! Aray ko!" sagot naman niya. Na ang ibig sabihin ay, 'Hindi na po mauulit Lola!'. Dahil laki silang magpipinsan sa mga ito, natuto sila ng salitang kapampangan. Narinig niya na nagtawanan ang mga pinsan na akala niya ay abala sa paghuhugas ng mga kotse. Sa wakas ay binitiwan na ng Lola niya ang tenga niya, nahimas niya iyon. Hindi pa rin nagbabago, ang dalawang matanda. Malakas pa rin ang mga ito, sa edad ng Lolo niya na seventy three at ang Lola niya na seventy two. "Hindi mo iniisip na bata ka, kung anong magiging epekto ng ginagawa mo sa mga magulang mo. Lalo na sa Ama mo." Dagdag pa ng Lola niya. "'La, hindi ko naman po alam na may media doon." Katwiran niya. "Aba Daryl, matanda ka na. Panahon na para magseryoso ka sa buhay mo." Anang Lolo niya. Napatungo siya sabay kamot sa batok. Sinasabi na nga ba't may second version pa ng sermon sa kanya pagkatapos ng mga magulang niya. "Lolo, tama na 'yan. Nabaldugan n'yo na si Daryl. Magtatanda na'yan." Awat dito ng pinsan niyang si Jester o Rod Jester Mondejar Labayne. Kilala itong furniture designer at ang furniture shop nito sa buong bansa, ang Rodrigo Furniture Incorporated. Ang huli niyang balita dito sa pinsan niyang ito, maging sa Amerika ay nag-export na rin ito ng produkto nito. "Kumusta, Daryl? Tagal mo ng hindi nagpunta dito ah." Tanong naman ng isa pa niyang pinsan. Si Marvin, o Marvin Mondejar Ison. Mahilig ito sa mga bata. Kaya ang negosyo nito ay candy store na siyang makikita sa mga malalaking mall sa buong metro manila. Mayroon din branch ng candy store nito na makikita doon sa Tanangco. "Ikaw naman kasi, gigimik ka lang. hindi ka nagsasama. Eh di sana, naproteksyunan ka namin. Saka, ang ganda ng babaeng kasama mo doon sa picture ah." Sabad naman ni Wesley. Wesley Mondejar Cagaoan. Ito na yata ang pinakamagaling sa computer na nakilala niya. Ito ang computer genius sa pamilya niya. Kahit ang mga magulang niya ay dito nagpapagawa ng mga computers. "Oh insan, sikat ka na naman!" pang-aasar pa ni Karl sa kanya. Karl January Mondejar Servillon. Ito ang overall in-charge sa carwash ng lolo at lola niya. Ang Lolo Badong's Hugas-Kotse Gang. Ito rin ang nagma-may-ari ng sikat na Groove Bar sa The Fort. "Alam mo, pinsan. Laro na lang tayo ng billiards." Sabi naman ni Jefti Mondejar Tinamisan. Ito ang nagmamay-ari ng Jefti's Restaurant and Billiards, na matatagpuan sa tabi lang mismo ng carwash. Dalawang palapag ang taas ng establisyimento nito. Sa first floor ang restaurant at sa second floor naman ang billiard hall. "Makakalimutan mo pa problema mo." "Hindi naman ganoon kadali 'yon. Alam mo naman kung gaano kakulit ang Media." Sagot naman niya. Mayamaya ay dumating ang isa pa niyang pinsan, sakay ng black ducati motorbike nito. Si Miguel. PO3 Miguel Dustine Mondejar Despuig. Ang police sa pamilya nila. Pabiro siyang sumaludo dito. "Sir," aniya. Tinapik siya nito sa balikat bago nagmano sa dalawang matanda.  "You love cameras, don't you? Mahilig ka kasing gumawa ng gulo." Anito. "I hate it, actually." Sagot naman niya. "Better get yourself ready, Tito Ben is now on news. Defending you." Sabad pa ni Mark. Mark Manuel Meneses. He owns M3 Advertising Agency. Ang pinakamalaking kumpanya sa larangan ng advertising. Nag-alok na itong gawan ng advertisement ang carwash ng Lolo nila. Ngunit tumanggi ang huli. Mas gusto lang daw nitong manatiling simple ang maliit nitong negosyo. Napabuntong hininga si Daryl. Tinamaan siyang iyon sa sinabi ni Mark. Sa tuwing nalalagay sa alanganin ang kanyang pangalan, ang Daddy niya ang palaging sumasalo sa kahihiyang ginawa niya. Mayamaya lang ay sabay na dumating ang dalawa pa niyang pinsan sakay ng kanya-kanyang kotse ng mga ito. Si Wayne Mondejar Castillo, isang sikat na basketball player at si John Michael Lombredas o mas kilalang Gogoy. Ito ang dating barangay captain ng barangay nila. Matapos ang isang termino nito, hindi na ito muli pang tumakbo sa hindi malamang dahilan. Basta nagulat na lang sila ng magdesisyon itong tumigil sa pulitika kasabay ng paghihiwalay nito at ng longtime girlfriend nitong si Ged. Ito rin ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan. "Insan, musta?" pagbati ni Wayne sa kanya. "Magtino ka nga, Daryl. Hindi ka na bata. Alam mo na ang tama't mali." Seryosong sabi sa kanya ni Gogoy. Habang magkasalubong ang dalawang kilay nito. "Hey guys, look. I know I made a mistake. And I'm willing to make a public apology for what I did." Sagot niya. "And after that, I promise. Magseseryoso na ako sa trabaho." "Aba'y dapat lang. Matagal mo na dapat ginawa 'yan." Wika ng Lola niya. "Pero sa ngayon, nandito ka na. Maghugas ka ng kotse! 'Langya ka! Akala mo makakalusot ka ha!" sabi sa kanya ni Marvin, sabay hagis sa kaya ng malaking sponge na may sabon.  "Hoy!" gulat niyang sabi sabay iwas, pero tumama pa rin ang sponge sa suot niyang t-shirt. Wala na siyang nagawa kundi hubarin iyon. Kasunod niyon ay biglang may narinig silang naghiyawan. Nang lumingon siya ay naroon sa may gate nakatanghod ang ilang mga kababaihan. "Oh my God! Ang macho naman niya!" tili ng isang babae. "Marry me, Daryl!" sabi pa ng isa. Natawa siya ng sumugod doon ang Lola niya. Ayaw na ayaw kasi nito na mga babaeng na lumalapit sa kanila. Kung kilala siya sa buong Pilipinas bilang si Prince Daryl Rivera, the Senator's Son. Dito sa Tanangco, lalo na sa buong pamilya niya. Siya si Daryl, ang simpleng lalaki na pilyo, malakas mang-asar, masayahin at simpleng miyembro ng Mondejar Family. Kapag naroon siya sa poder ng Lolo niya, obligado siyang sumunod sa bawat iuutos nito. Iyon ang kinalakihan nilang magpipinsan. Hindi uubra dito ang pagiging spoiled ng kahit na sino sa kanila. Kapag nagiging pasaway sila, ang tungkod ni Lolo Badong ang unang-unang didisiplina sa kanila. Kasunod ng masakit na pingot ni Lola Dadang sa tenga nila. Napabuntong-hininga siya. How he missed his old folks. At hinding-hindi niya ipagpapalit iyon sa kahit na anong marangyang pamumuhay. Napatingala siya sa signage ng carwash nila. Natawa siya. Lolo Badong's Hugas-Kotse Gang. Hindi nila alam kung saan nakuha ng Lolo niya ang pangalan na iyon, pero nagustuhan naman nila iyon. At bilang mga lalaki sa pamilya, kahit na may kanya kanya silang trabaho. Still, obligasyon nilang tumulong sa Carwash ng Lolo nila lalo na kapag may free time sila. Walang isa man sa kanila ang tumutol doon. Masaya silang kasama