bc

Humphrey Lombredas

book_age16+
1.6K
FOLLOW
4.5K
READ
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

“When you smiled at me, binulong ng puso ko. Ikaw ang lalaking makakasama ko habang buhay.”

Teaser:

Lady is famous in the social world. Lahat ng mata ay sa kanya nakatuon. Hindi na kataka-taka ‘yon dahil she’s the only child of Senator Mario Castillo. A real socialite as they call her.

Sa kabila ng katanyagan, yaman at atensiyon ng publiko sa kanya. Still, she felt the emptiness inside her. Hanggang sa masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na ikinagalit ng husto ng magulang niya at gumiba sa magandang imahe niya.

Her savior came sa katauhan ni Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho. Nagkasama sila nito ng kinailangan niyang magtago sa media dahil sa mga kabi-kabilang issue sa kanya.

At habang tumatagal ang pagsasama nila ng binata. Hindi maiwasan na makigulo ng puso niya. Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman niya para dito?

Was she in love with this stranger?

chap-preview
Free preview
Chapter One
           “ANOTHER ROUND of tequila shot please,” ani Lady sa waiter sa harapan niya.            Alanganing napatingin ang pobre sa kanya. Tila hindi nito alam kung susundin ba siya. Sabagay, hindi rin niya ito masisisi. Pang-anim na ang order niyang iyon ng tequila.            “Hey, I said another round of tequila!” singhal na niya dito. Nabigla naman yata ito dahil sumunod na ito sa kanya. Nang ilapag nito ang shot glass sa harapan niya, ay agad niyang tinungga iyon. Napangiwi siya sa pait ng lasa, hindi pa rin niya makuhang masanay kahit na nakailang shot na siya. Hindi rin naman niya masisi ang sarili dahil hindi naman talaga siya manginginom.            Gusto lang talaga niyang magpakalasing ng gabing iyon. Gusto niyang pansamantalang kalimutan ang problema, at humingi siya ng tulong sa espiritu ng alak. Pampamanhid kumbaga. Wala na siyang malalapitan pa, kundi ito na lang. She’s so frustrated. Damn frustrated.            Muling nanumbalik ang nakaraan. Isang buwan pa lamang ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat.            Tears ran down her face. She has no one to turn too. Ang mga inakala niyang kaibigan ay parang mga bulang naglaho ng magsimula siyang bumagsak.            Mga Plastik! Galit na wika niya sa isip. Mga Mukhang Pera!            “Ma’am, ayos lang po ba kayo?” anang waiter.            “Yes,” halos pabulong na sagot niya.            “Mukhang medyo napaparami na po yata ang inom n’yo. May kasama po ba kayo?”            “I’m okay. I can manage. Now, leave me alone.” Mariing wika niya.            Hindi na muli pang nagsalita ito at tahimik na iniwan siya nito doon sa maliit na mesa sa may sulok, malapit sa bartender.             Pinahid niya ang mga luha sa pisngi, ngunit tila ba walang katapusan iyon. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito tumitigil. Patuloy pa rin sa pagbagsak. Parang ang puso niya, na hanggang sa mga sandaling iyon ay tila ba lalong nadudurog sa sobrang sakit na nararamdaman niya.            Ang dami naman tao diyan na masasama. Bakit sa akin pa nangyari ang lahat ng ito? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang magmahal. All I want is someone who will love me.            “One more, please.” Aniya sa waiter.            Nilapag nito sa harapan niya ang isa pang shot ng tequila. Hindi muna niya ininom iyon. Pinakatitigan niya iyon, saka niya in-imagine ang timawang ex-boyfriend niya na naroon sa gitna at nalulunod. Sa isiping iyon, tinungga niya ang tequila, sabay bagsak ng baso.            User! Walanghiya ka Dave! Ginamit mo lang ako!            Kung hindi lang kasalanan sa Diyos ang pumatay. Malamang, ginamit na niya ang impluwensiya niya para makaganti sa hayop na ‘yon. Pero hindi siya bababa sa level ni Dave. Itinaas na niya sa Diyos ang lahat. Siya na ang bahalang gumanti sa mga taong nang-aapi sa kanya.            “If I were you, hindi ako dito nagpunta. This is a public place. Makikilala ka pa rin dito.” Anang isang baritonong tinig. Kahit maingay ang paligid ay nakarating pa rin sa pandinig niya ang malamyos nitong boses.            Napa-angat siya ng ulo. May kung anong bumundol sa dibdib niyang nang magtama ang mga mata nila. Kasunod niyon ay ang magandang ngiti nito na tila pumawi sa lahat ng dinadala niyang problema.            Pinilig niya ang ulo. Tama. Lasing lang siya. Pitong shot ng tequila na ang naiinom niya. Natural lang siguro na mag-hallucinate siya.            “Sino ka ba?”            Umupo ito sa kaagapay na silya kahit hindi niya iniimbita.            “Humphrey Lombredas, Miss Castillo.” Pagpapakilala nito.            “How’d you know me?”            Hindi ito sumagot, bagkus ay tumawa lang ito ng pagak.            “Miss, mas magtaka ka kung hindi kita kilala. Why don’t you look around? Halos lahat ng mga tao dito ay sa’yo nakatingin. Bukas, I’m sure. Headline ka na naman.”            Napalingon siya ng wala sa oras. Tama ito, sa kanya nga nakatingin ang mga tao doon. Nagsasayaw man ang mga ito pero halata naman minamasdan ang kilos niya.            “Ano pa lang pakialam mo sa akin?” asik niya.                         “Believe me, wala akong pakialam sa’yo. But I pity you. It seems like you badly needed someone to talk to. Mukhang anytime ay magsu-suicide ka na.”            “Ah so, utang ng loob ko pa pala sa’yo ang ginawa mo. Salamat kung ganoon.” Nangungutyang sagot niya.            Hindi nito pinansin ang pagtataray niya. Tila balewalang nagmasid lang ito sa paligid.            “Let’s get out of here. Mayamaya nandito na ang media.” Anito. Tumayo ito at dumukot ng dalawang libong piso at inilapag sa mesa niya. Hinawakan siya nito sa pulsahan at saka hinila siya palabas ng bar. Nakaalalay pa ito sa kanya dahil nahihilo na rin siya.            “Nasaan ang sasakyan mo?” tanong nito.            Pinilig niya ang ulo. Umiikot na ang tingin niya. Hindi na rin niya kayang maglakad ng diretso.            Lintik na tequila ‘yan! Ganito pala kalakas ang tama no’n!            Kumapit siya sa braso ni Humphrey. “Sha-an tayoh pupuntah?”            Kung tama ang pagkakatingin niya, kumunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya.            “Bhakit ka bah nakatingin sha akin? Shiguro may ghusto kah sha akin, noh?”            Umiling ito saka tumawa na naman ng pagak.            “You’re totally wasted. Huwag ka nang magtaka kung bukas nasa harapan ng mga diyaryo ang mukha mo dahil sa pinaggagagawa mo.” Anito.            “Eh ano! Wala shilang pahkialam!” galit na sigaw niya. Bumitaw siya sa pagkakapit sa braso nito saka pilit na naglakad palayo patungo sa kinaroroonan ng kotse niya.            “And what are you planning to do? Drive? Nagpapakamatay ka kung gano’n.”            “Mas mabuti pa nga na ‘yon ang mangyari sa akin. Para hindi na ako mashaktan pa.” lumuluhang wika niya.            “Hindi ka rin matatahimik. Dahil sinadya mong mangyari ‘yun. Suicide na ang tawag doon. Hindi rin sa langit mapupunta ang kaluluwa mo.” Katwiran pa nito.            Naiinis na huminto siya sa paglalakad saka buong lakas niyang tinulak ito palayo sa kanya. Ngunit hindi man lang natinag ito sa pagkakatayo.            “Ano ba?! Leave me alone! Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin?! Kung makapagsalita ka sa ‘kin akala mo alam mo ang pinagdaanan ko!”            Hindi ito umimik. Nanatili lang itong nakamasid sa kanya. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito at inalalayan ulit siyang maglakad.            “Is this your car?” sa halip ay tanong nito. Nang huminto siya sa tapat ng kanyang red Toyota vios. Sumandal siya doon saka biglang sinubsob ang mukha sa mga palad niya, saka doon niya binuhos ang lahat ng sama ng loob sa buong mundo.            “It’s so unfair.”            Sa isang iglap lang ay nasa tabi niya si Humphrey.             “Kung makakaluwag sa dibdib mo, I’m here. You can tell me everything. Kung hindi naman, okay lang.” Anito.            “Minahal ko si Dave. Sa kanya ko pinaikot ang mundo ko. Hanggang sa mabuntis ako. Ang akala ko’y matutuwa siya kapag nalaman niya. Ang kaso’y nagalit pa siya sa ‘kin. Hindi daw puwedeng mabuo ang bata. Hindi pa daw siya handang maging Ama. Kaya inutusan niya akong ipalaglag ang bata.”            “Asshole,” narinig niyang galit na pabulong nito. “Don’t tell me, pumayag ka sa gusto niya?”            “Of course not!” mabilis niyang wika. “Hindi ako pumayag kaya nagalit siya ng husto sa akin. Hanggang sa hiwalayan niya ako. At hindi ko kinaya ang emotional stress, kaya nakunan ako. Nawala ang baby ko.”            Doon lalo bumuhos ang luha niya. Ang isipin na nawala ng ganoon lang ang isang anghel sa sinapupunan niya, ay isang napakalaking dagok sa kanya. Kakayanin naman niya, kahit ang maging single parent basta kasama lang sana ang anak niya. Pero wala na, agad binawi ang kanyang anak. Ni hindi man lang niya nasilayan ito. Hindi na niya mararamdaman ang paglaki nito sa kanyang sinapupunan. She will never hear her baby’s cry or laugh. Her baby just vanished in a snap of a finger. At lahat ng iyon ay kasalanan lahat ni Dave. Nanganib pa ang buhay niya dahil nang dinugo siya ay kasalukuyan siyang nagmamaneho at mag-isa lang sasakyan. Bago pa niya madala ang sarili sa ospital ay marami nang dugo ang nawala sa kanya.            Ang lahat ng iyon ay sumabog sa media. Sa radio, telebisyon at maging sa mga diyaryo. Pinagpiyestahan siya ng media. May mga nakikisimpatya sa kanya at meron ding nangungutya. Ang mga taong nasa paligid niya ng mga oras na wala pang eskandalo sa buhay niya ay sabay-sabay na nawalang parang bula.                                 Lady thought that her whole world were falling apart. Before. She was  everyone’s apple of the eye. The Darling of the Social World. Hindi siya kagaya ng ibang socialite na kabi-kabila ang mga boyfriend. Walang ginawa kundi ang uminom ng alak at mag-party gabi-gabi.            Malayo siya sa mga iyon. Sa lahat nga daw ng socialite. Siya ang conservative. Pero okay lang naman sa kanya kung iyon ang komento ng mga tao sa paligid niya dahil totoo naman lahat ng iyon. Her parents race her in a conservative way. Lumaki siyang masunurin at disiplinado. Kaya naman minahal siya ng publiko simula nang makilala siya sa mundo ng mga fashionista at sosyal na tao.             Ngunit kahit na mataas ang tingin kay Lady ng mga tao. She makes sure, she’ll reach out for the poor. Sa mga taong nangangailangan. Sa mga taong pinagkakautangan nila ng loob, dahil ito ang dahilan kung bakit nasa posisyon ngayon sa Senado ang kanyang Daddy.            Kaya ganoon na lang ang mapanglait na salita ang inani niya nang pumutok ang balita tungkol sa kanila ni Dave at ang aksidente niyang pagbubuntis.            “Mahal ko si Dave, kaya binigay ko ang sarili ko sa kanya. Sino bang mag-aakala na lolokohin lang pala niya ako. He’s been the ideal man I’d dreamed of.” Dagdag niya.            Lady felt it when Humphrey gathered her in his arms. Then, she suddenly felt secured.            Isang malaking kuwestiyon sa kanya ang lahat ng ito. Sa dinami- dami ba naman ng puwede niyang hingahan ng sama ng loob. Bakit sa lalaki pang ito? Isang tao na kung tutuusin ay isang estranghero sa kanya. Maaari nitong pagkakitaan ang mga nilahad niya dito. Pero bakit sinasabi ng puso niya na wala siyang dapat ikabahala sa taong ito?            “Do you still love him?” kapagkuwa’y tanong nito.            Napa-angat siya ng ulo sa tanong nito.            “What?”            “I said, do you still love him?”            “I… I… don’t…”            “Kalimutan mo na ang lalaking ‘yun. Dave Marciano. I know him. He’s a total asshole. Ang akala niya’y lahat ng babae ay makukuha niya. Ako nang magsasabi sa’yo. Hindi ka minahal ng gagong ‘yun,” anito na may himig ng galit sa tinig nito. “Ginamit ka lang n’ya. Dahil sikat ka. Natural sisikat din siya,” prangkang dugtong nito.            “Alam ko na ‘yun.” Mahinang sagot niya. “ And I’m so stupid.”            “Hindi ka tanga. Nagmahal ka lang.”            She smiled. Hindi niya akalain na ang isang tulad nito ang makakausap niya ng seryoso. Sa unang tingin sa lalaking ito, mas mukha itong tipikal na Pa-easy easy sa buhay.                                                                          “Thanks ha,” aniya.            “Magpahinga ka na. Saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita. Delikado kung pababayaan kitang mag-drive mag-isa. Baka kung mapaano ka pa. Dalahin pa kita sa konsensiya ko.”            “Sa hotel ako tumutuloy ngayon,” sagot ni Lady.            “Wala ka bang bahay?” nagtatakang tanong ni Humphrey.            “Meron. Marami. Ayoko lang munang umuwi doon. Nakakainis na kasi, mansiyon nga. Pero parang ako lang ang nakatira,” sagot niya.            “Okay. Ikaw ang bahala.”            “Sa Skyland Intercontinental Hotel tayo.”            Hindi na ito sumagot, basta na lang siya nitong inalalayan palayo sa kotse niya.            “Wait, my car.”            “Leave it there. Balikan mo na lang bukas.”            Huminto sila sa tapat ng isang black Monterosports. Napa-angat ang kilay niya. Mukhang mayaman ang isang ito. Ano kayang trabaho nito?            Nang makasakay siya sa sasakyan nito ay siya naman ang nag-interview dito.            “You look familiar. Actually, kanina pa lang sa loob ng bar. Iniisip ko na kung saan tayo nagkita.”            “I’m a photographer.”            “You mean?”            “Hindi ako showbiz photographer. Fashion photographer ako. At nakatrabaho na kita noon sa Women’s Magazine, which I also owned.”            “Ah… okay. Kaya pala. Pasensiya ka na kung hindi na kita natandaan, sa dami kasi ng nakakasalamuha kong photographer. Mahirap na kayong tandaan isa-isa.”             “It’s okay.”            Nang paandarin na nito ang sasakyan ay hindi na ito muli pang nagsalita. Naging tahimik na ito sa buong durasyon ng biyahe. Samantalang siya na kanina pa hilo ang mundo. Hayun at unti-unti na rin hinihila ng antok. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na rin pala siya.              HINDI MAIWASAN ni Humphrey ang mapailing. Hindi niya akalain na ganito kalungkot ang buhay ng isang Lady Castillo. Hindi rin niya masisi kung magkaganito man ito. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa klase ng mundong pareho nilang ginagalawan. Kung siya ang tatanungin, hindi siya masyadong nagpapa-apekto kung plastic man ang mga tao sa paligid niya. Basta siya, siguradong totoo ang mga kaibigan niya at naroon ang mga ito ngayon sa pinakamamahal niyang lugar. Ang Tanangco Street.            Nilingon niya ang natutulog na dalaga sa ibabaw ng kama. Hanggang sa mga oras na iyon ay himbing na himbing pa rin ito. Simula ng umalis sila sa bar kaninang ala-una y medya ng madaling araw ay hindi pa rin ito nagigising. Sumulyap siya sa wrist watch niya. Mag-aalas sais na rin ng umaga. Kailangan na niyang umalis.            Tatayo pa lang siya nang biglang kumilos ang dalaga. Nag-inat ito at saka dahan-dahan dinilat ang mga mata.            “Good Morning,” seryosong bungad niya dito.            “Good—”            Naputol ang sasabihin nito saka biglang tumili ng malakas. Bumalikwas ito ng bangon saka tinakpan ng kumot ang buong katawan.            “Hey, will you please stop shouting?! Anak ng Pengkum naman oh! Baka may makarinig sa’yo isipin ng mga tao nire-r**e kita!” singhal niya dito.            “Sino ka ba?!” pasigaw nitong tanong.            “Lasing ka nga kagabi. Nilahad mo na’t lahat ang talambuhay mo sa akin kagabi. Tapos, itatanong mo kung sino ako?”            Bigla itong nanahimik at tila nag-isip.            “Oo nga pala,” wika nito saka inalis ang kumot sa katawan nito.            “Eh bakit ka nandito?” tanong ulit nito.            “Kasi nga, ayaw mong magpa-iwan. Umiiyak ka pa rin kahit na natutulog ka na. Hinawakan mo ang kamay ko at halos ayaw mong bitiwan.”            Kumunot ang noo nito. Mayamaya ay napakamot ito sa ulo.            “I’m sorry about this. Hindi ko na ma-control ang sarili ko kagabi. Hindi naman kasi ako sanay uminom eh. Talaga lang depressed ako.” hinging-paumahin nito.            “Okay lang ‘yun. Pero huwag ka nang mangangahas ng iinom ng walang kasama. Baka sa susunod na gawin mo ‘yun, maka-tiyempo ka na ng siraulo at kung anong gawin sa’yo.” Sermon pa niya dito.            “I’ll keep that in my mind. Thanks again.” Anito.            “Mauna na ako sa’yo. May basketball practice pa ako.” Sabi niya.            “Okay.” Usal nito.            Tumango na lang siya sabay talikod.            “Wait! Ano nga ulit ang pangalan mo?” tanong nito.            “Humphrey. Humphrey Lombredas.”            “Yeah, I remember. Nagkasama na tayo once sa photo shoot, right?”            “Women’s Magazine.”            “Oo nga. It’s nice to see you again kung gano’n,” anang dalaga.            Ngumiti lang siya sabay talikod. He felt sorry for the girl. Kagabi nang makita niya ito sa isang sulok ay pinagmasdan niya ito. Sa nakita niya ay mukhang anytime ay magwawala na ito. Kaya kahit alam niyang magiging presko siya sa paningin nito ay naglakas-loob siyang lapitan ito.            Noong una ay hindi niya ito nakilala dahil nakatungo ito at titig na titig sa shot glass nitong hawak. Nang tumingin ito sa kanya, saka lang niya nakilala ang dalaga. Alam niya ang lahat ng kinasasangkutan eskandalo ng babae. Naaawa siya dito. Alam niyang hindi biro ang pinagdadaanan nito. Isang patunay sa paghihirap nito ang lungkot na nabanaag sa mga mata nito. Kaya hindi na niya iniwan ito simula nang magkausap sila.            Maganda pa rin ito. Kung hindi tititigan ang mga mata nito. Hindi mahahalata dito ang malaking problemang kinasasangkutan nito. She has a lovely face. Ang singkit na mga mata nito. Ang natural na mapulang labi nito. Her nose. Her fair skin. Even her long black straight hair. Such a lovely face para pagdaanan ang ganoong klaseng pagsubok.            Nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ito ng malapitan nang buhatin niya ito. Mula sa kotse niya hanggang sa hotel room nito.            Nakalabas na siya sa hotel room ni Lady nang mag-ring ang cellphone niya.            “Pare, anong balita?” tanong niya. “Oo, pauwi na ako. Mahabang storya. Diyan ko na lang iku-kuwento. Bye!”            Napailing siya. Siguradong uulanin siya ng asar ng mga barkada niya. Si Jared ang tumawag. Tinanong nito kung bakit bigla siyang nawala sa bar. Kasama kasi niya ang mga ito kagabi bago niya makita si Lady.                       PILIT NIYANG hinalungkat ang isip niya sa mga nangyari kagabi. Hindi naman niya puwedeng isipin na pinagsamantalahan siya ng isang ‘yon. Dahil intact pa rin ang lahat ng damit na suot niya. Unti-unti ay nagbalik ang mga pangyayari kagabi. Natandaan niyang lahat ang mga pinagsasabi at pinaggagawa niya.            Wala na siyang malalapitan pa kaya’t doon siya sa bar nagpunta. Baka sakaling maging kakampi niya ang alak. Tama siya. Kinampihan siya nito. Pero pansamantala lang, hindi na ulit sila bati ng alak dahil sa hang over na nararamdaman niya ngayon. And she hates it.            Pasalamat na rin ng malaki si Lady dahil gumaan ang dibdib niya. Tila ba nabawasan ang bigat na dinadala niyang problema. Palibhasa kasi ay may nasabihan na siya. Mabuti na lang at may isang estrangherong may mabuting kalooban na nagtiyaga sa kanya kagabi at hindi siya sinamantala.            Naputol ang pag-iisip niya nang biglang bumukas ang pinto ng hotel room niya. Humahangos na pumasok doon ang mga magulang niya. At base sa mukha ng mga ito, halatang bad mood sila. Lalo na ang Daddy niya.            What is it this time? Ano na naman ba ang ginawa ko?            “Ano ba talagang nangyayari sa’yo, Lady? Ha! Saan kami nagkulang ng Mommy mo?” sigaw ng Daddy niya sa kanya.            Napangiwi at napapikit siya sa lakas ng boses nito.            “Bakit mo ba ako sinisigawan, Dad? Wala naman po akong ginagawa!” Depensa niya.            “Walang ginagawa? Eh ano ‘to?!” Anang Ama sabay bagsak ng isang diyaryo sa harap niya.            Ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang tinutukoy nito. Nasa front page ang isang kuha niya at ni Humphrey noong nasa parking lot sila ng bar at nakayakap siya sa lalaki habang nakatungo. Nakalagay pa roon ang mga salitang: “Lady Castillo, nagrerelbe na nga ba?”            “This can’t be!” aniya.            “Sino ang lalaking ‘yan, Lady?” malumay pa ring ang tinig na tanong ng Mommy niya. Pero halatang pinipigilan lang nitong maiyak.            “He’s a photographer. Nagmagandang loob siya kagabi sa akin na ihatid ako dito!” Sagot niya.            “Hindi mo kilala ang lalaking ‘yan, baka mamaya sinamantala ka nya’n,” anang Daddy niya.            “No. He might be a stranger, but I know he’s a good person.” Depensa niya kay Humphrey.            “May mga litrato pa sa loob ng diyaryo. Buksan mo.” Utos ng Ama.            Ganoon nga ang ginawa niya. May mga kuha rin sila noong pasakay siya ng kotse ng binata. Pati ang pagbuhat nito sa kanya nang nasa basement parking area sila ay may kuha rin. Kung ganoon, may mga photographers nga na sinusubaybayan siya. Binasa niya ang mga nakasulat tungkol sa kanya. Hanggang ngayon ay inuungkat pa rin ng mga ito ang mga naunang issue tungkol sa kanya. Ang tungkol sa break-up nila ni Dave Marciano. Ang tungkol sa pagbubuntis niya at nang makunan siya. Ngayon naman ay tungkol sa pag-inom niya na kagabi lang niya nagawa, at pati si Humphrey na tumulong lang sa kanya ay nadamay pa.           Halos malukot niya ang diyaryo sa higpit ng pagkakahawak niya. Hanggang kailan ba siya kukutyain ng mga taong ito? Lagi na lang ba ang pagkakamali niya ang papansinin ng mga ito at hindi ang mga kabutihan niyang nagawa?           “I have to leave for a while,” aniya. “Kailangan ko munang mawala sa mata ng taong walang ginawa kundi hilahin ako pababa. Para matahimik ang lahat, lalo na kayo.”           Para bang nanghihina na napaupo sa gilid ng kama ang Daddy niya.           “Anak, kung may problema ka. Sabihin mo sa amin ng Mommy mo,” anito.           “Inaamin ko na nagkamali ako nang mahalin ko si Dave. Binigay ko sa kanya ang buong puso ko. Pero para pag-piyestahan ako ng mga tao. I don’t understand. I’m not even a celebrity. I’m sorry for all this mess, Mom, Dad. I didn’t mean to drag your name in vain,” naiiyak nang maktol niya.           Ginagap ng Daddy niya ang kamay niya. “Huwag mo na lang pansinin ang mga taong ‘yan. Basta ikaw, kilala mo ang sarili mo. Basta ikaw, alam      mo na malinis ang konsensiya mo.”           “I think, Lady’s right Mario. Kailangan niyang umalis pansamantala,” sang-ayon naman ng Mommy niya.           “Ayoko sa America. Nagsasawa na ako doon.” Wika niya.           “Ikaw ang bahala kung saan mo nais na pumunta.” Sagot ng Daddy niya.           “I know a person who can help me.” Aniya.           “Kung sigurado ka sa taong sasamahan mo. Sige. Ikaw ang bahala. May tiwala pa rin naman kami ng Daddy mo sa’yo. Basta, kapag malamig na ang sitwasyon. Ipakilala mo sa amin ang taong sinasabi mo.” Anang Mommy niya.           “Thanks Dad, Mom.”           Lady breathes out. Kung mayroon man siyang kunsulasiyon sa lahat ng mga nangyayari sa kanya ngayon. Wala man madalas panahon ang mga magulang niya sa kanya. Kapag may ganitong problema naman ay hindi kailanman siya iniwanan ng mga ito.            Humphrey… Saan ba kita matatagpuan?                         

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
73.0K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
787.2K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
612.7K
bc

OSCAR

read
238.2K
bc

YOU'RE MINE

read
901.9K
bc

Stubborn Love

read
100.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook