Chapter 1
LIA looked at her reflection in a full-length mirror as the staffs dress her with the outfit she will wear on the upcoming Silhouette Dream Collection Fashion Show here in Manila, Philippines. She’s wearing white lingerie and a pair of thigh boots of the same color, while the stylists are putting her accessories on her neck and the wings she will wear while walking the runway.
“Oh my gosh, I love this outfit. I look so pure,” pabirong sabi pa niya, kaya nagtawanan sila doon sa malawak na silid na iyon.
It’s Fitting Day today. Where all models try their outfits and the stylists decide their final look for the fashion show. Naroon din ang mga big bosses ng LH Company, ang kompanyang may hawak ng Silhouette.
“Honey, you look gorgeous,” puro sa kanya ni Maddieson, ang CEO ng Silhouette International, ang brand ng lingerie na pinakasikat sa buong mundo. Dati rin modelo ng SI ang big boss nila bago napunta sa pamamahala nito ang buong kompanya.
“Thank you.”
Nang maayos na ang mga accessories niya ay saka niya sinubukan maglakad sa maliit na runway doon.
“Beautiful!” sabi naman ng designer.
“Looks, perfect on you,” segunda naman ni Maddieson.
“By the way, let me tell you that you will be the opening for this collection,” balita sa kanya ng designer.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “You’re joking, stop!” hindi makapaniwalang sagot niya.
Tumawa ang mga ito. “I’m not. You will open the show!”
“Oh my gosh, thank you!” masayang bulalas niya.
To be chosen to open the show means the designer choose her to wear one of the best designs. It also means that her rank and value as a model are higher. Ang iba naman sinasabi na kadalasan sa fashion show, ang una’t huling modelong rumampa ang madalas na tumatatak sa isipin ng mga manonood, lalo na ang mga possible company executives, which means a possible for big endorsement offers in the future. But whatever the reason is, Lia must do her best to leave a great impact on the audience. May dalawa pa siyang outfit na sinuot bago siya tuluyan natapos.
“Bye Maddie,” paalam niya sa boss.
“Bye, see you on the show,” nakangiting sagot nito.
“Yes, see you. Thanks again.”
“You’re welcome.”
Magaan ang bawat hakbang ni Lia habang palabas ng studio. Agad siyang napangiti nang maabutan si Benj na naghihintay sa kanya sa parking lot.
“Hi, kanina ka pa?” tanong niya.
Lumapit ito sa kanya at nagbeso. “Hindi naman, mga five minutes. Tapos ka na ba?”
Tumango siya. “Yeah, and I’m hungry.”
“You look tired, wanna go somewhere to hangout?” malambing na tanong nito sa kanya.
“Huwag na, baka may makakita na naman sa atin at maulit na naman ang nangyari noon.”
Mabigat at malalim na buntong-hininga ang narinig ni Lia mula kay Benj. Alam niyang nahulaan nito agad ang kanyang tinukoy.
“Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin maka-move on doon? Kalimutan mo na ‘yon.”
Makahulugan na sinalubong niya ng tingin ang lalaki. “We wouldn’t be friends like this if I haven’t moved on. Pero paano mo makakalimutan ang isang bagay na ang naging kapalit ay isang malaki at importanteng parte ng buhay ko?”
Lia saw guilt in his eyes. Agad siyang ngumiti at tinapik ito sa braso.
“Hey, it’s okay. I was just sayin’, no big deal. Tara, unwind tayo,” sabi niya.
Doon na ngumiti si Benj at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.
“Saan mo gustong pumunta?” tanong nito habang nagmamaneho.
“I want pizza, gusto ko ng carbs bago man lang ako magsimulang mag-diet next week,” sabi niya.
“How about we go to my place and watch Netflix?”
“Sounds great.”
Masigla itong nagmaneho papunta sa bahay nito na hindi rin naman kalayuan mula doon sa studio ng Silhouette. Dumaan lang sila sa isang pizza parlor para umorder ng pagkain. Nilapag ni Lia ang bag niya sa sofa at sumunod kay Benj sa dining table nang ilapag nito doon ang box ng pizza. Bigla siyang nakaramdam ng gutom nang maamoy iyon.
Ngunit bubuksan pa lang niya iyon nang magulat siya matapos yumakap mula sa likod niya si Benj. Sabay paling ng kanyang mukha at halik sa labi niya. Itutulak sana ni Lia ang lalaki, pero hindi iyon natuloy at sa halip ay tumugon sa mga halik nito. Yumapos siya sa leeg ni Benj at hinayaan itong tangayin siya at ihiga sa sofa. Ngunit nang bumaba na sa leeg niya ang labi nito, a familiar face flashed in her mind. Natigilan siya at tinulak ang lalaki palayo, bagay na kinagulat nito.
“Why?” nagtatakang tanong nito.
“I’m sorry, I can’t… I can’t do this…” nahihiyang sagot niya.
“But why?”
Benj sighed in frustration with a completely dismayed look on his face. He sighed harshly, bago ito tumayo at tumalikod mula sa kanya. Bumangon si Lia at inayos ang sarili pagkatapos ay tumayo rin.
“I just can’t,” sa halip ay sagot niya.
“Hindi mo pa rin ba siya makalimutan?” tanong nito.
“Hindi ko alam.”
“Mahal na mahal kita, Lia. Alam mo ‘yan, noon pa. It’s been five years, he turned his back on you, pero bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin siya makalimutan?”
“Dahil kahit anong gawin ko, parte pa rin siya ng buhay ko! I tried to forget him. I tried to give back the love you gave to me. Ayoko rin ng ganito. Nang tumugon ako sa halik mo, iyon ay dahil gusto kong subukan kung kaya na kitang mahalin. But I can’t, I really can’t. Isa pa, ayokong balang araw ay sumbatan niya ako at ipamukha sa akin na tama ang binintang niya noon sa akin.”
“This is so unfair…” may hinanakit na sabi nito.
“I’m sorry, Benj. I shouldn’t have done that. I’m sorry”
Nasa ganoon silang pag-uusap nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Agad kinuha ni Lia ang bag at nilabas ang phone. Natigilan siya nang makilala ang numero ng tumawag sa kanya.
“Siya ba ‘yan?” tanong pa ni Benj.
Tumikhim si Lia at hindi tinanggap ang tawag.
“Might be a wrong number,” tanggi niya.
Muling nag-ring ang kanyang phone. This time, it’s her older brother, Hiraya. Agad niyang sinagot iyon.
“Kuya Aya,” bungad niya pagsagot sa tawag ng kapatid.
“Nasaan ka na?” seryosong tanong nito.
Sumulyap siya kay Benj na nakatingin lang sa kanya. “Pauwi na. Katatapos lang ng fitting namin,” sagot niya habang sinusukbit ang bag sa balikat at kinuha ang salad na isa sa inorder nila sa pizza parlor kanina.
“Good. Come home quickly.”
“Okay. Pero bakit parang natataranta ka?”
“Basta, umuwi ka na. Hinahanap ka na rin ni Dad.”
“Okay. I’m on my way home.”
Pagkatapos kausapin ang kapatid at humarap siya kay Benj.
“I’m sorry, let’s talk some other time.”
Malapit na siya sa pinto nang humabol sa kanya ang lalaki at hinawakan siya sa kamay.
“Don’t go, Lia. Please, stay with me,” pakiusap nito.
Binawi niya ang kamay at malungkot na ngumiti.
“I’m sorry, but I have to go. Bye.”
Parang nakahinga ng maluwag si Lia nang makalabas sa unit ng lalaki. Nang makalabas ng gusali ay agad na pumara ng taxi bago nagpahatid pabalik sa studio ng Silhouette at kinuha ang kotse niya saka mabilis na umalis. Nang maipit sa traffic, naisipan ni Lia na tingnan ang phone para na rin sana i-text si Benj. Pero nawala sa gagawin ang isip nang makitang marami siyang missed calls mula sa numero na iyon.
“Sh*t! Ano bang kailangan nito?!” inis na tanong niya.
Nang buksan niya ang text message nito. Malakas na kumabog ang puso niya nang mabasa ang mensahe nito.
“Let’s talk.”
Plain and simple message. Walang lambing kahit emojis man lang. Pero sapat na ang dalawang salitang iyon para magkaroon ng epekto sa kanya. After five long years, she hates herself because the effect towards is still the same.
“Mukha mo let’s talk! G*go!” inis na singhal niya sa screen ng phone saka basta na lang binato iyon sa passenger’s seat.
“GOOD Evening, Ma’am,” nakangiting bati sa kanya ng security guard habang papasok siya ng bakuran nila.
“Evening, nandiyan na silang lahat, Manong?” sagot ni Lia.
“Opo. Saka po pala may bisita kayo,” sabi nito.
Napakunot-noo siya. “Sino daw?”
“Lalaki po eh, hindi ko kilala.”
Nagtataka na pinasok niya ang kotse at pinarada. Pagbaba ay hindi pa rin nawawala ang pagtataka lalo na ng madatnan niya ang isang hindi niya kilalang kotse doon. Pagpasok sa bahay, agad sumalubong sa kanya ang malakas na tawanan at kuwentuhan ng mga kapatid kasama ang isang pamilyar na boses ng lalaki.
Pagdating sa dining area, pakiramdam ni Lia at huminto ang kanyang mundo at literal na natulala nang makita kung sino ang sinabing bisita niya. Walang iba kung hindi ang taong pinakahuling gusto niyang makita sa habang nabubuhay siya.
“Oh, Lia! Nandito ka na pala,” nakangiti pang sabi ng Kuya Aya niya.
Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang lumingon ang sinasabing “bisita” niya. None other than her estranged husband. Michael Andrei Lopez. The moment their eyes laid on each other, all the pain from the past came back. Muling naalala ni Lia ang galit sa taong ito. Hindi na siya nagulat o nagtaka nang maabutan na nagtatawanan ang mga kapatid niya at si Michael dahil kasundo naman ng mga ito ang dating asawa.
“What are you doing here?” walang kangiti-ngiting tanong niya.
Tumayo ito mula sa kinauupuan. “I need to talk to you.”
Sinuklay ng mga daliri ang kanyang buhok pagkatapos ay inirapan ito at naglakad siya palapit sa ama at nagmano saka humalik sa pisngi. Pagkatapos ay dumiretso siya ng akyat ng hagdan at tuluyan nilagpasan ang asawa.
“What makes you think I will talk to you?” mataray niyang tanong.
“Alam kong ayaw mo akong makausap, pero importante ang sasabihin ko,” sagot ni Michael at sinundan siya.
“Wala akong pakialam. Umalis ka na!”
Malapit na siya sa kuwarto niya ng bigla siyang hawakan ni Michael sa kamay.
“Mahalia, please!”
Agad niyang binawi iyon at sarkastikong ngumiti. “Please? The great Michael Lopez is begging me? Wow, this is something new,” nangungutyang sagot niya.
Bumuntong-hininga ito. “Wala akong oras makipag-away sa’yo. Tungkol ito kay Lola Martha.”
Ang galit na ekspresiyon sa mukha ni Lia ay biglang napalitan ng pag-aalala.
“Anong nangyari kay Lola?” kabado agad na tanong niya.
Nahalata niya ang lungkot na agad bumalot sa mukha ni Michael. “Sinugod siya sa ospital noong nakaraan linggo, may sakit siya sa puso sabi ng mga doctor. Nakalabas na siya sa ospital at nakauwi na siya bahay dito sa Manila, but she keeps asking you. Gusto ka daw niyang makita ng personal, palagi ka na lang daw kasi niyang nakikita sa Tv o internet.”
Mayamaya ay duda niya itong tiningnan.
“Hindi ka naman siguro magsisinungaling ng ganyan ano?”
He smirked as he looks at her straight in the eyes.
“Kilala mo ako, Lia. Hindi ko ugaling magbiro ng ganitong bagay.”
Huminga siya ng malalim saka binuksan ang pinto ng kuwarto niya at pumasok sa loob. Hindi pumasok si Michael pero sumandal ito sa hamba ng pinto.
“Pumunta ako dito dahil hindi mo sinasagot tawag ko.”
“Malay ko ba, wala kasi akong maisip na dahilan para mag-usap tayo. You, of all people is the least person I can think to call me.”
“So, when can you visit her?” tanong pa nito.
Huminga siya ng malalim at naupo sa gilid ng kama.
“Wait, I’ll call my manager,” sabi pa niya.
Habang kausap ang Manager sa telepono. Doon pumasok sa loob ng silid niya si Michael. Nag-ikot ikot ito at huminto nang makita ang larawan sa frame na nakapatong sa kabilang bedside table. May kumurot sa kanyang puso nang pamansin ang pangingilid ng luha nito na kalaunan ay nagawang pigilan. Pagkatapos ay naupo ito sa sofa at napatingin sa mga lingeries na nasa tabi nito.
Dinampot nito ang isang lace panty niya at winagayway nito iyon na parang bandera. Bigla siyang napatayo at agad na inagaw iyon. Sa inis ni Lia ay tumawa lang ito.
“Thanks, Sofie. I owe you one,” sabi niya pagkatapos ay saka niya pinutol ang usapan.
“Pakialamero ka,” pagsusungit niya sa asawa saka kinuha ang mga underwears niya at nilipat iyon sa ibabaw ng kama.
“Bakit ba? Nagandahan lang naman ako, I think bagay ‘yan sa’yo. I can imagine you wearing those.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Hey, you don’t have the right to imagine me wearing these panties. Wala ka nang karapatan, remember?”
Tumawa lang ito. “So, anong sabi ng Manager mo?”
Bumuntong-hininga siya. “Pina-move ko ‘yung schedule ko, libre na ako buong araw bukas.”
“Okay, I’ll pick you up here at ten in the morning.”
Tumango siya. “Sige.”
“And you wanna go with me to Avery and visit her?”
Binalot ng lungkot at bigat ang kanyang damdamin nang marinig ang pangalan na iyon.
“Okay,” pagpayag niya.
“Tatawagan kita bukas kapag papunta na ako dito. Alam mo pa naman ang number ko, di ba?”
Tumikhim siya at umiwas ng tingin. “I already deleted your number, actually.”
“Pero alam mong ako ‘yong tumatawag sa’yo kanina, ibig sabihin, kabisado mo pa rin.”
“Basta, sunduin mo na lang ako bukas,” paiwas na sagot niya.
“Okay.”
Bago umalis ay nilapitan siya ni Michael at niyakap ng mahigpit.
“Thank you, Lia. I’m happy to see you again,” sabi nito.
Happy to see her? That's something she wasn't expected to hear from him. Hindi siya sumagot, sa halip at tumango at hinatid ng tingin si Michael palabas ng kuwarto. Nang maisarado ang pinto ay sumandal siya doon at nailapat ang palad sa tapat ng dibdib. Her heart is still beating fast. Ganoon na kabilis ang pintig ng kanyang puso simula pa lang kanina. Bakit hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Michael sa kanya? Hindi na dapat ganito ang nararamdaman. Nakalimot na dapat siya.