ang isa't isa. At masaya sila sa Carwash na iyon. Habang nagsasabon ng kotse, kinalabit siya ni Jester. "Bakit ba galit na galit sa'yo si Jhanine?" tanong nito. Nagkibit-balikat siya. "Malay ko. Noon pa naman galit sa akin 'yon eh. Ewan ko ba diyan sa babaeng 'yan. Parang nagme-menopause." Sagot niya. "'Tol, baka naman may gusto lang sa'yo si Jhanine." Sabi naman ni Marvin. "Himala na ang tawag doon, Vin." Aniya. "Halos isumpa nga yata ako no'n." "Kapag sinupladahan ka ulit, halikan mo!" sabad ni Wesley. Kasunod niyon ay narinig silang isang malakas na "Tok" pagkatapos ay ang malakas na hiyaw nito. Naghagalpakan sila ng tawa, natuktukan pala ito ni Lolo Badong ng tungkod sa ulo. "Lolo naman eh. Joke lang po yon!" reklamo ni Wesley. "Aruu! Kabastos mong bata ka!" anang matanda, pagkatapos ay tumalikod na ulit ito. "Manahimik na nga kayo!" saway nito sa kanila na hindi pa rin tumigil sa kakatawa. "Ano? Ang kulit mo eh. Nabaldugan ka tuloy ni Lolo!" natatawa pa ring sabi ni Mark. "'Tol, kahit naman ganoon kasungit si Jhanine. May respeto naman ako sa kanya." Sagot niya. "Besides, akong bahala sa kanya. Susuyuin ko 'yon. Aalamin ko kung bakit ba talaga siya galit na galit sa akin." Kinalabit siya ni Karl na nasa tabi niya at nakikisabon sa kotseng hinuhugasan nila. "Look outside," anito, sabay nguso sa labas ng bakuran nila. Naroon nakatayo at nakatingin sa kanya si Jhanine habang nakasimangot ito, kasama ang mga kaibigan nitong si Kim at Samantha. Pabiro siyang kumaway dito. "Hi Jhanine! Babe!" sigaw niya dito. "Hambog!" pasigaw nitong sagot. Daryl felt somehow, amazed. Sa kabila ng pagsusungit ni Jhanine sa kanya. Hindi pa rin mababago niyon ang taglay na natural nitong ganda. Bagay na noon pa man, ay hinahangaan na niya dito. He will always love her long straight black hair. Ang mga mata nitong tila palaging nakangiti kahit na nagtataray ito o sinusungitan siya. Ang matangos nitong ilong, ang mapula at manipis nitong labi. Tila ba palagi siyang inaakit ng mga iyon, lalo na sa tuwing humahaba ang nguso nito kapag nagagalit sa kanya. And how can he forget her fair skin. Napabuntong hininga si Daryl. Matindi na nga yata ang nangyayari sa kanya. Hanggang kailan kaya niya maitatago ang tunay niyang damdamin para sa dalaga. At gusto na rin niyang batukan ang sarili, sa kabila ng kung anu-anong salita ang natatanggap niya dito at pang-aaway niya dito. Hayun pa rin siya at pinupuri ito. Isang bagay na nagugustuhan niya dito, ay hindi nito alintana ang katayuan niya sa buhay. Wala nga yata itong pakialam kahit na siya ay anak ng isa sa Senador ng Pilipinas. Pinapakita nito ang tunay nitong damdamin ng walang pag-aalinlangan. At kapag dininig na ng Diyos ang matagal na niyang panalangin, pinangako niya sa sarili na hindi na rin siya mag-aaksaya ng panahon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.3K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.5K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
787.2K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

Stubborn Love

read
100.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.2K
bc

SILENCE

read
387.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook