bc

Darrel James Luciano

book_age16+
1.0K
FOLLOW
4.7K
READ
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil sa naudlot na kasal ni Allie ay mas pinili niyang lumayo. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay natagpuan niya ang katahimikang hinahanap niya at unti-unti ay nakalimutan niya ang masaklap na kapalaran sa buhay pag-ibig.

Pero ginulo na naman ang isip niya ng isang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip. Mabuti na lamang at may nakilala siyang bagong kaibigan -- si Darrel James Luciano. Tuwing napapanaginipan niya ang lalaking iyon na tuwina ay hindi niya nakikita ang mukha ay inaaliw siya ni Darrel at inaalis nito ang inis niya. Sa muling pagbangon niya ay nakaalalay ito sa kanya. Kaya sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito ay hindi napigilan ni Allie ang puso na mahalin ito.

Masayang-masaya siya nang magpahayag ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit agad din pala iyong mapuputol dahil sa pagbabalik ng isang taong ayaw na niyang makita at pagsulpot ng lalaki sa kanyang panaginip.

chap-preview
Free preview
Chapter One
DAHAN-DAHAN siyang pumikit. Hinintay niyang lumapat sa mga labi niya ang mga labi ng lalaking pinakamamahal niya, ang lalaking kay tagal niyang hinintay at muling nagpatibok sa puso niya. Naram-daman niya sa init ng halik nito ang pagmamahal sa kanya. Ano pa nga ba ang mahihiling niya? Naglandas na ang mga luha sa kanyang mga mata. Tears of joy, as they called it. "I love you, Allie," masuyong sabi nito. Ilang saglit pa silang nagsalo sa halik bago niya naramdaman na unti-unting lumayo ang mga labi nito sa mga labi niya. Ngumiti siya at dahan-dahang dumilat para makita niya ang mukha nito. Nginitian siya nito... "Rosalie! Rosalie! Hoy, bakla! Gumising ka na diyan!" Napabalikwas siya ng bangon. Parang ang boses ng kaibigan niyang si Rolando dela Rosa o mas kilala sa tawag na "Olay" ang naririnig niya. Naiinis na nagkamot siya ng ulo. Bitin na naman kasi ang panaginip niya. Makailang beses na niyang napapanaginipan ang tagpong iyon mula nang lumipat siya sa bagong apartment niya isang linggo na ang nakalilipas. Nabaling ang atensiyon niya sa pinto nang marinig niya ang malakas na pagkatok doon ni Olay. "Allie!" "Oo na! Nariyan na!" sabi niya at saka siya dali-daling bumaba ng kama. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang isang nakapamaywang na bading. "Hay, naku, bakla! Forty-eight years bago ka nagising," reklamo nito. "Tse! Ikaw pa ang may ganang magreklamo, ikaw nga itong nang-iistorbo." "Excuse me," paingos na sabi nito. "For your information, tanghali na, nakahiga ka pa rin." Awtomatikong napatingin siya sa wall clock. Alas-diyes na ng umaga. Napasarap pala ang tulog niya. Naalala uli niya ang lalaki sa panaginip niya. Hindi malinaw sa panaginip niya ang mukha nito pero naramdaman niya ang init ng halik nito. Napangiti siya at napahawak sa kanyang mga labi. Iyon na yata ang pinakamatamis na halik na naranasan niya kahit sabihin pang panaginip lang iyon. "Ay, 'ayan na... Ngumingiti ka na naman diyan nang mag-isa. Ano'ng meron?" usisa nito. "Remember iyong ikinukuwento kong panaginip sa 'yo?" "Yes. What about it?" "Napanaginipan ko uli kanina 'yong lalaki. The same scenario, girl. I felt his lips. Pero blurred pa rin ang face niya." "Ay, ang chaka naman ng panaginip mo. Ayaw pa ring magpakilala ni Mr. Dream Boy. Baka naman siya na ang future husband mo." Natigilan siya sa huling sinabi nito. Nakaramdam siya ng pamilyar na kirot sa kanyang puso. Biglang namasa ang mga mata niya. Napansin yata iyon ng kaibigan niya. "Ay, sorry, Allie," hinging-paumanhin nito. Nginitian lang niya ito. "Don't worry, girl. Makakalimutan mo rin ang sira-ulo mong ex," pag-aalo nito sa kanya. Parang nabasa nito ang laman ng isip niya. It had been six months since that tragic incident happened. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang sakit na idinulot ng matinding pagkabigo niya sa pag-ibig. She was supposed to be Mrs. Rosalie Espino-Miranda. Ngunit isang linggo bago ang kasal nila ng ex-fiancé niya na si Jesse Miranda ay kinausap siya nito at inamin nito na hindi nito kayang magpakasal sa kanya. Inamin din nito na may iba na itong mahal. Kaya ngayon, hayun siya, still mending a broken heart. Ang akala niya noong una ay magiging okay lang ang lahat. She thought she could move on that easily. Pero nagkamali siya. Hindi nakatulong sa kanya na nakikita niyang magkasama si Jesse at ang babaeng ipinalit nito sa kanya. Idagdag pa roon ang kabila-kabilang pagbubulungan ng mga tsismosa sa paligid niya. Mabuti sana kung nakikisimpatya ang mga ito sa kanya. Ang kaso, madalas ay pangungutya pa ang inaani niya mula sa mga ito. Kaya minabuti na lang niyang umalis ng Baguio para makalimot sa pait na dulot ng kahapon nila ni Jesse. Tinulungan naman siya ni Olay na kaibigan niya since college. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hanggang sa mauwi iyon sa paghagulhol. Pakiramdam niya ay napaka-unfair ng buhay sa kanya. Bakit hanggang ngayon ay labis pa rin siyang nasasaktan? Paulit-ulit niyang itinatanong sa Diyos kung ano ba ang mali sa kanya at palagi siyang iniiwan ng mga mahal niya. Niyakap siya ni Olay. "Girl, tahan na. Kaya ka nga narito sa Pasig, 'di ba? To forget that jerk. Huwag mo nang pag-aksayahan ng luha ang ma-syonget mong ex. You don't deserve him. Marami riyang lalaki na better pa sa kanya. You'll see. Dito lang sa Tanangco, marami ka nang makikitang kapalit niya. Anyway, make sure na lagi kang maganda kapag lumalabas ka para makadagit ka ng isa sa mga pogi rito," pag-aalo nito sa kanya. "Okay?" Tumango siya at saka pilit na ngumiti. Madalas nitong ipagmalaki sa kanya ang nagguguwapuhang lalaki sa Tanangco Street. So far ay hindi ito napahiya sa kanya dahil minsan na niyang nakita ang iba sa mga sinasabi nitong lalaki at talaga namang pawang mga guwapo ang mga iyon. Kaya hindi rin niya masisisi ang mga babae sa lugar nila kung nahuhumaling man ang mga ito sa mga lalaking iyon. Dahil sa totoo lang, di-hamak na mas magandang lalaki ang mga iyon kompara sa ibang mga artista. Huminga siya nang malalim. Tama si Olay. Umalis siya ng Baguio at nanirahan sa Pasig para makalimot. Kaya hindi na siya dapat nagpapaapekto sa mga nangyari sa nakaraan. MARAHAS na napabuga ng hangin si Allie. Nasa tindahan siya ni Olay na pinangalanan nitong "Paraiso ni Olay Sari-sari Store." Katatapos lang nilang mag-brunch at ngayon ay abala naman siya sa pag-iisip kung saan siya makakahanap ng trabaho. Nang magdesisyon siyang lumuwas sa Maynila ay nag-resign siya sa pinapasukan niyang kompanya sa Baguio. Mabuti na lamang at may naipon siya kahit paano. Pero halos nangalahati na ang savings niya. Kinailangan kasi niyang magbayad ng down payment at advance payment sa inuupahan niyang apartment sa Pasig. At bago pa tuluyang masaid ang natitira niyang pera ay kailangan na niyang makahanap ng trabaho. "Ay, kumusta naman 'yon? Hingahan ba 'ko," reklamo ni Olay. Nakaupo kasi ito sa silya sa harap niya kaya tumama sa mukha nito ang hininga niya. "Sorry. May iniisip lang ako." "Ano na naman 'yon? Don't tell me, iyong ugok na ex mo na naman?" "Hindi naman." "Mabuti. Ano nga ang iniisip mo?" "I'm just thinking about finding a job. Kailangan ko nang kumilos. Kung hindi ay baka wala akong maibayad sa mga monthly bills ko. Baka sa kalye ako pulutin." "Hay, naku, girl, don't worry. Mangyari man iyon, I'm sure marami sa Tanangco boys ang magkakan-darapang tulungan ka. With the kind of beauty that you possess... Huwag ka nang magtaka. Bongga, 'di ba?" Nanulis ang nguso niya at pabirong inirapan niya ito. "Hmp! Nambola ka na naman diyan. Kung talagang maganda ako, bakit ako ipinagpalit ni Jesse sa iba?" "Ay, hindi raw niya iniisip. Alam mo, bakla, bulag 'yong timawang 'yon. Tingnan mo naman iyong ipinalit niya sa 'yo. Mukhang tsimay!" nanggagalaiting wika nito. Natawa siya sa reaksiyon nito. Bukod dito ay marami nang nagsabi niyon sa kanya. Hindi tuloy niya maintindihan kung bakit hindi naging sapat ang ganda niya at nasaktan pa rin siya. Patunay lamang iyon na may mga lalaking sadyang hindi marunong makontento sa buhay. "Huwag na nga lang nating pag-usapan ang taong iyon. Ayokong masira ang araw ko. Baka matuluyan na akong mabaliw. Ang ganda pa mandin ng panaginip ko kanina." "Tama. Besides, twenty-seven ka lang. There's a lot more in store for you." "Yeah, you're right. Basta ang importante sa ngayon, makahanap ako ng trabaho sa lalong madaling panahon." Ilang sandali na ang lumipas nang may dumating na maliit na babae. Mababakas ang galit sa mukha nito. Salubong na salubong ang mga kilay nito at kulang na lang ay bumuga ito ng apoy. "Ang walanghiyang 'yon! Ang kapal ng mukha!" pagtutungayaw nito. "'Ayan na naman siya," pabulong na sabi sa kanya ni Olay. Gaya niya ay nakatingin din ito sa galit na galit na babae. "Parang alam ko na kung sino ang kaaway niya." "Tama!" sabi ng babae. Narinig yata nito ang sinabi ng kaibigan niya. "Isa lang naman ang kinaiinisan ko dito sa Tanangco, eh. Iyang impaktong Randolf Dajero na 'yon!" "Girl, relax! Kilala mo naman ang karakas ng taong 'yan," sabi ni Olay. "May araw din sa akin ang lalaking 'yon," nanggigigil pa ring sabi ng babae. Lumipat ang tingin nito sa kanya. "Kaya ikaw, Miss, mag-iingat ka sa halimaw na 'yon. Huwag mong lalapitan 'yon o kahit tingnan. Baka mabulag ka." Napangiti lang siya. Si Olay naman ay tuluyan nang tumawa. "Bago ka pa tuluyang bumuga ng apoy diyan, meet Allie Espino. Siya ang bagong lipat diyan sa apartment," pakilala nito sa kanya. Kilala pala nito ang babae. Inilahad sa kanya ng babae ang isang kamay nito. "Pamela Anastacia Aramburo... 'Panyang' for short, ang Gabriela Silang ng Tanangco Street." "Korek!" pagsang-ayon ni Olay. "Hi," bati niya kay Panyang. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "I'm Rosalie. 'Allie' for short." "'Nice to meet you. Basta tandaan mo ang bilin ko. Huwag kang lalapit sa lalaking iyon. Kung magkakaproblema ka, puntahan mo lang ako sa bahay ko. Iyong asul na bahay." Itinuro nito sa kanya ang isang bungalow na may pinturang asul. Pagkatapos nitong maglitanya ay tumalikod na ito at naglakad papunta sa bahay nito. Napangiti siya. Weirdo ang isang iyon. Tahimik na pinagmasdan niya ang kahabaan ng Tanangco Street. Matatagpuan ang kalyeng iyon sa maliit at tahimik na Brgy. Buting sa Pasig City. Simple at masaya—iyon ang mga unang napansin niya sa lugar na iyon mula nang dumating siya roon. Mula sa mga kabataan hanggang sa matatanda, karamihan sa mga tao roon ay pawang mga masayahin. Bukod doon ay napansin din niyang nagsisiksikan doon ang mga nagguguwapuhan at naggagandahang nilalang. Sa tingin niya ay may mga sinabi sa buhay ang mga ito. Kaya isang malaking palaisipan sa kanya kung bakit doon nagsisiksikan ang mga ito sa maliit at payak na kalyeng iyon. Kinalabit siya ni Olay. "Ano'ng iniisip mo?" tanong nito. "Wala lang," sagot niya. "Napansin ko lang kasi na mukhang masaya rito sa lugar na ito. I really hope this place will help me forget everything." "Don't worry, Allie. Nandito ako, tutulungan kita. That's what friends do, right?" Nginitian niya ito. "Thanks, Olay. It really means a lot." "PARE, nakita na ba ninyo 'yong bagong lipat sa apartment na malapit sa bahay ni Olay?" Napalingon si Darrel kay Vanni pagkarinig niya sa tanong na iyon nito. "Rio Vanni Cruz" ang buong pangalan nito. Ito ang chef sa kanilang magkakaibigan. Ito rin ang nagmamay-ari ng Rio's Finest, ang restaurant na kinaroroonan nila na nasa bungad lang ng Tanangco Street. "Nope. Bakit, wala ba siyang ilong?" papilosopo namang tanong ng isa pang kaibigan nila na si Dingdong na ang buong pangalan ay "Archie Dhing Santos." Pag-aari nito ang isa sa leading IT companies sa bansa. Natawa ang iba pa nilang kasama sa mesa na kasama rin nilang nanananghalian. "Hindi. Wala siyang ulo," ganting-sabi ni Vanni. Napailing-iling si Darrel. Hindi pa rin niya lubos-maisip kung paano niya naging kaibigan ang dalawang ito. Pero kahit medyo may tama sa utak ang mga ito, maaasahan niya ang mga ito sa lahat ng oras. Gayundin ang iba pa nilang mga kabarkada na hindi niya alam kung bakit wala pa rin nang mga sandaling iyon. Silang tatlo pa lamang ang naroon gayong ang usapan nila ay alas-dose sila magkikita-kita roon. Sumulyap siya sa kanyang wristwatch. Alas-dose y medya na pala.  "Bakit nga pala wala pa sila?" tanong niya kay Dingdong. "Minsan na nga lang ako maglagi rito sa lugar natin, late pa silang dumating sa usapan." "Darrel, pare, ikaw naman kasi. Libangan mo nang mag-aksaya ng pamasahe. Wala kang ibang ginawa kundi mag-travel nang mag-travel," sabi ni Dingdong. "I'm running eight travel agencies plus a chain of supermarkets. My job demands much of my time. Ayokong mauwi sa wala ang mga pinaghirapan ko at pinaghirapan ng mga magulang ko," sagot niya. "Dude, hindi babagsak ang mga negosyo mo kahit magbakasyon ka nang isang buwan. You have the most trusted people in your company. That's what you said. Walang masama kung magpapahinga ka. You're just thirty-one years old. Pero parang ang tanda mo nang tingnan," sabi naman ni Vanni. "Teka, bakit napunta sa akin ang topic? Hindi ba ang pinag-uusapan dito ay iyong bagong lipat na malapit kay Olay? What about her?" pag-iiba niya sa usapan. "Paano mo nalaman na babae siya?" nagtatakang tanong ni Vanni. "Dahil hindi siya magiging interesado kung hindi rin lang babae ang pag-uusapan," sabi naman ni Dingdong. "Right," pagsang-ayon niya. "So, what's so special about her?" Nagkibit-balikat si Vanni at hinawakan ang baso nito. "Nothing much. I just found her beautiful." Pagkasabi niyon ay ininom nito ang lamang juice ng baso. "Really?" tanong ni Dingdong. "Matingnan nga siya mamaya. I trust you, pare, kapag sinabi mong maganda." "Thanks. That's a compliment," ngingiti-ngiting sabi ni Vanni. Naputol ang pag-uusap nila nang dumating ang isa pang kaibigan nila. "Anong kaguluhan 'to?" tanong ni Ken. Hinila nito ang isang bakanteng silya sa katabing mesa nila at saka ito umupo roon. Ken Charles Pederico ang buong pangalan nito. He was a certified doctor by profession. Direktor ito ng isang malaki at pribadong ospital na pagmamay-ari ng pamilya nito. "Sino'ng topic natin ngayon?" "The new girl in town," sagot niya. Sunud-sunod na dumating ang iba pa nilang mga kaibigan. Si Leonard Apilado o "Leo," ang pinaka-matalino sa grupo. Computer analyst ito at major stockholder ng RRC Computer Incorporated, ang kompanya na nagdi-distribute ng mga computer sa Pilipinas at Amerika. Napasok na rin nito ang European at Asian market. Ang RRC ay pag-aari ni Rene Roy Cagalingan na isa rin nilang kabarkada. Isa si Leo sa mga computer developer ng kompanya ni Roy. Si Jared Bandonillo ang pintor sa grupo. Kung saan-saang lupalop ng mundo ito napapadpad para lamang makapagpinta. Kapag naroon ito sa lugar nila, lagi itong may bitbit na sketchbook at lapis, gaya nang mga sandaling iyon. "Kumusta na, Darrel?" tanong nito, sabay tapik sa balikat niya. "Ayos lang, dude," sagot niya. "Smile!" Natuon ang atensiyon ng lahat sa nagsalitang iyon na si Humphrey Lombredas. Eksaktong pagtingin nila rito ay kumislap ang flash ng camera nito. Ito ang photographer nila. May sarili itong photo studio sa lugar nila. "My God, pare. Next time, abisuhan mo naman kami. Ayokong pangit ang kuha ko. Baka magalit ang mga fans ko," sabi ni Joneil Victor Pineda, ang modelo sa grupo. Nakarating na ito sa iba't ibang bansa para mag-model ng iba't ibang sikat na brand ng damit, pabango, at kung anu-ano pa. He was a superbike racer by profession. Every woman's man. The certified playboy of the group. "Victor, pare, magalit man sila, I'm sure you'll find a way to make it up to them," sabi ni Humphrey. Nag-high-five pa ito at si Justin. Si Justin Karl Chua naman ang Tsinoy na kaibigan nila. Hotels and restaurants ang negosyo nito. Ayon dito, hindi ito playboy. He was just trying to be kind to all the girls. Ayaw lang daw nito na nakakakita ng malungkot at umiiyak na babae. "At long last, nagkaroon ka rin ng time to join us, Darrel. Ano na ba ang latest sa buhay mo?" tanong sa kanya ni Jared. "I'm good," sagot niya. "I'm just finding some time to breathe. Kailangan na ng supermarket ang presensiya ko." "I wonder, kailan ka kaya magsasawa sa kakalayas? You're missing a lot. by the way, where's your girlfriend?" usisa sa kanya ni Victor. "I don't have one. I'm too busy for that," sagot niya. Bago pa may makapag-react sa mga ito sa sinabi niya ay nabaling na ang atensiyon nila sa tumunog na wind chime na nakasabit sa entrance door ng restaurant. Pumasok doon si Olay. May nakasunod dito na isang babae. Nakuha agad ng babae ang atensiyon niya. She had long black wavy hair. Maputi at flawless ang balat nito. She had the face of an angel. Such a looker in her plain white T-shirt and maong shorts. "She's the one I'm talking about," pabulong na sabi sa kanya ni Vanni. Darrel couldn't help but smile. Pero agad ding nawala ang ngiti niya nang may mabasa siyang lungkot sa mga mata ng babae. Anuman ang dahilan ng lungkot na iyon ay gusto niyang alamin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just A Taste (SPG)

read
896.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
28.1K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
610.0K
bc

He's Cold Hearted

read
160.9K
bc

The Young Master's Maid

read
750.2K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
440.1K
bc

My Son's Father

read
583.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook