bc

Krisha's Playground

book_age16+
848
FOLLOW
2.0K
READ
sporty
sweet
bxg
nerd
coming of age
first love
friendship
classmates
like
intro-logo
Blurb

Loner. Nerd. Iyon ang nakasanayan na tawag ng ilang schoolmates ni Krisha sa kanya. She’s doing really great on her academics. In fact, she always made it on top. Then love suddenly knocks at her door when she met the easy-go lucky and campus famous Jaden Palmero. Professor sa Unibersidad na pinapasukan nila ang Ate nito at kinuha siya nitong tutor nito sa Math. Noong una ay sumasakit ang ulo niya dito dahil ayaw nitong makinig at wala itong ginawa kung hindi ang mangulit. Hindi niya akalain na sa pagdating nito sa buhay niya, ito ang magpaparamdam na may halaga siya. Jaden saw an invisible girl like her. Dahil doon, hindi niya napigilan ang sarili na mahalin ito.

But love came to them at the wrong time. Nang mabalitaan ng Daddy niya ang tungkol kay Jaden, agad siyang nilayo nito sa binata. Ipinaglaban siya ni Jaden, ngunit nagising na lang siya isang araw na wala na ito at tuluyan na siyang iniwan.

chap-preview
Free preview
Chapter One
AGAD NA sumakay ng jeep si Krisha ng pumarada ito sa harap niya. Malapit lang naman ang pinapasukan niyang unibersidad sa bahay nila. Halos tatlumpung minuto lang kung lalakarin, pero dahil late na siya at nagmamadali kaya nagdesisyon na siyang sumakay. Nang makarating sa school nila ay halos tumakbo siya papunta sa kabilang building kung saan ang classroom niya para sa first subject. Eksaktong pagliko niya ay bumangga siya sa isa rin tumatakbong estudyanteng lalaki pareho silang napaupo nito sa sahig. Napapikit siya ng maramdaman ang p*******t ng puwitan niya. “Naku, Sorry Miss!” hinging paumanhin nito. “Kung kailan naman nagmamdali eh,” inis na sabi niya. “Sorry,” ulit nito. Hindi pa rin niya ito tiningnan bagkus ay tumayo siya at pinulot ang mga gamit niyang kumalat sa sahig. Tumayo din ito saka siya tinulungan. “Thank you,” aniya sabay tingin dito. Bigla siyang natigilan ng makita ang nakabangga niya. Kilala niya ito, si Jaden Palmero. Sikat ito doon sa campus nila dahil guwapo ito, bukod doon ay magaling ito pagdating sa larangan ng basketball maging sa soccer kaya maraming nagkakagusto dito. Madalas niyang nakikita ito dahil kaklase niya ito sa ilang minor subject noong first year hanggang ngayon na second year na sila ay kaklase pa rin niya ito sa ilang minor subject, maging sa isang Major subject na  Math na bihira nitong pasukan. Mass Communication ang course nito at Major in Journalism. Hindi lang ito active sa sports, maging sa ibang activities sa school ay sinasalihan nito kaya kilalang kilala ito doon. “Sorry ulit,” sabi pa nito sabay abot ng mga dalawang libro niyang dinampot nito. “Okay lang,” pormal na sagot niya dito saka kinuha iyon. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito, sa halip ay basta na lang siya tumalikod saka patakbong nagtungo sa classroom nila. Eksaktong pagdating niya sa classroom ay siyang pagtawag ng professor niya sa pangalan niya. “Present po!” malakas ang boses na sagot niya. Halos lahat sa klase ay napatingin sa may pintuan kung saan siya nakatayo. “Oh Miss Liberato, this is new. Ngayon ka lang yata na-late,” sita nito sa kanya. “Sorry Ma’am, tinanghali po kasi ako ng gising,” paliwanag niya. “Okay, since this is your first late. I’ll let it pass, you may come in,” anang Professor niya. Nakahinga siya ng maluwag matapos marinig iyon. “Thank you, Ma’am,” nakangiting wika niya. Agad siyang pumasok sa loob ng saka umupo sa tabi ng bestfriend niyang si Becca malapit sa may pintuan ng classroom. “Akala ko di ka na papasok eh,” bulong nito sa kanya. “Puwede ba naman ‘yon?” aniya. “Bakit ka ba kasi ngayon lang?” tanong pa nito. “Dapat nga medyo mas maaga pa ako. May bumangga sa akin pagliko ko diyan sa hallway, sumakit nga puwit ko!” sagot niya. “Sino naman nakabangga sa’yo?” tanong ulit nito.  “Si Jaden Palmero,” kaswal na sagot niya. Napatingin siya dito ng impit itong napatili sabay tutop sa bibig nito saka biglang tumungo para magtago sa Professor nila. “Oh my Gosh, si campus crush?” tila hindi makapaniwalang tanong nito. Kunot-noo siyang napalingon dito. “Shhh! Baka pagalitan tayo ni Ma’am,” sa halip ay saway niya dito. Nilukutan siya nito ng ilong saka kunwaring umismid. Napangiti siya sabay iling. Bigla siyang napalingon sa may pinto ng dumaan doon ang kanina lang ay pinag-uusapan nila ni Becca. Hindi lang siya ang napatulala, maging ang ilang estudyanteng babae na nakasalubong ni Jaden na eksaktong dumaan din sa tapat ng room nila. May narinig pa siyang tumili at sinigaw ang pangalan ng binata. Ngunit ang ipinagtaka niya at dahilan para mapakunot noo siya ay nang huminto ito sa may pinto sa tapat ng classroom nila pagkatapos ay kumaway sa gawi niya saka ngumiti. Bigla siyang napalingon sa paligid baka sakaling hindi naman siya ang kinakawayan nito. Pero lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin sa harap kung saan nagsisimula ng mag-discuss ng lesson ang Professor nila. Pagtingin niya ulit sa pinto ay wala na ito doon. Napailing na lang siya saka tinuon ang atensiyon sa harap. Baka hindi naman siya ang kinakawayan nito dahil hindi naman talaga sila close.                     NAPABUNTONG-HININGA si Krisha saka napailing ng lumingon siya sa mga tatlong kababaihan na nasa kabilang mesa. Ang lakas ng tawa ng mga ito at naghahagikgikan habang pinag-uusapan ang lalaking nakabangga niya kanina si Jaden Palmero. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pag-aaral. Kung sa library naman siya lilipat. Kilala niya ang mga iyon, sina Tanya, Stacy at Irene. Mayamaya ay dumating ang isa pang kaibigan ng mga ito, si Alice. Ayon sa mga narinig niya sa paligid, ex-girlfriend daw ito ni Jaden.           “He’s really cute especially when he smiles,” kinikilig na komento ni Tanya.            “Oh my God! Saan n’yo siya nakita?” tanong naman ng Irene.           “We saw him kanina sa basketball court,” sagot ni Stacy. “Wait, you want to see him? Halika balik tayo doon!” yaya ng una.           “Are you talking about Jaden again?” mataray na tanong ng bagong dating na si Alice. Natahimik ang tatlo saka umiwas ng tingin dito.           “Pangarapin n’yo na lahat, huwag lang siya! Alam ko magkakabalikan pa rin kami,” sabi pa nito sabay lingon sa gawi niya. Nakita niya kung paano kumunot ang noo nito ng mapansin na nakatingin siya sa mga ito.           “What are you looking at?!” mataray na tanong nito. Mabilis na umiwas ng tingin si Krisha at saka pinagpatuloy ang binabasa.           “So cheap, nerd!” narinig niyang komento pa ni Tanya.           “She’s eavesdropping! Nerd at Loner na, tsismosa pa!” dagdag naman ni Irene.           “Huwag n’yo nang pag-aksayahan ng panahon ‘yan! Wala naman kayang gawin ‘yan kundi ang buklatin ang mga libro n’ya. Let’s go, baka makaalis pa si Jaden,” saway ni Alice sa mga kaibigan na may halong pang-iinsulto.           Gaya ng dati, walang nagawa si Krisha kung hindi ang tumungo at hindi kumibo. Nakahinga lang siya ng maluwag nang umalis na ang apat na babae. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa na insultuhin siya ng mga ito. Napailing na lang siya saka inayos ang suot niyang eyeglasses saka binalik ang atensiyon niya sa binabasa.                Krisha is just an ordinary student. Hindi siya ang tipong sikat sa campus at tila nangangampanya na panay ang bati at ngiti sa lahat ng makakasalubong niya. Pero hindi rin naman siya inivisible na tila walang nakakakilala sa kanya. She’s just an average second year student taking up Communications Arts. Pumapasok araw-araw at walang ibang pinagkakaabalahan kung hindi ang pag-aaral. Hindi naman sa ayaw niyang makipag-kaibigan. Sadya siyang umiiwas sa mga ito, dahil iyon ang bilin ng Daddy niya. Ayaw nitong masyado siyang makipagkaibigan dahil ayon dito ay maaaring mawala siya sa focus sa pag-aaral. Krisha is a consistent honor student since elementary school. Ngayon nasa College na siya, inaasahan ng parents niya lalo na ng Daddy niya na magtatapos siya ng may karangalan. Bakit nga ba ganoon kataas ang expectation sa kanya ng mga magulang niya?           Ngunit dahil wala siyang inaatupag kung hindi ang pag-aaral niya. Kapag wala ang bestfriend niyang si Becca. Wala siyang kasama kung hindi ang anino niya. Wala rin siyang mga kaibigan. Kilala lamang siya ng mga kaklase kapag nagpapatulong sa assignment o kaya naman ay tuwing Thesis. Sa tuwing naglalakad siya ay palagi siyang nakatungo. Nasimulan siyang mabansagan na nerd noong first year college siya. Bata pa lamang kasi ay nakasalamin na siya dahil malabo ang mga mata niya. Bukod doon ay nakasuot din siya ng braces sa ngipin. Pagkatapos ay hindi siya mahilig makipaghalubilo sa ibang tao at mas madalas na kaulayaw ang mga libro niya. Bukod ay napaka-clumsy niya, kapag naglalakad siya ay palagi siyang nakatungo kaya madalas ay nababangga siya.           Simula noon ay nerd at loner na ang bansag sa kanya. Pinagtatawanan minsan. Nagiging kaibigan ng karamihan sa tuwing may projects at exams. Ngunit pagkatapos niyon ay tila nagiging invinsible na naman siya. Pero nasanay na rin siya, wala na siyang pakialam kahit insultuhin siya ng mga tao. Basta siya ay nag-aaral ng mabuti para ma-meet niya ang expectation ng Pamilya niya.         Simula pagkabata ay honor students na ang mga magulang niya hanggang sa mag-kolehiyo ang mga ito at ganun din ang kaisa-isa niyang kapatid na lalaki. May mga pagkakataon na napapagod na siya. Sa tuwing may exam ay para siyang nakikipag-kompentensiya sa mga kaklase niya. Sa class cards niya, hindi maaaring bumaba ng one point seventy five ang grades niya kung hindi ay tiyak na magagalit ang Daddy niya. Minsan nga, gusto niyang takasan ang lahat ng iyon. Gusto rin niyang maging gaya ng ibang estudyante na maraming kaibigan. Pero kahit na nahihirapan na siya ay hindi niya magawang magreklamo, kaya pasalamat siya dahil nariyan si Becca na handang makinig sa kanya. Tanging si Becca lang ang pinagkakatiwalaan ng mga ito na kasama niya.                 Hindi rin siya nakaligtas sa mga schoolmates niyang mahilig mang-bully. Kapag dumadaan siya minsan ay pinaparinggan siya nito ng nerd at loner. Kapag kasi wala si Becca ay nag-iisa lang siya. Nakikilala lang siya ng mga classmates niya tuwing may projects at exams dahil nagpapaturo ang mga ito sa kanya. Masaya na rin siya kahit paano, dahil kahit na may kailangan ang mga ito at alam niyang hindi totoo ang pinapakita ng mga ito ay napapansin pa rin siya.           Kung bawal siyang basta makipagkaibigan, lalong bawal siyang magkaroon ng boyfriend o magpaligaw man lang. Isa iyon sa mga mahigpit na bilin sa kanya. Kaya lalong mailap siya sa mga kaklase niyang lalaki. Naalala pa niya isang beses, nakita siyang may kausap na classmate niyang lalaki ng Daddy niya. Inakala nitong manliligaw niya iyon dahil bitbit nito ang libro niya, pag-uwi niya ay pinagalitan siya ng husto. Wala siyang pakialam sa mga nagaguwapuhang schoolmate niya na tinitilian ng mga kababaihan. Kaya tinanim na niya sa isip niya na hindi siya tutulad sa mga ibang estudyante doon sa campus na walang inatupag kung hindi ang magpa-cute sa mga lalaki at magkipag-boyfriend. Naroon siya para mag-aral at ayaw niyang ma-disappoint ang mga magulang niya sa kanya.             NAPALINGON si Krisha ng tumabi sa kanya si Jaden. Oras na iyon ng Math subject nila. Kunot noo niyang tiningnan ito. Lalo siyang nagtaka ng ngumiti lang ito sa kanya. Dati rati naman ay hindi sila nito nagpapansinan, madalas ay katabi nito ang mga barkada nito o kaya naman ay nasa pinakahuli ito at abala sa pakikipagdaldalan sa katabi nito. Napailing na lang siya saka tinuon ang atensiyon sa harapan kung saan nagsisimula ng magsalita ang Professor nila.           Ngunit maging ang Professor ay napuna si Jaden. “Mister Palmero, bago yata sa paningin ko na nakaupo ka sa unahan?” tanong nito.           Nahihiyang napangiti ito sabay kamot sa batok nito. “Eh Sir, bagong buhay na po ako,” pabirong sagot nito.           Marahan natawa ang Professor nila. “Ah alam ko na. Nakausap ka na siguro ng kapatid mo,” sabi pa nito.           “Medyo po,” sagot ulit nito.           “Okay, you better listen well, this is your last chance,” sabi pa ng Professor nila dito.           “Opo.”           Matapos iyon ay nagsulat ito ng isang mahabang problem solving doon sa subject nilang Algebra.           “Anyone can solve this problem?” tanong nito.           Mabibilang sa limang daliri niya sa kamay ang mga boluntaryong gustong sumagot at kabilang na siya doon. Napangiti siya ng tumingin ito sa direksiyon niya.           “Mister Palmero, come forward and please solve this problem,” anang Professor nila.           “P-po? Ako?” gulat at kandautal pang tanong nito.           “Oo, ikaw nga.”           “Eh Sir, hindi ko po alam ‘yan,” pag-amin nito.           “Subukan mo lang,” pangungumbinsi nito.           Bigla siyang napalingon dito ng kalabitin siya nito. “Hoy, tulungan mo naman ako,” bulong pa nito na siyang pinagtaka niya. Kung kausapin kasi siya nito ay parang magkaibigan sila. Habang naglalakad ito patungo sa harap ay panay ang lingon sa kanya nito at tila patuloy na nanghihingi ng saklolo ang mga tingin nito. Napapitlag siya ng pasimple siyang sikuhin ni Becca na nakaupo sa kabilang side niya.           “Kelan pa kayo naging close niyan?” pabulong na tanong nito.           Nagkibit balikat siya. “Hindi kami close. Ewan ko ba diyan sa lalaking ‘yan, feeling close lang talaga,” sagot niya.           “Hindi kaya may crush sa’yo ‘yan?” tanong na naman nito.           Siniko din niya ito. “Tumahimik ka nga. Kung anu-ano pinagsasabi mo diyan,” saway niya dito. Saka niya muling binaling sa harapan ang atensiyon niya. Nakita niyang na-solve naman ni Jaden ang math problem pero pagdating sa kalagitnaan ay nagkamali ito ng sagot kaya mali rin ang naging final answer nito. Nang matapos ito ay nagulat pa siya ng bigla siyang tawagin ng Professor nila.           “Miss Liberato, may nakikita ka bang mali sa sagot niya?” tanong nito sa kanya.           “Ah, yes sir,” sagot niya.           “Come forward and write the correct answer,” anang Professor nila.           Nagkatinginan pa sila ni Jaden ng pumunta siya sa harap. Nakita niya na pinapanood siya nito habang tinatama niya ang sagot nito. Nang matapos siya ay tumingin siya sa Professor nila.           “That’s correct,” nakangiting sagot nito. “So, Mister Palmero, alam mo na ang mali?” baling nito kay Jaden.           “Yes Sir,”           “But you did well on the first part. Konting practice pa,” sabi pa nito. “Thank you po,” tila nahihiyang sagot ni Jaden pagkatapos ay bumalik na ito sa upuan nito.            Napatingin siya dito ng mapapikit ito at malalim itong napabuntong hininga.           “Nakakainis,” narinig niyang bulong nito.           Hindi alam ni Krisha kung anong espirito ang sumapi sa kanya dahil natagpuan na lang niya ang sarili na pinatong niya ang isang kamay sa braso nito.           “Okay lang ‘yon,” sabi niya dito.           Natigilan ito saka dahan-dahan lumingon sa kanya. Naramdaman niya ang tila pagsikdo ng kanyang dibdib ng unti-unti ay gumuhit ang magandang ngiti nito kaya wala sa sariling napatitig siya dito. Mga ngiting hindi lang sa labi ngunit sa mga mata nito. Isang klase ng ngiti na kahit sinong babae ay mahuhulog ang puso dito. Noon lang niya napansin ang magandang kulay tsokolateng mga mata nito. Matangos ang ilong nito at maputi ang balat nito. Bukod doon ay matangkad din ito, lalong nakadagdag sa lakas ng dating nito ang bagsak na buhok nito.           “Thanks,” anito.           Bigla siyang natauhan sa ginawa at parang napaso siya na agad tinanggal ang kamay niya sa braso nito. Pagkatapos ay binalik niya sa unahan ang tingin at pilit na doon nag-concentrate. Lihim siyang huminga ng malalim saka pilit niyang pinapakalma ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.             “WHAT?! NO WAY!” mabilis na protesta ni Jaden sa sinabi ng Ate niya.           Bigla siyang umilag ng inangat nito ang hawak nitong tinidor at inamba sa kanya. “Anong no way? Tumahimik ka! Nakapag-desisyon na ako, ipapa-tutor kita sa Math para siguradong makapasa ka,” anang Ate Jan niya.           “Ate naman eh! Ayoko, nakakahiya! Ang laki ko na magtu-tutor pa ako!” patuloy niya sa pagpo-protesta.           “Kung pinagbuti mo ba sa subject na ‘yon eh di sana wala kang problema,” anito.           “Basta, ayoko!” giit niya.           “Tigilan mo ako ng katigasan ng ulo mo ha? Walang masama sa pag-tutor! Saka bakit ka mahihiya? Hindi ka naman maipapasa ng hiya mo!” paliwanag nito.           Napakamot siya ng batok saka napabuntong hininga. “Ikaw na lang kasi ang mag-tutor sa akin,” sabi niya.           “Mag-i-english major ba ako kung magaling ako sa Math?” papilosopong sagot ng kapatid niya. “Saka kapag ako ang naging tutor sa’yo, bugbog sarado kasa akin. Kaya mas mabuting iba na lang ang mag-tutor sa’yo. Huwag kang mag-alala, estudyante din naman ang magtuturo sa’yo eh.”           “What?! Eh di mas lalong nakakahiya! Ayoko nga!” protesta na naman niya.           “Ah basta! Magpapa-tutor ka sa ayaw at sa gusto mo! Kaya siguraduhin mong umuwi ka ng maaga bukas ha? Alas-siyete ng gabi magsisimula ang pag-tutor sa’yo. Tiisin mo na twice a week lang naman eh,” sabi pa nito.           Wala na siyang nagawa ng pandilatan na siya ng mata nito. Hindi rin naman niya kayang suwayin ang utos nito. Silang dalawang magkapatid na lang kasi ang magkasama sa buhay. Halos sampung taon nang hiwalay ang mga magulang nila at kapwa may sarili ng pamilya.           Siyam na taon ang agwat ng edad nilang magkapatid. He can still remember during those times that their family was in total chaos. Madalas mag-away ang Parents nila dahil nabuking ng Mommy nila ang pambababae ng Daddy nila. Ang pag-aaway na iyon ay nauwi sa tuluyan na paghihiwalay ng mga ito. Labis iyong dinamdam ng Ate niya. Ngunit hindi nagtagal, isang taon lang ang lumipas ng sabihin ng Mommy niya na gusto na nitong sumama sa bagong iniibig nito. Mas lalong nagalit ang Ate niya dahil sa ginawa ng Mommy niya. Kaya imbes na sumama sa Mommy nila at sa bagong kinakasama nito ay mas pinili ng Ate Jan niya na mabuhay silang dalawang magkapatid ng mag-isa. Simula noon ay mag-isa siyang tinaguyod ng Ate niya. Ito ang nagsilbing mga magulang niya. Kaya lahat ng mga bilin nito ay ginagawa niya, nagpo-protesta man siya gaya kanina ay hindi ibig sabihin niyon ay ayaw niyang sundin ito. Madalas ay ginagawa niya iyon para asarin ito.           “Sino nga pala ang magiging tutor ko?” kapagkuwan ay tanong niya dito habang kumakain sila ng hapunan.           “Basta bukas ko pa malalaman kung matutuloy siya. Magpapaalam daw muna siya sa Parents niya,” sagot nito.           “Okay,” aniya.           Nagtatakang napatingin siya dito ng bigla itong ngumisi sa kanya. “O, anong nakakatawa?” kunot-noong tanong niya dito.           Nagkibit-balikat ito. “Wala naman, may naisip lang ako,” sagot nito.           “Gaya ng?”           “Maganda siya, sa tingin ko bagay kayo,” sabi pa nito.           Napangiti siya. “Talaga?” nakangising sagot niya.           “Oo, mukhang mabait pa,” anito.           “Ate, I appreciate your concern. Akala mo ba hindi ko nahahalata? Playing cupid ka madalas. Palagi mo akong nirereto sa mga nakikilala mong babae,” sabi pa niya.           Nawala ang ngiti nito saka nalaglag ang balikat. “Ayaw mo bang magka-girlfriend ulit?” prangkang tanong nito.           “Hindi naman sa ganon. But after Alice, I don’t think I’m ready for another relationship,” sagot niya.           “Sinabihan na kasi kita dati tungkol sa babaeng iyon na masasaktan ka lang,” sabi pa ni Jan.           “I know and I’ve learned my lesson,” sagot niya.           “Paano kapag may dumating na isang babae at magustuhan mo siya?” tanong pa ng kapatid.           Nagkibit balikat lang siya. Hindi na sumagot pa ang Ate niya, bagkus ay napailing na lang ito.           “Mauna na ako sa’yo at gagawa pa ako ng lesson plan. Ikaw, pagkatapos mong kumain diyan hugasan mo pinagkainan natin tapos gumawa ka ng Assignments mo tapos matulog ka na! Huwag ka ng lalabas,” mahigpit na bilin nito.           Napangiwi siya dahil sa walang prenong pagtutungayaw ng kapatid. “Opo ‘Nay,” pabirong sagot niya.           “Goodnight Junior,” pang-aasar naman nito.           Napasimangot siya ng tawagin na naman siya nitong Junior. Iyon kasi ang madalas na tawag nito sa kanya, dahil ito ang halos nagpalaki sa kanya at tumayong magulang niya kaya madalas siyang binibiro nito na siya daw ang Junior nito. Muling bumalik sa isip niya ang naging usapan nila tungkol sa ex-girlfriend niya. Her name is Alice. Cheerleader ito sa campus nila at mag-iisang taon na simula ng magkahiwalay sila matapos niyang malaman na trophy boyfriend lang ang tingin nito sa kanya. Nagkikita pa rin sila nito sa school pero hindi na niya ito pinapansin.           Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya ay biglang sumulpot ang imahe ng isang kaklase niya. Si Krisha. Napangiti siya nang maalala niya ang pag-comfort nito sa kanya kanina pagkatapos niyang magkamali sa pagsagot sa Math problem sa klase. She seems to be a nice girl. Kaya lang ay tila hindi ito friendly, sa katunayan ay tila asar pa yata ito sa kanya. Agad niyang pinilig ang ulo at saka tinuon ang buong atensiyon sa pagkain. Bakit ko ba siya biglang naisip? Nagtatakang tanong niya sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Faithfully

read
269.4K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
833.0K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
548.0K
bc

My Favorite Subject

read
227.9K
bc

The Young Master's Maid

read
753.1K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook